Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 29

Republic of the Philippines

Department of Education
National Capital Region
DIVISION OF CITY SCHOOLS – MANILA
Manila Education Center Arroceros Forest Park
Antonio J. Villegas St. Ermita, Manila

MAPEH
GRADE 3
“MAPEH: TUKLASIN SA
BUHAY NATIN”
Quarter 1 Week 8 Module 8
Most Essential Learning Competencies:
…Creating continually repeated musical phrase or rhythm in
measures 2’s, 3’s and 4’s. MU3RH-Ie-6
… designs a view of the province/region with houses and
buildings indicating the foreground middle ground and
background by the size of the objects. A3PR-Ii

…Performs body shapes and actions PE3BM-Ic-d-15

… Engages in fun and enjoyable physical activities PE3PF-Ia-h-2


… describe ways of maintaining healthy lifestyle H3N-Ij-19
… evaluates one’slifestyle H3N-Ij-20
… adopts habits for a healthier lifestyle H3N-Ij-21
PAANO GAMITIN ANG MODYUL

Bago simulan ang modyul na ito, kailangang isantabi muna ang


lahat ng inyong pinagkakaabalahan upang mabigyang pokus ang inyong
gagawing pag-aaral gamit ang modyul na ito. Basahin ang mga simpleng
panuto na nasa ibaba para makamit ang layunin sa paggamit nito.
1. Sundin ang lahat ng panutong nakasaad sa bawat pahina ng
modyul na ito.
2. Isulat ang mahahalagang impormasyon tungkol sa aralin sa inyong
kwaderno. Nagpapayaman ng kaalaman ang gawaing ito dahil
madali mong matatandaan ang mga araling nalinang.
3. Gawin ang lahat ng mga pagsasanay na makikita sa modyul.
4. Hayaan ang iyong tagapagdaloy ang magsuri sa iyong mga
kasagutan.
5. Pag-aralang mabuti ang naging katapusang pagsusulit upang
malaman ang antas ng iyong pagkatuto. Ito ang magiging batayan
kung may kakailanganin ka pang dagdag na pagsasanay para
lalong malinang ang aralin. Lahat ng iyong natutuhan ay gamitin sa
pang-araw-araw na gawain.
6. Nawa’y maging masaya ka sa iyong pag-aaral gamit ang modyul
na ito.

BAHAGI NG MODYUL

1. Inaasahan – ito ang mga kasanayang dapat mong matutuhan


pagkatapos makompleto ang mga aralin sa modyul na ito.
2. Unang Pagsubok – ito ang bahaging magiging sukatan ng mga bagong
kaalaman at konseptona kailangang malinang sa kabuuan ng aralin.
3. Balik-tanaw – ang bahaging ito ang magiging sukatan ng mga dating
kaalaman at kasanayang nalinang na.
4. Maikling Pagpapakilala ng Aralin – dito ibibigay ang pangkalahatang
ideya ng aralin
5. Gawain – dito makikita ang mga pagsasanay na gagawin mo ng may
kapareha.
6. Tandaan- dito binubuo ang paglalahat ng aralin
7. Pag-alam sa mga Natutuhan – dito mapatutunayan na natutuhan mo
ang bagong aralin
8. Pangwakas na Pagsusulit – dito masusukat ang iyong antas ng
pagkatuto sa bagong aralin
UNANG PAGSUBOK

I. Panuto: Tingnan mabuti ang larawan. Piliin sa hanay B ang ankop


na larawan na tutukoy sa ostinato pattern sa hanay A.

Gamitin ang gabay: |- , - , -

A B

______1. A.

______2. B.

______3. C.
Google clip-art: https://webstockreview.net/explore/applause-clipart-clap/
Google clip-art: https://www.twinkl.co.uk/illustration/touching-head-girl-child-ks1

II. Panuto: Piliin ang titik ng tamang sagot.

______4. Anong bahagi ng larawan ang itinuturo?

A. Foreground
B. Middle Ground
C. Background
D. Under ground
https://tl.wikipedia.org/wiki/Palasyo_ng_Malakanyang
______5. Anong bahagi ng larawan ang itinuturo?
A. Foreground
B. Middle Ground
C. Background
D. Under ground

https://tl.wikipedia.org/wiki/Kutang_Santiago
_____6. Anong bahagi ng larawan ang itinuturo?
A. Foreground
B. Middle Ground
C. Background
D. Under ground

https://tl.wikipedia.org/wiki/Dambanang_Rizal_(Calamba)

_____ 7. Anong ehersisyong pangkondisyon ang ipinapakita sa


larawan?
A. Seated Toe Touch
B. Seated straddle photo credits to Deped LM Mapeh

C. Wing stretching
D. Stride standing
_____ 8. Anong ehersisyong pangkondisyon ang ipinapakita sa
larawan?

A. Seated Toe Touch


B. Seated straddle photo credits to Deped LM Mapeh

C. Wing stretching
D. Stride standing
_____ 9. Anong ehersisyong pangkondisyon ang ipinapakita sa
larawan?
A. Seated Toe Touch
B. Seated straddle
C. Wing stretching
D. Stride standing
photo credits to Deped LM Mapeh

_____ 10. Alin ang hindi magandang uri ng ehersisyo sa katawan?


A. pagbibisikleta
B. panonood ng telebisyon
C. pagsasayaw
D. pag-uunat ng katawan
____ 11. Alin sa mga sumusunod na pahayag ang nagpapakita ng
mabuting gawi sa pagkakaroon ng malusog na pamumuhay?

A. Uminom ng 8 hanggang 10 baso ng tubig araw-araw.


B. Laging kumain ng prutas at gulay.
C. magkaroon ng regular ehersisyo.
D. Lahat ng nabanggit.

_____ 12. Hanggang ilang oras lamang ang dapat na ilaan sa


harap ng kompyuter o gadget sa isang araw?
A. 6 na oras B. 12 na oras
C. 2 na oras D. 8 na oras
MUSIKA
Aralin 8: Creates Simple Ostinato Patterns in
Measures of 2s, 3s, and 4s through Body
Movement

INAASAHAN
1. Nailalapat ang pinagsamang kilos o galaw ng
katawan at instrumentong panritmo sa ostinato.
2. Naisasagawa ng may kahuasayan ang paglalapat
sa ostinato gamit ng kilos o galaw ng katawan at
instrumentong panritmo.

BALIK-TANAW
Awitin ang Bayang Sinta kasabay ng pag palakpak sa ostinato
pattern

Video: https://www.youtube.com/watch?v=ZM7UBRqy0-0

MAIKLING PAGPAPAKILALA NG ARALIN

Ating pagsamahin ang galaw ng katawan at instrumentong


panritmo sa paglalapat sa ostinato pattern na may tatlong sukat.
Gamit ang gabay ibigay ang katumbas na gawain na angkop sa
ostinato pattern. Sanayin ang paggalaw.
- Igalaw ang kanan/ kaliwang siko patagilid
- Patunugin ang “sticks” o pares ng balllpen
- Iayos ang mga kamay sa dibdib ng naka “cross”

GAWAIN

Sa katamtamang bilis awitin ang “Tong tong tong, Pakitong kitong”


na natutunan sa ikalawang baitang at sabayan ng pag galaw sa
ostinato.

TANDAAN

Ang paglalapat ng kilos o galaw ng katawan at mga


instrumentong panritmo o mga bagay na may tunog ay ginagamit
na pansaliw sa ostinato pattern.

PAG-ALAM SA MGA NATUTUHAN

Lapatan ng ibang galaw at instrumentong panrtimo ang ostinato


pattern na ating isinagawa, sa ibang awit kagaya ng:
A. Kung ikaw ay masaya, tumawa ka
B. Pen-pen de sarepen
C. Ang mga ibon na lumilipad
SINING
Aralin 8: Pagguhit ng Makasaysayang Bahay o Gusali

INAASAHAN
Sa pagtatapos ng araling ito, ikaw ay inaasahang:
• Nakaguguhit ng larawan ng makasaysayang
bahay o gusali gamit ang foreground,
middleground at background.
BALIK-TANAW
Tama o Mali
Panuto: Iguhit sa loob ng kahon ang( )puno kung TAMA ang
pahayag sa mga sumusunod at ( )) bulaklak naman kung HINDI.
1. Makakaguhit tayo ng halaman, bulaklak, at puno
gamit ang iba’t –ibang uri ng tekstura at hugis.

2. Ang sketching ay mabilis na pagtatala ng


mga bagay na iyong nakikita sa paligid.

3. Ang sketch ay kongkretong likhang sining.

4. Ang sketching na pagguhit ay kadalasang


simple ngunit maganda.

5. Ang sketching ay kumpleto sa detalye at kulay na


magsisilbing gabay ng isang pintor.

MAIKLING PAGPAPAKILALA NG ARALIN


Makaguguhit ng isang larawan ng makasaysayang bahay o
gusali gamit ang iba’t ibang linya at hugis na may foreground,
middle ground, at background upang higit na maging maganda
ang ating iginuhit na larawan.
Ang foreground ay ang unahang bahagi ng larawan. Malapit
ito sa tumitingin kaya ang mga bagay na nakalagay dito ay
mukhang malaki.
Ang background naman ay ang bahaging likuran ng isang
larawan.
Ang middle ground ay makikita sa pagitan ng foreground at
background ng larawan.

GAWAIN
Gawain 1: Pagguhit

Pamagat: Pagguhit ng Makasaysayang Bahay o Gusali


Kagamitan: Bond Paper, Lapis at Krayola
Pamamaraan:
1. Pumili ka ng isang makasaysayang bahay o
gusali sa probinsiya o rehiyon.
2. Iguhit ang napiling makasaysayang bahay o
gusali gamit ang iba’t ibang uri ng linya at hugis.
3. Dagdagan ng kakaibang istraktura ang iyong
disenyo.
4. Gumuhit ng mga bagay na gusto mong ilagay
sa foreground, middle ground, at background.
5. Lagyan ito ng kulay.

Pangalan:____________________________ Petsa:________
Baitang at Pangkat:_____________

______________________
Pamagat

Gawain 2: Pagguhit
Panuto: Gamit ang disenyo dagdagan ng kakaibang
istraktura na nagpapakita na mayroong foreground, middle
ground at background upang higit na maging maganda ang
larawan.
TANDAAN
Isaisip Mo!

Sa pagguhit, mahalaga ang iba’t ibang uri ng linya at hugis sa


pagbuo ng makabuluhang larawan. Kailangan ding tandaan
ang paggamit ng foreground, middle ground, at background.

PAG-ALAM SA MGA NATUTUHAN


Pagguhit
Panuto: Iguhit ang inyong bahay at lagyan ito ng istraktura
na nagpapakita na mayroong foreground,
middle ground at background .

Pangalan:____________________________ Petsa:________
Baitang at Pangkat:_____________
REPLEKSIYON SA ARALIN
Pangalan: ______________________________________________
Baitang at Pangkat: __________________
PAGNILAYAN MO!
Panuto: Sagutan ang mga tanong sa ibaba at isulat ito sa loob ng
kahon.
Paano mo iguguhit ang mga bagay na
nasa Foreground, Middle Ground at Background
ng makasaysayang bahay o gusali?

Ano ang mga makasaysayang bahay o


gusali ng ating bansa na iyong napuntahan,
maaari mo ba itong ilarawan? Paano mo ito
maipagmamalaki?

EDUKASYONG PANGKATAWAN
Aralin 7: Ating Subukin ang Kalambutan
INAASAHAN

Sa pagtatapos ng araling ito, ikaw ay inaasahang:


• Natutukoy ang mga iba’t ibang gawaing naglilinang
ng kalambutan.
• Naisasagawa ng wasto ang mga gawaing
naglilinang ng kalambutan ng katawan.

BALIK-TANAW

Panuto: Lagyan ng tsek (√) kung ang larawan ay nagpapakita ng


symmetrical at (x) kung ito naman ay asymmetrical na galaw. Isulat
ang iyong sagot sa kwaderno.

1. _______ 2. _______ 3. _______

4. ________ 5. ________

MAIKLING PAGPAPAKILALA NG ARALIN


Ngayon tingnan at pag-aralan ang sumusunod na larawan.

Seated L Seated Straddle Seated Toe


Touch

Bear Hug Cross Leg Walk and Run


Stretched in place

Sagutin ang tanong ayon sa iyong naobserbahan sa larawan.


Isulat sa kwaderno ang tamang sagot.

1. Sa ipinakitang larawan aling mga kilos o ehersisyo ang


nagpapakita ng kalambutan?
2. Alin naman ang mga kilos o ehersisyo ang hindi
nagpapakita ng kalambutan?
3. Anong mga bahagi ng katawan ang naiuunat?

4. Kaya mo bang gawin ang mga kilos na ito?

May iba’t ibang ehersisyong pangkondisyon at


pagbaluktot na nakatutulong upang madevelop ang ating
tikas aating katawan.

Ngayon naman ay gagawin ninyo ang ehersisyong


pangkondisyon at pagbaluktot.
Paalala: Kailangan ng pag gabay ng magulang sa pag gawa
ng mga kasanayan

Wing Stretching –
• Pagdikitin ang iyong mga kamay at
bahagyang itaas ang iyong siko kapantay
ng iyong balikat
• Itulak ng may pwersa ang iyong dalawang
kamay

Seated Toe Touch-


• Maupo sa sahig na naka derecho ang mga
binti
• Marahang ibaluktot ang katawan at abutin
ang iyong paa na hindi bumabaluktot ang
tuhod

Sagutin ang sumusunod na tanong:


a. Anong ehersisyong pagbaluktot ang iyong nagawa?
b. Anong bahagi ng katawan ang ginamit sa una at
ikalawang ehersisyo?
c. Ano ang iyong naramdaman habang ginagawa ang
gawain?
d. Aling bahagi ng iyong katawan ang naiuunat?
e. Sa palagay mo ba ang gawaing ito ay makatutulong
para mapaunlad ang tikas ng katawan?
f. Sa paanong paraan?

GAWAIN
Leap and Stretch
Paalala: Kailangan ng pag gabay ng magulang sa pag gawa ng
mga kasanayan
1. Gumihit ng dalawang linya 5 metro ang layo bawat isa.
Starting Line at Finish Line.
2. Maglagay ng Tanzan sa loob ng kahon malapit sa Finish line.
3. Sa pag uumpisa ng laro kailangan lumukso-lukso ng
manlalaro marating ang Finish Line.
4. Pag naabot na ang finish line kailangan gawin ng manlalaro
ang sumusunod, umikot, lumuhod at I stretch ang katawan
hanggang maabot ang tanzan sa kahon.
5. Pag nakuha na ang tanzan, bumalik ng pa lukso lukso
papunta sa Starting Line.

Mga Tala para sa Pagsasagawa


Gawin ito ng may patnubay ng magulang. Huwag
kalimutan maghugas ng kamay pagkatapos ng
gawain. Maging maingat sa pagsasagawa.
TANDAAN

May iba’t ibang gawain na maglilinang sa kalambutan


ng ating katawan.
Sa madalas na pag eehersisyo maari natin malinang at
mapalakas ito.

PAG-ALAM SA MGA NATUTUHAN

Paalala: Basahin maigi at intindihin ang panuto. Kopyahin


at isulat sa iyong kwaderno ang pagsasanay
Panuto:Pag-aralan ang mga larawan. Lagyan ng
dalawang tsek kung ito ay nagpapakita ng ehersisyong
pangkondisyon na may pagbaluktot ng katawan at lagyan
ng isang tsek kung hindi.
EDUKASYONG PANGKALUSUGAN
Aralin 8: Malusog na Pamumuhay

INAASAHAN
Sa pamamagitan ng modyul na ito, ang mga bata ay
inaasahang:
• Maipaliliwanag ang mga paraan tungo sa pagkakaroon
ng malusog na pamumuhay.
• Maisasabuhay ang mga mabuting gawi sa pagkakaroon
ng malusog na pamumuhay.
BALIK-TANAW

Panuto: Kulayan ng berde ang kahon sa tabi ng larawan na


nagpapakita ng tamang paraan ng pagkakaroon ng malinis at
ligtas na pagkain o kulay pula kung hindi.
MAIKLING PAGPAPAKILALA NG ARALIN

1. Pagkain nang wasto

Ang wastong pagkain ay nakatutulong upang ang


batang tulad mo ay lumaking malusog at masigla.
Kumain ng mas maraming prutas at gulay sapagkat ang
mga ito ay tumutulong sa mga bata at kabataan na lumaki
at umunlad, nagpapalakas sa katawan at depensa laban sa
banta ng maraming matagalang mga sakit.

2. Regular na ehersisyo
Ang pag-eehersisyo ay nakatutulong upang maging
malakas ang atinng buto at kalamanan. Ang ehersisyo ay
maaaring gawin sa pamamagitan ng pagiging aktibo sa mga
gawain pampisikal tulad ng laro at sayaw.
Ang mga bata at kabataan ay kailangang may hindi
kukulangin sa 60 minutong pisikal na gawain bawat araw,
pati na ang mga mapwersa at nakakapagod na gawain na
magpapahangos at hingal sa kanila.

3. Pag-inom ng maraming tubig


Ugaliing uminom ng 8 hanggang 10 baso ng tubig araw-
araw. Ang tubig ang siyang pinakamahusay na pampawi sa
inyong pagkauhaw – at wala itong halong asukal na tulad ng
nasa mga inuming kola, katas ng prutas at iba pang
pinatamis na mga inumin.
4. Pag-iwas sa taong naninigarilyo
Ang mga taong hindi naninigarilyo ay maaring
maapektuhan sa usok na mula dito. Ang secondhand smoke
ay nakukuha sa tuwing tayo ay nakalalanghap ng usok mula
sa taong naninigarilyo malapit sa atin. Ito ay maaring
magdulot ng masamang epekto sa ating kalusugan katulad
ng mga kumplikasyon.
5. Paglalaan ng screen time.
Ang mga oras na nakaupo o hindi gumagalaw na
ginugugol sa harap ng TV, pag-surf at paglalaro sa
kompyuter, o mga hinahawakang palarong elektroniko ay
iniuugnay sa pagiging sobrang- timbang at sobrang mataba
ang mga bata at kabataan.
Maglaan lamang ng hanggang dalawang oras ng
paggamit ng mga gadgets. Kung maaari ay gumawa na
lamang ng iba pang aktibidad upang malimitahan ang
paglalaro ng kompyuter.

GAWAIN
Alin ang Mabuti?
Panuto: Itiman ang bilog sa tabi ng pangungusap na nagpapakita
ng mabuting pamamaraan sa pagkakaroon ng malusog na
pamumuhay.

1. Si Jackie ay mahilig sumayaw.


2. Kumakain si Dia ng ulam kahit gulay ito.
3. Umiinom si Aira ng 8-10 na baso ng tubig araw-araw.
4. Naglalaro si Enrick ng kompyuter hanggang hatinggabi.
5. Mahilig uminom si Berns ng kola pagkatapos kumain.

TANDAAN

Ang mga desisyong ating ginagawa tulad ang ating


mga kinakain at mga gawain sa araw-araw ay mga
mahahalagang salik sa pagkakaroon ng malusog na
pamumuhay.
Ang ating mga hindi malulusog na gawi ay maaari
namang magdulot sa atin ng sakit.
PAG-ALAM SA MGA NATUTUHAN

TAMA o MALI

Panuto: Isulat ang Tama kung nagpapakita ng malusog na


pamumuhay o Mali naman kung hindi.
_______1. Ang tubig ang pinakamahusay na pamatid uhaw.
_______2. Ang bata ay dapat gugugol lang ng hindi labis sa 2 oras ng
panonood.
_______3. Walang epekto sa kalusugan ang paglapit sa taong
naninigarilyo.
_______4. Kumain ng mas maraming karne at kanin.
_________5. Nakaapekto ang ating pang-araw-araw na gawi sa
pagkakaroon natin ng malusog na pamumuhay.
PANGWAKAS NA PAGSUSULIT
I. Panuto: Tingnan mabuti ang larawan. Piliin sa hanay B ang
ankop na larawan na tutukoy sa ostinato pattern sa hanay A.

Gamitin ang gabay: |- , - , -

A B

______1. A.

______2. B.

______3. C.

II. Panuto: Piliin ang titik ng tamang sagot.

______4. Anong bahagi ng larawan ang itinuturo?

A. Foreground
B. Middle Ground
C. Background
D. Under ground

______5. Anong bahagi ng larawan ang itinuturo?


A. Foreground
B. Middle Ground
C. Background
D. Under ground

_____6. Anong bahagi ng larawan ang itinuturo?


A. Foreground
B. Middle Ground
C. Background
D. Under ground
_____ 7. Anong ehersisyong pangkondisyon ang ipinapakita sa
larawan?
A. Seated Toe Touch
B. Seated straddle
C. Wing stretching
D. Stride standing
_____ 8. Anong ehersisyong pangkondisyon ang ipinapakita sa
larawan?

A. Seated Toe Touch


B. Seated straddle
C. Wing stretching
D. Stride standing
_____ 9. Anong ehersisyong pangkondisyon ang ipinapakita sa
larawan?
A. Seated Toe Touch
B. Seated straddle
C. Wing stretching
D. Stride standing

_____ 10. Alin ang hindi magandang uri ng ehersisyo sa katawan?


A. pagbibisikleta
B. panonood ng telebisyon
C. pagsasayaw
D. pag-uunat ng katawan

____ 11. Alin sa mga sumusunod na pahayag ang nagpapakita ng


mabuting gawi sa pagkakaroon ng malusog na pamumuhay?

A. Uminom ng 8 hanggang 10 baso ng tubig araw-araw.


B. Laging kumain ng prutas at gulay.
C. magkaroon ng regular ehersisyo.
D. Lahat ng nabanggit.
_____ 12. Hanggang ilang oras lamang ang dapat na ilaan sa
harap ng kompyuter o gadget sa isang araw?
A. 6 na oras C. 2 na oras
B. 12 na oras D. 8 na oras
SANGGUNIAN:
A. Aklat

Curriculum Guide in Music 3, DepEd


Learning Materials in Music 3, DepEd
Teacher’s Guide in Music 3, DepEd
Music, Art, Physical Education asnd Health 3 p. 137 - 139
Teachers Guide p. 147 – 148
Curriculum Guide p. 25 (A3PR-LI)

Curriculum Guide in Health 3, DepEd

Teachers’ Guide in Health 3, DepEd

Learning Materials in Health 3, DepEd

DepEd BCD, August 2016. K to12 Health Grades 1-10


Curriculum Guide. Pasig City: Department of Education
DepEd BCD, August 2016. K to12 Health Grade 3 Teachers
Guide. Pasig City: Department of Education
DepEd BCD, August 2016. K to12 Health Grade 3 Learners
Mateials. Pasig City: Department of Education

B. Internet

https://webstockreview.net/images/clap-clipart.jpg
https://www.pinterest.ph/pin/421157002650438397/
https://www.youtube.com/watch?v=h1C9HWeGEBE&featur
e=share

Philippine Architecture.“Ivantan House”, Posted June 17,


2015,https://www.facebook.com/ThePhilippineArchitecture/
posts/ivatan-house-batanesthe-ivatan-house-is-made-
primarily-of-lime-stone-wood-and-th/665673726866735/
Wikipedia.“Kutang Santiago”, Accessed June 19,
2019, https://tl.wikipedia.org/wiki/Kutang_Santiago
Wikipedia.“Dambanang Rizal”, Accessed June 19, 2019,
https://tl.wikipedia.org/wiki/Dambanang_Rizal_(Calamba)
Wikipedia.“Palasyo ng Malakanyang”, Accessed May 15,
2019, https://tl.wikipedia.org/wiki/Palasyo_ng_Malakanyang
FNRI-DOST “Nutritional Guidelines for Filipinos: a prescription
to good nutrition” Accessed May 24, 2020

https://www.fnri.dost.gov.ph/index.php/publications/writers-
pool-corner/57-food-and-nutrition/204-nutritional-guidelines-
for-filipinos-a-prescription-to-good-nutrition

Healthy Kids “5 Paraan tungo sa isang malusog na


pamumuhay” Accessed May 24, 2020

https://healthykids.nsw.gov.au/downloads/file/home/1-
filipino-5Ways_HR.pdf

Healthy Schools “Malusog na pamumuhay para sa mga


pamilya” Accessed May 24, 2020

https://healthyschoolsbc.ca/media/22228/hlf-parent-filipino-
final.pdf
Acknowledgment
DEVELOPMENT TEAM OF THE MODULE
Management Team:
Malcolm S. Garma, Regional Director
Genia V. Santos, CLMD Chief
Dennis M. Mendoza, Regional EPS In Charge of LRMS
Maria Magdalena M. Lim, CESO V, Schools Division Superintendent
Aida H. Rondilla, CID Chief
Lucky S. Carpio, EPS In Charge of LRMS

MUSIKA 3
Manunulat: Noemi L. Celis- MT I, Victoria V. Salvania- MT II,
Criszelda A. Nievera, Kenneth A. Teppang
Editor: Luis M. Anchilo, PSDS & Supervisor-in-Charge (MAPEH)
Tagasuri: Ricky Vallejo
Tagaguhit: Victoria V. Salvania – MT II, Criszelda A. Nievera
Tagalapat: NOEMI L. CELIS- MT I, Kenneth A. Teppang
SINING 3
Manunulat: Christie B. Agpaoa – MTII, Mary Grace G. Remotin, Ricardo M.
Jimenez, Kenneth John M. Loria
Editor: Adulfo S. Amit, PSDS
Tagasuri: Luis M. Anchilo, PSDS & Supervisor-in-Charge (MAPEH)
Tagaguhit: Ricardo M. Jimenez, Kenneth John M. Loria
Tagalapat: Mary Grace G. Remotin
EDUKASYONG PANGKATAWAN 3
Manunulat: Louella Maricar O. Cheng, Rosa May V. Narag, Annagail Jamorabo
Editor: Eileen Marie C. de Leon
Tagasuri: Luis M. Anchilo, PSDS & Supervisor-in-Charge (MAPEH)
Tagaguhit: Louella Maricar O. Cheng
Tagalapat: Louella Maricar O. Cheng
EDUKASYONG PANGKALUSUGAN 3
Manunulat: Mary Joy N. Pascual, Jesylyn D. Canindo, Rado A. Balibados
Editor: Christopher L. Lirio
Tagasuri: Luis M. Anchilo, PSDS & Supervisor-in-Charge (MAPEH)
Tagaguhit: Mary Joy N. Pascual, Jesylyn D. Canindo, Rado A. Balibados
Tagalapat: Mary Joy N. Pascual, Jesylyn D. Canindo, Rado A. Balibados

You might also like