Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Epekto ng Patuloy na Pagusbong ng mga Makabagong Salita

na Ginagamit ng mga Kabataan

Ano-ano na nga ba ang mga


salitang patuloy na dumaragdag
sa atin? Marami tayong mga
salitang naririnig na tila bago sa
ating pandinig, habang
tumatagal ang panahon mas
nadadagdagan pa ito at patuloy
na dumarami. Sino nga ba ang
karaniwang nariringgan natin
nito? Ano ang mga epekto nito?
Sa ating bansa
mapapansin ang patuloy na pagusbong ng ating makabagong salita na
patuloy rin ginagamit ng mga kabataan sa panahon ngayon. Maraming mga
salitang bago sa pandinig ng mga nakatatanda pero kung sa mga kabataan
ito ay hindi na bago. Habang nausad ang taon maraming salita ang
nadaragdag sa atin ito ay dahil na rin sa iba na ang panahon ng mga
kabataan ngayon hindi na tulad noon na puro pormal o malalalim ang mga
kahulugan ang mga nagagamit. Karaniwan sa mga kabataan ngayon ay
hindi na alam gamitin ang matatalinhagang o ang mga salitang malalalim
dahil na sinanay nila ang sariling gamitin na lamang ang makabagong
salita.
Dahilan sa kagustuhan ng mga kabataan na mapadali ang
komunikasyon sa ibang tao kaya pinaiikli nila ang mga salita o “shortcut”.
Ang pagnanais na makisabay sa kung ano ang uso at pagkakaroon ng
sariling pagkakakilanlan ng grupo ay nagdudulot upang mabuo ang mga
salitang pabebe, jejemon, bekimon, mga wikang fliptop, mga ginawang
bagong terminolohiya sa mga malalalim na salita, tulad ng “beki” na ang
ibig sabihin ay “bakla”, at “mudrabels” na ang ibig sabihin ay “nanay”.
Mabilis itong kumalat o matutunan ng iba sapagkat laganap ang iba’t ibang
uri ng media sa bansa.
Ang isyung ito ang lubhang makakaapekto sa kulturang kinagisnan sa
oras na hindi natin gamitin ang sariling wika. Sa pagsilang ng makabagong
wika hindi na napagtutuunan ng pansin
ang wikang Pilipino halimbawa na
lamang ang mga wika sa mga
literaturang Ibong Adarna kung susuriin
marahil wala pa sa kalhati ng mga
salitang naroon ang alam natin ang ibig
sabihin. Ito ay dahil nasakop na ang
ating isipan ng makamodernong salita.
Ang isyung ito magdudulot ng
kalituhan sa ating pagkakakilanlan sa
oras na ibaon natin ang wikang
kinagisnan.
Kung patuloy itong uusbong at gagamitin ng mga kabataan patuloy
na rin makakalimutan ang mga nakagisnang salita. Hindi maganda ang
epekto nito dahil ang wika ang sumisimbolo sa ating kinagisnan.

You might also like