Filipino Handout Group 2

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 7

Abasa, Jhon Cristopher

Abdulajid, Muhrez

Delos Santos, Francheska Nicole C.

Fernandez, Icel

Gabuni, Alexcys Aicylaine

Guerrero, Aubrey Marie

Jumaani, Shaina A.

Molina, Christine Joy

Muddasir, Zaynab

Mustapha, Darina Shumei

Sapii, Vince Jamsid S.

BSN 1B

ANG WIKA SA LIPUNAN

I. UGNAYAN NG WIKA AT LIPUNAN

 Ang wika ay isang paraan ng paghahatid ng ideya, opinion o pananaw na


maaring gawin na pasulat o pasalita.
 Ang wika ay nangangahulugan bilang isang sistema ng simbolo. *
 Ang mga elemento nito ay ang sumusunod:
a.) Ponolohiya - ay ang pag-aaral sa espesipikong tinig at mga
kombinasyon nito na bumubuo sa mga salita ng isang wika.
b.) Morpolohiya - ay ang sangay ng linggwistika na nag-aaral ng
morpema (morpheme) o ang pinakamaliit na yunit ng tunog na may
kahuluguhan.
c.) Sintaktika - ay ang pag aaral ng istruktura ng mga pangungusap.
d.) Semantika/pragmatika - ay ang pag-aaral hinggil sa kahulugan o
ibig sabihin ng salita, kataga, o wika.
e.) Gramatika - ay pinangangalagaan ang kawastuhan para maging
malinaw ang pagpapahayag.
Ang mga elementong ito ay ang bunga ng napagkasunduang paggamit ng
lipunan sa isang wika.
 Ang isang lipunan ay anumang grupo ng mga tao na magkakasama para sa
isang tiyak na layunin o mga layunin ; Wardahaugh (2006)
 Ang iba’t ibang uri ng lipunan ay nagbibigay ng direktang impluwensya sa
wika o bise bersa.
 Ang wika ay kung ano ang sinasalita ng isang partikular na lipunan.
 Ang pagkakaroon ng isang wika ay nagsisilbing simbolo ng pagkakaisa na
nagbibigkis sa mga tagapagsalita ng nasabing wika. (Sapir)
 Ang wika ay isang produktong sosyal ng kakayahang magsalita at isang
koleksyon ng mahahalagang kombensiyon na binuo at ginamit ng isang
grupo para magamit ng mga indibidwal. ( Sausure )
 Ang wika kung gayon ay isang panlipunang pangyayari.
 Dahil sa anumang pahayag, pagkilos o salita ng isang indibidwal ay nagiging
makabuluhan lamang kung ito ay nakakonteksto sa loob ng lipunan at
ibinabahagi sa iba pang indibidwal o grupo. (Constantino)
 Malaki ang ugnayan ng wika at lipunan dahil sa kapwa nila
naiimpluwensiyahan at nahuhubog ang isa’t isa.
 Nahahati ang lipunan ayon sa antas ng pamumuhay, lahi, kasarian, edad,
hanapbuhay, interes at iba pang panlipunang sukatan. Ang mga tao rin sa
loob ng lipunan ay nagpapangkat-pangkat batay sa mga salik na nabanggit.
 Sa patuloy na pakikipag-usap o interaksyon ng mga grupo ng taong ito sa
iba pang mga grupo o komunidad, nagkakaroon ng mga katangian ang salita
nila na naiiba sa mga miyembro ng ibang grupo. Nagbubunsod ito ng
pagkakaroon ng iba’t ibang komunidad ng tagapagsalita o speech
community.

 Halimbawa:

o 1.) Ang lipunan ng mga bayot/bakla ay may sariling wika na kung


tatawagin pa ay ang wikang bekimon na sila-sila lamang ang
nakakaunawa.

o 2.) Ang lipunan ng mga doktor ay gumagamit din ng sariling wika na


sila lang ang nakakaintindi dahil sa teknikal nitong kahulugan o anyo.

II. SOSYOLINGGWISTIKA

 Pag-aaral ito ng wika sa mga konteksto ng lipunan nito at ang pagaaral ng


buhay panlipunan sa pamamagitan ng linggwistika (Coupland at Kaworksi,
1997)
 Pagtatagpo ito ng wika at Impluwensya ng lipunan sa isang tao.
 Ang lipunan na ginagamitan ng isang wika ay lumilikha ng epekto sa huli.
 Ang sosyolinggwistika ay tungkol sa pagsisiyasat ng mga relasyon sa pagitan
ng wika at lipunan na may layuning sa pagunawa sa istraktura ng wika at
kung paano gumagana ang mga wika sa komunikasyon. (Wardhaugh, 2006)
 Higit ang emphasis rito sa wika bilang may direktang relasyon sa lipunan.
 Ito ay tinatawag rin na mikro-sosyolinggistika.
 Ang sosyolinggwistika ay malawak na larang, at maari itong magamit upang
ilarawan ang maraming iba't-ibang paraan ng wika.
 Sa bansang Pilipinas, bahagi ng usapin din ng sosyolinggwistika ang
pagkakaroon natin ng pambansang wika at mga opisyal na wika— ang
wikang Filipino at Ingles.
 Baryasyon ng wika ang tawag sa pagkakaiba-iba sa paraan na hinagamit nila
ang kanilang mga wika.
 Ang mga baryasyong ito ay ipinakita ng mga pagkakaiba sa wika sa mga
tuntunin ng tunog (ponetiko) at istraktura (grammar).
 May mga bahagyang pagkakaiba lamang sa pagitan ng mga anyo ng isang
wika, gaya sa paraan ng pagbigkas. - halimbawa; ang pagbigkas ng mga
Mindanawon sa /e/ ay /i/ kaya ang [pera] at nagiging [pira].
 Minsan ay mayroon ding pagkakaiba sa pagitan ng pagsasalita ng mga
kalalakihan at kababaihan, iba't ibang mga klase sa lipunan, at mga
pagkakaiba sa pagitan ng mga edad.
 Samaktwid, Ang sosyolinggwistika ay nakatuom sa pagkakaiba-iba ng wika
na mula sa lipunan at ang baryasyon at pagkakaibang ito ay bunga ng mga
panlabas na faktor o dahilan gaya ng heyograpikal o grupong sosyal.
 Santos, et al. (2012) ang heyograpikal at sosyal bilang pangunahing ugat sa
pagkakaiba ng wika. * Heyograpikal na pagkakaiba ng wika ang magaganap
dahil sa lugar o lokasyon ng tagagamit nito. Ito ang dahilan ng pagkakaroon
ng diyalekto o wikang subordineyt sa katulad ding wika kaya tangi lamang
ito sa isang tiyak na lugar o rehiyon.
Halimbawa:
o Ang Cebuano ay magkakaroon ng ibang paraan ng paggamit sa mga
lugar ng Iligan kaya naging Cebuano-Iligan, Cagayan de Oro kaya
naging Cebuano-Cagayan de Oro, Surigao kaya may Cebuano-
Surigaonon.
 Sosyal naman na salik ng baryasyon ng wika ang tawag dahil sa posisyong
sosyal o panlipunan ng bawat grupo. Ang konteksto ng pagkakaiba ng gamit
ng wika dulot ng sosyal na paktor ay tinatawag namang sosyolek.
Halimbawa:
o Ang lipunan ng mga babae ay mapapansing may sariling paraan ng
pagpapahayag na kaiba rin sa mga lalaki.
 Samakatwid ito ay wikang ginagamit ng bawat particular na grupo ng tao sa
lipunan.
 Maaaring ang grupo ay nagkakaiba ayon sa edad, seks, uri ng trabaho,
istatus sa buhay, uri ng edukasyon, at iba pa.

III. REHISTRO NG WIKA

 Kilala rin ito sa tawag na Jargon. -Set ng mga salita o ekspresyon na


nauunawaan ng mga grupong gumagamit nito na maaaring hindi
nauunawaan ng mga taong hindi kasali sa grupo o familyar sa profesyon, uri
ng trabaho o organisasyong kinabibilalangan (Santos, Hufana, at Magracia,
2008).
 Nagkakaroon ng pagbabago ng wika sa taong nagsasalita o gumagamit ng
wika ayon sa :
a) Tono ng kausap/takapakinig (Tenor of discourse) - Naayon ang wika sa
sino ang nag-uusap
b) Paksa ng pinag-uusapan (Field of discourse) - Batay sa larangan na
tinatalakay
c) Paraan o paano nag-uusap ( Mode of discourse) - Uri ng piniling paraan
ng pag-uusap

Halimbawa:
o Ang mga guro ay may mga salita na grupo lamang nila ang
nakauunawa at gumagawa/gumagamit tulsd ng lesson plan
o Ang mga abogado naman ay may mga termino na sila lamang ang
nakakaunawa gaya ng salitang order (sa parirala na order of the court)
na nangangahulugang kaayusan.
IV. ARGOT

 Ang argot ay ang sikretong wika na ginagamit ng mga grupong


kinabibilangan ngunit hindi limitado,ng mga magnanakaw at iba oang
kriminal.
 Ito ay may katangiang misteryoso at mapaglaro,mayaman din ito sa
bokanularyo na maaring tumukoy sa droga, krimen,sekswalidad,awtoridad at
iba pa (Verlan, 2015).
 Argot ay isang dalubhasang bokabularyo o hanay ng mga idiom na ginagamit
ng isang partikular na klase o grupo ng mga panlipunan, lalo na ang isang
gumaganap sa labas ng batas.
 Tinatawag din cant at cryptolect .
 Sinabi ng nobelong Pranses na si Victor Hugo na "ang argot ay napapailalim
sa panghabang-buhay na pagbabagong-isang lihim at mabilis na gawain na
patuloy na nagaganap.
 Gumagawa ito ng higit na pag-unlad sa sampung taon kaysa sa regular na
wika sa sampung siglo" ( Les Misérables , 1862).
 Ang layunin ng Argot ay maiwasang maibatid o maunawaan ng mga taong
hindi kabilabg sa grupo ang kombersasyon sa loon ng samahan.
 Naiiba ito sa balbal sapagkat ang balbal ay may kahulugang hindi naman
sikreto sa iba,ito ay kilala at ginagamit ng publiko at higit itong mas
kagalang-galang kaysa sa Argot.
 Samantalang ang argot naman ay masasabing isang espesyal na
bokabukaryo o hanay ng mga idyoma na kadalasang ginagamit ng partikular
na mga grupong panlipunan na tumataliwas sa mga utos ng batas at ng
gobyerno.

Halimbawa:

o Sigue Sigue Commando - mga grupo sa bilibid


o Budol-budol gang - mga grupo ng taong nambibiktima at
nangunguha ng pera sa panloloko.

V. SOSYOLOHIYA NG WIKA

 Mula sa larangan ng sosyalinggwistika kaya tinatawag na makrososyolinggwistika.


 Nakatuon din sa ugnayan ng wika at lipunan.
 Ang sosyolohiya ng wika ay sumusuri sa interaksyon sa pagitan ng paggamit ng wika at ang
kaakibat na pag uugali ng wika ng tao.
 Sa madaling salita, and sosyolohiya ng wika ay tungkol sa panlipunang samahan ng pag uugali ng
wika (social organization of language behavior), kung saan kabilang hindi lamang paggamit ng
wika ngunit pati na rin ang saloobin sa wika at ang pag- uugali ng pag-uusap sa wika at sa mga
gumagamit ng wika.
 Kabaliktaran ng sosyolinggwistika, ang sosyolohiya ng wika ay nakatuon sa lipunan at
angrelasyon nito sa wika.
Halimbawa:
1. Kahit magkapareho ang wika ni A at ni B ngunit magkaiba ang tunog ng pagbigkas nila,
ito ay sosyolinggwistika. Ngunit kapag kung higit ang turing ni A sa wikang Ingles at si B
naman ay isinusulong ang paggamit ng Filipino, ito ay nasa larang ng sosyolohiya ng
wika.
 Bahagi ng sosyolohiya ng wika ang pagbibigay-diin sa mga barayti at baryasyon ng wika subalit
inilalagay ito sa konteksto ng pag-uugali para sa sariling identipikasyon ng grupo, pagbuo ng
grupo, o pagkabuwag nito.
VI. ANTROPOLOHIKONG LINGGWISTIKA

 Ito ay ang pagaaral ng relasyon ng wika at kultura ang relasyon sa pagitan


ng wika at buhay ng tao.
 May kinalaman sa lugar ng wika sa mas malawak na konteksto ng lipunan at
kultura nito -ang papel ng wika sa paggawa at pagpapanatili ng mga kultural
na kasanayan at mga panlipunang kaayusan.
 Nakatuon ito sa paghahanap ng kultural na pag-unawa sa likod ng pag-uugali
ng wika
 Foley (1997) – magkaiba na larang ang antropolohikal na linggwistika at
linggwistikang antropolohiya o antropolohikal na linggwistika ay nagbibigay
diin sa larang ng linggwistika upang maipaliwanag ang kultural na konteksto
ng wika o linggwistikang antropolohiya ay nagbibigay na higit na empasis sa
ng larang ng antropolohiya sa pagbabasa ng wika
 Dell Hymes (nasa Duranti, 2009) – ginamit niya ang terminong linggwistika
antropolohiya upang tukuyin ang pagdulog antropolohikal sa pag-aaral ng
wika
Dalawang alalahanin:
1. upang panatilihin ang pag-aaral ng wika bilang isang sentral na
bahagi ng disiplina ng antropolohiya
2. upang palawakin ang konsepto ng wika na lampas sa makitid na
interes sa ekstrakturang gramatikal

VII. ETNOLINGGWISTIKA

Kung ang kontinente ay nahahati sa mga rehiyon at ang bawat rehiyon ay nahahati
sa mga bansa ang bawat bansa naman ay kinapapalooban ng iba’t ibang grupo na
may kanya-kanya ring pagkakakilanlan. Ang bawat grupong ito ay tinatawag na
grupong etnolinggwistiko.

 Tumutukoy sa pangkat ng mga tao sa isang bansa na may magkakapareho


na kultura at paniniwala.
 Kumbinasyon ng etnolohiya at linggwistika
 Ang isang bansa ay binubuo ng iba’t-ibang pangkat etnolinggwistiko.

Hilagang Asya Kanlurang- Silangang- Timog-Asya Timog-


Asya Asya Silanggang
Asya
Ural-Altaic Sumerian Sino-Tibetan Austro-Asiatic Austro-Asiatic
Palcosiberian Elamite Korean Dravidian Austronesian
Eskimo Kassite Hapoes Indo-Aryan
Lydian
Caanite
Arabo
Armenian
Jew
Assyrian
Hittite
Persian
Hatti
Halde
Hurri
Lyciane
Kurd
Afghan
Turk

 Ugnayan ng wika at kultura ang tunon ng larang na ito sa pag-aaaral ng


wika.
 Pag-aaral ito sa relasyon sa pagitan ng wika at komunidad (Underhill, 2012).
 Kinikilala rin ito bilang kultura na linggwistika.

Mga batayan ng paghahati:

o Wika – pangunahing pagkakakilanlan ng mga grupong


etnolonggwistiko
o Etnisidad – sinasabing mistulang kamag-anakan
o Relihiyon o Paniniwala

You might also like