Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 6

DIAGNOSTIC TEST

ARALING PANLIPUNAN 6

Name ____________________________________ Section: _____________

Panuto: Basahin ang bawat pangungusap. Bilugan ang tamang sagot

1. Ang pinakamalaking anyo ng lupa sa mundo ay ang

A. kontinente C. ilog
B. kapatagan D. kipot

2. Ano ang hangganan ng Pinakahilagang hangganan ng pahilis na sinag ng araw at ng


sonang gitnang latitud.

A. Tropiko ng Kanser C. Kabilugang Antartiko


B. Tropiko ng kaprikornyo D. Kabilugang Arktiko

3. Ito’y guhit na patayo sa gitna ng globo. Hinahati nito ang mundo sa silangan at
kanlurang hatingglobo.

A. Ekwador C. Parallel
B. Prime Meridian D. International Dateline

4. Ano ang magiging bunga ng pagkakahilig ng mundo ng 23 ½ sa sarili nitong aksis?

A. pare-parehong panahon
B. lagging mainit ang panahon
C. nagkakaroon ng iba’t-ibang panahon sa iba’t-ibang lugar
D. pantay-pantay ng panahon

5. Anong panahalang na guhit ang humahati sa mundo sa dalawang magkasinlaking


bahagi?

A. Ekwador C. International Dateline


B. Prime Meridian D. Polo

6. Ang mababang latitude ay may 2 panahon sa loob ng isang taon samantalang ang gitnang
latitude ay may 4 na panahon sa loob ng isang taon. Ipinahihiwatig nito na _____.

A. nagbabago ang panahon kapag umiikot ang mundo sa aksis


B. nagbabago ang oras kapag umiikot ang mundo sa aksis.
C. Nagbabago ang panahon kapag umiikot ang mundo sa araw
D. Nagbabago ang panahon at posisyon ng mundo habang umiikot sa araw

1
7. Kung buwan ng disyembre ang mga taong namamasyal kung gabi ay nagsusuot ng
makapal na damit dahil sa _______?

A. mataas ang temperature C. mababa ang temperature


B. katamtaman ang temperature D. mainit ang temperature

8. Alin ang maaabot ng diretsong sikat ng araw sa buong taon?

A. mababang latitude C. gitnang latitude


B. mataas na latitude D. lahat ng uri ng latitud

9. Nakita ng mga Espanyol ang angking talino ng mga Pilipino sa larangan ng panitikan
at pamamahayag. Sinuportahan ito ng mga Donikanong prayle kaya nagtayo ng
pambansang palimbagan sa San Miguel Manila. Ano ang kaunaunahang aklat na
nalimbag?

A. Christiana en Lengua Espanola y Tagala


B. El Hogar
C. Del Superior Gobierno
D. La Esperanza

10. Anu-anong pagkain ang natutunan ng mga Pilipino sa mga Espanyol na kinakain
magpahanggang ngayon?

A. keso, tocino, torta, longanisa C. mansanas, ubas, peras, cake


B. noodles, pancit, siomai, champoy D. kamote, kangkong, saluyot, sitaw

11. Bago dumating ang mga mananakop ang mga sinaunang Pilipino ay mayroon ng pakikipag-
ugnayan sa pamamagitan ng pakikipagkalakalan. Alin ang higit na naglalarawan ng
kalakalan ng mga unang Pilipino?

A. Pakikipagpalitan ng mga paninda sa kababayan at dayuhang nangangalakal.


B. Pagpapapagawa ng mga mahahalagang kalakal sa mga local na negosyante.
C. Pag-angkat ng mga paninda mula sa mga dayuhan.
D. Pagluluwas ng mga kalakal sa karatig bansa

12. Naniniwala ang mga sinaunang Pilipino na sagrado ang kanilang kapaligiran at may mga
elementong dapat nilang sambahim at igalang. Paano nila ito isinagawa?

A. Nagtatanim sila ng iba’t-ibang pananim upang lumago ang kapaligiran.


B. Ipinagbabawal ang paghuli sa mga hayop upang hindi ito maubos.
C. Nagsasagawa sila ng ritwal sa pamamagitan ng pag-aalay
D. Tahimik silang namumuhay sa kanilang barangay

13. Bakit umaasa ang mga unang Pilipino sa kalikasan at kapaligiran?

A. Upang matustusan ang kanilang pangangailangan para mabuhay.


B. Upang maibahagi ang labis na yaman sa mga karatig-bansa
C. Upang maging mabilis ang pag-unlad ng kanilang pamumuhay
D. Upang magkaroon ng kalayaan sa buhay

2
14. Bakit kailangang magpalipat-lipag ng tirahan ang mga sinaunang tao?

A. Dahil kailangan nila ng mapagkukunan ng pagkain


B. Dahil inaaway sila ng kanilang kapitbahay.
C. Dahil sila ay may utang
D. Dahil maingay sa kanilang lugar.

15. Noong unang panahon ang mga unang Pilipino ay nagtatag na panahanan sa iba’t-
ibang lugar. Ano ang isinaalang-alang sa pagpili ng panahanan?

A. Likas na yaman C. Ligtas sa mabangis na hayop


B. Ligtas sa panganib D. Ligtas sa masamang ispiritu

16. Siya ang pangulo na nagpalit ng Pamahalaang Parliamentary o sa pampanguluhan.


Programa niya ang nagpapasagana sa ani ng palay at papalawak ng reporma sa lupa.

A. Ferdinand E. Marcos C. Corazon C. Aquino


B. Diosdado Macapagal D. Fidel V. Ramos

17. Pinagtuunan niya ng pansin ang ekonomiya ng bansa sa pamamagitan ng pagiging


matatalinong mamamayan at may damdaming nasyonalismo. Ang pangunahing
programa ng kanyang rehimen ay ang Pilipino Muna.

A. Elpidio Quirino C. Jose P. Laurel


B. Corazon C. Aquino D. Carlos P. Garcia

18. Binigyan niya ng amnestiya ang mga gerilya. Pinatawad ang mga Huk sa mga
kasalanang rebelyon, sedisyon at illegal na samahan.

A. Ramon Magsaysay C. Manuel L. Roxas


B. Elpidio Quirino D. Jose P. Laurel

19. Hangad ni Roxas na mapadali ang rehabilitasyon at industriyalisasyon ng bansa sa


tulong ng Estados Unidos. Nais nitong mabigyan ang mga Amerikano ng pantay na
karapatan tulad ng mga Pilipino sa paglinang at paggamit sa likas na yaman ng bansa
at pangangasiwa sa sasakyang pampubliko. Ito ay tinatawag na _____

A. Pilipino Muna C. Parity Rights


B. ACCFA D. PACSA

20. Pangunahing layunin niya ay ang mabigyan ng sariling lupa ang mga magsasaka at
kasanayang walang lupang sakahan. Nilagdaan niya ang Batas sa Reporma sa lupa o
Agricultural Land Reform Code.

A. Carlos P. Garcia C. Elpidio Quirino


B. Manuel Roxas D. Diosdado Macapagal

3
21. Ano ang katangian ng isang mamamayan ang dapat taglayin upang makatulong sa
pagpapaunlad ng bansa?

A. Pabaya at Sakitin C. Malusog at matalino


B. Masipag at mayabang D. Mabagal at palautos

22. Ano ang ibig sabihin ng pandarayuhan?

A. Pagtungo sa ibang lugar


B. Pamamasyal sa ibang lugar
C. Paglipat ng ibang lugar
D. Pagkuha ng larawan ng magagandang lugar

23. Lubhang malaki ang populasyon sa NCR bunga ng pandarayuhan ng mga kalapit na
lalawigan.

A. Lumiliit ang populasyon sa nilipatan


B. Nagiging malaki ang pangangailangan sa pook na nilapatan.
C. Uunlad ang ekonomiya sa loob na nilipatan
D. Nababawasan ang suliranin ukol sa populasyon sa nilipatan.

24. Mabilis ang paglaki ng populasyon ng Pilipinas.. Ano ang pangunahing dahilan nito?

A. Pandarayuhan C. Pagplano ng pamilya


B. Maagang pag-aasawa D. Pagkakaroon ng digmaan

25. Isa sa mga dahilan ng pagkapal ng tao o di-pantay na distribusyon ng mga tao sa
bansa ang _____

A. Pagkakataon sa hanapbuhay C. Pagdami ng tirahan


B. Kagandahan ng tanawin D. Kalinisan ng pook

26. Lubhang malaki ang populasyon sa NCR bunga ng pandarayuhan ng mga kalapit na
lalawigan.

A. Lumiliit ang populasyon sa nilipatan.


B. Nagiging malaki ang pangangailangan sa pook na nilapatan.
C. Uunlad ang ekonomiya sa loob na nilipatan
D. Nababawasan ang suliranin ukol sa populasyon sa nilipatan.

27. Ang mga pangkat-etniko ay pangkat ng mga katutubong Pilipinong may magkatulad
na pananalita, paniniwala, hanapbuhay at iba pang paraan ng pamumuhay. Sino sa
mga sumusunod na pangkat etniko ang kilalang magaling sumisid ng perlas at
gumagawa rin ng vinta?

A. Badjao C. Mangyan
B. Ifugao D. Waray

4
28. Ano ang kahulugan ng pagkakapantay-pantay upang ang lahat ng mga Pilipino ay magkaroon
ng pagkakataong makapag-aral ng libre?

A. Ang mga salapi ay may pagkakataong makapag-aral


B. Isinasauli sa palatuntunan ay may kapansanan lamang.
C. Makatarungan ang pamahalaan ay makatarungan sa mahirap lamang
D. Ang mayaman o mahirap ay pantay-pantay sa harap ng batas

29. Dahil sa mataas na bilang ng walang trabaho sa sariling bayan, ang isang bagong
tapos na mag-aaral ay napilitang umalis at lumipat ng lugar. Sa kalagayang ito, ano
ang dahilan ng pandarayuhan?

A. Pangkapayapaan C. Panrelihiyon
B. Pangkabuhayan D. Pampulitika

30. Maraming batang Pilipino ang nagsipag-aaral sa ilang kolehiyo at Pamantasan sa


kalakhang Maynila pagkatapos ng kanilang pag-aaral sa sekondarya. Anong dahilan
ng pandarayuhan ang tinutukoy sa pangungusap?

A. Pangkultura C. Pangkultura
B. Pang-edukasyon D. Pangkabuhayan

31. Ang ating bansa ay biniyayaan ng saganang likas na yaman. Sa anong yamang
mineral kilala ang Romblon?

A. Ginto C. petrolyo
B. chromite D. marmol

32. Tungkulin ng mga Pilipino ang tumulong sa pangangalaga ng kanyang kapaligiran. Alin sa
mga sumusunod ang nagpapakita ng matalinong paggamit ng likas na yaman?

A. Paggamit ng cyanide sa pangingisda upang maraming mahuling isda.


B. Pagtatanim ng mga bagong puno upang mapalitan ang mga naputol na puno.
C. Pagsunog sa pinagputulang puno upang mapadali ang pagtatanim.
D. Paggamit ng pinung=pinong lambat upang mapabilis ang paghuli

33. Ano ang tawag sa enerhiya mula sa ilalim ng lupa na matatagpuan sa Tiwi, Albay?

A. Hydroelectric Energy C. Magnetic Energy


B. Geothermal Energy D. Hydraulic Energy

34. Alin sa mga sumusunod ang pinakamabisang gawin upang makatipid sa paggamit n g
ating likas na yaman?

A. Itaguyod ang proyektong “Paggamit Muli” o “Recycling”.


B. Sumali sa mga organisasyong pangkalikasan.
C. Magtanim ng halaman sa bakuran at bakanteng lote.
D. Gumawa ng mga posters ukol sa pangangalaga sa kalikasan.

5
35. Bilang isang bata at mag-aaral, paano ka makatutulong sa matalinong paggamit ng
likas na yaman?

A. Magtatanim ako ng puno sa bundok ng Sierra Madre.


B. Titipirin ko ang paggamit ng papel.
C. Tutulong ako sa paglinis ng Ilog Marikina
D. Ipahuhuli ko ang mga gumagamit ng dinamita.

36. Ang pagkakasira ng likas na yaman ay dulot ng maling paggamit dito ng mga tao.
Dahil dito, ipinatupad ng DENR ang Batas ng Pangulo Blg. 1058. Ano ang
ipinagbabawal ng batas na ito?

A. Paggamit ng lambat sa pangingisda.


B. Paggamit ng dinamita sa pangingisda.
C. Paggamit ng kuryente sa pangingisda.
D. Paggamit ng bingwit sa pangingisda.

37. Alin sa sumusunod ang nagpapatunay na ang Pilipinas ay isang demokratiko?

A. Tatlo o higit pang partidong pulitikal ang maaaring lumahok sa halalan


B. Isang partidong pulitikal lamang ang lumalahok sa halalan
C. Partido ng pangulo ang makapangyarihan sa halalan
D. Limitado ang maaaring lumahok sa halalan.

38. Mahalaga katangian ng pamahalaang demokratiko ang pagkilala sa pasiya ng


nakakarami. Ano ang ibig sabihin nito?

A. Ang popular na kandidato ang nananalo


B. Ang kandidatong pinakamaraming boto ang panalo
C. Ang mayayaman ang nagpapasya sa pamahalaang ito
D. Ang pamahalaang demokratiko ang nagustuhan ng nakakarami.

39. Nagpatawag ng pulong ang kapitan ng barangay Almacen upang maginig ang opinion
ng kaniyang nasasakupan tungkol sa pagpapaalis ng mga kabahayan sa tabing dagat at
tabig-ilog. Ano ang ipinapakita nito?

A. Mahalaga na mapaalis ang mga nakatira sa tabing-ilog.


B. Mahalaga ang pasya ng nakakarami sa pamahalaang diktatoryal
C. Mahalaga ang pagpapatawag ng kapitan ng barangay sa kaayusan
D. Mahalaga ang opinion ng mga mamamayan sa pagpapasya ng pinuno.

40. Karaniwang hinihingi ang opinion o kuro-kuro sa isang pamahalaang demokratiko


bago nila pagpasyahan ang mahahalagang isyu. Anong katangian ng pamahalaang
demokratiko ang ipinapakita?

A. Maraming isyung pinag-uusapan sa pamahalaang demokratiko


B. Malayang makapagbigay ng opinion ang mga mamamayan
C. Mahalaga ang opinion ng mga pinuno ng pamahalaan.
D. Maganda ang pagpupulong bago magpasya.

You might also like