Editoryal3 Lleno

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Pagmartsa’t Pagsupil Hindi Dapat Palampasin!

Ni: Louie Jay Lleno

ANG pagmartsa sa luneta bilang kilos protesta ay layunin ang


pagbuwag ng Priority Development Assistance Fund na nakilala sa tawag na
Pork Barrel dahil sa Pork Barrel Scam. Ayon pa sa isang nailabas na artikulo,
minarkahan ang ika-7 araw ng Disyembre taong 2018 kung saan sinabing ito
ang araw na nagtagumpay ang mga alagad ng korupsyon.

Bago pa man naiutos ni Pangulong Aguino sa Kongreso ang


pagbuwag sa PDAF matapos niya ring iutos ang pagsuspinde sa pagpalabas
ng pondo para sa ‘pork’ ng mga mambabatas, namutawi na sa isip ng libo-
libong Pilipino ang hindi makatuwirang pangyayaring ito at pag-usbong ng
pinaka-kontrobersiyal na korupsyon sa bansa. Alinsunod, sa layon ng
pagkilos na gagawin upang kondenahin ang pag-aabuso ng iilang
mambabatas sa ‘di makatwirang paggamit ng kanilang PDAF, ay ang hindi
pagpigil ng Pangulo sa pagsali ng ilang opisyal o empleyado mula sa malaca-
ñang.

Tumatayang umabot sa higit 18,000 katao ang dumalo sa kilos


protesta. Naging mitsa ang pork barrel scam ng pinakamalawak na anti-
corruption protest sa Pilipinas. Sinumang tao, myembro man o hindi ng
anumang organisasyon, empleyado man o hindi ng gobyerno ay talagang
magiging apektado lalo pa’t pera ng taumbayan ang naitaya at nalustay ng
ilang mambabatas. Marami ang umaaray sa estado ng bansa nuon paman
kaya’t napakarami Pilipino ang apektado ng Pork Barrel Scam.

Naging patas ang Pangulo sa kanyang desisyong huwag pigilan


maging ang mga opisyal at empleyado ng Malacañang sa pagsupil sa mga
magnanakaw sa pamamagitan ng pagmartsa o rali. Sa pamamagitan nito,
boses ng karamihan ang mananaig ika nga.

At dahil malalim ang hugot ng mga pinoy sa paglilitis sa pork barrel


case, makikita ang pagpupursige’t kagustuhang maparusahan ang mga
magnanakaw at suwapang sa kaban ng pera ng bayan.
Pagkakataon ito upang maiapakita kung sino ang mga naagrabyado at
tanda nito ang hindi pag-urong ng mga pinoy sa kagustuhang maparusahan
ang mga magnanakaw. Kaya naman ang pagmartsa’t pagsupil ay hindi dapat
na palampasin!

You might also like