Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

“SILA”

Ni Dalisay

Hindi na sana ako mag-i-status kasi nga tadtad na ang timeline ko ng mga anek-
anek ko sa buhay,pero hindi ko pwedeng palagpasin ang pagkakataong ito na
mailagay sa sulok ng account na ito ang kaunting pag-asa ko. Alam ko
makakalimutan ko 'to pagdating ng araw dahil matatabunan pa ito ng ilang mga
posts na darating sa mga susunod na araw.Kaya't bago pa mangyari iyon,
susubukan kong maisingit itong i-post sa kadahilanang maaari ko itong basahin ulit
at balik-balikan kahit taon pa man ang lumipas.
Ganito 'yon,kanina lang sunod-sunod na mensahe ang natanggap ko galing sa mga
kakilala rito sa facebook.Ang iba mga estudyante(ko),at mga kakilala kong mag-
aaral noong nasa practice teaching pa lang ako. 
Hinarana ako ng iba't ibang piyesa galing sa kanila.May tula,kanta,spoken
poetry,short story at essay. Lahat 'yon naghihintay na mabasa ko at hinihingan nila
ng opinyon o kritisismo. Nalula ako. Hindi naman po ako batikan pagdating sa
Wikang Filipino,at lalong hindi ito ang espesyalisasyon ko.Sino ba naman ako para
magsabi kung ano ang mali at tama pagdating sa mga teknikalidad at porma ng
isang pampanitikang akda? Wala. Wala po akong alam. Hindi po ako nagtuturo sa
Filipino at wala akong awtoridad na magtakda o magbigay ng pamantayan kung alin
ang mahusay na gawa o kung alin ang kailangan pang ayusin. Sa totoo lang
nahihiya po akong magbigay ng puna o komento sa kadahilanang baka mali rin ako
sa mata ng mga mas marunong at mas nakakaalam.
Pero kahit ganoon,kahit hindi ako sigurado,sinubukan ko silang bigyan ng tugon at
payo na mula mismo sa sarili ko lang na karanasan at pagkakaalam,walang halong
pagka-ekspyerto at pawang opinyon ko lamang.
At habang binabasa ko isa-isa ang mga akda ng mga batang iyon,hindi ko
mapigilang hindi mamangha at bumilib sa husay nila. Oo nga't may mga kaunting
kulang pero lumalabas talaga ang galing nila sa paglikha ng mga akdang
panliteratura. Studyante pa lang ang mga batang ito,paano pa kaya kapag
nagkapagtapos na sila at nagkaroon na ng sapat at ibayong kaalaman sa
pagsusulat?Hindi ko maikakailang mas lalo pa silang gagaling kung gagabayan sila
ng mga karapatdapat na magtuturo hindi lang ng isang tulad ko.
Simpleng akda ang kanilang nagawa pero kakikitaan na ng pagiging maalam sa
lipunan at wilka nang walang pagpupumilit na maging “in”at“cool” ang dating.
Sa totoo lang nagulat ako.Akala ko mga loveletter at rant lang ang kaya nilang
gawin, pero ngayon nakakamangha na makakabasa ako ng mga kakaibang akda
mula sa mga simple at pasaway na mga bata. At isa sa labis kong ikinatutuwa ay
ang makatanggap ng tiwala galing sa kanila.Tiwala sa kakayahan ko na kahit ako
mismo ay hindi ko pa makita at ni hindi ko pa nadidiskubre. Nakakahiya na nakaka-
proud.Nakakataba ng puso.
Sinagot ko ng pasasalamat ang isa sa mga nagpasa ng pinakamagandang akda.
Tinanong ko rin sila kung bakit sa akin nila naisipang ipabasa at ipa-critic ang
kanilang mga gawa gayong isa lang naman akong ''trying hard".
Isang malinaw na pangungusap lang ang sinagot nila sa'kin.
“Kasi titser ka namin.”
Tumagos sa akin gang salitang “Titser” at para sa'kin...ito na ngayon ang
kasingkahulugan ng masarap magturo kahit minsan mahirap.
— Dalisay

You might also like