Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 6

Ponolohiya / Ponoloji

 Pag-aaral ng mga makabuluhang tunog ang ponoloji/ponolohiya.

 FONEMA NG WIKANG FILIPINO

Fonema/Ponema
Tinatawag na fonema ang pinakamaliit na makabuluhang tunog ng
isang wika. Mahalaga ang pag-aaral ng tunog sa lahat ng wika kaya ang
fonema ang pinagsisimulan ng pag-aaral ng wika.

KATEGORYA NG FONEMANG FILIPINO


1. Mga fonemang segmental

2. Mga fonemang suprasegmental

Mga fonemang segmental


Sa pagpasok ng walong letra sa alfabetong Filipino ( c,f,j,ñ,q,v,x,z )na dating wal sa
abakada, ang mga letrang fonemik na f,j,v at z ay malayang nagagamit sa mga pangalang
pambalana bukod sa mga pangalang pantangi. Dahil dito, nagging bahagi na ang mga
letrang ito ng wikang Filipino na dahilan upang maragdagan ang mga fonema. Mula sa
dating 21 bilang ng fonema, nagging 25 na ito-20 na katinig at 5 na patinig. Naging
bahagi na ng fonemang Filipino ang mga tunog na /f/,/j/,/v/ at /z/.

Mga fonemang suprasegmental


May tatlong fonemang suprasegmental ang Filipino. Ang mga ito ay tono, diin at
antala. Nagbibigay ng kahulugan ang mga ito sa pakikipagkomunikasyon.

Tono. Ito ang pagtaas at pagbaba ng tinig sa pagbigkas ng pantig ng isang salita.

Halimbawa:

1. I
Kaw -- ( may katiyakan )

2. Kaw? -- ( Hindi sigurado, nagtatanong)


I
Diin. Ito ang haba ng bigkas na iniuukol sa patinig ng pantig ng isang salita .

Halimbawa:

bukas - sa susunod na araw

bukas - walang takip, hindi sarado

daga - mahaba at matulis na patalim

daga - isang uri ng maliit na hayop

Antala. Ang antala ay isang saglit na pagtigil sa pagsasalita upang lalong maging malinaw at mabisa ang
kaisipang ipinahahayag.

Halimbawa:

1. Hindi ako ang pumatay//

( Maaring ibang tao ang pumatay, at hindi ang nagsasalita.)

2. Hindi// ako ang pumatay.

( Inamin ng nagsasalita na siya ang pumatay. )

Morpolohiya / Morpoloji

 Pag-aaral ng mga morpema ng isang wika at ng pagbubuo ng mga ito sa salita ang tinatawag na
morpoloji, samakatuwid matatawag din itong palabuuan.

 MORFEMA NG WIKANG FILIPINO


Morfema/Morpema
Ang morfema ang pinakamaliit na yunit ng mga salita na nagtataglay ng kahulugan. Bilang pinakamaliit na
yunit, hindi na ito maaaring bawasan pa dahil mawawalan na ito ng kahulugan.
May tatlong anyo ang morfema ng wikang Filipino
1. Ang morfemang salitang-ugat

2. Ang morfemang panlapi

3. Ang morfemang binubuo ng isang fonema

Morfemang salitang-ugat
Payak na salita ang morfemang ito. Wala itong panlapi. Tinatawag din itong malayang morfema dahil kaya
nitong tumayong mag-isa.

Halimbawa:

libro bata aral takbo lakad ganda pangit

Morfemang panlapi
Bagamat may taglay itong kahulugan, hindi naman ito maaaring makapag-isa kaya tinatawag din itong di-
malayang morfema. Ang panlaping ka- ay nangangahulugang kasama o kabilang sa pangkat. Kahit may
kahulugan ito, hindi naman malinaw kung sino ang kasama o anong pangkat ang kinabibilangan. Magiging
ganap lamang ang pagka-unawa rito kung ikakabit sa morfemang salitang-ugat.

Halimbawa:

Ka- + laro = kalaro (kalaro o kasama sa laro)

Morfemang binubuo ng isang fonema


Ang fonemang ito ay ang /a/ na lagging ikinakabit sa hulihan ng salitang ugat na hiram mula sa wikang
kastela. Ipinakikilala ng fonemang ito ang kasariang pambabae.

Halimbawa:

doktor – doktora senador – senadora governador – governadora


Mga Pagbabagong Morfofonemiko
Nagkakaroon ng pagbabagu-bago ng anyo ang morfema gawa ng impluwensiya ng kaligiran.
Tinutukoy ng kaligiran ang mga katabing fonema na dahilan sa pagbabago ng anyo ng morfema. Ang
pagabbagu-bago ng anyo ng morfema ay tinatawag na pagbabagong morfofonemiko.
Iba’t ibang Uri ng Pagbabagong Morfofonemiko

1. Asimilasyon
2. Pagpapalit ng fonema
3. Pagkakaltas ng fonema
4. Metatesis
5. Paglilipat ng diin

Asimilasyon
Kung naaasimila ng isang morfema ang tunog ng isa pang morfema, tinatatwag itong asimilasyon .

Dalawang Uri ng Asimilasyon


Asimilasyong parsyal o di-ganap
 Halimbawa ng asimilasyong parsyal o di-ganap. Kung ang panlaping pang- ay
iniuunlapi sa salitang-ugat na laro nagiging panlaro ito. Mapapansing naasimiula
ng fonemang /l/ ang tunog ng /ng/ kaya ang /ng/ ay nagging /n/ na. Di-ganap o
parsyal lamang ang asimilasyon dahil nananatili ang buong fonemang salitang-
ugat at kaunti lamang ang pagbabago sa fonemang panlapi.
Asimilasyong ganap
 Kung ang panlaping pang- ay ikakabit naman sa salitang-ugat na sukat magiging
panukat ito. Magiging ganap lamang ang asimilasyon kung may nagbago sa
salitang-ugat.

Sa ikadadali ng pag-unawa ditto ay nagbigay ng gabay sina Matute, et al. (1987, p.19).

PANG- PAM- PAN-


a,e,i,o,u b,p d,l,r,s,t
k,g,h,m,n,ng,w,y

Pang- + alis = pang-alis Pang- + bato = pambato Pang- + dilig = pandilig


pang- + eroplano = pang-eroplano Pang- + prito = pamprito Pang- + linis = panlinis
Pang- + ilaw = pang-ilaw Pang- + paksiw = pampaksiw Pang- + regalo = panregalo
Pang- + opisina = pang-opisina Pang- + bagyo = pambagyo Pang- + sulsi = pansulsi
Pang- + ugnay = pang-ugnay
Pang- + kalikasan = pangkalikasan
Pang- + halo = panghalo
Pang- + gamot = panggamot
Pang- + walis = pangwalis

Ipinapakita sa itaas na kapag ang panlaping pang-/mang-/sang/,atbp., ay ikinabit sa mga salitang-ugat


na nagsisimula sa mga patinig na a,e,i,o,u at sa mga katinig na k,g,h,m,n,ng,w,y walng pagbabagong
nagaganap sa dulo ng mga panlapi.
Subalit kung ang mga nasabing panlapi ay ikinabit sa mga salitang-ugat na nagsisimula sa p at b ang
tunog na /ng/ ay nagiging /m/.
Kung ikakabit naman ang panlaping ito sa mga salitang-ugat na nagsisimula sa d,l,r,s,t ang tunog na
/ng/ ay nagiging /n/.

Pagpapalit ng Fonema
Isa itong uri ng pagbabagong morfofonemiko kung saan
a. Ang d ay nagiging r kung napapagitnaan ng dalawang patinig.
Halimbawa:

ma- + dunong = marunong lakad + -an = lakaran

b. Ang o ay nagiging u kapag nilalagyan ng hulapi at kung inuulit ang salitang-ugat.

Halimbawa:

tao – tauhan tago – tagu-taguan

damo – damuhan kulo – kulung-kulo

bato – batuhin bato – batu-bato

Pagkakaltas ng Fonema
Ito ang pagbabagong morfofonemiko na kapag nilalagyan ng hulapi ang salitang-ugat ay may
nawawalang fonema sa loob ng salitang-ugat.

Halimbawa:

Dama + -hin - damahin = damhin

Sara + -han - sarahan = sarhan

Paglilipat – diin
Ito ang pagbabagong morfofonemiko na nlilipat ang diin ng salita kapag nilalapian.

Halimbawa:

Luto + -an = lutuan sama + -han = samahan


Metatesis
Ito ang pagbabagong morfofonemiko na nagkakaroon ng pagpapalitan ng fonema sa loob ng salita
kapag nilalapian. May mga salita ring bukod sa nagkakapalitan ang fonema ay may nagaganap pa ring
pagkakaltas ng fonema.

Halimbawa:

tanim + -an = taniman tamnan

atip + -an = atipan aptan

luto + -in = lutuin niluto

You might also like