UBian ILM Fil 2 MODYUL 3 PDF

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 16

Module 3 TEKNIKAL AT PAMPANITIKANG

HAKBANG SA PAGSASALING-WIKA

Course topic Pagsasaling-wika sa Teknikal at sa


Pampanitikang Hakbang at
Paraan
Time allotment: 3 Hrs. MWF/TTH
Course objectives: Expected outputs:
Sa pagtatapos ng aralin, ikaw ay
inaasahan na: Uncover:
Kaalaman sa bisa ng pagsasalin
1.natutukoy ang mga kahulugan at
Brainstorm:
kayarian ng dalawang uri ng pagsasalin at
dalawang dimensiyon sa Talakayan sa binasang aralin
Instill:
pagpapakahulugan ng mga salita.
2. nasusunod nang wasto ang mga Pagpapatibay sa tiyak na natamong
kaalaman
hakbang at paraan sa pagsasalin
Apply:
3. nakapagsasagawa nang pagwawasto Kahusayan sa pagsagot sa maikling
pagsusulit
ng mga tiyak na gamit sa kasanayang
kawastuhang gramatikal sa pagsasalin Nutshell:
Pang-unawa sa tiyak na aralin

Reply to:
(Address of Originating Campus)

Campuses: Hilltop | MH del Pilar | Pallocan East | Pallocan West | Lipa


Telephone Numbers: +63 43 723 1446 | 980 0041
Website: www.ub.edu.ph
Matapos mong mabatid sa Modyul 2 ang mga pangunahing batayang simulain sa
pagsasalin at ang mga katangiang dapat taglayin ng isang tagapagsaling-wika.
Nararapat lamang na mabatid mo ang mga hakbang at paraan upang makabuo ng
isang mahusay at maayos na pagsasalin.

Bilang tagapagsalin, mahalagang malaman at matutunan mo ang mga tiyak na


hakbang na maaari mong maging gabay sa pagsasalin .

Alam mo ba kung anu-ano ang mga dapat tandaan sa pagsasaling-wika? Anu-ano ang
mga hakbang na dapat isaalang-alang upang makabuo ng isang mabisang salin?

Ngayon ang panahon ng pagsasalin. Ngayon ang panahon upang lumahok sa iba’t
ibang gawaing pagsasalin—teknikal man o pampanitikan. Dagsa sa merkado ang
mga gawaing nangangailangan ng pagsasalin. At dahil walang anumang ahensiya sa
bansa na nangangasiwa o nagpapatrol sa mga gawaing pagsasalin, hindi matiyak ang
pamantayang gagamitin sa pagsipat sa isang wasto at tamang salin partikular sa mga
isinasagawang teknikal na pagsasalin.

Reply to:
(Address of Originating Campus)

Campuses: Hilltop | MH del Pilar | Pallocan East | Pallocan West | Lipa


Telephone Numbers: +63 43 723 1446 | 980 0041
Website: www.ub.edu.ph
Sapat bang maisalin lamang ang impormasyon? O panahon na upang muling sipatin
ang nakagawiang palagay sa praktika ng teknikal na pagsasalin? Habang patuloy na
pumapasok ang mga pagbabagong dulot ng teknolohiya, pumapasok na rin ang iba’t
ibang kahingiang sitwasyonal at kontekstuwal sa pagsasalin. Bunga ng mga kahingiang
ito, hindi na sasapat pa ang nakagawian sa pagsasalin. Mahalagang mataya ang mga
umiiral na praktis sa pagsasalin at matiyak ang mga pagpapahalagang maaaring
makaapekto sa magsasalin sa panahong ito.

Ilang bagay na dapat tandaan sa pagsasaling-wika

Kinakailangang manatiling obhetibo at makatunayan sa paksa ang isang manunulat na


teknikal. Ngunit, kailangan ding maalam siya sa paggamit ng mga taktikang malikhain
upang magtagumpay sa pag-akit ng babasa at mapanatili ang interes nito sa binabasa.

Narito ang ilang kalimitang halimbawa ng mga alam na nating tekstong teknikal:
(1) mga teksbuk, (2) gabay at/o manwal, (3) encyclopedia, (4) mga artikulong syentipiko
at akademiko, (5) mga patakaran o pamamaraan, (6) at iba pa. Narito naman ang iba’t
iba pang uri ng mga materyal na maituturing ding may katangiang teknikal: (1) mga
dokumentong legal, (2) technical reports, (3) brochures, (4) mga liham, (5) mga katitikan
ng pulong, (6) mga taunang ulat/ annual reports, (7) manuskrito ng mga talumpati at
panayam, (8) survey forms, at iba pa.

Pansinin na higit na malawak ang saklaw ng mga tekstong nabanggit sa ikalawang


batch ng mga uri ng materyal na kalimitang isinasalin. Marapat din sigurong sabihing
mayroon din itong posibilidad na magkaroon ng katangiang interdisiplinari at
multidisiplinari. Nangangahulugan kung gayon na hindi na lamang kung gaano
katumpak ang naging salin ng mga termino, o kung gaano kawasto ang mga mensahe

Reply to:
(Address of Originating Campus)

Campuses: Hilltop | MH del Pilar | Pallocan East | Pallocan West | Lipa


Telephone Numbers: +63 43 723 1446 | 980 0041
Website: www.ub.edu.ph
at impormasyong isinalin, o kung napanatili ba ang estilo ng orihinal na teksto sa salin
ang dapat maging konsiderasyon sa pagsasalin.

Bagama’t kadalasang tinutukoy ang mga tekstong teknikal batay sa mga


espesyalisadong termino o “register‖ na taglay nito, at sa katangian ng estrukturang
gramatikal ng materyal gaya ng: (1) laging nasa ikatlong panauhan, (2) mahahaba at
komplikado ang mga pangungusap, (3) mahihirap ang mga salitang ginagamit at/o
malalim ang mga konseptong tinatalakay, at (4) kalimitang gumagamit ng mga di-
karaniwang anyo ng pangungusap, hindi maikakaila na higit pa sa mga nabanggit ang
katangian ng inaasahang produksiyon ng mga tekstong teknikal.

Pagsasaling Pampanitikan

Ang Pagsasaling wika ay matagal nang isinasagawa sa bansa simula pa sa ating mga
ninuno ngunit mas nabigyang tuon ang pagsasalin nang dumating ang iba’t ibang
mananakop sa ating bansa, lalo nilang binigyang tuon ang pagsasaling wika, kabilang
na rito ang iba’t ibang akdang pampanitikan. Sa pagdaan ng maraming taon ang
pagsasaling wika ay higit na nagkakaraoon ng puwang sa larangan ng pagsulat,
maraming mga manunulat ang tumugon sa pagsasalin ng mga akdang
pampanitikan. Dahil dito, unti-unti nagkaroon ng liwanag ang pagsasalin. Nagkakaroon
din ng ugnayan ang dalawang bansa kung saan nagmula ang mga akdang isinasalin.
Nagbukas ng maraming oportinidad ang pagsasalin sa mga manunulat. Ang pagsasalin
ay isang mabisang paraan ng pagpapayaman ng bokabularyo ng mga mag-aaral. Ito rin
ay nakapagpapataas din ng kahusayan sa pagpapahayag sapagkat hindi lamang iisang
wika ang pinagtutuunan ng pag-aaral, dahil dalawa o higit pang wika, depende sa
wikang gamit sa akdang pampanitikan na isasalin.

Reply to:
(Address of Originating Campus)

Campuses: Hilltop | MH del Pilar | Pallocan East | Pallocan West | Lipa


Telephone Numbers: +63 43 723 1446 | 980 0041
Website: www.ub.edu.ph
Ayon kay Bienvinido Lumbera (1982) ang mga layuning nagbubunsod sa
pagsasalin ay ang mga sumusunod: Una, sa pagpapalaganap ng kaalaman o kaisipang
nakapaloob sa akda, Ikalawa, pagbibigay liwanag sa kasaysayan at kultura ng ibang
bansa o panahon, Ikatlo, pagpapakilala sa mga mambabasa ng isang akdang
itinuturing na makabuluhan ng isa o ilang tao. Ang mga kaalaman at karunungang
nababasa ngayon at napag-aaralan ay dulot ng pagsasaling wika.

Sa gawaing pampanitikan, wika ang pangunahing kasangkapan sa pagsasalin. Sa


isang pagtanaw, mas mahirap ang gawaing pampanitikan, dahil dalawang wika ang
dapat pagpakadalubhasaan ng tagasalin sa ordinaryong sitwasyon. Kailangang
dalubhasa siya sa Simulaang Lengguwahe (SL) o ang wika ng isinasaling akda, at ng
Tunguhang Lengguwahe (TL) o ang wikang pinagsasalinan ng akda. Wika nga ni John
Dryden para sa sinumang nais magsalin ng tula, kailangang ―bukod sa isang henyo sa
naturang sining ay (kailangang) dalubhasa.

Pagsasaling-Wika
Ang pagsasaling-wika ay ang muling paglalahad sa pinagsasalinang wika ng
pinakamalapit na natural na katumbas ng orihinal ang mensaheng isinasaad ng wika na
wikang kasangkot nito.

Ayon kay Santiago (2003) , ito ay paglilipat sa pinagsasalinang- wika ng pinakamalapit


na katumbas na diwa at estilong nasa wikang isasalin. Ang isinasalin ay ang diwa ng
talata at hindi ang bawat salita na bumubuo rito.

Reply to:
(Address of Originating Campus)

Campuses: Hilltop | MH del Pilar | Pallocan East | Pallocan West | Lipa


Telephone Numbers: +63 43 723 1446 | 980 0041
Website: www.ub.edu.ph
Dalawang uri ng Pagsasaling-wika
1. Pagsasaling-wika na Pampanitikan
- Pag-aangkop ng akdang pampanitikan sa bagong kalagayang
pampanitikan na taglay pa rin ang orihinal na katangian, estilo at himig
ng akda.
2. Teknikal- hindi ito malikhaing pagsulat
- Ito ay tuwirang may kinalaman sa mga siyensya, pangkalikasan man o
panlipunan, pang-akademiko na nangangailangan pa rin ng mga
espesyalisadong wika.

Dalawang Dimensyon sa Pagpapakahulugan ng mga Salita


1. Konotasyon
- ang pagpapakahulugan ay iba kaysa sa pangkaraniwang pakahulugan nito.
- ito ay maaring mag-iba-iba ayon sa saloobin, karanasan at sitwasyon ng isang
tao. Nagtataglay nang mga pahiwatig ng emosyonal o pansaloobin ang mga
salita.
- mayroon din malalim ang kahulugan ng salita na nagpapaganda sa kaayusan
ng isang pangungusap.

Halimbawa:
Ang batang lalaki ay talagang may gintong kutsara sa bibig
Gintong kutsara- mayaman o maraming pera ang pamilya

2. Denotasyon
- ito ay karaniwang kahulugang mula sa diksiyonaryo o salitang ginagamit
sa pinakakaraniwan at simpleng pahayag.

Halimbawa : nimpa- diwata


Opisyo – hanapbuhay, trabaho

Reply to:
(Address of Originating Campus)

Campuses: Hilltop | MH del Pilar | Pallocan East | Pallocan West | Lipa


Telephone Numbers: +63 43 723 1446 | 980 0041
Website: www.ub.edu.ph
Sa pagsasagawa nang pagsasaling pampanitikan, hindi maisasantabi ang paggamit
ng mga matatalinghagang salita gaya ng idyoma at alusyong popular. Unawain ang
paglalahad hinggil dito…

Idyomatikong Pagsasalin

Isinasaisip sa pagsasaling-wika ang mga limitasyon na kabilang ang diwa (konteksto),


ang patakarang pambalarila (gramatika) ng dalawang wika, ang pamamaraan at gawi
ng pagsulat sa dalawang wika, at ang kanilang mga wikain (kawikaan o idyoma). Isang
karaniwang kamalian sa pagkakaintindi na may payak na paraan ng pakikipag-ugnayan
ang bawat dalawa (ang literal na salin o pagtutumbas ng salita-sa-bawat-salita); at ang
pagsasalin ay isang tuwiran at mekanikal na proseso. Sa pagtutumbas ng salita-sa-
bawat-salita, hindi pinahahalagahan at hindi nabibigyan ng pansin at diin ang diwa,
balarila, mga gawi, at kawikaan.

Ano ang IDYOMA?

Ang isang sawikain o idyoma ay isang pagpapahayag na ang kahulugan ay hindi


komposisyunal—sa ibang salita, hindi binubuo ng tumpak na kahulugan ang mga
kanya-kanyang salita na nabuo; ito ay di-tuwirang pagbibigay kahulugan at pagpapakita
ng kaisipan at kaugalian ng isang lugar.

Halimbawa: butas ang bulsa- penniless; without money


Hindi mahulugang karayom- very crowded

IDYOMATIKONG PAHAYAG

Ang Idyomatikong Pahayag o Salitang Matalinghaga ay parirala o pangungusap na ang


kahulugan ay kompletong magkaiba ang literal na kahulugan ng salitang gawa sa
matalinghagang salita. Ito ay naging pangmalawakang gamit dahil ito’y Makahulugang
Mensahe.

Halimbawa: Buto’t balat- payat na payat (A skinny lad after the accident.)
Pipitsuging tao- mahirap (small fry)
Reply to:
(Address of Originating Campus)

Campuses: Hilltop | MH del Pilar | Pallocan East | Pallocan West | Lipa


Telephone Numbers: +63 43 723 1446 | 980 0041
Website: www.ub.edu.ph
(Stay away from the small fry but instead go after the fat-cats)

GABAY SA PAGSASALIN NG IDYOMA


Isalin ang diwa ng salita sa payak na kahulugan, ang wikang isinalin na matayutay ay
dapat maging payak sa wikang pinagsasalinan. Bigyang –pansin ang mga sumusunod
na gabay:
1. May Literal na Katapat
Old maid (matandang dalaga)
Sand castle (kastilyong buhangin)

2. May Panapat na Idyoma


Piece of cake (sisiw)
No word of honor (walang isang salita; walang paninindigan sa salita)
3. Walang Panapat na Kayang Ibigay ng Kahulugan
Barking up the wrong tree (pagtuturo sa maling tao)
Once in a blue moon (bihira mangyari)
4. Pariralang Pandiwa at Pang-ukol
Run away (tumakas)
Run after (habulin)

Run over (masagasaan)


Run into (magkasalubong)

Ano ang Alusyon?


Ang alusyon ay isa sa uri ng tayutay na tumutukoy sa tao, lugar o mga pangyayari
gamit ang mga taong tanyag o may pinag-aralan. Ang tayutay na ito ay ginagamit
upang bigyan ng diin o lumutang ang isang paksa.

Reply to:
(Address of Originating Campus)

Campuses: Hilltop | MH del Pilar | Pallocan East | Pallocan West | Lipa


Telephone Numbers: +63 43 723 1446 | 980 0041
Website: www.ub.edu.ph
Mga Uri ng Alusyon at Halimbawa nito
A. Alusyon sa Bibliya. Ang manunulat ay gumagamit ng mga kilalang tauhan
o lugar mula sa Bibliya.

Halimbawa:

1. Si Tasyo ang nagsilbing Noah ng mga taga- Isla Dolores nang pinasakay niya
sa kanyang bangka ang mga alagang hayop ng mga naninirahan dito.
2. Hudas Iscariote ang turing kay Joe sapagkat madalas nitong ipagkanulo ang
mga kasama nito.

B. Alusyon sa Heograpiya. Sa bahaging ito gumagamit ng kilalang lugar ang


isang may akda upang mabigyan nang diin ang nais nitong ipahiwatig.

Halimbawa:
1. Maituturing na Mount Vesuvius ng Pilipinas ang Bulkang Taal sa lakas at laki
ng sakop ng pinsala nito tuwing sasabog.

2. Sa sobrang lamig sa Baguio ay tinaguriang North Pole ito ng bansang Pilipina

C.Alusyon sa Mitolohiya. Ito ay paggamit ng mga tauhan mula sa mitolohiya.

Halimbawa:
1. Walang tatalo kay Kiko, ang Poseidon ng baranggay Bagong Bato sa galing
nitong mangisda.
2. Si Miss Universe Catriona Gray ang Venus ng Pilipinas dahil sa angkin nitong
kagandahan.

Reply to:
(Address of Originating Campus)

Campuses: Hilltop | MH del Pilar | Pallocan East | Pallocan West | Lipa


Telephone Numbers: +63 43 723 1446 | 980 0041
Website: www.ub.edu.ph
D. Alusyon ayon sa Literatura. Paggamit ng mga pangalan ng mga tauhan sa
literatura

Halimbawa

1. Si Lorna ang Binibining Phathupats ng baranggay Uno sa galing nitong


magkunwari na hindi niya kayang gawin ang bagay na dati niyang ginagawa.
2. Si Jose ang Florante ng buhay ng kanyang kasintahang si Mercedes.

E.Alusyon sa Kulturang Popular.

Kulturang Popular

- Maaring bigyang kahulugan ang kulturang popular bilang produkto, anyo ng


pagpapahayag o identidad na karaniwang tinatanggap, kinagigiliwan o sinasang-
ayunan ng maraming tao at karakteristiko ng isang particular na lipunan at
panahon.
- Iniuugnay rin ito ang mass culture na tinitingnan bilang komersyal na kultura-
maramihang produksyon para sa konsumpsyon ng madla (Bernales at Dela
Cruz, 2017)
- Ang specific time frame fixated time marker natin ay kung ano ang sikat, uso at
in ngayon at wala nang ibang panahon pa, wala noon, walang hinaharap na
time frame. Basta sa kasalukuyan lamang. Kung tutuusin, simpleng sikolohiya ng
panahon ang terminong popular. Kumbaga, nag-iisip tayo sa ngayon, umiiral
tayo sa ngayon, naiimpluwensyahan tayo ng maraming bagay at tao sa ngayon,
lahat talaga ay sa ngayon. Samakatwid, ang salitang popular sa kulturang

Reply to:
(Address of Originating Campus)

Campuses: Hilltop | MH del Pilar | Pallocan East | Pallocan West | Lipa


Telephone Numbers: +63 43 723 1446 | 980 0041
Website: www.ub.edu.ph
popular ay walang ibang pinapatungkulan kundi ang kasalukuyan, ang ngayon
(Gonzales,2009).

Halimbawa

1. Si David ang Piolo Pascual ng paaralan dahil sa taglay nitong kagwapuhan.

2. Sa husay ni Gina sa pakikipanayam ay tinagurian siyang Kris Aquino ng


paaralan.
3. Kinatatakutan ngayon ang pandemya corona virus.

Mga konsiderasyon Bago Magsalin

1. Layunin
Orihinal na Teksto >>>> Saling-Teksto
/ /
Reaksyon ng Mambabasa Reaksyon ng Mambabasa
Ng Orihinal ng Salin
2. Mambabasa
Mga maaring maging tanong:
Para kanino ang salin?
Sino ang pinag-uukulan ng salin?
3. Anyo
Tandaan:
Ano’t ano man ang anyo ng isasalin, kailangang maging
konsistent ang anyo ng salin sa orihinal.

4. Paksa
Reply to:
(Address of Originating Campus)

Campuses: Hilltop | MH del Pilar | Pallocan East | Pallocan West | Lipa


Telephone Numbers: +63 43 723 1446 | 980 0041
Website: www.ub.edu.ph
Kung hindi alam ang paksa ng isasalin, kailangang gawin ang alinman sa
mga sumusunod:
a. Alamin muna ang paksa ng isasalin bago iyon isalin
b. Huwag iyong isalin. Ipasalin na lamang sa nakakaalam ng isasalin.
(Pwedeng humingi ng tulong o kuro-kuro sa iba upang magkaroon ng
ideya sa isasalin)

5. Pangangailangan
Magsalin lamang kung kinakailangan. Hindi tayo dapat salin nang salin kung
ang kailangan naman ay ang sumulat ng isang orihinal na akda.

PARAAN NG PAGSASALIN
A. MALAYANG PAGSASALIN, ang minamahalaga sa pagsasalin ay ang
kahulugan kaysa sa estruktura ng pangungusap. Hindi ito nakakulong sa
mahigpit na balangkas ng wikang isinasalin kundi ang mensaheng gustong
ipahayag.
Halimbawa:

I bought a new car. Bumili ako ng bagong kotse.


Ako ay bumili ng bagong kotse.
Bagong kotse ang binili ko.

B. DI-MALAYANG PAGSASALIN, nakalukob na ang tagasalin sa estruktura ng


pangungusap dahil ito ang nagtatakda ng kahulugan sa nais ipahayag.

Halimbawa:

1. How do you do? Kumusta ka?


2. Give him a hand. Tulungan mo siya.

C. ADAPTASYON, pinakamalaya sa lahat ng paraan na kung minsan ay malayo


na sa orihinal.

Halimbawa:

Reply to:
(Address of Originating Campus)

Campuses: Hilltop | MH del Pilar | Pallocan East | Pallocan West | Lipa


Telephone Numbers: +63 43 723 1446 | 980 0041
Website: www.ub.edu.ph
(But to act that each tomorrow Find us further than today—Kundi ang
gumawa upang bawat bukas ay maging mayabong; maging mabutaktak at
maging mabungang higit kaysa noon)

But to act that - Kundi ang gumawa upang bawat


Each tomorrow - bukas ay maging mayabong
Find us further - maging mabutaktak at maging
Than today - mabungang higit kaysa noon

PAALALA! Sikapin na masagutan nang tama ang Gawain ito upang maging handa
sa Pang-Hating Semestreng Pagsusulit (Midterm Exam).

A.Panuto: Lagyan ng tsek ( √ ) ang mas mainam na salin ng pangungusap


at ekis ( х ) naman ang hindi.

1. Carry on the shoulder.


______ Dalahin sa balikat
______ Pasanin.
2. Tell the children to return to their seats.
______ Sabihin sa mga bata na magbalik na sila sa kani-kanilang upuan.
______ Pabalikin ang mga bata sa kanilang upuan.
3. The war between Iran and Iraq.
______ Ang digmaan sa pagitan ng Iran at Iraq.
______ Ang digmaan ng Iran at Iraq.
4. The guest arrived when the program was already over.
______ Ang panauhin ay dumating kung kailan tapos na ang programa.
______ Tapos na ang programa nang dumating ang panauhin.
5. I went to the Auditorium where the contest will be held.
______ Ako ay nagpunta sa Awditoryum na kung saan idaraos ang paligsahan.
Reply to:
(Address of Originating Campus)

Campuses: Hilltop | MH del Pilar | Pallocan East | Pallocan West | Lipa


Telephone Numbers: +63 43 723 1446 | 980 0041
Website: www.ub.edu.ph
______ Nagpunta ako sa Awditoryum na pagdarausan ng paligsahan.
6.She is my mother’s apple of the eye.
______ Siya ang mahalaga sa mata ng aking ina.
______ Paborito siya ng aking ina

7. His paper was soaked in water


______Basa ang kanyang papel
______Basa ang kanyang sulatang papel
8. She has a green thumb
______Magaling siya sa pagtatanim.
______Siya ay may berdeng daliri
9. Hit the sack
______Tamaan ang sako
______Matulog ka na
10. You are a chicken
______Ikaw ay manok
______Ang duwag mo

B.Panuto: Ang mga sumusunod ay ilang idyoma sa Ingles. Kung sa palagay mo


ay tama ang ibinigay na kahulugan sa Filipino, isulat ang salitang Tama
sa katapat na blangkong linya. Kung sa palagay mo naman ay mali, isulat
ang salitang Mali.

Idyomang Ingles Kahulugan

_____ 1. Bread and butter - Kabuhayan


_____ 2. A snake in the grass - Lihim na kaaway; traydor
_____ 3. Move heaven and earth - Gawain ang lahat ng paraan
_____ 4. Man in the street - Karaniwang tao
_____ 5. Man of letters - Taong nag-aaral; dalubhasa sa panitikan
_____ 6. Hold one’s tongue - Manatiling tahimik; huwagmagsalita ng anuman
_____ 7. Make faces - Bumusangot
_____ 8. Birds of a feather - Mga taong magkakaugali
_____ 9. Make a mountain out - Palakihin ang isang maliit na problema
of a molehill
____ 10. Bury the hatchet - Makipagkasundo sa kaaway
Reply to:
(Address of Originating Campus)

Campuses: Hilltop | MH del Pilar | Pallocan East | Pallocan West | Lipa


Telephone Numbers: +63 43 723 1446 | 980 0041
Website: www.ub.edu.ph
PAALALA! Maaaring ang ilang sa mga pinasagutan ay kasama sa Midterm Exam.

Ang bawat isa ay may pagnanais na makapagsalin nang maayos at may pagsasaalang-
alang sa diwang nakapaloob sa isasalin at ang kaakibat nitong wastong salita o
gramatika. Inaasahan ko na sa pagsasalin ng salita o mga salita ay hindi ka mauubusan
sa nais ibigay bilang pagtataya sa natutunan sa mga aralin at bukas na kaisipan sa mga
umuusbong na di-pamilyar na nagiging pamilyar na sa iyo na salita na gaya ng ―new
normal‖.

References/Mga Sanggunian

Bernales, Rolando, Ph. D. FBLive Learning Session, Vibal Group Webinar Live, July
7,2020,10-11 am

Raquel Buban, 2014 https://ejournals.ph/article.php?id=8058

https://dokumen.tips/documents/pagsasaling-wika-1ppt.html

http://panitikan.ph/wp-content/uploads/2018/03/ANG-PAMPANITIKAN-SA-PAGSASALIN-
2018.pdf

Reply to:
(Address of Originating Campus)

Campuses: Hilltop | MH del Pilar | Pallocan East | Pallocan West | Lipa


Telephone Numbers: +63 43 723 1446 | 980 0041
Website: www.ub.edu.ph
https://www.slideshare.net/ZyrienerArenal/idyomatikong-pagsasalin-87191954, Feb. 4,2018

https://www.academia.edu/8108242/6._Ang_Proseso_Ng_Pagsasaling-Wika

Read more on Brainly.ph - https://brainly.ph/question/1941474#readmore

Reply to:
(Address of Originating Campus)

Campuses: Hilltop | MH del Pilar | Pallocan East | Pallocan West | Lipa


Telephone Numbers: +63 43 723 1446 | 980 0041
Website: www.ub.edu.ph

You might also like