Professional Documents
Culture Documents
Whuush!
Whuush!
ni Glenda Oris
1 “Narito na ako!” sigaw ni Ling-ling. Bumulusok ang batang hangin mula sa kalangitan.
Umingit ang mga sanga ng punong matitikas. Kumapit nang mahigpit ang mga dahon sa
sanga.
2 “Iyan lang ba ang kaya mo? Wala ka palang sinabi sa galing ko!” ismid ni Paros.
Pakaliwa’t pakanan, sinalpok niya ang mga puno. Pinangatog niya ang kawayan. Winasak ni
Paros ang mga sapot ng gagamba at tinabig ang mga pugad.
3 Sumimangot si Ling-ling. “Lagi ka na lang nananalo, Paros. Ano ba ang sikreto mo?”
“Aba! Laking-lungsod yata ito. Araw-araw akong nakikipaghabulan sa matutuling bus.
Nakikipagkarera ako sa mga tren. Sinisipa ko ang mga kawad ng kuryente at hinahampas ang
mga poste!”
4 “Gusto ko ring maging mabilis at malakas na hangin tulad mo. Sana pwede akong
sumama sa iyo sa lungsod.” Pero alam ni Ling-ling na di siya papayagan ng kanyang ina.
6 “Pero…baka naman….” “Sumama ka na. Papaano ka lalakas dito kung laging halaman,
lupa, at hayop lamang ang mga kalaban mo?” pang-inis ni Paros
7 “Oo nga ano… kaya lang….” “Hindi ka ba nababagot dito? Kung sasama ka, makikita
mo ang malalapad na lansangan na dumaraan sa ilalim ng lupa. Mawiwili ka sa makukulay na
ilaw sa mga pamilihan.” “O, sige, sige sasama na ako!”
8 Sinalubong sina Ling-ling at Paros ng mga tunog sa lungsod. “Ha? Ano’ng sinabi mo?
Hindi kita narinig,” hiyaw ni Ling-ling kay Paros. “Ang sabi ko, talasan mo ang mga mata mo.
Makapal ang usok dito.”
10 “Nakikita mo ba ang mga bintanang yari sa salamin? ‘Yan ang ating lilingkisin. Mabilis
tayong daraan pero maingat pa rin,” paalala ni Paros. “Isa-dalawa-tatlo!” Nadulas ang mga
langgam na naglalakad sa salamin. Nagulat ang mga mayang nagpapahinga sa pasimano.
11 Tinitigan ni Ling-ling ang kawan ng mayang nagmamadaling lumayo. Naalala niya sina
kalaw, kuwago, at agila. Masayang-masaya si Ling-ling kapag naglalaro sila sa kagubatan.
12 “Halika na, makipagkarera na tayo sa mga tren. Iyon ang paborito ko,” wika ni Paros.
13 Naalala ni Ling-ling ang mga daga at labuyo sa Makiling. Matutulin din silang tumakbo.
Tila tren din na umuusad ang maliliksing tuko.
14 “Ano ang problema? Pagod ka na ba?” tanong ni Paros nang hindi pa kumikilos si Ling-
ling. “Ah, e, hindi naman. Hindi pa lang ako sanay sa usok at tunog ng lungsod.”
18 “Oy, kayong mga bata, umuwi na kayo. Kanina pa malakas at malamig ang hangin.
Baka umulan nang malakas.” Paalala ng guwardiya sa palaruan.
19 “Ulan? Ulan! ULAN! Tama, ulan nga! Kaya pala pinagbabawalan ako ng matatanda!”
bulalas ni Ling-ling na tila may naalala at biglang natuklasan. Agad niyang hinanap si Paros.
20 “Paros, sabi ng mga taga-Makiling, matagal na nilang hinihintay ang pagdating ng ulan
ngayong taon. Ulang nagbibigay ng tubig sa mga daluyan sa bundok. Sabi nila, hangin ang
nagdadala ng ulan.”
21 “O tapos…. Ano ngayon sa iyo kung ganoon?” tanong ni Paros. “Paros, hindi
mabubuhay ang mga taga-Makiling kung walang tubig. Kailangan nang umulan sa amin, at ako
ang hangin na hinihintay nila. Ako ang magdadala ng ulan. Kaya pala hindi ako pinapayagang
umalis sa kabundukan.”
22 “Kailangan ka na ngang bumalik sa Makiling,” wika ni Paros. “Kung bibilisan mo ang
pag-uwi, hindi nila malalaman na nawala ka nang maghapon,” biro pa ng kaibigan.
23 Nagpasalamat si Ling-ling kay Paros. “Sabi ni Ina, hindi lamang sa bilis at lakas
nasusukat ang kapangyarihan. Alam kong masaya ka rito sa lungsod, pero masaya rin ako sa
Makiling. Marami akong kaibigan doon. Kailangan nila ako.”
25 Kumalat ang amoy ng iginigisang bawang at sibuyas. Kay sarap ng amoy ng kanin na
nag-iinin at ipinipritong isda.
27 Sumipol siya nang marahan hanggang malatagan ng hamog ang buong kabundukan.