Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

Kaugnay na literatura

Kaugnay na literatura
                Ito ay isang mapanghusgang ulat ng impormasyon na matatagpuan sa
panitikan na may kaugnayan sa napiling pag-aaral. Sa bahaging ito, inilalagay ng
mananaliksik ang mga impormasyong nakalap mula sa mga aklat, dyornal, at
artikulo mula sa website.
Binubuo ng mga diskusyon ng mga impormasyon, prinsipyo at katotohanan
na kaugnay sa pag-aaral na isinasagawa.
Ang mga materyal na ito ay nasa klasipikasyon ng:
 Lokal
 Dayuhan
 
Sanggunian ng kaugnay na literatura
 Libro, ensayklopedia, almanac at iba pang kaparehong referensya.
 Artikulo sa mga propesyunal na dyornal, magasin, peryodiko, at iba pang
publikasyon.
 Ang mga batas at konstitusyon sa kabuuan ng bansa.
 Rekord ng paaralan, partikular ang mga report ng kanilang mga programa at
gawain.
 Report at papel mula sa mga pang-edukasyong seminar at kumeperensya.
 Lahat ng uri ng opisyal na report ng pamahalaan, pang-edukasyon,
panlipunan, pang-ekonomiya, siyentipiko, tekonolohikal, at iba pa.

Kaugnay na pag-aaral
                Sa bahagi namang ito inilalagay ng mananaliksik ang mga pag-aaral
galing sa tesis o disertasyon na may kinalaman sa isinasagawang pananaliksik.
Pag-aaral, pag-iimbestiga o imbetigasyon na isinagawa na at may kaugnay o
pagkakatulad sa paksa ng pananaliksik na isinasagawa.
Ang mga material na ito ay nasa klasipikasyon ng:
 Lokal
 Dayuhan
 
Sanggunian ng kaugnay na literatura
 Mga theses at disertasyon

KAHALAGAHAN NG KAUGNAY NA LITERATURA AT PAG-AARAL


 Tinutulungan ang mga mananaliksik na mas malalim na maunawaan ang
kanyang paksa.
 Makakasiguro na walang duplikasyon ng ibang nagawa ng pananaliksik.
May duplikasyon kung ang pananaliksik ay naisagawa na sa kaparehong
local na may pagkakapareho sa mga respondent.
 Tinutulungan at ginagabayan ang mga mananaliksik na makahanap ng iba
pang pagkukunan ng mahahalagang impormasyon.
 Malaki ang naiaambag sa mga mananaliksik upang ikumpara ang resulta ng
pag-aaral ng dalawang pananaliksik na siyang magiging daan upang higit na
maunawaan ang mga suliranin na tinalakay sa paksa at ang mga
rekomendasyon na maaaring maibigay dito
 
KATANGIAN NG MGA MATERYAL NA GAGAMITIN
 Ang materyal na gagamitin kung maaari ay makabago at
napapanahon.
                 - naisulat ng di higit sa sampung taon na ang
nakakaraan.
 Ang materyal ay kinakailangan na obhetibo at walang
bias.
 Ang materyal ay kinakailangang may kaugnayan sa paksa
ng pag-aaral.
 Ang mga materyal ay nararapat na nakabase sa
makatotohanang impormasyon at may kredibilidad ang
sangguniang ginamit.
 Ang mga kaugnay na literature at pag-aaral ay hindi
nararapat masyadong marami o kakaunti.
TANDAAN
Hindi kinakailangang kopyahin o kuhanin ang kumpletong laman ng binasang
teksto kundi ang mahalagang ideya lamang na nabanggit sa binabasa at
makakatulong sa pagsasagawa ng pananaliksik
 
Makakatulong ang paggamit ng mga index card upang maging maayos ang
pagtatala. Isulat sa nasabing index card ang mga kaisipan o impormasyong
kailangan sa pagtalakay sa sulating pananaliksik. Tandaan na huwag kalimutang
itala kung saang sanggunian hinango ang nasabing impormasyon at kung sino
ang may-akda nito.

Mga gabay sa pagsulat ng kaugnay na literatura at pag-aaral

1. Itala at ayusin ang mga paksa o ideyang kailangang saliksikin.


2. Alamin kung saan kukuhanin o matatagpuan ang impormasyon.
3. Sa pagkuha ng impormasyon, tiyaking mapagkakatiwalaan ang mga
sanggunian upang tumpak ang mailahad na impormasyon.
4. Itala at isaayos ang mga sanggunian. Tiyaking kumpleto ang mga detalye
upang mas madali itong ilagay sa bibliyograpiya.
5. Sikaping kumuha ng mga bagong impormasyon mula sa huling limang taon
ng petsa ng pagsasaliksik. Ang lumang pananaliksik ay maaaring hindi na
nagtataglay ng makabuluhang datos o makabagong impormasyon.
6. Kapag sapat na ang datos, gawan ng balangkas at buod ang mahahabang
ideya, at muling isulat ang teksto.
7. Tiyaking banggitin ang mga sanggunian sa teksto (in-text citation) upang
makaiwas sa pladiyarismo.
8. Dapat nakaayos nang naaayon sa taon ang teksto, una ang pinakaluma
hanggang pinakabago.
9. Ang presentasyon ng kaugnay na literatura at pag-aaral ay maaaring ayusin
ayon sa paksa: (mula pangkalahatan tungo sa pagiging tiyak); dalubhasang
eksperto sa pag-aaral (mula pinakamatanda o pinakamaraming ambag hanggang sa
pinakabata o kaunting naiambag); at taon kung kalian ginawa ang pag-aaral
(pinakaluma hanggang pinakabago).

You might also like