Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Oyy? Pwede ba akong magkwento kahit sandali lang? Okay lang naman siguro no?

Teka,
paano ko ba sisimulan? Hmmmmm ayun!

Bakit kaya ganun no, kahit anong pilit kong maging masaya, hindi pa rin ako nagiging
masaya. Malamang kasinungalingan lang yung happiness is a choice kasi tulad ko, gusto naman
nating maging masaya araw-araw e, sino ba naman ang gustong malungkot siya, diba? Sabi nila,
appreciate small things daw, maging masaya sa maliliit na bagay, pero bakit ang dali-dali sabihin
pero ang hirap-hirap namang gawin? At ito pa, bakit sa iba, ang dali-dali noong sabihin and at
the same time ang dali-dali rin nilang nagagawa. Ano ba ang problema sa’kin? Naka-graduate na
ako ng college, may pinakamataas na award, nakapasa na sa board exam, may trabaho na rin,
may mga kaibigan naman, may tao ring espesyal sa’kin at ipinaparamdam din niya na espesyal
ako sa kaniya (ewan ko lang kung totoo), pero bakit hinahatak pa rin ako ng kalungkutan sa
pinakamalalim na balon ng pag-iisa at kawalan ng pag-asang maging maligaya? Ano ba ‘to
sumpa? O ako lang talaga ang may problema? Mababaliw na yata ako kakaisip!
Isa pa, teka andyan ka pa ba? Oyy? Ahh akala ko nawiwirduhan ka na sa kwento ko,
umihi ka lang pala.
(Ulit) Isa pa, bakit ba ang hirap-hirap para sa’kin ang magtiwala? Diba kapag
nagmamahal daw dapat ibinibigay nang buo ang tiwala kasi kung hindi, hindi ka talaga
nagmamahal? E bakit ako? Alam ko namang nagmamahal ako bakit hirap pa rin akong
magtiwala? At nakakabigat ng loob kasi ako lang dapat ang miserable pero nadadamay pa yung
isang taong wala namang ibang ginawa kundi mahalin lang ako. Oo, alam ko nang g**o ako,
hindi mo na kailangan sabihin pa. Inaamin ko na nga na mabigat din sa loob ko e, at mas doble
ang bigat kasi may nasasaktan na ako dahil sa ugali kong kulang pa sa pambata. Saka hindi lang
ngayon nangyari ito, at ambobo ko rin kasi hindi pa ako natuto. Pwede talagang mahusay ka lang
sa quiz at exam pero boplaks ka sa realidad, sa totoong hamon ng buhay na hindi nasusukat lang
sa uno o singko, o tres kung may kunsiderasyon ang guro mo. Kahit punong-puno ka ng medal,
pagtapos mo sa paaralan, pangkaraniwang tao ka na lang. Hindi na hinahangaan, hindi na
pinapalakpakan. Maliban na lang kung magiging pulpol kang pulitiko na may pulpol ding
tagasunod.
Ayy sorry nalayo na naman ako, basta ganun! Hindi lang ngayon nangyari, yung
sinasaktan ko na lang sarili ko dahil sa selos, dahil sa kawalan ng tiwala, at mas nasasaktan ko
ang iba. Bakit ba palagi ko nalang sinasaktan ang taong mahal ko at nagmamahal sa’kin? Oo
alam ko gwapo ako, pero alam ko ring hindi sapat na dahilan yun para manakit ng damdamin ng
iba, sadyang hindi ko lang maintindihan ang sarili. Siguro kung ganito nang ganito, mabuti pang
tumanda na lang ako mag-isa habang kasabay tumatanda ang mga butiki at sapot ng gagamba. Sa
palagay mo?
Ano? Magulo akong magkwento? Baka magulo lang talaga akong tao. Sige na nga,
makakaalis ka na. Salamat sa pakikinig kahit mukhang na-toxic ka.. Next time may alak na, dala
ka pulutan ha?

You might also like