Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 6

Makrong Kasanayan sa Pagbasa

PAGBASA – ay isa sa apat na kasanayang pangwika na kasama ng pakikinig , pagsasalita


at pagsulat. Sa pamamagitan nito, nakikilala at nakukuha ang mga ideya at kaisipan sa
mga nakalimbag na simbolo. Ito ay proseso ng pag-unawa sa mga mensaheng nais
ibahagi ng may akda sa babasa ng knyang isinulat. Ang gawasing ito ay isang mental na
hakbangin tungo sa pagkilala, pagpapakahulugan at pagtataya sa mga isinulat ng may
akda.

Ayon kay William S. Gray “Ama ng Pagbasa” ito ay nagaganap sa apat na yugto:
1. Ang pagbasa sa akda
2. Ang pag-unawa sa binasa
3. Ang reaksiyon sa binasa
4. Ang pagsasama-sama at pag-uugnay ng mga bagong kaalaman sa binasa at ng
dating kaalaman
Ang pagbasa ay ginagawa sa iba’t ibang kadahilanan. May mga bumabasa upang
kumuha ng kaalaman at karunungan. Ito ay kailangan ng tao upang hindi siya maiwan
sa takbo ng panahon lalo na ngayon na maraming bagong kaalaman ang natutuklasan sa
pamamagitan ng panteknolohiya. Ang mga nangyayari ay nababatid din ng tao dahil sa
pagbabasa ng mga pahayagan,magasin at iba pa. ito ay nagiging daan upang maging
maalam at magkaroon siya ng kamulatan sa mga nangyayari sa lipunan na
kinabibilangan. Mainam din pamapalipas oras ang pagbabasa dahil bukod sa
maituturing itong pampalipas oras.

Dahil ang pagbasa ay hindi lamang gawaing pandama kundi higit sa lahat, isang gawaing
pangkaisipan, mayroon itong sinusunod na kronolohikal na hakbang.
Ito ay ang sumusunod:
1. Persepsyon o pagkilala sa mga nakalimbag na simbolo;
2. Pag-unawa sa kaisipang nakapaloob sa mga nakalimbag na simbolo;
3. Reaksyon o paghatol ng kawastuhan,kahusayan,at hala ng tekstong binasa; at
4. Asimilasyon at integrasyon ng binasang teksto sa mga karanasan ng mambabasa.

Mga uri ng pagbasa ayon sa layunin


1. Ang skimming o pinaraanang pagbasa ang pinakamabilis na pagbasa na
nakakaya ng isang tao. Ito ay nangangahulugan din ng pagtingin sa isang teksto o
kabanata nang mabilisan para magkaroon ng pangkalahatang ideya sa nilalaman
ng materyal at kasanayan sa pagkilala ng salita upang maunawaan ang isang
teksto. Ginagamit ito sa:
a. Pagpili ng aklat o magasin;
b. Pagtingin ng mga kabanata ng aklat bago basahin ng tuluyan;
c. Paghahanap ng tamang artikulo sa pananaliksik; at
d. Pagkuha sa pangkalahatang impresyon sa nilalaman.
2. Ang scanning anaman ay tumutukoy sa paghahanap ng isang tiyak na
impormasyon sa isang pahina. Sa uring ito ng pagbasa hindi na hinahahangad na
makuha ang kaisipan ng sumulat dahil ang mahalaga rito ay makita ang
hinahanap sa madali at mabilis na paraan.
Halimbawa:
Kung may hinahanap kang partikular na pangalan sa isang direktoryo, titingnan mo
nang mabilisan ang pahina na kailangan mo para makita agad ang partikular na
pangalan at numero ng telepono.

Limang antas ng pagbasa


Ang pagbasa ay isang kasanayang pangwika. Ito’y kinapapalooban ng mga kasanayan
tungo sa pagkaunawa ng binasa. Ang pagpapabasa ng guro sa mga mag-aaral ng mga
aklat, magasin at pahayagan at iba’t ibang akdang pampanitikan ay may layuning hindi
lamang malinang ang kakayahan ng mga mag-aaral sa pagbasa nais din nitong magbigay
ng kaalaman kaugnay sa pagmamahal sa Diyos at sa bayan.

Limang dimensyon sa pagbasa na makakatulong sa paglinang ng mga nabanggit na


layunin.
1. Pag-unawang literal
 Pagpuna sa mga detalye
 Pagpuna sa wastong pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari
 Pagsunod sa panuto
 Pagbubuod o paglalagom sa binasa
 Paggawa ng balangkas
 Pagkuha ng pangunahing kaisipan
 Paghahanap ng katugunan sa tiyak na katanungan
 Pagbibigay ng katotohanan (facts) upang mapatunayan angb isang
nalalaman na
 Paghahanap ng katibayan para sa o laban sa isang pansamantalang
kongklusyon
 Pagkilala sa mga tauhan

2. Pagbibigay ng Interpretasyon
 Pag-unawang ganap sa mga kaisipan ng may-akda na kalakip ang mga
karagdagang kahulugan, implikasyon at pagkilala sa tunay na
hangarin at layunin ng may-akda.
 Pagdama sa katangian ng tauhan
 Pag-unawa sa mga tayutay at patalinghagang kahulugan
 Pahinuha ng mga katuturan o kahulugan
 Pagbibigay ng kuro-kuro o opinion
 Paghula sa kalabasan

3. Mapanuri o kritikal na pagbasa


 Pagkilatis sa kahalagahan ng mga kaisipan at ng kabisaan ng
paglalahad. Tinatawag itong mapanuring pagbabasa.
 Pagbibigay ng reaksyon
 Pag-iisip na masaklaw at malawak
 Pagbibigay ng pagkakaiba at pagkakatulad
 Pagdama sa pananw ng may-akda
 Pag-unawa sa mga impresyon o kakintalang nadarama
 Pagkilala sa pagkakaroon o kawalan ng kaisipsn ng diwa ng mga
pangungusap
 Pagkilala sa pagkakaugnay-ugnay ng mga pangungusap sa isang
talataan
 Pagtatalakayan tungkol sa mabubuting katangian ng kwento
 Pagpapasya tungkol sa kabisaan ng paglalahad
4. Paglalapat o Aplikasyon
 Pagbibigay ng opinion at reaksyon
 Pag-uugnay ng binasang kaisipan sa kanyang sariling karanasan at sa
tunay na pangyayari sa buhay
 Pagpapayaman ng talakayan tungkol sa paglalahad ng mga kaugnay na
karanasan
 Pag-alaala sa mga kaugnay na impormasyon
 Pagpapaliwanag sa nilalaman o kaisipang binasa batay asa sariling
karanasan
5. Pagpapahalaga
 Pagbabago ng panimula ng kwento o lathalain
 Pagbabago sa wakas ng kwento
 Pagbabago sa pamagat ng kwento
 Pagbabago sa mga katangian ng mga tauhan
 Pagbabago sa mga pangyayari sa kwento
 Paglikha ng sariling kwento batay sa binasa
 Pagsasadula ng akdang binasa
 Pagbigkas ng tulang binasa
Pagkuha ng Kahulugan ng mga Salita

Pagpapahiwatig
Ito ay isang paraan sa pagkuha ng kahulugan ng mga salitang hindi pa kilala.
Upang madaling maintindihan ang binabasa, kailangang maunawaan ang kahulugan ng
mga salita.
Halimbawa:
Ang mag-aaral ay kumuha ng pluma upang itala sa kwarderno ang panayam ng guro.
(Di madalas gamitin ang pluma kaya di-kilala, at sa tulong ng pahiwatig ng salitang itala,
kwarderno at mag-aaral ay mahihiwatigang ang pluma ay panulat na ballpen.)

Kasingkahulugan/Kasalungat
Isang paraan din ang pagtuklas ng kahulugan o kasingkahulugan ng salita
gayundin ang kasalungat o kabaligtarang kahulugan ng salita.
Halimbawa:
Talagang napakalusog ng batang iyan, malaki ang kanyang pangangatawan kaysa sa
mga kaedad na bata. (Mataba ay kasingkahulugan ng napakalusog.)

Mga Denotasyon at Konotasyon


Denotasyon – ay kahulugan na makukuha sa mga talatinigan o diksyunaryo.
Ay tumutukoy sa literal na kahulugan.
Halimbawa: Ayaw ko ng isdang bangus kasi matinik ito.
Konotasyon – ay makukuha ang kahulugan batay sa pagpapahiwatig ng isang salita o
parilala at iba pa. Ito rin ay pagbibigay ng iba pang kahulugan maliban sa tunay na
kahulugan nito.
Halimbawa: Mahusay si Ana sa Matematiks, matinik talaga siya.
Tayutay
ay isang paraan ng pagpapahayag ng pampanitikang salita o pangungusap na may
hugis o lumilihis sa patalinghaga.

Tayutay na madalas gamitin sa pahayag;


1. Pagbibigay-katauhan o personifikasyon – Inaaring tao ang mga bagay na walang
buhay sa pamamagitan ng pagkakapit sa mga ito ng mga gawi o kilos ng tao.
Ginagamit ditto ang pandiwa para mapakilos ang mga bagay tulad ng tao.
Halimbawa: Lumuha ang langit nang mamatay ang maraming biktima ng tsunami.
Kay bilis tumakbo ng oras.
2. Pagtutulad (simile) – may dalawang magkaibang bagay na pinaghahambing na
ginagamit ang mga salita o pariralang tulad o katulad ng, para o kapara ng, animo
ay, anaki ay, wangis o kawangis ng, parang at iba pang katulad nito.
Halimbawa: Parang loro ang kanyang mga mata
Ang luha niya sa mata ay kawangis ng perlas sa dagat.
3. Pagwawangis o metapora – ito ay tuwirang paghahambing dahil hindi na
gumagamit ng salita o parilaralang ginagamit sa pagtutulad.
Halimbawa: Hugis kandila ang daliri ni Rosa.
Bukas na aklat ang buhay ng mga artista at mga pulitiko.
4. Pagmamalabis o Iperboli – wala na sa katotohanan o eksaheradoang mga
pahayag kaya tinatawag din itong eksaherasyon.
Halimbawa: Bumaha ng pagkain sa Gen. Trias, Cavite nang dumating si Trias.
Bumaha ng dugo ng sumiklab ang digmaan sa Iraq.
5. Pagtawag o apostrope – Kinakausap na parang tao ang mga bagay o isang tao na
parang naroroon at kaharap gayong wala naman.
Halimbawa: Pag-ibig, talagang bulag ka nga.
Kamataya’y nahan ang dating bangis mo ang di na damdamin ang hirap na ito.
6. Pagsalungat o pagtatambis o oksimoron – Pahayag na gumagamit ng salitang
magkasalungat ang kahulugan.
Halimbawa: Ito ang puno at dulo ng suliranin.
Kung babayaan mong ako ay mabuhay yaong kamatayan dagli kong
kakamtam. Datapwat pag ako’y minsanang pinatay ang buhay kong ingat lalong
matatagal. Palaisipan/karunungangbayan
7. Paglulumanay o eupemismo – gumagamit ng mga salitang magpapabawas sa
tindi ng kahulugan ng orihinal na salita.
Halimbawa: Ang kanyang ama ay namayapa na
8. Pag -uyam o ironya – isang paraan ito ng pangungutya pero kapuri-puri ang
literal na pakahulugan. Ang pagpapahayag ay pumupuri ngunit sa katotohanan,
ito’y pangungutya sa taong pinupuri.
Halimbawa: Napakaganda ng iyong damit, lalo na’t ako ang magsusuot.
9. Pagpapalit-tawag o metonomiya – ayon kay Sebastian, ang panlaping “meto” ay
may kahulugang pagpapalit o paghahalili kaya nagpapalit ito ng katawagan sa
bagay na tinutukoy.
Halimbawa: Si John ang Adonis ng aming bayan. (Adonis ay kumakatawan sa
pinakamagandang lalakiv sa nayon.
10. Paglilipat-wika (transferred epithet) – ang paggamit ng pang-uri na para sa tao
lamang ay ginagamit sa karaniwang bagay.
Halimbawa: Ang ulilang bahay ay muling tinirhan.
11. Pagpapalit-silaw o sinekdoke – binabanggit dito ang bahagi na tumutukoy sa
kabuuan o kaya’y ang kabuuan sa halip na bahagi lamang.
Halimbawa: Huwag na huwag kang makapanhik ng aming hagdan .

Idyomatikong Pagpapahayag
Ang mga idyoma ay kilala na idyomatikong pagpapahayag o sawikain. Ito’y mga di-
tuwirang pagpapahayag kaya sinasabing may patalinghagang kahulugan. Ito rin ay
malayo sa literal o denotatibong kahulugan ng salita kaya, may konotatibong kahulugan
din ito.
Narito ang ilang halimbawa;
 Likaw na bituka – pag-uugaling hindi alam ng iba o ipamalita ang isang
lihim.
 Ibulong nang malakas – ipagsabi ang lihim
 Nagbebenta ng asin – pipuri ang sarili
Pagkuha ng Pangunahin at Pantulong na Ideya
Ang pagkuha ng pangunahin at pantulong na ideyang ay isang kasanayan na
kailangang malinang sa mga mambabasa. Dito nasusukat ang kakayahan sap ag-unawa
sa isang teksto. Sa pagbasa ng isang teksto, artikulo o komposisyon ay lagi nating
kinikilala at kinukuha kung ano ang pangunahin at mga pantulong na ideya sa isang
talata.
Apat na katangian ng isang talata na kailangang suriin para malaman ang pangunahing
ideya.
1. Ang talata ay may pamaksang pangungusap na nagpapahag ng pangunahing
ideya o kaisipan.
2. Lahat ng mga pangungusap sa isang talata ay tungkol sa isang paksa.
3. Ang unang linya o pangungusap sa isang talata ay dapat ipasok.
4. Matatagpuan sa huling pangungusap ang lohikal na kongklusyon.
Pagbuo ng mga Tanong
Ang pagbuo ng mga tanong tungkol sa binasang teksto ay isang paraan o istratehiya
na ginagamit para maunawaan ang nilalaman ng teksto. Isang paraan ng pagbuo ng mga
tanong ang paggamit ng limang antas ng pagbasa na maaring maging gabay sap ag-
unawa ng teksto.
Limang antas ng pagbasa
1. Pag-unawang litera
Halimbawa: Sino ang pangunahing tauhan?
Ano ang kanyang problema?
Saan ang tagpuan ng kwento/nobela?
2. Pagbibigay ng interpretasyon
Halimbawa: Ano ang sanhi at bunga ng mga pangyayari?
Bakit napariwara ang buhay ng tauhan?
Ipaliwanag ang kahulugan ng pamagat ng kwento.
3. Mapanuri o Kritikal na Pagbasa
Halimbawa: Paano nilutas ng pangunahing tauhan ang kanyang problema?
Ihambing ang kaugalian ng mga kabataang Pilipino noon sa
kasalukuyang pag-uugali ng mga kabataang Pilipino ngayon.
Ano ang kaisipang nakuha mo sa binasayng teksto?
4. Paglalapat o Aplikasyon
Halimbawa: Kung ikaw ang nasa katayuan ng pangunahing tauhan, ano ang gagawin
mo para malutas ang iyong problema?
Magbigay ng reaksyon sa ginawang desisyon ng pangunahing tauhan
kung makatwiran o hindi ang kanyang ginawa.
5. Pagpapahalaga
Halimbawa: Kung ikaw ang susulat ng kwento , paano mo wawakasan ang
kwento?
Gumawa ng isang iskrip sa sa kawentong binasa at itangahal ito sa klase.

Story grammar ang paraang pabalangkas


Halimbawa: Ano ang tagpuan ng kwento ?
Ilahad ang tema o paksa ng kwento?
Ano ang unang pangyayari sa kwento ? ikalawa? Ikatlo? Ikaapat na
pangyayari?

Pagbuo ng Buod o Abstrak


Ang pagbubuod ay pinaikling katha o akda. Sa paggawa nito, inaayos ang
pagkakasunod sunod ng mga pangyayari mula sa simula hanggang wakas.
Gabay sa paggawa ng Buod o Abstrak
 Basahing Mabuti ang orihinal na teksto o akda
 Kunin ang pangunahing ideya ng ginagamit sa teksto.
 Piliin ang mga pantulong na ideya na ginagamit sa teksto.
 Itala ang mga mahahalagang salita na kailangang panitihin sa paggawa ng buod.
 Huwag nang isama ang mga impormasyon na hindi gaanong mahalaga.
 Ayusin ang pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari o ng mga datos.
 Mahalaga na panatilihin sa buod ang pinakadiwa ng tekstong binasa.
GROUP 3
Members:
Jake Rosal
Japheth Banquil
Eljane Andayop
Edward Magdao
James Espra
Namuel Gualderama
Arvin Ocang

You might also like