Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

GEED 10103 FILIPINOLOHIYA AT PAMBANSANG KAUNLARAN

Aralin 1- FILIPINOLOHIYA: KAHULUGAN AT KALIKASAN NG


KAMALAYANG BAYAN SA WIKA AT KULTURA NG MAMAMAYAN
Pangkalahatang -Ideya

Ang unang bahagi ng aralin ay naglalayong maipakilala ang kahulugan at kalikasan ng


kamalayang bayan patungo sa pagkatuto sa wika at maging sa kulturang nakapaloob sa wikang
ginagamit ng mamamayan. Ang ikalalawa ay pagtukoy sa wikang ginagamit ng mga mag-aaral
sa loob ng kanyang pamayanang ginagalawan at ang ikatlo ay ang paggamit at pagkilala sa
agham –bayan sa larang ng kontekstong gamit ang wikang Filipino. Ang aralin sa bahaging ito
ay maghihimay sa koneksyon ng wikang Filipino at ang mga mamayang gumagamit ng wika. Sa
araw-araw na pakikisalamuha ay lumalabas aang gawi pati na ang wikang alam niya sa
pakikipag-usap.

Layuning Pagkatuto

Sa pagtatapos ng aralin ang mag-aaral ay inaasahang:

1. Matalakay ang kahulugan, kahalagahan ng Wikang Filipino at Kulturang Pinoy


2. Ipaliwanag kung bakit mahalaga na maging talakayan ang halagahan ng wika
at kultura sa kamalayang Pinoy.
3. Makapagpakita ng sitwasyong maaring ginamitan ng wika at kultura na
nagkaroon ng epekto sa ugaling Pinoy.

Kagamitang Pampagtuturo

Yunit 1- Wikang Filipino at/ay Diskursong Makabayan(nasyunalismo)

Ano ang Wikang Filipino?


Mula sa Seksyon 6- ang wikang pambansa ng Pilipinas ay Filipino. Samantalang nililinang , ito
ay dapat pagyabungin at pagyamanin pa salog sa umiiral na wika sa Pilipinas at sa iba pang
mga wika” Nagkaroon ng kongkretong pangalan ang wikang pambansa matapos ang 24 na
taon. Tiniyak ito ng Konstitusyon ng 1987 (Artikulo XIV, Seksyon 6-9) ang kasalukuyang ngalan
ng pambansang wika ng PIlipinas , Ang FILIPINO.

Kultura
Ano ang kahulugan ng salitang ito?
Ang salitang “Kulta” ay ang pagsasalin –salin ng mga tradisyon ng isang grupo ng tao o
komyunidad. Sa PIlipinas naman ang kultura ay ang pinaghalong mga tradisyon, paniniwala at
pamumuhay ng mga dayuhang sumakop at ang mga katutubong Pilipino.
Ang mga halimbawa nito ay awit,sining, kasabihan,kagamitan at mga selebrasyon, ang mga
ilang ito ay bumuno sa tinatawag nating “kultura”. Mayroong kulturang “materyal” at “hindi
materyal” Ang materyal na kultura ay hango sa tradisyon at mga nilikhang mga bagay-bagay ng
etnikong grupo. Ito ay nahahawakan at konkreto. Samantala, ang di –materyal ay hindi na
nahahawakan ngunit nakikita sa mga Gawain o ugali ng mga tao sa isang grupo.
Gawain /Pagtatasa

A. Ilang minutong panonod ng bidyo


1. Panonoorin sa bidyo ang awit na ginawan ng paglalapat ng ni Freddie Aguilar
https://www.youtube.com/watch?V=n3tdVqGxspk&feature=share
2. Panooring ang bidyo hinggil sa Adbokasiya sa Kamalayang Bayan.
https://www.youtube.com/watch?v=_xj94j8PjnE&feature=share

B. Pagsisintesis
1. Mula sa napanood na bidyo , ano ang inyong palagay sa ugnayan ngayon ng wika at
kultura?
2. Ano ang naging konsepto ninyo kapag usaping kamalayan na ang pinag-uusapan at gaano
ito nagkaroon ng epekto sa inyo.

C. Gawaing bahay
1. Ano ang kulturang Pinoy na inyong alam, Maari ba akyong makapagbigay ng mga
Kulturang gamit ang wika sa materyal na paraan at hindi materyal na paraan? Pag-
uusapan /tatalakayin ito sa susunod na aralin.isulat ninyo ito para sa inyong sariling
pagsagot.
2. Paano ito nakakaapekto sa kamalayang sikolohikal ng mamamayang Pilipino.

You might also like