Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 12

Topic: Pinagtagpi-Tagping Baro

Module: 3
Length: 45 minutes
Script Writer: Chrysalis H.Plaras
Presenter: Francisco Boliran Jr.
Objective: Pagkatapos ng sesyong ito inaasahang maipamamalas ang sumusunod na
kaalaman, kakayahan, at pag-unawa: 1.1 Maibigay ang implikasyon ng kabutihang panglahat
sa bawat gawain ng isang tao para sa ikakabuti ng lipunan 1.2 Maisagawa ang gawain o
aktibidad na nagpapakita ng pagsisikap ng bawat tao na makamit at mapanatili ang kabutihan
panglahat 1.3 Maisabuhay ang moral na pagpapahalaga ng mga puwersang magpapatatag sa
lipunan.
___________________________________________________________________
1 Magandang Buhay! Magandang Umaga Davao de Oro, Magandang umaga sa ating
mga 2 tagapakinig lalong lalo na ang mga estudyante sa grade 9. Bago ang lahat
malugod ko
3 pong ipapakilala sa inyu ang inyung radio teachers sa umaga na ito Ang ating script
writer 4 na si Ma’am Chrysalis H. Plaras of Nabunturan National Comprehensive High
School at 5 ako naman ang inyung lingkod na maghahatid sa inyu ng leskyon Mr. Francisco
‘pj’
6 Boliran Jr. Of Mabini National High School, nagagalak po kaming paglingkuran kayo
7 sa loob ng 45 minuto naway handa tayong makinig at makibahagi sa leksyon natin
8 ngayon.
Music up for 3 secs and under
9 Mga Estudyante handa na ba ang ating mga kagamitan? Nasa tabi nyu na ba ang
inyung
10 bolpen, notebook at EsP 9 module? Naka pag snacks na ba ang lahat?Umupo na nang
11 maayos at handa ng makinig sa 88.5 Z Radio, Ziguradong Lingaw,Ziguradong Kuyaw
12 Music up for 5 secs and under
13 Sa puntong ito, buksan muna ninyu ang inyung module sa pahina 1 hanggang pahina 3
14 subukan muna natin sagutin ang mga katanungan . Nakita nyo na ba?Very good
( Insert yehey
15 sound effect music) .Ihanda ang notebook at bolpen.Paalala huwag sulatan ang
module
16 lahat ng mga sagot ninyu ay isulat sa inyung notebook, nakuha? Very good (insert
yehey
17 sound effect music) Makinig at unawain ng mabuti ang mga tanong. Piliin ang
18 pinakaangkop na sagot at isulat ang titik nito sa kuwaderno.
Music up for 3 secs and under
(note: babasahin ang mga tanong)
1. Ayon kay Dr. Manuel Dy, isang propesor ng Pilosopiya sa Ateneo de Manila University, binubuo
ng mga tao ang lipunan at binubuo ng lipunan ang mga tao.

Ano ang ibig sabihin nito?

a. Ang tao ang gumagawa sa lipunan at kaalinsabay nito ay ang lipunan at hinuhubog ng lipunan ang
mga tao.
b. Ang tao ang bumubuo sa lipunan dahil mula sa kaniyang pagsilang ay nariyan na ang pamilyang nag-
aaruga sa kaniya; binubuo ng lipunan ang tao dahil matatagpuan ang tao sa lahat ng bahagi nito.

c. Ang tao ang bumubuo sa lipunan dahil ang kanilang mga kontribusyon ang nagpapalago at
nagpapatakbo dito; binubuo ng lipunan ang mga tao dahil ang lipunan ang nagbubuklod sa lahat ng
tao. d. Ang tao ang bumubuo sa lipunan dahil pamilya ang nag-aruga sa tao at dahil matatagpuan ang
tao sa lahat ng bahagi nito; binubuo ng lipunan ang mga tao dahil sa lipunan makakamit ang
kaganapan ng kaniyang pagkatao

Music up for 3 secs and under


2. Alin ang HINDI hadlang sa pagkamit ng kabutihang panlahat?
a. paggawa ng tao ayon sa kaniyang pansariling hangad
b. pagkakait ng tulong para sa kapwa na nangangailangan
c. pagkakaroon ng pakiramdam na mas malaki ang naiiambag ng sarili kaysa sa nagagawa ng
iba
d. pakikinabang sa benepisyong hatid ng kabutihang panlahat subalit pagtanggi sa
pagbabahagi para sa pagkamit nito
Music up for 3 secs and under
3. Ano ang Kabutihang panglahat?
a. kabutihan ng lahat ng tao
b. kabutihan ng mga pangkat na kasapi ng lipunan
c. kabutihan ng bawat indibidwal na kasapi ng lipunan
d. kabutihan ng lipunang nararapat bumalik sa lahat ng mga kasapi nito
Music up for 3 secs and under
4. “Ang buhay ng tao ay panlipunan”.
Ano ang ipinapahiwatig nito?
a. Tama, dahil sa lipunan lamang siya nakapamumuhay.
b. Mali, dahil may iba pang aspekto ang tao maliban sa pagiging panlipunan.
c. Mali, dahil may mga pagkakataong ang tao ang nagnanais na makapagisa.
d. Tama, dahil lahat ng ating ginagawa at ikinikilos ay nakatuon sa ating kapwa.
Music up for 3 secs and under
5. “Ang tunguhin ng lipunan ay kailangan pareho ng bawat indibidwal”.
Ano ang ibig sabihin nito? a. Tama, dahil sa pagkakataon na ganito lamang matitiyak na
makakamit
b. Tama, dahil mahalagang makiayon ang bawat indibidwal sa layuning itinalaga ng lipunan.
c. Mali, dahil ang bawat indibidwal sa lipunan ang nararapat na nagtatakda ng mga layunin.
d. Mali, dahil ay natatanging katangian at pangangailangan ang bawat isang indibidwal.
Music up for 3 secs and under
6. Sa kasalukuyan (Covid-19 pandemic), ano ang maari nating maiambag sa ating
pamahalaan upang magkaroon ng maayos na lipunan?
a. Maligo sa dagat kasama ang buong pamilya.
b. Aanyayahan ang mga kaibigan na pumunta sa parke o palaruan.
c. Pumunta sa plaza at makipaglaro sa mga kaibigan.
d. Sumunod sa ipinag-uutos ng pamahalaan na manatili sa bahay para sa ating kaligtasan.
Music up for 3 secs and under
7. Sa anong paraan natin mapapalago ang ating kakayahan sa pakikipag ugnayan upang
magkaroon tayo ng matiwasay na lipunan?
a. Huwag makikipag-usap sa mga tao sa pamayanan.
b. Iwasan ang mga taong nakikita sa lipunan.
c. Kumustahin at makipagtalastasan sa ating kapwa upang magkaroon ng maayos na lipunan.
d. Hayaan na lamang ang mga tao na sila lang ang makikipag-usap.
Music up for 3 secs and under
8.“Huwag mong itanong kung ano ang magagawa ng bansa para sa iyo, kundi itanong mo
kung ano ang nagawa mo para sa iyong bansa.”.
Sinong bantog na pilosopo ang nagwika ng kataga?
a. St. Thomas Aquino c. Aristotle
b. John F. Kennedy d. Bill Clinton
Music up for 3 secs and under
9. Ano ang tunay na layunin ng Lipunan?
a. kapayapaan c. katiwasayan
b. kabutihang panlahat d. kasaganaan
Music up for 3 secs and under
10. Alin ang HINDI mabuting katangian ng makatarungang lipunan?
a. Ang mga mamamayan lamang ang may mainam na buhay.
b. Ang mga tao ay nakikilahok sa mga panlipunang gawain.
c. Ang mga tao ay may malasakit sa karapatan ng iba.
d. May dignidad at pagkilala sa sarili ang mga tao.
Music up for 3 secs and under

19 Okay sasagutin natin ang mga tanong. Paalala maging tapat po tayo sa ating

20 mga Gawain at sa pagwawasto sa ating mga kasagutan

1.D
2.B
3.D
4.D
5.D
6.D
7.C
8.B
9.B
10.A

21 Sino sa inyu nakakuha ng perfect score? Huwag mag- alala marami pa tayong

22 dapat tuklasin sa leksyon na ito.


Music up for 3 secs and under

23 Bago tayo tutungo sa ating aralin balikan muna natin ang ating nakaraang

24 leksyon sa module 2 na pinamamagatang Sektor ng lipunan: Salamin ng

25 Pagkatao at kabutihan.

Music up for 3 secs and under

26 “Walang sinuman ang nabubuhay para sa sarili lamang”. Kinakailangan ng taong


27 makibahagi at mamuhay sa LIPUNAN. Ayon kay Dr. Manuel Dy Jr., isang

28 propesor ng Pilosopiya, ang buhay ng tao ay panlipunan. Ano ang iyong sariling
29 opinyon ukol sa mga katagang ito: “Binubuo ng TAO ang LIPUNAN, Binubuo ng
30 LIPUNAN ang TAO” Ipinapahiwatig ng mga katagang ito na walang lipunang

31 mabubuo kung wala ang mga tao dahil saklaw ng lipunan ang mga taong

32 nasasakupan nito. Kinakailangan ng taong makibahagi at mamuhay sa lipunan.


33 Ano nga ba ang Lipunan? LIPUNAN − nagmula sa salitang ugat na “lipon” na

34 nangangahulugang pangkat − Ang mga tao ay may kinabibilangang pangkat na


35 mayroong iisang tunguhin o layunin. Ano naman ang Komunidad? KOMUNIDAD
36 − nagmula sa salitang Latin na communis − common o nagkakapareho –

37 binubuo ng mga indibidwal na nagkakapareho ng mga interes, ugali, o

38 pagpapahalaga na bahagi ng isang partikular na lugar − mas nabibigyang-halaga


39 ang natatanging katangian ng mga kasapi o kabahagi

Music up for 3 secs and under

40 Ano ang Kabutihang Panlahat? − Ito ay ang kabutihan para sa bawat isang

41 indibdwal na nasa lipunan. − Ito ang pangkalahatang kondisyong pantay na

42 ibinabahagi para sa kapakinabangan ng lahat ng kasapi ng isang lipunan. − Ito


43 ay tumutukoy sa kabutihang naaayon sa moralidad ng tao, sa Likas na Batas

44 Moral.

Music up for 3 secs and under

45 Ang pinakamahalagang mensahe ang nahinuha at naipamalas mo mula sa aralin


46 ay ang ating pagiging kasama-ng-kapwa ay isang pagpapahalaga na nagbibigay
47 ng tunay na kaganapan sa ating pagkatao. Makakamit lamang ito kung

48 makikilahok at makikipamuhay ka sa kapwa. Ang pagsisikap ng bawat tao na

49 makamit at mapanatili ang kabutihang panlahat sa pamamagitan ng

50 pagsasabuhay ng moral na pagpapahalaga ay mga puwersang magpapatatag sa


51 ating lipunan. Ang lahat ng aspektong ito ay tumutulong sa paghuhubog at

52 pagbabago ng ating pagkatao. Ang lipunan na ating kinalalakihan ang siyang

53 humuhubog sa ating pagkatao.


54 Naiintindihan niyo ba ang nakaraang aralin? Magaling! Bago tayo tutungo sa

55 ating paksa. Magkakaroon muna tayo ng break, huwag mag-alala magbabalik

56 kami pagkatapos ng patalastas

Break for Patalastas

57 Balik na naman tayo sa ating talakayan.Muli kami ang inyung radio teachers sa
58 umagang ito Sir Pj and ma’am Chrys at kayo ay nakikinig sa 88.5 ZRadio FM.
59 Time check is _______ in the morning

60 Ang tatalakayin natin ngayong umaga ay makikita sa inyung module 3 , na

61 pinagmamagatang Pinagtagpi tagping baro.Inaasahang maipamamalas ang

62 sumusunod na kaalaman, kakayahan, at pag-unawa: 1.1 Maibigay ang

63 implikasyon ng kabutihang panglahat sa bawat gawain ng isang tao para sa

64 ikakabuti ng lipunan 1.2 Maisagawa ang gawain o aktibidad na nagpapakita ng


65 pagsisikap ng bawat tao na makamit at mapanatili ang kabutihan panglahat 1.3
66 Maisabuhay ang moral na pagpapahalaga ng mga puwersang magpapatatag sa
67 lipunan.

Music up for 3 secs and under

68 Ang pagiging kasama-ng-kapwa ay isang pagpapahalaga na nagbibigay ng

69 tunay na kaganapan sa ating pagkatao. Makakamit lamang ito kung makikilahok


70 at makikipamuhay ka sa kapwa.Inuulit ko ang LIPUNAN ay lipon ,pangkat ,Ang
71 mga taong mayroong kinabibilangang pangkat na mayroong iisang tunguhin. Ang
72 lipunan o pangkat ng mga indibidwal ay patungo sa iisang layunin. Ang

73 KOLEKTIBO naman ay Ang pagtingin sa bawat kasapi nito ngunit hindi binubura
74 ang indibidwalidad ng mga kasapi. KOMUNIDAD ay galling sa salitang latin na
75 communis na nangangahulugang common o Nagkakapareho -Binubuo ng mga
76 indibidwal na nagkakapareho ng mga interes, ugali, o pagpapaphalagang bahagi
77 ng isang partikular na lugar -Mas nabibigyang halaga ang natatanging katangian
78 ng mga kasapi o kabahagi

Music up for 3 secs and under

79 May dalawang Mahalagang Dahilan sa Paghahanap ng Mabuhay sa Lipunan

80 (according to Jacques Maritain – The Person and the Common Good)

81 1. Dahil sa katotohanang hindi siya nilikhang perpekto at dahil likas sa kanya ang
82 magbahagi sa kanyang kapwa ng kaalaman at pagmamahal.

83 2. Hinahanap ng taong mamuhay sa lipunan dahil sa kanyang pangangailangan


84 mula sa materyal na kalikasan. “Binubuo ng TAO ang LIPUNAN, Binubuo ng

85 LIPUNAN ang TAO Tunay na Tunguhin ng Lipunan Ang kabutihan ng komunidad


86 ay nararapat bumalik sa lahat ng indibidual na kasapi nito.

Music up for 3 secs under


87 Kabutihang Panlahat Kabutihang naayon sa moralidad ng tao at Likas na Batas
88 Moral. May tatlong Elemento ng Kabutihang Panlahat (Compendium of the

89 Social Doctrine of the Church)

90 1. Ang paggalang sa indibidwalidad ng tao

91 2. Ang tawag ng katarungan o kapakanang panlipunan

92 3. Ang Kapayapaan Mga Hadlang sa Pagkamit ng Kabutihang Panlahat

Music up for 3 secs under

93 Pinapakahulugan ng mga elementong ito na ang kabutihang panlahat ay hindi

94 lamang nangyayari nang kusa. Upang makamit at mapanatili ang kabutihang

95 panlahat, nangangailangan ng sama-samang pagkilos ng mga tao, hindi ng iilan


96 lamang kundi ng lahat.Halimbawa, kahit na anong pagnanais ng pangulo ng

97 isang bans ana matiyak na hindi mananaig ang korapsiyon sa pamahalaan, hindi
98 siya magtatagumpay kung hindi ito yayakapin ng lahat ng mga namumuno sa

99 ilalim ng kaniyang pamamahala.

Music up for 3 secs under

100 Ayon kay Dr. Dy (1994), binubuo ng lipunan ang tao at binubuo naman ng tao ang
lipunan. 101 Binubuo ng lipunan ang tao sapagkat mula sa pagkasilang nariyan na ang
pamilyang
102 umaaruga at gumagabay sa kaniyang paglaki. Nariyan din ang kaniyang kapuwa, ang
103 paaralan, ang simbahan, ang batas na kaniyang sinusunod na may kani-kaniyang
ambag 104 sa paghubog ng iba’t ibang aspekto ng kaniyang pagkatao. Ang tao rin ang
bumubuo sa 105 lipunan sapagkat matatagpuan ang mga tao sa bawat bahagi nito. Kaya’t
anuman ang 106 ginagagawa ng tao para sa kabutihang panlahat ang siyang ibinabalik ng
lipunan sa tao. 107 Kaya’t ang bawat mamamayan ay may pananagutang mag-ambag para
sa kabutihang 108 panlahat. Lahat ay maaaring mag-ambag para sa pagkamit at
pagpapanatili ng
109 kabutihang panlahat, sa iba-iba mang pamamaraan dahil ito ay ayon sa kani-kaniyang
110 kakayahan, katayuan at kinalalagyan sa lipunan. Totoo ito sapagkat hindi mo maibibigay
111 ang anomang bagay na hindi mo taglay at hindi mo magagawa ang bagay na wala sa
112 iyong kapangyarihang gawin.
Music up for 3 secs under

113 Nakalulungkot nga lang isiping bagama’t nauunawaan ng ilan ang kahalagahan at

114 kapakinabangan ng pag-ambag sa pagtamo ng kabutihang panlahat, may mga ilan pa


115 ring hindi nakikisangkot at nakikiisa upang matamo ito. Ang hamon ng dating pangulo ng
116 Amerika na si John F. Kennedy na: ‘Huwag mong itanong kung ano ang magagawa ng
117 iyong bansa para sa iyo, kundi itanong mo kung ano ang magagawa mo para sa iyong
118 bansa”, ay nanatiling totoo hanggang sa ngayon.

Music up for 3 secs under


119 Bilang isang kabataan, ano nga ba ang nagawa mo para sa bansa o sa iyong

120 komunidad? Mayroon ka bang kayang gawin ngunit hindi mo pinagsisikapang gawin?
Ano 121 kaya ang maitutulong ng munting magagawa ng kabataan para sa bansa?

Music up for 3 secs under

122 Narito ang mga Hadlang sa Pagkamit ng Kabutihang Panlahat

123 1. Nakikinabang sa benepisyong hatid ng kabutihang panlahat subalit tinatanggihan ang


124 bahaging dapat gampanan upang mag-ambag sa pagkamit nito.

125 2. Ang indibidwalismo o ang paggawa ng tao ng kaniyang personal na naisin.

126 3. Ang pakiramdam na siya ay nalalamangan o mas malaki ang naiaambag niya kaysa
127 nagagawa ng iba.

Music up for 3 secs under

128 Tatlong kondisyon ang kailangan upang makamit ang kabutihang panlahat ayon ky

129 Joseph de Torre (1987)

1. Ang lahat ng tao ay dapat na mabigyan ng pagkakataong makakilos nang malaya gabay
ang diyalogo, pagmamahal at katarungan. .

Music up for 3 secs under


130 Mahalagang palaging nasa isip ng lahat ang tunay na kahulugan ng kalayaan dahil may
131 panganib na isipin ng ilan na walang hanggan ang kaniyang kalayaan. Mahalaga ang

132 diyalogo upang maibahagi sa bawat isa ang kanilang saloobin, damdamin at pananaw.
133 Madalas na ang sanhi ng hindi pagkakaunawaan ng mga tao ay ang kakulangan ng
pag-134 uusap. Kung hindi mananaig ang pagmamahal at katarungan sa kaniya sa lahat
ng

135 pagkakataon, hindi ganap na kakayanin ng sinuman na isantabi sa ilang pagkakataon


ang 136 kaniyang pansariling kaligayahan at kapakanan para sa kabutihang panlahat.
Ang

137 dalawang pagpapahalagang ito ang susi upang makamit ng lipunan ang kaniyang tunay
138 na layunin at tunguhin.

Music up for 3 secs under


2. Ang pangunahing karapatang pantao ay nararapat na pahalagahan.

Music up for 3 secs under


139 Hindi magiging ganap ang isang lipunan at ang mga taong kasapi nito kung hindi
140 naigagalang ang kaniyang pangunahing karapatan bilang tao. Ang karapatan ang
141 nangangalaga sa dignidad ng tao at nagtataguyod ng pagkakapantay-pantay. Hangga’t
142 nananaig ang diskriminasyon sa lipunan, nagpapahiwatig itong hindi pa ganap ang
143 pagsasaalang-alang ng mga tao sa kabutihang panlahat.
Music up for 3 secs under

3. Ang bawat indibidwal ay nararapat na mapaunlad patungo sa kanyang kaganapan.

Music up for 3 secs under


144 Ang lipunan ang nararapat na maging isa sa instrumento upang makamit ng tao ang
145 kaniyang kaganapan bilang tao. Kung walang nagagawa ang lipunang kaniyang
146 ginagalawan upang siya ay umunlad bilang tao, masasabing hindi pa tunay na patungo
147 ang lipunan sa tunay nitong layunin, ang kabutihang panlahat. Maaaring hindi rin
148 nagagawa ng bawat sektor ng lipunan ang kaniyang tunay na gampanin para sa tao sa
149 lipunan. Tandaang binanggit sa unang bahagi ng babasahing ito na, binubuo ang
lipunan 150 ng tao hindi lamang tao ang bumubuo sa lipunan.
Music up for 3 secs under
151 “Hindi namimili ng edad o antas sa buhay ang pagtiyak na mananaig ang kabutihang

152 panlahat. Ito ay nakabatay sa iyong puso at pagmamalasakit sa iyong kapwa.

Music up for 3 secs under

153 Tandaan, ang tunay na paggalang sa dignidad ng tao ay nangangailangan ng pagkamit


154 sa kabutihang panlahat. Ganap lamang na masasabing tunay na kinilala ang dignidad
ng 155 lahat ng tao kung nananaig sa lahat ng pagkakataon ang kabutihang panlahat.
Nararapat 156 na magmalasakit upang lumikha o sumuporta sa mga institusyong panlipunan at
paunlarin 157 ang kalagayan ng buhay ng bawat indibidwal na sumasalamin sa lipunan.
Music up for 3 secs under

158 Mahirap pa itong isipin at ganap na yakapin sa kasalukuyan ngunit lahat ng bagay,
gaano 159 man ito kahirap ay magagawa kung talagang nais. Sabi nga, “Kung gusto, may
paraan; 160 kung ayaw, palaging may dahilan.”

161 Kung gusto mo ng matanggap ang kabutihan mula sa lipunan, paano ka naman tutugon
162 sa hamon ng kabutihang panlahat?

Music up for 3 secs under

163 Narinig ninyu ang pagtatalakay natin sa Modyul 3 tungkol sa Pinagtagpi-tagping baro.

164 Tara sabayan ninyu akong balikan ang pinakamahalagang diwa sa ating itinalakay
Paano 165 makakamit at mapananatili ang kabutihang panglahat? Bakit mahalaga na ito ay
makamit 166 at mapanatili? .Handa na ba kayong sagutin ang mahalagang tanong? Magaling!

Music up for 3 secs under

167 Kabutihang Panlahat sa pamamagitang ng pagsasabuhay ng moral na pagpapahalaga


168 puwersang magpapatatag sa LIPUNAN.

Music up for 3 secs under

169 That’s all for today Grade 9 learners, naway may nakuha kayo sa ating talakayan
ngayong 170 umaga. Inaasahan ko na kayo ay handa na sa pagsusulit para sa aralin natin
ngayon.

171 Ihanda na ang inyung sagutang papel o notebook at bolpen para sa gagawing

172 ebalwasyon. Good luck and God bless!

Music up for 3 secs under

173 Handa na ba kayo para sa pagsusulit? Paalala huwag sulatan ang modyul lahat ng mga
174 sagot ninyu ay isulat sa sagutang papel o notebook. Hanapin sa inyung module ang
175 TAYAHIN na makikita sa pahina 10 hanggang 11. Sulatan ninyu ang inyung sagutang

176 papel from 1 to 10. Sabay sabay nating basahin ang panuto. Basahing mabuti ang
bawat 177 pangungusap at unawain ang tanong. Piliin ang pinakaangkop na sagot at isulat
ang titik 178 nito sa kwaderno. Iwawasto natin ang inyong mga sagot pagkatapos ng maikling

179 patalastas. Good luck!

Break for Patalastas

180 Nagbabalik ang inyung mga lingkod. Sir PJ and ma’am Chrys at kayo ay patuloy na

181 nakikinig sa Paaralang Panghimpapawid sa Edukasyon sa Pagpapakatao Grade 9, sa


182 88.5 ZRadio FM. Kamusta? Nasagutan na ba lahat ang mga katanungan? Ngayon ay
183 iwawasto natin ang inyung mga sagot. Paalala maging tapat po tayo sa ating mga
184 Gawain at sa pagwawasto sa ating mga kasagutan.

Music up for 3 secs under

185 (Babasahin ang mga sagot sa TAYAHIN)

1. A
2. D
3. B
4. D
5. C
6. D
7. B
8. B
9. D
10. B
Music up for 3 secs under

186 Isang leksyon na naman ang ating natapos. Nag enjoy ba kayo? Naway marami kayong
187 natutunan sa umagang ito. Upang madagdagan pa ang inyong kaalaman at Maisagawa
188 ang gawain o aktibidad na nagpapakita ng pagsisikap ng bawat tao na makamit at

189 mapanatili ang kabutihan panglahat, maari ninyong gawin ang karagdagang gawain na
190 makikita sa inyung module sa pahina 12.

Music up for 3 secs under

191 Maraming maraming Salamat sa inyong pakikinig at magbabalik kami para sa mga

192 susunod pang sesyon . Ako si teacher Francisco “Pj” Boliran Jr. kasama ko si Teacher
193 Chrysalis H. Plaras for the class on the air in EsP 9. Kung may mga tanong kayo maari
194 kayong tumawag o mag text sa mga numero 09383027856 o 09359550102. Maraming
195 Salamat at God bless us all!

---END---

You might also like