DLL Objective 1

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

PAKITANG TURO SA FILIPINO 10

( ika- 10 ng Oktubre, 2018 )

I- Layunin
A. Pamantayang Pangnilalaman: Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa at pagpapahalaga sa
mga akdang pampanitikan ng Africa at Persia.
B. Pamantayang Pagganap: Nakapanghihikayat tungkol sa kagandahan ng alinmang bansa batay sa
akdang pampanitikan
C. Kasanayang Pampagkatuto:
1. Naiaantas ang mga salita ayon sa sidhi ng damdaming ipinapahayag ng bawat isa
2. Naibabahagi ang sariling karanasan at saloobin tungkol sa isang ina sa pamamagitan ng
pagsulat ng tula

II- Paksang Aralin:


Paksa: Aralin 3.4 Hele ng isang ina sa kanyang Panganay ( Tula mula sa Uganda )
Salin sa salin sa Ingles ni Jack H. Driberg
Isinalin sa Filipino ni Mary Grace A. Tabora
Sanggunian: Panitikang Pandaigdig Filipino 10 pahina 275-288
Kagamitan: Internet (http/.www.youtube.com), Sipi o Kopya ng akda
Pagpapahalaga: Naisasalaysay ang kahalagahan at pagmamahal ng isang ina sa kanyang
anak

III- Pamamaraan: (Yugto ng Pagkatuto: LINANGIN)

A. Panimulang Gawain
 Pagbati
 Pagtsek ng attendance

B. Pagganyak:.
 Ipanonood sa mga mag-aaral ang isang video mula sa youtube (www. Youtube.com)
TANONG:
1. Tungkol saan ang napanood na video?
2. Ano ang mensaheng nais iparating ng napanood na video?

C. Paghahawan ng balakid
 Isaayos mula bilang 1-5 ang mga salita batay sa sidhi ng damdamin

Kagalakan Katuwaan Kaluwalhatian Kaligayahan Kasiyahan

Lungkot lumbay dalamhati pighati Pagdurusa

D. Paglalahad ng aralin
 Interpretatibong Pagbasa ng tula “Hele ng Ina sa Kaniyang Panganay” sa pamamagitan ng
Pop Corn Method

E. Pagtalakay
 Hahatiin ang klase sa apat na pangkat
 Tatalakayin ang akda sa pamamagitan ng Number Heads Together Technique
1. Sino ang persona sa tula? Ano ang kaniyang pangarap?
2. Masining ba ang tulang tinalakay? Patunayan ang sagot.
3. Sa ano-anong bagay inihambing ang sanggol? Bakit ito ang mga ginamit sa paglalarawan
sa mga katangiang taglay niya?
4. Anong kaugalian at kultura ng mga taga-Uganda ang lumutang sa tula? Ibigay ang inyong
pananaw ukol dito?
5. Alin sa mga kaugalian ng taga- Uganda ang naiiba sa kaugalian ng mga Pilipino? Sang-
ayon ka ba rito? Bakit?
6. Makatwiran bang iugnay ang pagkakakilanlan at katangian ng isang anak sa kanyang
ama? Sa poon?

 Ang guro ay magbibigay ng input sa kahulugan, uri, at elementong dapat na isaalang-


alang sa pagsulat ng tula bilang paghahanda sa sunod na gawain

F. Paglinang na Gawain
 Hahatiin muli ang klase sa apat na pangkat
 Bumuo ng tula bilang tugon sa binasang akda “Hele ng Ina sa Kaniyang Panganay”

Pamantayan:

5 points – Natatangi ang pagkakabuo ng tula batay sa kasiningan nito


maging ang presentasyon nito

4 points- Napakahusay ng pagkakabuo ng tula batay sa


kasiningan nito maging ang presentasyon nito

3 points- Mahusayang pagkakabuo ng tula batay sa kasiningan nito maging ang


presentasyon nito

G. Paglalapat
 Bilang isang anak paano mo maipapakita ang iyong pagmamahal sa iyong mga magulang?
(Pagtitibayin sa bahaging ito ang pagbibigay-halaga sa sakripisyo at pagmamahal ng
magulang sa mga anak)

IV- Pagtataya:
1. Mula sa mga isinaayos na salita, pumili ng dalawang salita at gamitin ito sa sariling pangungusap ( 4
points)
2. Sa isang talata, magsalaysay ng pangyayari sa buhay na nagpapakita ng dakilang pagmamahal ng
iyong ina. Ibigay ang iyong saloobin kaugnay dito ( 6 points )

V- Takdang aralin:
 Ibigay ang kahulugan ng simbolismo bilang isang element ng tula. Magbigay ng limang
halimbawa

Inihanda ni:

GERSON B. CALLEJA
Guro sa Filipino

You might also like