Download as doc, pdf, or txt
Download as doc, pdf, or txt
You are on page 1of 2

PANGUNGUSAP (Sentence)

- Ito ay tumutukoy sa kalipunan ng mga salitang nagsasaad ng isang buong diwa. 

TANDAAN:

 Malinaw ang ang tuntunin ng ortograpiya, isang bantas lamang ang maaring gamitin sa
hulihan ng bawat pangungusap.

BAHAGI NG PANGUNGUSAP

1. SIMUNO (Subject)

 Ito ang paksang pinag-uusapan sa isang pangungusap.

 kadalasang ito ay PANGNGALAN

 Ito ay sumasagot sa tanong na SINO o ANO ang pinag-uusapan.

Halimbawa:

o Ang mga bata ay tumatawa.

o Nabasag ang bote.

2. PANAGURI (Predicate)

 Ito ay ang bahagi ng pangungusap na nagsasaad ng detalye tungkol sa simuno.

(Ano ang sinasabi ng pangungusap tungkol sa simuno?)

Halimbawa:

o Ang mga bata ay tumatawa.

o Nabasag ang bote.

AYOS NG PANGUNGUSAP

1. Karaniwang Ayos

- Masasabing nasa karaniwang ayos ang pangungusap kung ang panaguri ay nauuna kaysa sa
simuno/paksa.

Halimbawa:

o Naglalaba si nanay.
o Tumatahol ang aso.

2. Di-karaniwang Ayos

- Ito ay tumutukoy sa ayos ng pangungusap kung saan nauuna ang simuno kaysa sa panaguri at
ginagamit ng panandang “ay”.

Halimbawa:

o Si nanay ay naglalaba.

o Ang aso ay tumatahol.


SANAYSAY (Essay)

- isang anyo ng panitikang nasusulat sa anyong tuluyan o prosa

- isang komposisyon na kadalasan ay naglalaman ng opinyon o kuro-kuro ng may-akda patungkol


sa isang paksa

DALAWANG ANYO NG SANAYSAY

1. Pormal (Maanyong sanaysay)

• nagtataglay ng makatotohanang impormasyon

• gumagamit ng piling mga salita

• ang bawat pahayag ay maingat na tinatalakay

• may maayos na balangkas na nakatutulong sa lohikal na pagkakalahad ng mga kaisipan

2. Di pormal (Pamilyar)

• tinatawag ding palagayang sanaysay

• Mapang-aliw, mapagbiro at nagbibigay-lugod

• kadalasang tinatalakay ang mga karaniwang, pang-araw-araw, at personal na paksa

• may magaang uri na usapan at gumagamit ng di-pormal na antas ng wika

MGA BAHAGI NG SANAYSAY

1. Panimula o Introduksyon

 ang pinakamahalagang bahagi ng sanaysay


 naglalaman ng mga pahayag na may layuning pumukaw o kumuha sa atensyon ng mga
mababasa

2. Katawan

 naglalaman ng mahahalagang impormasyon patungkol sa paksa


 taglay nito ang kabuuang nilalaman ng sanaysay 

3. Wakas o Konklusyon

 binubuod nito ang buong paksa


 kung minsan naman ay nagtatawid ito ng mahahalagang rekomendasyon kung
kinakailangan

You might also like