Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

“BATO” CAPSLOCK PARA DAMA

Minsan may mga taong napapatanong nalang sa kanilang mga sarili, “pangit ba ako?”, “mabaho
ba ako?”, “bad breath ba ako”? dahil single sila, ipinagpalit sila o ‘di sila magustuhan ng mga
taong gusto nila. Alam mo ba kung anong sagot diyan? Manhid lang talaga sila, kasi alam mo
may mga tao talagang hindi marunong makuntento sa isa kasi ipinagpalit ka na kahit ginawa mo
na yung lahat ng makakaya mo para lang pasayahin siya, ay nagagawa ka paring lisanin niya.
Yung tipong halos magtambling ka na lahat lahat para lang maisip niya na andyan ka na nga sa
harapan niya eh hindi ka pa niya makita, na handa mong gawin ang lahat ng bagay para sa kanya
eh balewala pa din. Na kahit nakailang mensahe ka pa sa messenger niya ay “seen zone” ka pa
rin. Nakakainis lang talaga yung mga ganoong tao, yung di nila mapansin yung halaga mo, yung
mga sakripisyo mo mapasaya mo lang siya. Alam mo ang tawag dun “BATO”. Kahit ipukpok
mo sa pader, hampasin mo ng dos por dos, buhusan mo ng asido eh wala paring epekto, wala pa
rin madama , wala pa ring pakialam sayo. Na kahit sobrang papansin kana eh ayun nananatiling
bulag pa.

Dahil doon may mga taong nawawalan na ng tiwala sa sarili yung tipong kahit ikaw ay naawa na
rin sa sarili mo kasi sobra yung pagpapakatanga mo. Pero dapat hindi, wag tayong magpadala sa
bugso ng ating mga damdamin, sapagakat ito ay walang magandang naidudulot. Huwag natin
ipagpilitan ang ating mga sarili sa mga taong ayaw tayo. Huwag nating isipin na pangit tayo kaya
hindi tayo magustuhan ng mga taong gusto natin. Lahat tayo ay ipinanganak ng may kaniya-
kaniyang abilidad. Walang taong pangit at kailanman hindi nasa panlabas na kaanyuan nakikita
ang kagandahan ng isang tao. Siguro hindi siya ang taong nakalaan para sa iyo. Siguro may mas
magandang plano pa ang ating Panginnon para sa atin. Huwag nating madaliin ang mga ganyang
bagay. Mas pagtuunan natin ng pansin bilang kabataan ang ating pag-aaral at pagpapa-unlad ng
ating sarili. Kung ayaw satin ay hayaan nalang kasi kung ipinagpatuloy pa ay para tayong
kumuha ng batong ipinupukpok sa ating sarili para masaktan.

You might also like