Editoryal6 Lleno

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Hindi Sapat Para sa Seguridad

Ni: Louie Jay Lleno

ANG Million People March ay inilunsad sa Luneta upang kondenahin


ng taumbayan ang malaking kontrobersiya sa Pinas kontra Pork Barrel Scam
—ang tinaguriang pinakamalaking usaping-korupsyon sa bansa. Kaakibat nito
ang paglaho ng P10-billion na nagmula sa kaban ng bayan na ibinulsa ng
ilang mambabatas at ni wala umanong legal na tala kung saan iyon napunta.
Dahil dito, kumbinsido ang napakraming Pilipino na ang P10-billion ay tuluyan
nang naglaho at ninakaw.

Ayon kay NCRPO chief Marcelo Garbo Jr. sa tantiya nila’y aabot ng
60,000 katao ang dumalo sa protesta, may ilang nagsasabing umabot ito sa
80,000 hanggang 100,000.

Sa dami ng taong dumalo sa protesta kontra Pork Barrel, hindi


maiiwasan ang gulo. At sa dami ng bilang ng mga taong pumaroon, hindi
makasisigurong ang lahat ay layunin na pagbayarin ang ilan sa mga
mambabatas na sangkot sa naturang korupsyon. Marami rin sa mga ito ang
tiyak na iba ang pakay sa pagdalo sa protesta o di kaya ay para lamang
manggulo.

Sa naunang salaysay ni Garbo, nauna niyang inihayag ang


pagpapakalat ng 2,000 kapulisan upang makasigurong payapa ang protesta
at maiwasan ang anumang gulo.

Subalit kung ipaghahambing ang tinatayang dami ng taong mga


nagsipagdalo sa protesta versus bilang ng mga kapulisan, ay baka hindi pa
rin maawat ang gulo at makontrol ito nang gano’n kadali sakali mang hindi ito
maiwasan.

Hindi ata sapat ang bilang ng ikinalat na kapulisan para sa seguridad


ng mga mamamayang ipinaglalaban ang bansa mula sa korupsyon at nais na
pagbayarin ang mga buwayang sangkot sa Pork Barrel Scam. Kung
manpower ang pagbabasehan, dehado ang bilang ng ikinalat na kapulisan
upang maiwasan ang gula sa nagaganap na protesta.

You might also like