Professional Documents
Culture Documents
Banghay Aralin Sa Edukasyon Sa Pagpapakatao IV WEEK 4
Banghay Aralin Sa Edukasyon Sa Pagpapakatao IV WEEK 4
Layunin:Nakapagbabahagi ng sariling karanasan o makabuluhang pangyayaring nagpapakita ng
pang-unawa sa kalagayan/pangangailangan ng kapuwa
Integrasyon : MAPEH - Paglalaro
Pamamaraan:
1. Bago simulan ang araling ito, mag
flash ng mga video clips ngpagdamay o kaya naman ay mga larawang nagpapakita ng
pagdamay sa mga nalulungkot.
Halimbawa ng mga larawan:
namatayan ng mahal sa buhay, naiwan ng magulang, nag-iisa, malungkot, at iba pa.
3. Hayaang magkuwento ang mga mag-aaral ng kanilang mga
karanasan sa pagdamay, sa isang kaibigan o kakilala.
4. Tumawag ng isang mag-aaral at ipabasa nang malakas ang kuwento
sa Alamin Natin sa Kagamitan ng Mag-aaral.
5. Ipasulat sa kuwaderno ang katangian nina Lydia at Mina. Gabayan ang mag
aaral upang mapaghambing ang dalawang tauhan sa kuwento.
Maaari pang magdagdag ng mga katanungan sa ibinigay sa Alamin Natin sa Kagamitan ng Mag-
aaral. Ipaliwanag sa kanila na ang ginagawa nilang pagdamay sa damdamin ng kanilan
kaklase, kaibigan, kalaro at iba pang tao ay tinatawag na Empathy.
Nagpapakita rin sila ng kabaitan sa ginagawa nilang pagdamay sa mga ito.
6. Ipaliwanag nang mas malalim ang mga halimbawa ng Empathy at
Kindness. Maaaring gamiting halimbawa ang ginagawa ng mga
taong sa palagay nila ay nagpapakita ng mga pagpapahalagang ito.
Mas mabuti kung ang gagamiting halimbawa ay kilala ng mag-aaral.Gamitin ang lokalisasyon.
Banghay Aralin sa Edukasyon sa Pagpapakatao
Layunin:Nakapagbabahagi ng sariling karanasan o makabuluhang pangyayaring nagpapakita ng
pang-unawa sa kalagayan/pangangailangan ng kapuwa
Integrasyon : MAPEH - Paglalaro
Pamamaraan:
1. Ipasuri ang mga larawan sa Gawain 1 ng Isagawa Natin sa
Kagamitan ng Mag-aaral. Iugnay ang naging talakayan sa Alamin
Natin sa mga ipinahihiwatig ng mga larawan.
2. Ipagawa ang iba pang gawain sa Gawain 1.
3. Matapos gawin ng mga mag-aaral ang Gawain 1, iproseso ang
kanilang mga sagot.
4. Muling itanong sa kanila kung anong pagpapahalaga ang kanilang
naipakita sa paraan ng pagtulong. Bigyang-diin na hindi lamang
ito dapat isang plano, mas mabuti kung ang mga ito’y totohanang
gagawin nila.
5. Para sa ikalawang gawain, sundin ang panutong ibinigay sa
Kagamitan ng Mag-aaral. Hingin ang opinyon ng mga mag-aaral
kung bakit “Awa” at “Unawa” ang pamagat ng laro.
6. Makabubuti rin kung gagamit ng musikang may mabilis na tempo habang nagpapasahan ng bola.
7. Siguraduhing purihin ang sagot ng mag-aaral.
Banghay Aralin sa Edukasyon sa Pagpapakatao
Layunin:Nakapagbabahagi ng sariling karanasan o makabuluhang pangyayaring nagpapakita ng
pang-unawa sa kalagayan/pangangailangan ng kapuwa
Integrasyon : MAPEH - Paglalaro
Pamamaraan:
2. Gabayan ang mga mag-aaral sa kaisipang hindi sa lahat ng oras ay sila ang magbibigay ng pag-
unawa at tulong sa iba. May mga pagkakataong sila naman ang mangangailangan at tatanggap nito.
Ipaliwanang ang ideya ng give and take.
3. Padugtungan sa mag-aaral ang isang panalangin para sa mga taong nangangailangan ng pag-
unawa at pagdamay.
4. Ipabasa at bigyan ng paliwanang ang Tandaan Natin na tungkol sa pag-
unawa sa damdamin ng kapuwa at sa pagtulong sa mga nangangailangan.
Banghay Aralin sa Edukasyon sa Pagpapakatao
Layunin:Nakapagbabahagi ng sariling karanasan o makabuluhang pangyayaring nagpapakita ng
pang-unawa sa kalagayan/pangangailangan ng kapuwa
Integrasyon : MAPEH - Paglalaro
Pamamaraan:
1. Napakahalaga ng gagawing pagsasabuhay ng pag-unawa sa
damdamin ng mga mag-aaral. Kailangang gabayan sila upang
makapagbuo ng isang samahan na dadamay sa mga mag-aaral na
may suliranin. Maaaring simulan ito sa pamamagitan ng pagtulong
sa paggawa ng mga gawaing bahay o tutorial sessions. Bigyan
ang pangkat ng pangalang “Gabay sa Kamag-aral”. Hingin ang
koordinasyon ng Guidance Counselor.
Simula sa tutorial sessions, sanayin ang pangkat upang magkaroon
pa ng ibang kasanayan sa pag-unawa at pagiging mabait sa ibang
mag-aaral na may suliranin.
2. Upang masubaybayan ang mga gawain ng samahan, isusulat ng
mag-aaral ang nagawa nilang pagdamay sa kapuwa. Itatala ito sa
talaarawan tulad ng nasa Isabuhay Natin sa Kagamitan ng Mag-
aaral. Kailangan din itong lagdaan ng guro tuwing huling araw ng
Linggo.
Banghay Aralin sa Edukasyon sa Pagpapakatao
Integrasyon : MAPEH - Paglalaro
Pamamaraan:
1. Itanong sa mag-aaral kung may kilala silang beauty queen o kaya ay
isang batang nanalo sa isang paligsahan. Halimbawa: Ryzza Mae
Dizon at iba pa. Puwedeng gawing halimbawa ang isang natapos
na paligsahan sa paaralan at sa pamayanan.
2. Bumuo ng dalawang pangkat. Ang unang pangkat ay magsasadula
ng kasiyahang naramdaman ng nanalo sa paligsahan. Ang
ikalawang pangkat ay gagawa ng sanaysay tungkol sa damdamin
ng hindi pinalad na manalo sa paligsahan.
3. Ipabasa ang sagot ng mag-aaral at bigyan ng puna o papuri.