Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

BELCP inilatag ng pamunuan ng SDO-SC

ni: Hilda R. Mariano

Inilahad ni ASDS Cheryl R. Ramiro, PhD, CESE ang komprehensibong Basic Educational
Learning Continuity Plan (BELCP) ng Schools Division ng Santiago City sa mga pinuno ng paaralan sa
ginanap na online Management Committee Meeting (ManCom) noong ika-1 ng Hunyo.
Nakapaloob sa BELCP ang mga hakbang, stratehiya, direksiyong tatahakin ng Dibisyon ng
Santiago City alinsunod sa kautusan at tagubilin ng Kagawaran ng Edukasyon, Inter Agency Task Force
for COVID-19 (IATF), Kagawaran ng Kalusugan at lokal na pamahalaan. Ito ay upang tugunan ang
hamon na maipagpatuloy ang edukasyon na isinasaalang-alang ang seguridad at pangkalusugang
kapakanan ng mga kawani at mag-aaral bilang tugon sa pandemyang kinakaharap ng buong mundo
dulot ng COVID-19.
Naglalaman din ito ng mga resulta ng iba’t-ibang surbey na isinagawa ng dibisyon upang
malaman ang kahandaan, kakayahan at pananaw ng mga pinuno ng paaralan, kaguruan, mga magulang
at maging mga mag-aaral hinggil sa ibat’t-ibang isyu na kinakaharap ng bawat isa upang posibleng
maipagpatuloy ang edukasyon. Isa sa mga ito ay ang kakayahan sa online communication at digital
teaching. Mayroon ding surbey upang malaman ang pangkalahatang pananaw ng mga magulang, guro,
mag-aaral at pinuno ng paaralan hinggil sa pamamaraan ng pagtuturo o learning modalities na gagamitin
sa darating na pasukan. Pinulsuhan din ang mga magulang hinggil sa isyu ng pagpapa-enrol ng kanilang
mga anak sa darating na pasukan.
Ang resulta ng iba’t-ibang surbey ang magsisilbing gabay ng pamunuan sa paggawa ng master
plan na naaangkop sa sitwasyon at pangangailangan ng mga kawani, kaguruan, mag-aaral at lahat ng
nasasakupan ng SDO- Santiago City.
Ang BELCP ay magsisilbing master plan, gabay at estratehiya ng bawat institusyong pang-
edukasyon sa pagtahak sa “new normal” upang makatugon sa tawag ng panahon na ipagpatuloy ang
edukasyon ng mga mag-aaral sa gitna ng kinakaharap na pandemya dulot ng COVID-19.
Kaugnay nito, hinikayat at tinagubilinan ni SDS Cherry Ramos, EdD, CESO V ang bawat pinuno
ng paaralan na gumawa ng School Learning Continuity Plan na maglalahad ng kasalukuyang kondisyon
at kahandaan ng mga guro, mag-aaral, magulang at komunidad ng paaralan, gayundin ang pagkakaroon
ng gadget na maaaring gamitin sa pag-aaral at kondisyon ng mga pasilidad ng paaralan na gagamitin sa
darating na pasukan. Nakalakip din dito ang learning modality na naaayon sa kakayahan at kagustuhan
ng mga magulan at mag-aaral sa “no face to face learning” na magaganap sa darating na pagbubukas ng
taunang pampaaraln 2020-2021 sa ika-24 ng Agosto.

You might also like