Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 20

2

Edukasyon sa
Pagpapakatao
Unang Markahan – Modyul 4:
Gawain na Magpapanatili ng
Kalinisan ng Katawan
Edukasyon sa Pagpapakatao– Ikalawang Baitang
Alternative Delivery Mode
Unang Markahan – Modyul 4: Gawain na Magpapanatili ng Kalinisan ng Katawan
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung
ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan
ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito
ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito
upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga
tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban
sa modyulna ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga
ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul


Manunulat: AL JOHN U. FEBRERO
Patnugot: BENNEDICK T. VIOLA
MARIE ANN C. LIGSAY, PhD
Tagasuri: AUGUSTO A. MATEO
ROSALINDA S. IBARRA, PhD
Tagaguhit: JINKY H. MARTIN
IMLEDA B. SICAT
Tagalapat: AIZA G. DINGLE
Tagapamahala:

NICOLAS T. CAPULONG PhD, CESO V


LIBRADA M. RUBIO, PhD
MA. EDITHA R. CAPARAS, EdD
NESTOR P. NUESCA, EdD
LARRY B. ESPIRITU, PhD
RODOLFO A. DIZON, PhD
MERCEDITA D. SALDERO

Inilimbag sa Republika ng Pilipinas ng ______________________________

Kagawaran ng Edukasyon – Rehiyon III


Office Address:Matalino St. Government Center, Maimpis, City of San Fernando (P)
Telefax: (045) 598-8580 to 89
E-mail Address: region3@deped.gov.ph
2

Edukasyon sa
Pagpapakatao
Unang Markahan – Modyul 4:
Gawain na Magpapanatili ng
Kalinisan ng Katawan
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:
Malugod na pagtanggap sa asignaturang Edukasyon sa
Pagpapakatao 2 ng Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul
para sa araling Gawain na Magpapanatili ng Kalinisan ng
Katawan.
Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at
sinuri ng mga edukador mula sa pambuliko at pampribadong
institusyon upang gabayan ka, ang gurong tagapagdaloy upang
matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang itinakda
ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang
pansarili, panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.
Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-
aaral sa mapatnubay at malayang pagkatuto na mga gawain
ayon sa kanilang kakayahan, bilis at oras. Naglalayon din itong
matulungan ang mag-aaral upang makamit ang mga
kasanayang pang-21 siglo habang isinasaalang-alang ang
kanilang mga pangangailangan at kalagayan.
Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto,
makikita ninyo ang kahong ito sa pinakakatawan ng modyul:

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng mga paalala, panulong o
estratehiyang magagamit sa paggabay sa mag-
aaral.

Ang modyul na ito ay inihanda upang matukoy ng mag-


aaral ang mga gawain at kagamitan na magpapanatili ng
kalinisan ng katawan.

Inaasahan ang pagpapatnubay sa mga mag-aaral habang


isinasagawa ang aktibidad na ito. Ang mga sagot sa bawat
gawain ay matatagpuan sa likod ng modyul na ito.

ii
Para sa Mag-aaral:
Sa modyul na ito ay inaasahang matutulungan ang mga
mag-aaral na matukoy ang mga gawain na magpapanatili ng
kalinisan ng katawan at ang mga kagamitan na ginagamit sa
paglilinis ng katawan.
Ang modyul na ito ay magsisilbing gabay mo sa pansariling
pagkatuto. Gamitin ito bilang patnubay sa tulong ng mga
tuntunin. Upang maging wasto ang paggamit kailangang
malinaw sa iyo ang dapat gawin.

Ang modyul na ito ay magsisilbing gabay mo sa pansariling


pagkatuto. Gamitin ito bilang patnubay sa tulong ng mga
tuntunin. Upang maging wasto ang paggamit kailangang
malinaw sa iyo ang dapat gawin.
Malugod na pagtanggap sa Edukasyon sa Pagpapakato
2ng Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul ukol sa Gawain na
Magpapanatili ng Kalinisan ng Katawan.
Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong
pangangailangan. Layunin nitong matulungan ka sa iyong pag-
aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad din nitong
madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.
Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat
mong maunawaan.

Sa bahaging ito, malalaman mo


Alamin
ang mga dapat mong matutuhan
sa modyul.

iii
Sa pagsusulit na ito, makikita natin
Subukin
kung ano na ang kaalaman mo sa
aralin ng modyul. Kung nakuha mo
ang lahat ng tamang sagot (100%),
maaari mong laktawan ang
bahaging ito ng modyul.

Ito ay maikling pagsasanay o balik-


Balikan
aral upang matulungan kang
maiugnay ang kasalukuyang aralin
sa naunang leksyon.

Sa bahaging ito, ang bagong aralin


Tuklasin
ay ipakikilala sa iyo sa maraming
paraan tulad ng isang kuwento,
awitin, tula, pambukas na suliranin,
gawain o isang sitwasyon.

Sa seksyong ito, bibigyan ka ng


Suriin
maikling pagtalakay sa aralin.
Layunin nitong matulungan kang
maunawaan ang bagong konsepto
at mga kasanayan.

iv
Binubuo ito ng mga gawaing para
Pagyamanin
sa mapatnubay at malayang
pagsasanay upang mapagtibay
ang iyong pang-unawa at mga
kasanayan sa paksa. Maaari mong
iwasto ang mga sagot mo sa
pagsasanay gamit ang susi sa
pagwawasto sa huling bahagi ng
modyul.

Naglalaman ito ng mga


Isaisip
katanungan o pupunan ang
patlang ng pangungusap o talata
upang maproseso kung anong
natutuhan mo mula sa aralin.

Ito ay naglalaman ng gawaing


Isagawa
makatutulong sa iyo upang maisalin
ang bagong kaalaman o
kasanayan sa tunay na sitwasyon o
realidad ng buhay.

Ito ay gawain na naglalayong


Tayahin
matasa o masukat ang antas ng
pagkatuto sa pagkamit ng
natutuhang kompetensi.

Karagdagang Sa bahaging ito, may ibibigay sa


Gawain iyong panibagong gawain upang
pagyamanin ang iyong kaalaman o
kasanayan sa natutuhang aralin.

Susi sa Naglalaman ito ng mga tamang


Pagwawasto sagot sa lahat ng mga gawain sa
modyul.

v
Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:

Sanggunian Ito ang talaan ng lahat ng


pinagkuhanan sa paglikha o
paglinang ng modyul na ito.

Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng


modyul na ito:
1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan
ng anumang marka o sulat ang anumang bahagi ng
modyul. Gumamit ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga
pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba
pang gawaing napapaloob sa modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat
pagsasanay.
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa
ng mga gawain at sa pagwawasto ng mga kasagutan.
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba
pang pagsasanay.
6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy
kung tapos nang sagutin lahat ng pagsasanay.
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain
sa modyul na ito, huwag mag-aalinlangang konsultahin ang
inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka rin humingi ng tulong kay
nanay o tatay, o sa nakatatanda mong kapatid o sino man sa
iyong mga kasama sa bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging
itanim sa iyong isipang hindi ka nag-iisa.
Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito,
makararanas ka ng makahulugang pagkatuto at makakakuha ka
ng malalim na pang-unawa sa kaugnay na mga kompetensi.
Kaya mo ito!

vi
Alamin
Ang modyul na ito ay naghanda ng mga gawaing
makatutulong sa iyo upang maisakikilos ang mga paraan ng
pagpapanatili ng kalinisan, kalusugan at pag-iingat ng
katawan. (EsP2PKP-Id-11)
Pagkatapos ng modyul na ito ikaw ay inaasahan na:
1. Natutukoy ang mga tamang kagamitan sa paglilinis ng
katawan
2. Naiisa-isa ang ilan sa mga gawain na magpapanatili
ng kalinisan ng katawan
3. Nauunawaan ang kahalagahan ng mga gawain na
magpapanatili ng kalinisan ng katawan

Subukin
Panuto: Buuin o kumpletuhin ang bawat pahayag. Isulat ang
titik ng tamang sagot sa bawat patlang. Gawin ito sa
iyong kuwaderno o sagutang papel.

a. b. c. d.

1. Ang _________________ ay mapapanatili ang wastong haba ng


mga kuko upang maiwasan ang pagpasok at pananatili ng
dumi sa mga ito.
2. Ang _________________ ay makatutulong upang linisin ang labas
na bahagi ng tainga.
3. Ang _________________ ay makatutulong upang mapanatili ang
kalinisan ng ngipin at maiiwasan ang pagkabulok ng mga ito.

1
Aralin
Gawain na Magpapanatili
1 ng Kalinisan ng Katawan

Ang pagpapanatili ng kalinisan ng ating katawan ay bahagi


na ng ating pamumuhay. Araw-araw tayong naliligo, nagsisipilyo
ng mga ngipin, naglilinis ng mga tainga at pinananatili ang
wastong haba at linis ng ating mga kuko.

MGA GAWAIN NA MAGPAPANATILI NG KALINISAN NG KATAWAN


Sa pamamagitan ng iyong araw-araw na paliligo
mapapanatili ang kalinisan ng iyong katawan. Gayundin,
mailalayo ka nito sa iba’tibang uri ng mga sakit.
Ang pagsisipilyo pagkatapos kumain ay mabisang paraan
upang mapanatili ang malinis at matitibay mong mga ngipin.
Sa paggupit ng iyong mga kuko makaiiwas ka na
pamahayan ito ng mga mikrobyo mula sa mga bagay na iyong
hinahawakan.
Sa paglilinis ng iyong tainga maaaring gumamit ng malinis at
manipis na basang tela katulad ng tuwalya. Gamitin ito nang
dahan-dahan sa bukana ng tainga. Ingatang masaktan ang
loob ng iyong tainga. Gawin ito upang mapanatiling malinis at
mabango ang tainga, upang maging malinaw ang iyong
pandinig.

Iyong natutuhan ang ilan sa mga pamamaraan upang


mapanatili ang kalinisan ng iyong katawan. Sa pamamagitan ng
mga ito iyong mapapanatili ang iyong mabuting kalusugan.
Gayundin, ang mga kaalamang ito ay iyong magagamit para
sagutin ang susunod na gawain.

2
Balikan
Panuto: Ang mga susunod na pahayag ay nagsasaad ng
mabubuting epekto ng paliligo. Gumuhit ng linya mula
sa larawan patungo sa mga mabubuting epekto ng
paliligo. Gawin ito sa iyong kuwaderno o sagutang
papel.

a. Ikaw ay babango

b. Iigsi ang iyong buhok

c. Lalakas ang iyong buto

d. Iyong mararamdaman ang


lamig at kapreskuhan

e. Lalakas at titibay ang iyong


mga muscles

f. Ikaw ay magiging malinis at


malalayo sa sakit

g. Magiging malinis ang iyong


buong katawan

3
Mga Tala para sa Guro

Ang araw-araw na pagpapanatili ng kalinisan ng ating


katawan ay bahagi na ng ating pamumuhay. Narito ang
ilan sa mga paraan upang mapanatili ang kalinisan ng
katawan.

Ang pagsisipilyo pagkatapos kumain ay mabisang


paraan upang mapanatili ang malinis at matitibay mong
mga ngipin.
Sa paggupit ng iyong mga kuko makaiiwas ka na
pamahayan ito ng mga mikrobyo mula sa mga bagay na
iyong hinahawakan.
Sa paglilinis ng iyong tainga gawin ito upang
mapanatiling malinis, mabango at malinaw ang iyong
pandinig. Maaaring gumamit ng manipis, malinis at
basangtela upang linisin ang labas na bahagi nito,
Gamitinito nang dahan-dahan at ingatang masaktan ang
loob ng iyong tainga. Gawin ito upang mapanatiling
malinisang panlabas nitong bahagi. Kinakailangan ang
gabay ng nakatatanda.

4
Tuklasin
Mahalagang malaman ang mga hakbang na
magpapanatili ng kalinisan ng katawan upang ang ating
katawan ay maging malakas, masigla at malayo sa anumang
karamdaman.
May iba’t ibang paraan upang mapanatili ang kalinisan ng
katawan:

1. Paliligo araw-araw - mapapanatili nito ang kalinisan ng


iyong katawan. Gayundin, mailalayo ka nito sa iba’t-ibang
uri ng mga sakit.

2. Pagsisipilyo - tuwing pagkatapos kumain ay mapapanatili


ang malinis at matitibay mong mga ngipin.

3. Paggupit ng iyong mga kuko - makaiiwas ka na pamahayan


ito ng mga mikrobyo mula sa mga bagay na iyong
hinahawakan.

4. Paglilinis ng iyong tainga– mapapanatiling, malinis,


mabango at malinaw ang iyong pandinig.

Mga Kagamitan sa Paglilinis ng Katawan


Sabon – ginagamit sa paglilinis ng katawan.
Sipilyo – ginagamit sa paglilinis ng ngipin.
Suklay – ginagamit upang maayos ang gusot ng buhok.
Nail cutter – ginagamit sa paggupit ng mahahaba at maruruming
kuko.
Manipis, malinis at basang tela – ginagamit sa paglilinis
ngpanlabas na bahagi ng mga tainga.

5
Sa itaas ayibinigay ang mga pamamaraan at kagamitan na
makatutulong upang iyongmapanatili ang kalinisan ng iyong
katawan. Ang mga ito ay iyong magagamit upang masagutan
ang mga susunod pang gawain. Gayundin, makatutulong ito
upang ikaw ay makaiwas sa mga sakit na maaaring bunga ng
virus o bacteria lalo na sa panahon ngayon ng pandemyang
COVID-19.

Suriin
Panuto: Tukuyin ang bahagi ng katawan na malilinis ng bawat
kagamitan.Ilagay ang titik ng iyong sagot sa bawat
patlang. Sagutin ito sa iyong kuwaderno o sagutang
papel.

_____1. Sipilyo a.

_____2. Sabon b.

_____3. Manipis na tela o tuwalya c.

_____4. Nail cutter d.

_____5. Suklay e.

6
Pagyamanin
Panuto: Lagyan ng masayang mukha ang patlang bago
ang bilang kung tama ang pahayag at malungkot na
mukha kung mali ito. Sagutin ito sa iyong
kuwaderno o sagutang papel.

_____ 1. Ang bata na naliligo araw-araw ay laging nagkakasakit.


_____ 2. Ang sipilyo ay ginagamit upang maging malinis ang ating
mga ngipin.
_____ 3. Si Ben ay naggugupit ng kuko upang magkaroon ito
ngmikrobyo.
_______4. Ako ay gagamit ng sabon kapag naliligo upang
matanggal ang dumi sa aking katawan.

_____ 5. Si Jenny ay naglilinis ng tainga upang maging


malinawang kaniyang pandinig.

Isaisip
Ang _______________ ng mga gawain na
makapagpapanatili ng _____________ ng ________________
tulad ng paliligo, pagsisipilyo, paggupit ng mga kuko at
paglilinis ng mga tainga ay mailalayo ka sa mga mikrobyo
na maaaring maging dahilan ng pagkakaroon ng sakit.

7
Isagawa
Panuto: Lagyan ng tsek (/) ang patlang bago ang bilang
kung tama ang pahayag at ekis (x) kung mali ito.
Sagutin ito sa iyong kuwaderno o sagutang papel.
_____1. Maligo araw-araw.
_____2. Gumamit ng sabon sa paglilinis ng iyong katawan.
_____3. Gumamit ng sipilyo sa paglilinis ng iyong mga
ngipin.
_____4. Gunting ang gamitin sa paggupit ng iyong mga
kuko.
_____5. Ang malinis at basang tela ang tamang
kagamitan sa paglilinis ng mga tainga.

Tayahin
Panuto: Basahin at tukuyin ang tamang kagamitan sa
paglilinis ng katawan. Isulat ang titik ng tamang
sagot bago ang bilang.Gawin ito sa iyong
kuwaderno o sagutang papel.

__________1. Inaalis ang gusot ng buhok.


a. Sabon c. Sipilyo
b. Suklay d. Nail Cutter

__________2. Ginugupit ang mahahaba at maruruming kuko.


a. Sabon c. Sipilyo
b. Suklay d. Nail cutter

8
__________3. Tinatanggal ang nakasingit na pagkain sa pagitan
ng mga ngipin.
a. Sabon c. Sipilyo
b. Suklay d. Nail cutter

__________4. Ginagamit ito upang linisin nang dahan- dahan


ang bukana ng iyong tenga
a. Sabon c. Nail cutter
b. Suklay d. Manipis atbasing
tela

Karagdagang Gawain
Magbigay ng iba pang kagamitan na ginagamit upang
mapanatili ang kalinisan ng ating katawan at tukuyin kung saan
ito ginagamit. Gawin ito sa iyong kuwaderno o sagutang papel.

Kagamitan Bahagi ng Katawan na kayang


Linisin
1.

2.

3.

9
Susi sa Pagwawasto

10
Sanggunian
 Victoria Guia-Biglete, Maria Carla Mabulay-Caraan, Rolan
Baldonado Catapang, Isabel Monterozo-Gonzales.
2013. Kagamitan ng Mag-aaral. Basura mo, Itapon ng
Wasto!; Luntiang paligid mo, Tuwa ng puso ko!;
Kalinisan at kaayusan sa pamayanan, pananagutan
ko.pp. 186-210.
 Victoria Guia-Biglete, Maria Carla Mabulay-Caraan, Rolan
Baldonado Catapang, Isabel Monterozo-Gonzales.
2013. Patnubay ng guro. Basura mo, Itapon ng Wasto!;
Luntiang paligid mo, Tuwa ng puso ko!; Kalinisan at
kaayusan sa pamayanan, pananagutan ko. pp. 80-86.
Liezel Paras. 2017. Mga Kagamitan sa Paglilinis at
Pag-aayos ng Katawan. pp. 1-17.

11
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education - Bureau of Learning Resources (DepEd-BLR)

Ground Floor, Bonifacio Bldg., DepEd Complex


Meralco Avenue, Pasig City, Philippines 1600

Telefax: (632) 8634-1072; 8634-1054; 8631-4985

Email Address: blr.lrqad@deped.gov.ph * blr.lrpd@deped.gov.ph

You might also like