AralingPanlipunan7 Module 1 3

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 52

7

AralingPanlipunan
Unang Markahan – Modyul 1
Heograpiya ng Asya
Aralin 1: Ang Katangiang Pisikal ng Asya

AralingPanlipunan - Baitang 7
Alternative Delivery Mode
Unang Markahan – Modyul 1: Heograpiya ng Asya
Unang Edisyon, 2020
IsinasaadsaBatas Republika 8293, Seksiyon 176na: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-isip sa
ano mang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o
tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin
ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mgaakda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak o
trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari
ng mgaiyon. Pinag-sumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales.
Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aringiyon. Ang ano mang gamit
maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mgaito.

Walang ano mang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa ano mang paraan
nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Division of Misamis Occidental


Schools Division Superintendent: Edwin R. Maribojoc

Development Team of the Module


Author/s: Lakambini N. Sisi Precymar M. Manliguez
Reviewers: Donna P. Olarte Ramon Villa Elter Hazel B. Miraflor
Lilia E. Balicog Edwin V. Beloy Vilma H. Hisola
Illustrator and Layout Artist: Precymar M. Manliguez

Management Team
Chairperson: Edwin R. Maribojoc, EdD, CESO VI
Schools Division Superintendent

Co-Chairpersons: Myra P. Mebato, PhD, CESE


Assistant Schools Division Superintendent

Samuel C. Silacan, EdD, CID Chief

Mala Epra B. Magnaong, Chief ES, CLMD


Members Neil A. Improgo, EPS-LRMS
Bienvenido U. Tagolimot, Jr., EPS-ADM
Eleazer L. Tamparong, EPS - AralingPanlipunan
Rone Ray M. Portacion, EdD, EPS – LRMS
Berlyn Ann Q. Fermo, EdD, PSDS
Agnes P. Gonzales, PDO II
Vilma M. Inso, Librarian II
Inilimbag sa Pilipinas ng
Kagawaran ng Edukasyon – Dibisyon ng Misamis Occidental
Office Address: (Ad. Osilao St., Poblacion I, Oroquieta City, Misamis Occidental
Contact Number: 0977 806 2187
E-mail Address: deped_misocc@deped.gov.ph
7
AralingPanlipunan
Unang Markahan – Modyul 1
Heograpiya ng Asya
Talaan ng Nilalaman
Paunang Salita --------------- i
Icons ng Modyul --------------- ii
Pangkalahatang Panuto --------------- iii
Alamin --------------- 1
Subukin --------------- 2
Aralin: Katangiang Pisikal ng Asya --------------- 5
Balikan --------------- 5
Gawain 1: Pagsusuri sa Mapa --------------- 5
Tuklasin --------------- 6
Gawain 2: Konseptong Nais Ko, Hulaan Mo! --------------- 6
Gawain 3: Pagbuo ng Isang Konsepto Gamit ang Oval Callout - - - - 7
Gawain 4: Picture Parade --------------- 7
Suriin --------------- 8
Gawain 5: Magbasa Para Matuto --------------- 9
Gawain 6: Pagtapat-tapat --------------- 12
Gawain 7: Pagpapalalim ng Kaalaman --------------- 12
Pagyamanin --------------- 13
Gawain 8: Mapa-Suri --------------- 13
Gawain 9: Saan Ako Nabibilang? --------------- 15
Gawain 10: Mapa Hanapin Mo Ako, Kaya Mo! - - - - - - - - - - - - - - - 15
Isa-isip ---------------- 16
Gawain 11: Suriin Mo Ako! ---------------- 16
Isagawa ---------------- 17
Gawain 12: Kaya Ko to’! ---------------- 17
Tayahin ---------------- 18
Karagdagang Gawain ---------------- 21
Gawain 13: Asya Kay Ganda! ---------------- 21
Susi sa Pagwawasto ---------------- 22
Sanggunian ---------------- 24

PaunangSalita
Para sa mag-aaral:
MalugodnapagtanggapsaAralingPanlipunan 7 ng Alternative Delivery Mode (ADM)
Modyu 1 Heograpiya ng Asya ukol sa Aralin1 Katangiang Pisikal ng Asya.

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin nitong
matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka saloob ng silid-aralan. Hangad din nitong
madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.
Icons ng Modyul
Ang modyul na ito ay may mgabahagi at icon na dapat mong maunawaan.
Sa bahagingito, malalamanmo ang
mgadapatmongmatutuhansamodyul.
Alamin
Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung
ano na ang kaalaman mo sa aralin ng
modyul. Kung nakuhamo ang lahat ng
Subukin
tamang sagot (100%), maaari mong
laktawan ang bahaging ito ng modyul.
Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral
upang matulungan kang maiugnay ang
kasalukuyang aralin sa naunang leksyon.
Balikan
Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay
ipakikilala sa iyo sa maraming paraan
tulad ng isang kuwento, awitin, tula,
Tuklasin
pambukas na suliranin, gawain o isang
sitwasyon.
Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling
pagtalakay sa aralin. Layunin nitong
matulungan kang maunawaan ang
Suriin
bagong konsepto at mgakasanayan.

Binubuoito ng mga gawaing para sa


malayang pagsasanay upang mapagtibay
ang iyong pang-unawa at mgakasanayan
Pagyamanin
sa paksa. Maaari mong iwasto ang mga
sagot mo sa pagsasanay gamit ang susi
sa pagwawasto sa huling bahagi ng
modyul.
Binubuo ito ng mga gawaing para sa
malayang pagsasanay upang mapagtibay
ang iyong pang-unawa at mga kasanayan
Pagyamanin
sa paksa. Maaari mong iwasto ang mga
sagot mo sa pagsasanay gamit ang susi
sa pagwawasto sa huling bahagi ng
modyul.
Naglalaman ito ng mga katanungan o
pupunan ang patlang ng pangungusap o
talata upang maproseso kung anong
Isaisip
natutuhan mo mula sa aralin.
Ito ay naglalaman ng gawaing
makatutulong sa iyo upang maisalin ang
bagong kaalaman o kasanayan sa tunay
Isagawa
na sitwasyon o realidad ng buhay.
Ito ay gawain nanaglalayong matasa o
masukat ang antas ng pagkatuto sa
pagkamit ng natutuhang kompetensi.
Tayahin
Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong
panibagong gawain upang pagyamanin
ang iyong kaalaman o kasanayan sa
Karagdagang Gawain
natutuhang aralin.
Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa
lahat ng mga gawain samodyul.

Susi sa Pagwawasto
Sa katapusan ng modyulnaito, makikita morin ang:
Sanggunian Ito ang talaan ng lahat ng pinagkuhanan
sa paglikha o paglinang ng modyul na ito.

Pangkalahatang Panuto
Ang sumusunod ay mahahalaang paalala sa paggamit ng modyulnaito:
1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang marka o sulat ang
anumang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang gawaing napapaloob sa
modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at sapag-wawasto ng
mga kasagutan.
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.
6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o taga-pagdaloy kung tapos nang sagutin lahat ng
pagsasanay.

Kung sakalingikaw ay mahirap ang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito, huwag mag-
aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapag daloy. Maaari ka rin humingi ng tulong
kay nanay o tatay, o sa nakatatanda mong kapatid o sino man sa iyong mga kasama sa bahay
na mas nakatatandasaiyo. Laging itanim sa iyong isipang hindi ka nag-iisa.

Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng makahulugang


pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa kaugnay na mga kompetensi.
Kaya mo ito!

Alamin

Isinasagawa ang modyul na ito upang makatutulong sa iyo bilang isang mag-aaral na
handang maipagmamalaki at maitataguyod ang pagiging Asyano. Sa pag-aaral ng Araling Asyano,
mahalagang maunawaan ang kaugnayan ng heograpiya sa kasaysayan at kultura ng mga tao sa
mga bansang Asyano (Asya noon, ngayon at sa hinaharap).

Ang heograpiya ay nagmula sa dalawang salitang Griyego na geo daigdig at graphein


magsulat. Ito ay nangangahulugan ng paglalarawan ng ibabaw o balat ng lupa at ang interaksyon
ng tao sa kanyang kapaligiran. (Project EASE)

Sa Asyanong pananaw, tatalakayin natin ang lokasyon, hangganan at pagkahati-hati ng


mga rehiyon sa Asya.

Ito ang araling inihanda para sa inyo.

Aralin 1 – Ang Katangiang Pisikal ng Asya

Pagkatapos mong pag-aralan ang modyul na ito ay inaasahang malilinang mo ang mga
sumusunod:
1. Naipaliliwanag ang konsepto ng Asya tungo sa paghahating heograpiko: Silangang Asya,
Timog-Silangang Asya, Timog Asya, Timog- Kanlurang Asya at Hilagang Asya;
2. Natutukoy sa mapa ang ugnayan ng tao at kapaligiran sa paghubog ng kabihasnang
Asyano;
3. Napapahalagahan ang ugnayan ng tao at kapaligiran sa paghubog ng kabihasnang
Asyano;
4. Nakakagawa ng isang tula na magpapahayag ng kagandahan ng katangiang pisikal ng
Asya.

Handa ka na ba? Ngayon ay subukan mong sagutin ang mga sumusunod na tanong.
Huwag kang mangamba sa pagsagot. Kaya mo iyan, may mga tulong sa pag-aaral na inihanda
para sa iyo.

Subukin

Panuto: Piliin ang titik ng tamang sagot at isulat sa sagutang papel.


1. Ano ang tawag sa mga taong naninirahan sa Kontinente ng Asya?
a. Amerikano c. Europeo
b. Asyano d. Australiano
2. Paglalarawan ng ibabaw o balat ng lupa.
a. Heograpiya c. Matematika
b. Kasaysayan d. Lokasyon
3. Ilan lahat ang mga Kontinente sa mundo?
a. 5 c. 7
b. 6 d. 8
4. Nahahati sa limang rehiyon ang Asya, Hilaga, Kanluran, Timog, Timog Silangan at Silangang
Asya. Tinatawag na heograpikal at kultural na sona ang mga rehiyong ito dahil isinaalang-alang
sa paghahati ang mga aspektong pisikal, historical, at kultural. Kumpara sa ibang mga rehiyon,
bakit ang Hilaga at Kanlurang Asya ay kadalasang tinitingnan bilang magkaugnay?
a. Ang mga ito ay parehong napapailalim sa halos parehong karanasang historikal,
kultural, agrikultural at sa klima.
b. Magkasama ang mga ito sa parehong pamamaraan ng paglinang ng kapaligirang
pisikal.
c. Ang mga porma ng anyong lupa at anyong tubig ng mga ito ay halos pareho.
d. Apektado ng iisang uri ng klima ang uri ng pamumuhay ng mga tao rito.
5. Ano ang pinakamalaking kontinente sa mundo?
a. Asya c. Amerika
b. Europe d. Timog Amerika
6. Ang Asya ay nahahati sa ______________ rehiyon.
a. 3 c. 5
b. 4 d. 6
PAGE 1

7. Ang mga sumusunod ay mga bansang kabilang sa rehiyon ng Timog Silangang Asya maliban
sa isa;
a. Pilipinas c. Indonesia
b. Saudi Arabia d. Malaysia
8. Ano ang tawag sa pinakamalaking dibisyon ng lupain sa daigdig?
a. Kapuluan c. Kalupaan
b. Kabundukan d. Kontinente

Tunghayan ang mapa sa ibaba upang masagot ang susunod na mga tanong.

https://www.pinterest.ph/pin/1618549841337384/

9. Sa iyong pagtingin sa mapa, alin sa sumusunod ang angkop na paglalarawan at interpretasyon


tungkol sa kinalalagyan ng kontinente ng Asya?
a. Ang hugis at anyo ng mga lupain sa bawat bahagi ng kontinente ay pare-pareho.
b. Karamihan sa mga bansa sa Asya ay may mainit na panahon.
c. Ang malaking bahagi ng hangganan ng Asya ay mga anyong tubig.
d. Insular ang malaking bahagi ng Kontinente ng Asya.
10. Ang pagkakaiba-iba ng klima sa Asya ay bunsod ng iba’t ibang salik kabilang na rito ang
lokasyon at topograpiya ng isang lugar. Kung sa Kanlurang Asya ay bihira ang ulan at sa
Hilagang Asya naman ay mahaba ang taglamig at maigsi ang tag-init. Ano naman ang
katangian ng klima sa Timog-Silangang Asya?
a. Ang mga rehiyon ay nakararanas ng tag-init, taglamig, tag-araw, at tag-ulan.
b. May maiinit na panahon sa ilang bahagi at may mga bahagi ng rehiyon na nababalutan
ng yelo.
c. Mahalumigmig, taglamig, tag-init at tagtuyo’t ang nararanasan sa rehiyong ito sa iba’t
ibang buwan sa loob ng isang taon.
d. Sobrang lamig sa rehiyon at hindi kayang panirahan ng tao.

PAGE 2
11. Alin sa sumusunod na pahayag ang hindi kabilang sa mga katangiang pisikal ng kontinente ng
Asya?
a. Ang hangganan ng Asya sa iba pang mga lupain ay maaaring nasa anyong lupa o
anyong tubig.

b. Ang Asya ay tahanan ng iba-ibang uri ng mga anyong lupa, tangway, kapuluan, bundok,
kapatagan, talampas, disyerto at kabundukan.
c. Taglay ng Asya ang napakaraming uri ng mga kapaligiran batay sa mga tumutubong
halaman.
d. Ang iba-ibang panig ng Asya ay nag tataglay ng iisang uri ng klima na may malaking
implikasyon sa pamumuhay ng mga Asyano.
12. Sa hilaga, nasasakop ng Asya ang teritoryo mula sa paraan ng Bulubunduking Ural hanggang
sa baybayin ng karagatang ___________.
a. Arctic c. Indian
b. Atlantic d. Pasipiko
13. Ang mga sumusunod ay mga anyong lupa maliban sa isa ____________.
a. Kabundukan c. Peninsula
b. Lambak d. Talampas
14. Ang mga sumusunod ay mga anyong tubig maliban sa isa____________.
a. Bundok c. Ilog
b. Dagat d. Talon
15. Tumutukoy sa mga katangiang pisikal na nasa ibabaw ng daigdig na gaya ng anyong lupa at
anyong tubig.
a. Demograpiya c. Pilosopiya
b. Heograpiya d. Topograpiya

PAGE 3
Aralin
Katangiang Pisikal ng Asya

Ang Asya ang pinakamalaking kontinente sa daigdig. Tinatawag na kontinente ang


pinakamalaking dibisyon ng lupain sa mundo. Iba’t ibang kaanyuang pisikal ang matatagpuan
sa Asya kagaya ng kinaroroonan, sukat at hugis, mga anyong lupa at anyong tubig.

Balikan

GAWAIN 1: PAGSUSURI SA MAPA

Panuto: Pag-aralang mabuti ang mapa ng daigdig at sagutan ang mga katanungan sa ibaba.

https://www.mapsofworld.com

1. Ano ang Kontinente?


2. Anu-ano ang mga kontinente sa mundo?
3. Ano ang pinakamalaking kontinente sa mundo?
4. Saang kontinente nabibilang ang mga Asyano?

Tuklasin

GAWAIN 2: KONSEPTONG NAIS KO, HULAAN MO, GAME KA NA BA?

Panuto: Tukuyin ang konspetong inilalarawan sa pamamagitan ng pagpupuno ng wastong


letra sa loob ng kahon.

Dito Magsimula:

PAGE 4
KONSEPTO

DISKRIPSYON
1. Bigkis o pagtutulungan para sa
kapwa kapakinabangan
2. Ang pangunahing tagalinang ng
1. U _ N _ y _ N kapaligiran para sa kanyang
kabuhayan at pagtugon sa
2. _ A _ pangangailangan.
3._ A P _ L _ G _ _ A N 3. Kalikasan, ang ekolohikal na
komposisyon ng daigdig.
4. K _ B _ H A _ N _ _ 4. Maunlad na yugto ng kulturang
panlipunan,moral at kultural
5. _ E O G _ A _ I Y _ 5. Pag-aaral sa katangiang pisikal ng
6. S_ N _U _ A mundo.
6. Katutubo o tagapagsimula.
7. K _ L T _ R _ L 7. Pag-unawa at paghanga sa
8. _O N _ I N _N T_ sining,kaugalian,paniniwala,
gawaingpanlipunan,edukasyon,
9. A- _ Y _ relihiyon at siyentipiko.
10. P _ S _ K _ L 8. Ang malaking masa ng lupain sa
mundo.
9. Ang pinakamalaking kontinente sa
sukat at sa populasyon.
10. Katangiang nakikita at
nahahawakan.

GAWAIN 3: PAGBUO NG ISANG KONSEPTO GAMIT ANG OVAL CALLOUT

Panuto: Bumuo ng isang konspeto tungkol sa kahalagahan ng kapaligiran sa tao sa


pamamagitan ng pagsama-sama ng lima (5) o higit pang salita at isulat sa loob ng oval-call
out. Gawin ito sa kuwarderno.

_____________________________
_____________________________
_____________________________
_____________________________
_____________________________
_____________________________
_____________________________
_____________________________

Halimbawa: Ang KABIHASNAN ng KONTINENTE ng ASYA ay bunsod ng UGNAYAN ng PISIKAL na


KAPALIGIRAN nito at ng TAO.

PAGE 5
GAWAIN 4 : PICTURE PARADE
Panuto: Mula sa mga larawan, tukuyin kung alin ang anyong lupa at anyong tubig. Isulat sa
talahanayan sa ibaba. Gawin ito sa kuwaderno.

Mga Anyong Lupa Mga Anyong Tubig


Caspian Sea Fertile Crescent

1. 1.
Lake Baikal Ilog Huang Ho 2. 2.
3. 3.
4. 4.
5. 5.

Mt. Everest

Borneo Rainforest

Khyber Pass

Banawe Rice Terraces

Suriin

GAWAIN 5: MAGBASA PARA MATUTO

Panuto: Tunghayan ang isang teksto tungkol sa kinaroroonan, sukat at hugis, mga anyong
lupa at anyong tubig ng Asya.

Kinaroroonan
Sa hilaga, nasasakop ng Asya ang teritoryo mula sa paraan ng Kabundukang Ural
hanggang sa baybayin ng Karagatang Arctic at tuloy-tuloy sa kipot Bering. Sa Silingan, ang
hangganan ay mula Kipot Bering patungong karagatang Pasipiko, kasama ang Hapon at
Taiwan. Sa Timog, nakapaligid ang Dagat Timor hanggang karagatang Indian at Dagat Arabia.
Sa kanluran naman ang mga hangganan ay ang Dagat Arabia papuntang Dagat
Mediterranean, tuloy-tuloy sa Dagat Aegean, Kipot Dardanelles at Bosporus, Black Sea at
Bundok Caucasus hanggang Kabundukang Ural.

PAGE 6
https://www.mapsofworld.com

Mapapansin dingnapalilibutan ng mga anyong-tubig ang kontinente ng Asya. Sa Hiliga


matatagpuan ang karagatang Arktiko, sa Silangan ay ang karagatang Pasipiko, sa Timog ay
ang karagatang Indian at sa kanluran ay ang Red Sea, Mediterranean Sea, Black Sea,
Caspian Sea at Kabundukan ng Ural. (Project Ease)

Sukat at Hugis
Ang sukat ng Asya ay umaabot sa 44,339, 000 kilometrong kwadrado, kasama ang
mga pulo nito. Sumasakop ito ng ikatlong bahagi ng kapuluan ng daigdig. Kung ihahambing
ang laki nito sa ibang kontinente, katumbas ng Asya ang pinagsamang sukat ng hilaga at
timog Amerika, kasama ang Australia, at mahigit pa sa apat na beses na laki ng Europa.
(Project EASE)

Mga Anyong Lupa


Mga anyong lupa sa kontinente ng Asya tulad ng mga bundok, bulkan, talampas,
kapatagan, lambak, disyerto, kapuluan at tangway.
Ang Bundok Everest ang pinakamataas na bundok sa mundo na nasa hanay ng
kabundukan ng Himalaya. Ang Mount Fuji ang pinakatanyag na bundok sa Japan. Sa
Pilipinas naman, ipinagmamalaki ang Mayon at ang Taal ang pinakamaliit na bulkan sa
daigdig. Sa Indonesia naman ay ang bulkang Krakatoa.
Ang Tibet ang pinakamalaking talampas sa daigdig. Dito nagmumula ang malalaking
ilog sa Silangang Asya. Nasa India naman ang malaking talampas Deccan.
Matatagpuan ang malaking kapatagan ng Indus Ganges sa hilaga ng India. Ang
lambak ng mga Ilog Huang Ho, Yangtze at Amur sa Tsina ay may haba na 2,880 kilometro.
Malawak din ang mga lambak ng mga Ilog Mekong sa Indotsina, Ilog Chao Phraya sa
Thailand, Ilog Irrawoaddy at Salween sa Myanmar. Sa Pilipinas naman, pinaka malawak ang
kapatagan ng Gitnang Luzon at Koronadal sa Mindanao.
Isa ring pisikal na kaanyuan sa Asya ang mga disyerto. Nasa Tsina ang 1,440
kilometrong Takla Makam at ang disyerto ng Gobi. May disyerto rin sa Arabia, Iran, Iraq at
India. Ang Indonesia ang pinakamalaking kapuluan sa daigdig na binubuo ng 13,000 mga
pulo. Ang hapon ay isa ring kapuluan.
PAGE 7
Ang tangway ay bahagi ng kapuluang nakausli sa karagatan. Halimbawa nito ang mga
tangway ng India, Indonesia, Saudi Arabia at Malaysia. Dahil sa laki itinuturing ng ibang
mamumulat na isang sub-kontinente ang India.

Mga Anyong Tubig


May mga anyong tubig din sa kontinente ng Asya tulad ng mga karagatan at dagat, ilog,
lawa, golpo at look.
Maliban sa karagatang Atlantiko ang tatlong karagatan sa daigdig ay nakapalibot sa
Asya. Ang mga ito ay ang mga karagatang Pasipiko sa Silangang Asya, Karagatang Indian
sa Timog, at ang Arktiko sa Hilaga.
Ilang dagat naman ang matatagpuan sa rehiyon. Ang Timog Dagat Tsina, ang
pinakamalaking dagat sa Asya ay napapaligiran ng Vietnam, Malaysia, Indonesia at Pilipinas.
Ang Dagat Meditrranean, pangalawa sa pinakamalaking dagat sa Asya, Aprika at Europa.
Ang Dagat Bering ay nasa pagitan ng Asya at Hilagang Amerika. Ang Dagat Okhotsk
ay nasa hilaga ng Hapon at silangan ng Rusya. Ang Silangang dagat Tsina ay nasa silangan
ng Tsina. Nasa pagitan ng Turkey at Rusya ang Black Sea at nasa pagitan ng Saudi Arabia at
baybayin ng Aprika ang Red Sea. Nasa dulo ng Red Sea ang Isthmus ng Suez na
nagdurugtong sa Asya at mahabang ruta sa Asya sa halip na umikot pa sa katimugang dulo
ng Aprika.
Maraming ilog sa Asya. Ang mga Ilog Lema at Ob at nagsisimula sa kabundukan,
umaayos sa Rusya Dumadaloy sa India, Pakistan at Bangladesh ang mga Ilog Indus,
Ganges at Brahmaputra. Ang Huang Ho o Yellow River, Ilog Yantze at Ilog Amur ang
malaking Ilog sa Tsina. Ang Ilog Yangtze ang pinakamahaba sa Asya at umaabot ito sa 5,590
kilometro.
Mula sa talampas Tibet, may ilang ilog sa Timog-Silangang Asya. Ang Ilog Mekong na
may habang 4,166 kilometro ay dumadaloy sa tangway ng Indonesia hanggang Timog Tsina,
ang ilog Chao Phraya sa Thailand, ang mga ilog Irrawaddy at Salween sa Myanmar ang
tumutuloy sa Dagat Andaman. Sa Pilipinas, ang Ilog Cagayan sa Luzon ang pinakamalaki sa
Korea, pianamalaki naman ang Ilog Yalu. Ang mga ilog naman sa Kanlurang Asya ay ang
Tigris-Euphrates at Jordan.
Sa lawa, pinakamalaki ang lawang Ural sa Hilagang Asya at Rusya na may sukat na
64,740 kilometro kwadrado. Ang mga lawa sa Gitnang Asya ay ay ang Balkash at Baikal.
tinaguriang Lawang Asin dahil sa tindi ng alat ng tubig. Ang pampang ng lawa ay
pinagkukunan ng asin sa Timog-Silangang Asya, ang lawa ng Laguna de Bay sa Pilipinas ay
malaking anyo ng tubig-tabang.
Isa sa mga mahalagang golpo sa Asya ay ang Golpo ng Persia na dinaraanan ng mga
tanker ng langis. Malaki rin ang Golpo ng Siam at Golpo ng Tankin, Golpo ngLingayen at
Golpong Davao ang pinakamalaking golpo.
Sa mga look naman, ang Look ng Bengal ang pinakamalaki sa rehiyon. Ang look ng
Maynila sa Pilipinas ay isang likas na daugan sa daig-dig ang North at South Harbor. (Project
EASE)
PAGE 8
GAWAIN 6: PAGTAPAT-TAPAT

Panuto: Itapat ang Hanay A sa Hanay B. Titik lamang ang isulat sa sagutang papel.

HANAY A HANAY B

1. Ang pinakatanyag na bundok sa


Japan.
2. Ang pinakamalaking kapuluan sa
daigdig na binubuo ng 13,000 mga
pulo.
A. Deccan
3. Ang pinakamataas ng bundok sa B. Mt. Everest
mundo. C. Indonesia
4. Bahagi ng kapuluang nakausli sa
karagatan. D. Krakatoa
5. Ang pinakamaliit na talampas sa E. Mt. Fuji
daigdig.
6. Ang pinakamaliit na bulkan sa F. Pilipinas
daigdig. G.Tangway
7. Bulkang matatagpuan sa
Indonesia. H. Taal
8. Malaking Talampas sa India. I. Tibet
9. Bansang matatagpuan ang
disyertong Takla Makan at Gabi. J. Tsina
10. Bansang matatagpuan ang
pinakamalawak na kapatagan ng
Gitnang Luzon.

GAWAIN 7: PAGPAPALALIM NG KAALAMAN


Panuto: Mula sa binasang teksto, punan ang talahangyan ng mga halimbawa ng mga
sumusunod na anyong tubig.

Anyong Tubig Mga Halimbawa

1. Karagatan 1. ____________, ___________,


__________
2. Dagat 2. ____________, ___________,
__________
3. Ilog 3. ____________, ___________,
__________
4. Lawa 4. ____________, ___________,
__________
5. Golpo 5. ____________, ___________,
__________
PAGE 9

Pagyamanin

GAWAIN 8: MAPA-SURI
Panuto: Pag-aralan ang mapa ng Asya at alamin ang mga bansang kinabibilangan ng bawat rehiyon:

Mga Rehiyon sa Asya

Silangang
Hilagang/ Asya
Gitnang Asya Tsina
Japan
Kazakstan Mongolia
Kyrgyztan North Korea
Tajikistan South Korea
Uzbekistan Taiwan
Turkmenistan (Republic of
China)

Timog
Kanlurang
Asya
Afghanistan Timog
Armenia Silangang
Azerbaijan https://conceptdraw.com/a1247c3/preview--Political%20map Asya
Bahrain %20of%20Asia Brunei
Cyprus Darussalam
Georgia Cambodia
Iran Indonesia
Iraq Laos
Timog Asya Malaysia
Israel India
Jordan Myanmar
Pakistan Pilipinas
Kuwait Bangladesh
Lebanon Singapore
Bhutan Thailand
Oman Nepal
Saudi Arabia Timor-Leste
Maldives Vietnam
Syria Sri Lanka
Turkey
UAE
Yemen

GAWAIN 9: SAAN AKO NABIBILANG?


Panuto: Itala sa kahon ang mga bansa batay sa kanilang rehiyong kinabibilangan

Hilagang Kanlurang Timog Asya Silangang Timog


Asya/Gitnang Asya Asya Silangang
Asya Asya
_____________ _____________ _____________ _____________
_____________
_____________ _____________ _____________ _____________
_____________
_____________ _____________ _____________ _____________
_____________
_____________ _____________ _____________ _____________
_____________
_____________ _____________ _____________ _____________
_____________
_____________ _____________ _____________ _____________
_____________
_____________ _____________ _____________ _____________
_____________
_____________ _____________ _____________ _____________
_____________
_____________ _____________ _____________ _____________
_____________
_____________ _____________ _____________ _____________
_____________
_____________ _____________ _____________ _____________
_____________
_____________ _____________ _____________ _____________
_____________
_____________ _____________ _____________ _____________
_____________
_____________ _____________ _____________ _____________
_____________
_____________ _____________ _____________ _____________
_____________
_____________ _____________ _____________ _____________
_____________
PAGE 10

Gawain 10 : MAPA Hanapin Mo Ako! Kaya Mo!

Panuto: Gamit ang blankong mapa ng Asya, pangalanan ang mga bansa nito na nasa bawat
numero. Nasa loob ng kahon ang pagpipilian.

15
5

8 10
1
7
9
2

12 4
3

14
11
13

Russsia China Philippines Maldives Indonesia

Oman Mongolia Iran India Japan

South Korea Taiwan Pakistan Oman Sri Lanka

PAGE 11
Isa-isip

Ang heograpiya ay may malaking papel na ginampanan sa pamumuhay ng mga tao


saang dako ng mundo.

Nagkaroon ng mga pagkakaiba sa pamumuhay ng mga tao sa Asya dahil sa


katangiang pisikal ng bawat rehiyon nito. Ang klima ay isang mahalagang salik na
makakaapekto sa bahay at pamumuhay ng mga Asyano dulot ng mga pagbabago nito.

GAWAIN 11: SURIIN MO AKO!Panuto: Suriin ang ugnayan ng heograpiya sa pang-araw-


araw na pamumuhay ng mga tao sa bawat rehiyon sa Asya gamit ang Cause-Effect-Evidence
o CEE Chart.

Halimbawa:
E
D Bansa o rehiyon na E Pangingisda ang isa B Ang mga bansang
A P I
H napapaligiran ng E sa mga ikinabubuhay D
E
tulad ng Pilipinas,
I katubigan K ng mga tao. N
S
Indonesia, Japan,
L T
A O
I
Y Malaysia.
A
N

D Bansa o rehiyon na E E
B .
A P I
H may malawak na E D
E
I kapatagan K N
S
L T I
Y
A O A
N

E
D Bansa o rehiyon na E B
A P I
H may malawak na E D
E
I kagubatan. K N
S
L T I
Y
A O A
N

E
D Bansa o rehiyon na E B
A P I
H may malawak na E D
E
I disyerto K N
S
L T I
Y
A O A
N

Isagawa

GAWAIN 12: KAYA KO TO!

Kung ikaw ay isang turista na nais maglakbay at manirahan sa isang lugar/bansa sa Asya, ano
ang iyong sariling pananaw sa mga katanungan sa ibaba.

PAGE 12
1. Anong lugar sa Asya ang pipiliin mo? Bakit?

______________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
_____________

2. Anu-anong magagandang katangiang pisikal ng Asya ang sa palagay mo ay tanging sa ating


bansa lamang matatagpuan na maipagmamalaki mo sa buong mundo?

______________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
_____________

3. Masasabi mo bang mayaman ang Asya dahil sa taglay nitong katangiang pisikal? Bakit?

______________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
_____________

Tayahin

1. Nahahati sa limang rehiyon ang Asya, Hilaga, Kanluran, Timog, Timog Silangan at Silangang
Asya. Tinatawag na heograpikal at kultural na sona ang mga rehiyong ito dahil isinaalang-alang
sa paghahati ang mga aspektong pisikal, historical, at kultural. Kumpara sa ibang mga rehiyon,
bakit ang Hilaga at Kanlurang Asya ay kadalasang tinitingnan bilang magkaugnay?
a. Ang mga ito ay parehong napapailalim sa halos parehong karanasang historikal,
kultural, agricultural at sa klima.
b. Magkasama ang mga ito sa parehong pamamaraan ng paglinang ng kapaligirang
pisikal.
c. Ang mga porma ng anyong lupa at anyong tubig ng mga ito ay halos pareho.
d. Apektado ng iisang uri ng klima ang uri ng pamumuhay ng mga tao rito.
2. Ano ang pinakamalaking kontinente sa mundo?
a. Asya c. Amerika
b. Europe d. Timog Amerika
3. Ano ang tawag sa mga taong naninirahan sa Kontinente ng Asya?
a. Amerikano c. Europeo
b. Asyano d. Australiano
4. Paglalarawan ng ibabaw o balat ng lupa.
a. Heograpiya c. Matematika
b. Kasaysayan d. Lokasyon
PAGE 13
5. Ilan lahat ang mga Kontinente sa mundo?
a. 5 c. 7
b. 6 d. 8
6. Sa hilaga, nasasakop ng Asya ang teritoryo mula sa paraan ng Bulubunduking Ural hanggang
sa baybayin ng karagatang ___________.
a. Arctic c. Indian
b. Atlantic d. Pasipiko
7. Ang mga sumusunod ay mga anyong lupa maliban sa isa ____________.
a. Kabundukan c. Peninsula
b. Lambak d. Talampas

8. Ang mga sumusunod ay mga anyong tubig maliban sa isa ____________.


a. Bundok c. Ilog
b. Dagat d. Talon
9. Tumutukoy sa mga katangiang pisikal na nasa ibabaw ng daigdig na gaya ng anyong lupa at
anyong tubig/
a. Demograpiya c. Pilosopiya
b. Heograpiya d. Topograpiya
10. Ang Asya ay nahahati sa ______________ rehiyon.
a. 3 c. 5
b. 4 d. 6
11. Ang mga sumusunod ay mga bansang kabilang sa rehiyon ng Timog Silangang Asya maliban
sa isa
a. Pilipinas c. Indonesi
b. Saudi Arabia d. Malaysia
12. Ano ang tawag sa pinakamalaking dibisyon ng lupain sa daigdig?
a. Kapuluan c. Kalupaan
b. Karagatan d. Kontinente
Tunghayan ang mapa sa ibaba upang masagot ang susunod na mga tanong.

https://www.pinterest.ph/pin/1618549841337384/

1. Sa iyong pagtingin sa mapa, alin sa sumusunod ang angkop na paglalarawan at interpresyon


tungkol sa kinalalagyan ng kontinente ng Asya?
PAGE 14
a. Ang hugis at anyo ng mga lupain sa bawat bahagi ng kontinente ay pare-pareho.
b. Karamihan sa mga bansa sa Asya ay may mainit na panahon.
c. Ang malaking bahagi ng hangganran ng Asya ay mga anyong tubig.
d. Insular ang malaking bahagi ng Kontinente ng Asya.
2. Ang pagkakaiba-iba ng klima sa Asya ay bunsod ng iba’t ibang salik kabilang na rito ang
lokasyon at topograpiya ng isang lugar. Kung sa Kanlurang Asya ay bihira ang ulan at sa
Hilagang Asya naman ay mahaba ang taglamig at maigsi ang tag-init , ano naman ang
katangian ng klima sa Timog-Silangang Asya?
a. Ang mga rehiyonay nakararanas ng tag-init, taglamig, tag-araw, at tagulan.
b. May maiinit na panahon sa ilang bahagi at may mga bahagi ng rehiyon na nababalutan
ng yelo.
c. Mahalumigmig, taglamig, tag-init at tagtuyo’t ang nararanasan sa rehiyong ito sa iba’t
ibang buwan sa loob ng isang taon.
d. Sobrang lamig sa rehiyon at hindi kayang panirahan ng tao.
3. Alin sa sumusunod na pahayag ang hindi kabilang sa mga katangiang pisikal ng Kontinente ng
Asya?
a. Ang hangganan ng Asya sa iba pang mga lupain ay maaaring nasa anyong lupa o
anyong tubig.
b. Ang Asya ay tahanan ng iba-ibang uri ng mga anyong lupa, tangway, kapuluan, bundok,
kapatagan, talampas, disyerto at kabundukan.
c. Taglay ng Asya ang napakaraming uri ng mga kapaligiran batay sa mga tumutubong
halaman.
d. Ang iba-ibang panig ng Asya ay nag tataglay ng iisang uri ng klima na may malaking
implikasyon sa pamumuhay ng mga Asyano,

Karagdagang Gawain

GAWAIN 13: “ASYA KAY GANDA” KRITERYA SA PAGMAMARKA NG


ISANG TULA
Panuto: Gumawa ng isang tula na may pamagat na “ASYA KAY GANDA”. Isulat sa buong papel.
DESKRIPSYON ISKOR

Pagkabuo (Angkop at 5
wasto ang mga salitang
ginamit sa pagbuo.)

Nilalaman (Mabisang 5
naipahayag ang mensahe
ng tula.)

Pagkamalikhain 5
(Napakaganda at
napakalinaw ang
pagkasulat.)

Kaangkupan (May 5
malaking kaugnayan sa
paksa ang ginawang
tula.)

TOTAL 20

15
Sanggunian

Asya: Pagkakaisa sa Gitna ng Pagkakaiba


Kagawaran ng Edukasyon
Republika ng Pilipinas

Project (EASE) Effective Alternative Secondary Education


Araling Panlipunan II , Modyul 1 Heograpiya ng Asya

Sanayang Aklat sa Araling Panlipunan II


Karapatang-ari copyright 2011
United Eferza Academic Publications, Co.

https://www.pinterest.ph/pin/1618549841337384/https://conceptdraw.com
/a1247c3/preview--Political%20map%20of%20Asia
https://www.conceptdraw.com/examples/southeast-asia-map
https://www.mapsofworld.com/world-map.pdf
https://www.atozmapsdata2.com/downloads/Lesson_Plans/R-ASIA-geog2-LP.pdf

Inilimbag sa Pilipinas ng
Kagawaran ng Edukasyon – Dibisyon ng Misamis Occidental
Office Address: (Ad. Osilao St., Poblacion I, Oroquieta City, Misamis
Occidental
Contact Number: 0977 806 2187
E-mail Address: deped_misocc@deped.gov.ph

PAGE 16
7
Araling Panlipunan
Unang Markahan – Modyul 2
Likas na Yaman ng Asya
Araling Panlipunan - Baitang 7
Alternative Delivery Mode
Unang Markahan – Modyul 2: Likas na Yaman ng Asya
Unang Edisyon, 2020
Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi
sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayunpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o
tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin
ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak o
trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari
ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales.
Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit
maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang paraan nang
walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon- Dibisyon ng Misamis Occidental


Schools Division Superintendent :Edwin R. Maribojoc, EdD, CESO VI

Development Team of the Module

Author/s: Eza E. Paguya Cristine R. Colina Girlie C. Estur


Mary Grace Q. Nazareno Lakambini N. Sisi Precymar M. Manliguez

Reviewers: Donna P. Olarte Ramon Villa Elter Hazel B. Miraflor


Lilia E. Balicog Edwin V. Beloy Vilma H. Hisola

Illustrator and Layout Artist: Precymar M. Manliguez


Management Team
Chairperson: Edwin R. Maribojoc, EdD, CESO VI
Schools Division Superintendent

Co-Chairpersons: Myra P. Mebato,PhD, CESE


Assistant Schools Division Superintendent

Samuel C. Silacan, EdD


CID Chief

Members Neil A. Improgo, EPS-LRMS


Bienvenido U. Tagolimot, Jr., EPS-ADM
Eleazer L. Tamparong, EPS - AralingPanlipunan
Rone Ray M. Portacion, EdD, EPS – LRMS
Berlyn Ann Q. Fermo, EdD, PSDS
Agnes P. Gonzales, PDO II
Vilma M. Inso, Librarian II
Inilimbag sa Pilipinas ng
Kagawaran ng Edukasyon – Sangay ng Misamis Occidental
Office Address: Osilao St., Poblacion I, Oroquieta City, Misamis Occidental
Contact Number: 0977 – 8062187
E-mail Address: deped_misocc@deped.gov.ph
7

Araling Panlipunan
Unang Markahan – Modyul 2
Likas na Yaman ng Asya
Talaan ng Nilalaman
Paunang Salita --------------- i
Icons ng Modyul --------------- i
Pangkalahatang Panuto --------------- ii
Alamin --------------- 1
Subukin --------------- 2
Aralin: Katangiang Pisikal ng Asya --------------- 3
Balikan --------------- 3
Tuklasin --------------- 4
Gawain 1: Number Coding --------------- 4
Gawain 2: Freedom Wall - - - - - - - - - - -- - - - 4
Suriin --------------- 5
Gawain 1: Letra Ayos --------------- 5
Pagyamanin --------------- 7
Gawain 1: Hanap-Yaman --------------- 7
Isa-isip ---------------- 8
Gawain 1: Pagsulat ng Sanaysay ---------------- 8
Isagawa ---------------- 9
Gawain 1: Yaman Pares ---------------- 9
Gawain 2: Guhit Ko, Yaman Ko’To ---------------- 9
Tayahin ---------------- 10
Karagdagang Gawain ---------------- 12
Susi sa Pagwawasto ---------------- 13
Sanggunian ---------------- 16

Paunang Salita
Para sa mag-aaral:
Malugod na pagtanggap sa Araling Panlipunan 7 ng Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul 2 ukol
sa Likas na Yaman ng Asya.
Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin nitong matulungan ka sa
iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad din nitong madulutan ka ng mga
makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.

Icons ng Modyul
Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

Alamin Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga


dapat mong matutuhan sa modyul.
Subukin Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung ano
na ang kaalaman mo sa aralin ng modyul.
Kung nakuha mo ang lahat ng tamang sagot
(100%), maaari mong laktawan ang bahaging
ito ng modyul.

Balikan Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral upang


matulungan kang maiugnay ang kasalukuyang
aralin sa naunang leksyon.

Tuklasin Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay


ipakikilala sa iyo sa maraming paraan tulad ng
isang kuwento, awitin, tula, pambukas na
suliranin, gawain o isang sitwasyon.

Suriin Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling


pagtalakay sa aralin. Layunin nitong
matulungan kang maunawaan ang bagong
konsepto at mga kasanayan.

Pagyamanin Binubuo ito ng mga gawaing para sa


malayang pagsasanay upang mapagtibay ang
iyong pang-unawa at mga kasanayan sa
paksa. Maaari mong iwasto ang mga sagot
mo sa pagsasanay gamit ang susi sa
pagwawasto sa huling bahagi ng modyul.

Isaisip Naglalaman ito ng mga katanungan o


pupunan ang patlang ng pangungusap o talata
upang maproseso kung anong natutuhan mo
mula sa aralin.

Isagawa Ito ay naglalaman ng gawaing makatutulong


sa iyo upang maisalin ang bagong kaalaman o
kasanayan sa tunay na sitwasyon o realidad
ng buhay.

Tayahin Ito ay gawain na naglalayong matasa o


masukat ang antas ng pagkatuto sa pagkamit
ng natutuhang kompetensi.

Karagdagang Gawain Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong


panibagong gawain upang pagyamanin ang
iyong kaalaman o kasanayan sa natutuhang
aralin.

Susi sa Pagwawasto Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa lahat


ng mga gawain sa modyul.
Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:

Ito ang talaan ng lahat ng pinagkuhanan sa


Sanggunian
paglikha o paglinang ng modyul na ito.

Pangkalahatang Panuto:
Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:
1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang marka o sulat ang
anumang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang gawaing napapaloob sa
modyul.
3.
4. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
5. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at sa pagwawasto ng
mga kasagutan.
6. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.
7. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos nang sagutin lahat ng
pagsasanay.

Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito, huwag

mag-aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka rin humingi ng tulong
kay nanay o tatay, o sa nakatatanda mong kapatid o sino man sa iyong mga kasama sa bahay na mas
nakatatanda sa iyo. Laging itanim sa iyong isipang hindi ka nag-iisa.

Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng makahulugang pagkatuto at


makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa kaugnay na mga kompetensi. Kaya mo ito!

Alamin

Nagtataglay ng iba’t ibang klima at iba pang katangiang pisikal ang mga rehiyon sa
Asya kung kaya iba’t ibang pananim at likas na yaman ang matatagpuan sa kontinenteng ito.
May iba’t ibang uri ng likas na yaman ang isang bansa. Ang ilang mga likas na yaman ay higit
na mahalaga kaysa iba. Maaaring ang isang likas na yaman ay mahalaga sa isang bansa at
hindi mahalaga sa iba. Ito ay naaayon sa pangangailangan ng isang bansa sa isang likas na
yaman.

Malaki ang pakinabang natin sa ating likas na yaman. Anumang nasa ating paligid na
bahagi ng ating kalikasan ay tumutustos sa ating pangangailangan upang mabuhay, at
nililinang din ng tao para sa kanyang kabuhayan at paghahanap-buhay.

Ngayon papaunlarin mo pa ang iyong pang-unawa hinggil sa ugnayan ng tao sa


kanyang kapaligiran sa pamamagitan ng paglinang nito tungo sa pagtugon sa kanyang
pangangailangan.

Ang modyul na ito ay mayroon isang aralin:

Aralin – Konsepto at uri ng Likas na Yaman sa Asya

Pagkatapos ng Modyul na ito, inaasahang nalinang mo ang mga sumusunod:

1. maipaliwanag ang konsepto ng Likas na Yaman;


2. mailarawan ang uri ng mga Likas na Yaman;
3. makapagbigay ng halimbawa ng Likas na Yaman;
4. matukoy ang pinanggalingan ng mga Likas na Yaman;
5. maibigay ang kahalagahan ng Likas na Yaman sa pang araw-araw na buhay.

Subukin

Bago mo umpisahan ang modyul na ito, tingnan natin ang kaalaman mo hinggil sa Likas
na Yaman. Sagutin ang mga sumusunod. Isulat ang T kapag tama ang pangungusap, M naman
kung mali ang pangungusap.

_____ 1. Ang ginto ay isang yamang tubig.

_____ 2. Kabilang ang Lupa sa Likas na Yaman.

_____ 3. Ang troso ay kabilang sa Yamang Lupa.

_____ 4. Isa sa mga produkto ng Yamang Lupa ay palay.

_____ 5. Ang tanso ay nabibilang sa Yamang Gubat.

_____ 6. Ang lahat ng klase ng isda ay nabibilang sa Yamang Tubig.

_____ 7. Ang papel ay galing sa Yamang Gubat.

_____ 8. Ang mga hayop ay kabilang sa Yamang Lupa.

_____ 9. Ang timba ay isang tapos na produkto ng Yamang Tubig.

_____ 10. Galing sa Yamang Mineral ang bakal.

_____ 11. Ang mga perlas ay hindi kabilang sa Yamang Tubig.

_____ 12. Palay ang pangunahing produkto ng Timog Silangang Asya.

_____ 13. Ang Caviar ay isang Yamang Tubig mula sa Hilagang Asya.

_____ 14. Ang Ginseng ay isang halamang gamot na kabilang sa Yamang Lupa.

_____ 15. Ang Timog Asya ang pangunahing prodyuser ng petrolyo at langis.

1
Aralin
Likas na Yaman sa Asya

Balikan

Bago mo umpisahan ang talakayan sa bagong paksa, subukan natin ang iyong kaalaman sa
nakaraang aralin.

1. Ibigay ang limang(5) paghahating rehiyon sa Asya.


a. __________________________________.
b. __________________________________.
c. __________________________________.
d. __________________________________.
e. __________________________________.

2. Saang rehiyon sa Asya sakop ang bansang Pilipinas?


Ang Pilipinas ay nasasakop sa rehiyong ___________________________.

Tuklasin

Subukin natin ang talas ng iyong pag-iisip. Sagutin ang gawain na nasa ibaba.

Gawain 1: Number Coding

Panuto: Ibigay ang katumbas na letra sa bawat numero na nasa loob ng kahon upang
mabuo ang konsepto ng tatalakaying paksa.

0 1 2 3 4 5 6 7 8 9
A B C D E F G H I J

10 11 12 13 14 15 16 17 18 19
K L M N O P Q R S T

20 21 22 23 24 25
U V W X Y Z

Sagutin:
0 18 24 0 13 0 13 6

2
24 0 12 0 13 11 8 10 0 18

Isaayos an gang nabuong salita upang mabuo ang konsepto. Isuat sa patlang:
_____________________________________________
Gawain 2: Freedom Wall
Panuto: Isulat ang iyong ideya o tanong ukol sa paksang tatalakayin.

Suriin

Gawain 1: Letra-Ayos!

Panuto: Isaayos ang mga letra upang malaman ang katumbas na salita sa ibinigay na
kahulugan.

YALPA 1. Ito ay yamang makikita sa lupa na siyang pangunahing


pagkain ng mga tao sa Asya . ____________________

DAIS 2. Isang likas na yaman na nakikita sa tubig na lumalangoy at kalimitang


inuulam. ______________________

N IG O T 3.Yamang likas na makikita sa kailaliman ng lupa na


kalimitang ginagawang alahas na may mataas na
halaga sa pamilihan.
________________

YOBAB 4. Ito ay yamang lupa na kalimitang inaalagaan sa likod bahay upang


gawing karne. ___________________

Y O B A B-O M A R 5.Isang mabangis na hayop na tinutugis ng mga mangangaso sa


kagubatan upang gawing karne. ___________________

SNUBAG 6. Ang pambansang isda ng Pilipinas. __________________

OYLROTEP 7.Isang yamang mineral na ginagamit sa


pagpapaandar ng sasakyan at
makinarya.________________________

ALIGA 8. Ito ay Yamang gubat na tinaguriang pambansang ibon ng Pilipinas.


_______________

RRANA 9. Ito ay yamang gubat na tinaguriang pambansang punong-kahoy ng


Pilipinas._________________
3
YOGNI 10.Halimbawa ng isang yamang lupa na ang bunga nito ay ginagawang
kopra. ______________________

Dapat mong pakatandaan ang sumusunod na mga talata upang masagutan at


maunawaan ang susunod na mga gawain.

Likas na Yaman- ito ay yamang natural na hindi ginawa o binago ng tao.

Apat na Uri ng Likas na Yaman


1. Yamang Lupa- ito ay mga yamang galing sa lupa, hayop man o halaman.
Halimbawa nito ay ang prutas, palay, mais, manok, baboy, kambing, baka atbp.
 Sa Timog-Silangang Asya ang Palay ay ang pangunahing produkto na iniluluwas(export)
ng mga bansang Thailand at Vietnam.

2. Yamang Tubig- mga yamang nanggaling sa tubig- perlas, koral, isda, halamang
dagat.
 Caviar ay itlog ng isdang Sturgeon na pangunahing produkto ng hilagang Asya at kilala
bilang isa sa pinakamahaling pagkain sa mundo.

3. Yamang Gubat- ang pinakamahalagang yaman hal. Troso, halamang gamot, baboy
ramo,komodo dragon at Panda.
 Ginseng(scientific name: Panax ginseng)isang tradisyonal na

halamang gamot na makikita sa kagubatan ng Korea.

4. Yamang Mineral- ito ay makikita sa mga kweba o kalaliman ng lupa.


Hal. Tanso, ginto(Chemical Symbol Au) pilak, steel, natural gas, fossil fuels,
diamante, langis at petrolyo.
 Steel ay yamang mineral na sagana sa China at Japan na sakop ng Silangang Asya.
 Ang Kanlurang Asya ang pinakamalaking prodyuser ng langis at petrolyo sa buong
mundo.

Isang biyaya ang ituturing kung ang isang bansa ay masagana sa likas na yaman.
Marami sa mga bansa sa Asya ay papaunlad dahil sa kasaganahan nito sa likas na yaman. Ang
mga mauunlad na bansa ay dito kumukuha ng mga hilaw na materyales o sangkap upang
makabuo ng bagong tapos na produkto. Sa paglaki ng produksyon ang ilan ay gumagamit ng
mga makabagong pamamaraan at makinarya upang maiproseso ang mga hilaw na sangkap.
Ang mga likas na yaman ng lupa at tubig ang may pinakamahalagang kontribusyon sa
buhay ng tao. Dito sa mga likas na yamang ito nabubuhay ang tao, sa yamang ibinibigay ng
lupa sa pamamgitan ng pagsasaka at ang yamang binibigay ng tubig sa pamamagitan ng mga
iba’t ibang klaseng isda sa karagatan.
Sa paglipas ng panahon ang pag-unald ng Asya ay nagdudulot ng pagka-ubos ng mga
likas na yaman nito. Nakasalalay sa kasalukuyang henerasyon ang mabuting pangangalaga at
tamang paggamit ng mga biyayang ito.

4
Pagyamanin

Gawain 1: Hanap-Yaman

Panuto: Hanapin ang salita mula sa crossword puzzle na may kinalaman sa konsepto
ng Likas na Yaman na angkop sa bilang ng mga kahon na nasa ibaba.

D
I
A
M L S A R N L
A S A G U T A
N P K I D H N
S T G H L B M G
E I R T E Y K Y A L A P L P O I I
T A N S O A K A B N M B A N G U S
A M W M D G H U S A U O D M R T Y

4 5 3

5 5 4

5 6

6 8
Isagawa

Isaisip

Gawain 1: Pagsulat ng Sanaysay

Bilang isang kabataan paano mo mapapahalagahan ang mga likas na


yaman sa pang araw-araw na buhay?
5

Kalinawan sa paliwanag - 50%


Bilang ng pangungusap -30%
Kalinisan ng sagot -20%
Kabuuan 100%

_____________________________________________________________________

______________________________________________________________________

____________________________________________________________________

______________________________________________________________________

______________________________________________________________________

______________________________________________________________________

______________________________________________________________________

______________________________________________________________________

______________________________________________________________________

______________________________________________________________.

Gawain 1: Yaman Pares


Panuto: Iugnay sa pamamagitan ng pagguhit ng linya ang pinanggalingang likas na
yaman ng produktong nasa larawan sa Hanay A, sa Hanay B at Hanay C.

Yamang
Lupa

Yamang
Tubig

Yamang Gubat

Yamang
Mineral
6
Gawain 2: Guhit ko, Yaman ko ‘to!
Panuto: Gumuhit ng tig-iisang halimbawa sa bawat uri ng Likas na Yaman.
Rubrik sa Pagmamarka ng Disenyo.
Pamantayan Deskripsyon Puntos
Nilalaman Ang disenyo ay angkop sa bawat uri ng likas na yaman 10
Pagkamalikhain Ang biswal na representasyo ng disenyo ay nakakaakit sa 10
makakakita nito.
Kalinisan Malinis ang pagkaguhit 5

Tayahin

Ngayon, natapos mo na ang buong paksa hinggil sa Likas na Yaman. Sukatin


natin ang iyong kaalaman sa paksa, sagutin ang mga sumusunod.

I. Pagpili: Piliin ang tamang sagot na nasa kahon. Isulat ang titik sa sagutang papel.

a. Yamang Tubig c. Yamang Mineral e. Likas na Yaman

b. Yamang Lupa d. Yamang Gubat

1. Ito ay mga yamang makukuha sa kweba o kailaliman ng lupa.


2. Ito ay mga yamang natural na hindi ginawa o binago ng tao.
3. Ito ay mga yaman na nanggaling sa tubig tulad ng isda.
4. Ito ay mga yaman na nakikita sa gubat tulad ng mga troso.
5. Ang kamoteng kahoy ay yaman nagmula sa _________.

II. Analohiya: Suriin ang batayan ng paghahambing sa unang pares. Piliin ang titik
lamang.
1. Palay : Yamang Lupa ; Isda : _______________.
a. Yamang Gubat c. Yamang Mineral
b. Yamang Lupa d. Yamang Tubig
2. Troso : Yamang Gubat; Baboy Ramo : ________________.
a. Yamang Gubat c. Yamang Mineral
b. Yamang Lupa d. Yamang Tubig

3. Mais : Yamang Lupa ; Ginto : ___________.


a. Yamang Gubat c. Yamang Mineral
b. Yamang Lupa d. Yamang Tubig
7
4. Tanso: Yamang Mineral; Perlas: ____________.
a. Yamang Gubat c. Yamang Mineral
b. Yamang Lupa d. Yamang Tubig

5. Muwebles: Troso ; Gulong: __________.


a. Plastic c. rubber tree
b. sea weeds d. rattan

6. Ginto: Yamang Mineral; Kabibe: ___________.


a. Yamang Gubat c. Yamang Mineral
b. Yamang Lupa d. Yamang Tubig

7. Silver : Yamang Mineral; Agila : ____________.


a. Yamang Gubat c. Yamang Mineral
b. Yamang Lupa d. Yamang Tubig

8. Langis: Gasolina; Cacao: ______________.


a. Kape c. Tsokolate
b. Inumin d. hilaw na sangkap

9. Isda: Yamang tubig; Tubo: ______________.


a. Yamang Gubat c. Yamang Mineral
b. Yamang Lupa d. Yamang Tubig
10. Suka: Niyog ; Harina: _____________.
a. Kamoteng kahoy c. Sea Weeds
b. Patatas d. Saging

Karagdagang Gawain

Upang maging handa sa susunod na aralin. Magbasa at matuto sa


paksang Implikasyon ng Likas na Yaman sa pamumuhay ng mga Asyano noon
at ngayon.
Sagutin ang tanong:

1. Anong likas na yaman ang ginagawang gulong?

______________________________

2. Ano ang kahalagahan ng gulong sa kasalukuyang panahon?

____________________________________________________

8
____________________________________________________

_____________________________________________________

Sanggunian

1. Sangguniang Aklat ASYA: Pakakaisa sa Gitna ng Pagkakaiba

2. wooden.jpg
https://www.durian.in/blog/wp-content/uploads/2017/02/Header-2.jpg

3. oil plant.png
https://cdn.thomasnet.com/insights-images/dcbfe76f-ec40-4cdb-bd32-
0e1b7a3280b5/750px.png

4. gold jewelr.jfif
https://encryptedtbn0.gstatic.com/images?q=tbn
%3AANd9GcSGDnBHJc2xO0YF6RWbxctM5bqFzrthPMXYlYpSTD91HbJpbBW
&usqp=CAU

5. gold-bar-clip-art-png-favpng-QB9gbpVPrC70EAEkNcU9NSU85.jpg
https://img.favpng.com/21/19/7/gold-bar-clip-art-png-favpng-
QB9gbpVPrC70EAEkNcU9NSU85.jpg

6. pineapple-juice-recipe.jpg
https://www.indianhealthyrecipes.com/wp-content/uploads/2019/09/pineapple-
juice-recipe.jpg

7. Pineapple-744x777.png
https://www.agriculture.com.ph/wp-content/uploads/2019/07/Pineapple-
744x777.png

8. sawmill-lumber-mill.jpg
https://images.wisegeek.com/sawmill-lumber-mill.jpg

9. stock-photo-transportation-oil-station-pump-gas-fuel-petrol-petroleum-diesel-50438554-
b67b-478e-bb32-11461acd6812.jpg
https://res.cloudinary.com/twenty20/private_images/t_watermark-criss-cross-
10/v1523144453000/photosp/50438554-b67b-478e-bb32-11461acd6812/stock-
photo-transportation-oil-station-pump-gas-fuel-petrol-petroleum-diesel-50438554-
b67b-478e-bb32-11461acd6812.jpg
7Araling Panlipunan
Unang Markahan – Modyul 3
Implikasyon ng mga Likas na Yaman sa
Pamumuhay ng mga Asyano

Araling Panlipunan - Baitang 7


Alternative Delivery Mode
Unang Markahan – Modyul 3: Implikasyon ng Pisikal na Kapaligiran sa Pamumuhay ng mga
Asyano
Unang Edisyon, 2020
Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-isip
sa ano mang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayon paman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o
tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin
ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak o
trademark, palabras sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari
ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales.
Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang ano mang gamit
maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang ano mang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa ano mang paraan
nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Division of Misamis Occidental


Schools Division Superintendent: Edwin R. Maribojoc, EdD, CESO VI

Development Team of the Module


Author/s: Cristine R. Colina Girlie C. Estur Mary Grace Q. Nazareno
Lakambini N. Sisi Precymar M. Manliguez Eza E. Paguya

Reviewers: Donna P. Olarte Ramon Villa Elter Hazel B. Miraflor


Lilia E. Balicog Edwin V. Beloy
Evaluator: Vilma H. Hisola

Illustrator and Layout Artist: Precymar M. Manliguez

Management Team
Chairperson: Edwin R. Maribojoc, EdD, CESO VI
Schools Division Superintendent

Co-Chairpersons: Myra P. Mebato, PhD, CESE


Assistant Schools Division Superintendent

Samuel C. Silacan,EdD,
CID Chief

Members Neil A. Improgo, EPS-LRMS


Bienvenido U. Tagolimot, Jr., EPS-ADM
Eleazer L. Tamparong, EPS - AralingPanlipunan
Rone Ray M. Portacion, EdD, EPS – LRMS
Berlyn Ann Q. Fermo, EdD, PSDS
Agnes P. Gonzales, PDO II
Vilma M. Inso, Librarian II

Inilimbag sa Pilipinas ng
Kagawaran ng Edukasyon – Dibisyon ng Misamis Occidental
Office Address: Osilao St., Poblacion I, Oroquieta City, Misamis Occidental
Contact Number: 0977 – 8062187
E-mail Address: deped_misocc@deped.gov.ph

7
Araling Panlipunan
Unang Markahan – Modyul 3
Implikasyon ng mga Likas na Yaman sa
pamumuhay ng mga Asyano

Talaan ng Nilalaman

Paunang Salita ----------------- i


Icons ng Modyul - - - - - - - - - -- - - - - - - - i-ii
Pangkalahatang Panuto - - - - - - - - - - - - - - - -- ii
Alamin ---------------- 1
Subukin - - - - - - -- -- - - - - - - - - 2
Gawain 1: Sagot -Talolot ----------------- 2

Aralin ----------------- 3
Balikan ----------------- 3
Tuklasin ----------------- 4
Gawain 2: Math-Talino ---------------- 4-5
Suriin ------------------- 6
Gawain 3: Pic-Obserbasyon - - - - - - - - - - - - - - - - - 6
Pagyamanin ------------------- 7
Gawain 4: Ito Noon, Ganito Ngayon - - - - - - - - - - - - 7
Isaisip ------------------ 8
Isagawa ------------------ 9
Gawain 5: Bigay-Output - - - - - - - - - - - -- - - - - - - 9
Tayahin - - - - - - - - - - - - - - - -- - - 10
Karagdagang Gawain - - - - - - - - - - - - - - - - -- - 11
Susi sa Pagwawasto - - - - - - - - - - - - - - - - - - - 12
Sanggunian - - - - - - - - - - - - - - - - - - - 13

Paunang Salita
Para sa mag-aaral:
Malugod na pagtanggap sa AralingPanlipunan 7 ng Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul 1 ukol
sa Implikasyon ng mga Likas na Yaman sa Pamumuhay ng mga Asyano.

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin nitong matulungan ka sa
iyong pag-aaral habang wala ka saloob ng silid-aralan. Hangad din nitong madulutan ka ng mga
makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.
Icons ng Modyul
Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

Alamin Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga


dapat mong matutuhan sa modyul.

Subukin Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung


ano na ang kaalaman mo sa aralin ng
modyul. Kung nakuhamo ang lahat ng
tamang sagot (100%), maaari mong
laktawan ang bahaging ito ng modyul.

Balikan Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral


upang matulungan kang maiugnay ang
kasalukuyang aralin sa naunang leksyon.
Tuklasin Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay
ipakikilala sa iyo sa maraming paraan
tulad ng isang kuwento, awitin, tula,
pambukas na suliranin, gawain o isang
sitwasyon.

Suriin Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling


pagtalakay sa aralin. Layunin nitong
matulungan kang maunawaan ang bagong
konsepto at mga kasanayan.

Pagyamanin Binubuo ito ng mga gawaing para sa


malayang pagsasanay upang mapagtibay
ang iyong pang-unawa at mga kasanayan
sa paksa. Maaari mong iwasto ang mga
sagot mo sa pagsasanay gamit ang susi
sa pagwawasto sa huling bahagi ng
modyul.

Isaisip Naglalaman ito ng mga katanungan o


pupunan ang patlang ng pangungusap o
talata upang maproseso kung anong
natutuhan mo mula sa aralin.

Ito ay naglalaman ng gawaing


Isagawa makatutulong sa iyo upang maisalin ang
bagong kaalaman o kasanayan sa tunay
na sitwasyon o realidad ng buhay.

Tayahin Ito ay Gawain na naglalayong matasa o


masukat ang antas ng pagkatuto sa
pagkamit ng natutuhang kompetensi.

Karagdagang Gawain Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong


panibagong Gawain upang pagyamanin
ang iyong kaalaman o kasanayan sa
natutuhang aralin.

Susi sa Pagwawasto Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa


lahat ng mga Gawain sa modyul.

Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:


Ito ang talaan ng lahat ng pinagkuhanan
Sanggunian
sa paglikha o paglinang ng modyul na ito.

Pangkalahatang Panuto
Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:
1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang marka o sulat ang
anumang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang gawaing napapaloob sa
modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at sa pagwawasto ng
mga kasagutan.
5. Tapusin ang kasalukuyang Gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.
6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos nang sagutin lahat ng
pagsasanay.
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga Gawain sa modyul na ito, huwag mag-
aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka rin humingi ng tulong kay nanay o
tatay, o sa nakatatanda mong kapatid o sino man sa iyong mga kasama sa bahay na mas nakatatanda
sa iyo. Laging itanim sa iyong is

Alamin

Ang modyul na ito ay nilikha at isinulat alang alang sa kapakanan ng tulad mong mag-
aaral. Layunin nito ay mas mapalawak pa ang iyong kaalaman tungkol sa mga likas na yaman
at ang mahalagang papel na ginagampanan nito sa pamumuhay ng mga Asyano noon at
ngayon. Laman ng modyul na ito ang iba,t ibang gawain at impormasyon upang mabigyan din
ng pansin ang magka ibang antas ng pagkatuto ng mga mag-aaral.

Tatalakayin sa modyul na ito ang epekto ng mga likas na yaman sa pamumuhay ng


mga tao. Lalung-lalo na sa mga pagbabagong dala nito.

Sa pagtatapos ng modyul na ito, inaasahan na:

5. Naipamamalas mo ang pag-unawa sa ugnayan ng kapaligiran at tao sa paghubog ng


sinaunang kabihasnang Asyano.
6. Nasusuri mo ang implikasyon ng kapaligirang pisikal sa pamumuhay ng mga Asyano noon at
ngayon.
7. Napapahalagahan mo ang mga likas na yamang nagdulot ng pagbabago sa pamumuhay ng
mga Asyano noon at ngayon

Nakapagbibigay ka ng halimbawa ng pagbabago sa pamumuhay ng mga Asyano sa pamamagitan ng


paglinang ng mga likas na yaman

Subukin
Gawain 1: Sagot-Talolot
Panuto: Punan mo ang mga blangkong kahon ayon sa hiningi nito. Pumili ka ng angkop na
sagot sa loob ng mga talolot ng bulaklak.

Tapos na Produkto Hilaw na Materyales Uri ng Likas na Yaman


(End Product)

1. Ginto 2.
3. 4. Yamang Tubig
Kabinet 5. Yamang Gubat
Tela 6. 7.
8. Seaweeds(guso) 9.
10. Fossils 11.
Tsokolate 12. 13.
14. Iron Ore 15.

alahas

bulak Yamang Tubig

Yamang mineral

Yamang
Gubat

Figure 1 Linapatchwork.co
m

1
Implikasyon ng Likas na Yaman sa
Aralin
pamumuhay ng mga Asyano

Balikan

Bago mo simulan ang paglinang sa isang panibagong kaalaman, alalahanin muna ang ilang
importanteng impormasyon na maaring may kaugnayan sa paksa.

Sagutin mo ang tanong: Ano ang apat(4) na uri ng Likas na Yaman? Magbigay ng tig-iisang
halimbawa.

Uri ng Likas na Yaman Halimbawa


1.
2.
3.
4.

Tuklasin

Gawain 2: Math-Talino!
Panuto: Sagutan ang matematikong katanungan at isulat ang katumbas na letra sa alpabeto
upang mabuo ang parirala na nasa ibaba.

4+5=? M 32 ÷2=? L I 22-11=? A S Y 45 ÷3=? N

18+7=? A M 1 x 1 x 1 =? N
ng Likas na sa pamumuhay ng mga

A 25-6=? Y A 24 ÷ 2=? O
noon at ngayon.

Implikasyon ng mga Likas na Yaman


Mayroong malaking implikasyon(epekto) ang mga likas na yaman na taglay ng mga bansang
Asyano. Nagdulot ito ng malaking pagbabago sa iba’t ibang aspeto ng pamumuhay ng mga
taong naninirahan dito.
Agrikultura
Malaking bahagi ng lupain sa Asya ay nakalaan para sa Agrikultura, mula sa tradisyonal na
paraan ng pagtatanim at pag-aani, ang paggamit ng mga makabagong teknolohiya ang
nagpabilis at mas nagpadami sa produksyon ng palay, mais, gulay, atbp. Malaking tulong ito
upang matugunan ang mga importanteng pangangailan ng tao lalung-lalo na sa pagkain.
Bukod pa diyan, nakapagluluwas din ito ng maraming produkto sa ibang panig ng mundo.

Ekonomiya
Hindi maitatanggi na sagana ang Asya sa mga hilaw na materyales na ginagawang sangkap
para makabuo ng mga produkto. Sa katunayan, ang mga mauunlad na bansa sa Europa at
Amerika ay sa Asya umaangkat ng mga materyales para eproseso sa kanilang mga
pagawaan. Sa paraang ito ay tumataas ang pambansang kita. Ang paglinang ng mga Asyano
sa mga likas na yaman gamit ang tradisyonal at makabagong teknolohiya ay nagbigay daan
para mas mapabuti ang pamumuhay ng mga tao. Kasabay ng pag unlad ng ekonomiya ay
pagkasira at pagka ubos ng likas na mga biyaya.

Panahanan
Ang pag-unlad ng teknolohiya ay sinabayan ng pagdami ng tao. Karamihan sa mga likas na
yamang taglay ng ating kapaligiran ay hindi madaling napapalitan. Isa sa mga halimbawa ay
mga puno na umaabot ng maraming taon para muling mapakinabangan. Ang paggamit ng
makabagong kaalaman para baguhin ang natural na kapaligiran ang ginawa ngayon ng mga
tao na nagdudulot naman pagkawala sa balanse ng ekolohiya.

Suriin

Gawain 3: Pic-Obserbasyon

Panuto: Base sa larawang iyong nakikita isulat mo ang iyong obserbasyon sa mga
pagbabago o transpormasyon sa kapaligiran at mga produkto. Ipaliwanag kung paano ito
nangyari at ano ang implikasyon nito sa pamumuhay?
Figure 3
Figure 2

1
. Pagbabago

https://www.pngitem.com/middle/hmTiiTJ_drive-car-clipart-
clipart-free-library-man-driving/
https://www.twinkl.co.za/illustration/horse-and-cart

3
Figure 4 Figure 5

Pagbabago
2

https://www.pngguru.com/search?png=mailbox
https://www.cleanpng.com/png-email-open-rate-mobile-
phones-responsive-web-desig-997700/
Figure 6
Figure 7

3
Pagbabag

https://www.dreamstime.com/illustration/rice- https://www.netclipart.com/isee/mbxTwx_vector-illustration-of-
paddy-plant.html farm-equipment-combine-harvester-landwirtschaft/

Krayteriya sa pagbibigay ng puntos sa iyong sagot


Nilalaman ----10
Organisasyon--5
Orihinalidad ---5
Kabuuan ------20

Pagyamanin

Gawain 4: Ito Noon, Ganito Ngayon

Panuto: Para mas lalo mong mapagyaman ang iyong kaalaman tungkol sa mga pagbabagong hatid ng
paglinang sa mga likas na yaman sa iyong kapaligiran, punan mo ang mga blangko sa bawat kolum.
Maaring ito ay pangyayari, produkto o kagamitan ng mga Asyano noon o ngayon. Gamitin mo ang mga
pahiwatig sa bawat numero.
Pahiwatig:
1. Kagamitan sa pagsasaing.
2. Ginagamit na sasakyan.
3. Paraan para makakita o para may mabigay na pagkain sa pamilya.
4. Paraan ng pagbayad sa pinamili.
5. Anyo ng bahay.
6. Paraan ng komunikasyon.
7. Makabagong paraan sa pagkalap ng impormasyon.
8. Paraan ng pagpreserba sa pagkain.
9. Lugar kung saan kalimitang naliligo.

4
10. Pinagkukunan ng tubig na maiinom

Isaisip
11.
Kung pagtutuunan
mo ng pansin ang
mga bagay na
nasa iyong paligid
ay marami kang
makikitang
ebidensya ng
mahahalagang
implikasyon ng mga likas na yaman sa iyong pang araw-araw na buhay. Halimbawa ay ang
mga produkto, gamit at pagkain. Ang mga ito ay dumaan sa mga prosesong simple at yung iba
ay sa pabrika o pagawaan pa nagmula.

Mayroong maraming paraan ng pagproseso ng mga produkto. Ilan sa mga ito ay ang
tinatawag na canning, fermentation at freezing. Isinasagawa ang paraang ito para gawing
tapos na produkto ang mga hilaw na materyales. Hindi pa rin naman nawawala ang mga
tradisyonal na paraan ng pagproseso sa mga pagkain para maiwasan ang mabilis na
pagkabulok nito, tulad ng pagpapausok, pagbilad sa init ng araw, at pag aasin. Sa paglipas ng
panahon ay lalo pang ginamit ng tao ang kaniyang kaalaman para malinang ang kayamanan
na nasa kaniyang pisikal na kapaligiran.

Sagutin: Isulat mo ang iyong ideya sa pamamagitan ng pagsagot sa tanong.

Ano ang naging epekto ng paglinang ng mga likas na yaman sa pamumuhay ng mga
Asyano noon at ngayon? Ipaliwanag ang iyong sagot.

Sagot:
________________________________________________________________

________________________________________________________________

________________________________________________________________

5
Isagawa

Gawain 5: Bigay-Output
Panuto: Maaari mo bang kumpletuhin ang listahan na nasa ibaba? Alamin mo ang mga tapos
na produkto base sa mga hilaw na materyales na nakalista.

Hilaw na Materyales Tapos na Produkto

Halimbawa: TROSO Papel, Kabinet, Muwebles

1. Baboy 1.

2. cacao 2.

3. ginto 3.

4. isda 4.

5. seaweeds 5.

6. Kamoteng kahoy 6.

7. Silk worm 7.

8. Rubber tree 8.

9. pilak 9.

10. coal 10.

Tayahin

Tama o Mali: Basahin at unawain mong mabuti ang bawat pahayag. Isulat ang salitang TAMA
kung ang pahayag ay tama. Kung mali, ay isulat ang salitang dapat ipalit sa salitang may
salungguhit upang ito ay maging tama.
1. Ang mga produktong bulak, palay at gulay ay nagmula sa lupa.
2. Karaniwang sa mga damit na suot mo ay yari sa tela na nagmula sa kawayan.
3. Para mas mapadali ang pagpapadala ng mga liham o mensahe ay gumagamit ka ng envelop.
4. Ang Kotse ay isang makalumang sasakyan na ginagamit sa sinaunang panahon.
5. Ang cacao ang nangungunang sangkap sa paggawa ng Tsokolate.
6. Ang harvester ay isang makalumang kagamitan na ginagamit para mas mapadali ang pag-aani
ng palay.
7. Nagmula sa karagatan ang mga naglalakihang troso na ginagamit sa paggawa ng mga tulay at
gusali.
8. Ginagawang sangkap sa paggawa ng mga alahas ay ang ginto.
9. Ang ginto ay nakukuha sa pamamagitan ng pagtatanim.
10. Ang mga fossils na ilang libong taon nang nakabaon sa lupa ay minimina upang maging langis
at petrolyo.
11. Ang mga sinaunang tao ay kadalasan sa sapa naliligo.
12. Sa tradisyonal na pagsasaka ay gumagamit sila ng kalabaw para mag-araro.
13. Ang mga studyante ng modernong panahon ay gumagawa ng pananaliksik sa internet café.
14. Canning ay ang tawag sa proseso ng paggawa ng sardinas.
15. Ang kamoteng kahoy ay pinoproseso para gawing harina.

Karagdagang Gawain

Gumuhit ng isang bagay na iyong nakikita sa inyong tahanan. Isulat ang maikling deskripsyon
tungkol dito at ipaliwanag ang kahalagahan nito sa iyong pang araw-araw na buhay
Pamantayan sa Pagbibigay ng Puntos

Pagkamalikhain ----------------------- 10

Kaangkopan ng Nilalaman -------- 10

Orihinalidad ---------------------------- 5
Kabuuan ------------ 25

Sanggunian

Aklat

ASYA: Pagkakaisa sa Gitna ng Pagkakaiba Araling Panlipunan Modyul para sa Mag-aaral, pp.
41-45

Mga Website
Figure 1- https://www.linapatchwork.com/product/16-petal-dresden-plate-medium. Retrieved on
May 29, 2020

Figure 2- https://www.twinkl.co.za/illustration/horse-and-cart. Retrieved on May 28, 2020

Figure 3- https://www.pngitem.com/middle/hmTiiTJ_drive-car-clipart-clipart-free-library-man-
driving. Retrieved on May 29, 2020

Figure 4- https://www.pngguru.com/search?png=mailbox. Retrieved on May 28, 2020

Figure 5- https://www.cleanpng.com/png-email-open-rate-mobile-phones-responsive-web-desig-
997700. retrieved on May 29, 2020

Figure 6- https://www.dreamstime.com/illustration/rice-paddy-plant.html. Retrieved on May 29,


2020

Figure 7- https://www.netclipart.com/isee/mbxTwx_vector-illustration-of-farm-equipment-combine-
harvester-landwirtschaft. Retrieved on May 29, 2020

Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Kagawaran ng Edukasyon – Dibisyon ng Misamis Occidental

Osilao St., Poblacion I, Oroquieta City, Misamis Occidental


Contact Number: 0977 – 8062187
E-mail Address: deped_misocc@deped.gov.ph

WORK HARD BUT WORK SMART


Ma’am chai/kar
09665322395/09306516004

You might also like