Professional Documents
Culture Documents
12 Pangngalan at Panghalip
12 Pangngalan at Panghalip
(Gramatika)
I. Layunin:
A. Nakagagamit nang wasto ang mga pangngapaln at panghalip sa pakikipag-usap
sa iba’t ibang sitwasyon.
B. Nakapagbibigay ng tamang pangungusap gamit ang pangngalan at panghalip
C. Nakasusulat ng mga pangungusap gamit ang pangngalan at panghalip
III. Pamaraan:
A. Paghahanda:
1. Panimulang Gawain: (Pinoy Henyo)
1. Tao – Artista - Babae - Maine Mendoza
2. Bagay - Nasa Paaralan – Pansulat – Lapis
3. Hayop – Nasa Lupa – Apat ang paa – Aso
4. Pook – Maraming Tao – Pasyalan – QCMC
(Circle)
5. Pangyayari – May mga Lobo – May mga Pagkain
– Kaarawan
2. Balik-aral: Pagbigay ng mga halimbawa ng Pangngalan at Panghalip
B. Pagtalakay sa Aralin:
1. Pangganyak:
Magpapakita ng larawan ng parke
2. Pag-unawa sa Lunsaran:
Ipapaskil sa pisara ang talata tungkol sa mga Pilipino.
C. Paglalagom:
Ang mga salitang pantawag sa tao, bagay, hayop, pook at pangyayari ay
tinatawag na Pangngalan. Samantala ang Panghalip ay panghalili sa pangngalan.
D. Ebalwasyon:
Sumulat ng limang (5) pangungusap na may pangngalan.
1. Si Pangulong Rodrigo Duterte ay may malasakit at pagmamahal sa ating
bansa.
2. Ang aking bag ay iingatan ko para tumagal hanggang matapos ang pasukan.
3. Ang isdang bangus ang aking paboritong ulam tuwing inihahain ito ni Inay sa
hapag-kainan.
4. Sa kahat ng mga pasyalan, ang gustong-gusto kong puntahan ay ang Luneta
Park.
5. Sa loob ng isang taon ang aking kaarawan ang paborito kong araw.
Sagutan ang mga tanong batay sa binasang teksto.
1. Sino-sino ang mga binanggit sa teksto? Mga Pilipino.
2. Saan matatagpuan ang mga produktong barong, bestida, etsc? Pilipinas.
3. Ano-ano ang mga produktong galing sa Laguna? Mga nililok na
kagamitan.
4. Ano-anong produkto ang gawa sa Pilipinas? Barong, bestida, etc.
5. Tatangkilikin ba natin ang produktong sariling atin? Ipaliwanag. Opo, para
lalong umunlad ang ating bansa.
IV. Takdang-Aralin:
Gumawa ng maikling talata gamit ang pangngalan at panghalip.
V. Tala:
VI. Pagninilay:
A. Aling estratehiya sa pagtutro ang aking naisakatuparan nang maayos? Bakit ito
naisakatuparan nang maayos?
C. Anu-anong mga suliranin o balakid ang aking naranasan na kung saan ang aking
punungguro at superbisor ay matutulungan ako sa paglutas ng mga ito?
Inihanda ni:
Arlene C. De Leon
Paaralang Elementarya
ng New Era