Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 1

Para sa akin, hindi dapat ipatupad sa Pilipinas ang diborsyo.

Ang diborsyo ay magastos 


at maaaring magdulot ng pagkabalisa. Maaari rin itong makaapekto sa mga bata. 
 
Sinasabi ng mga taong pabor sa diborsyo na ito ay nakapagbibigay ng kalayaan mula 
sa isang relasyong hindi na maayusan. Gayunman, maaaring gumawa ng paraan ang 
dalawang partido upang maayos ang relasyon nang hindi humantong sa diborsyo. 
Magkakaroon din ng malaking dagok sa damdamin ng dalawang partido kapag 
humantong ang relasyon sa diborsyo. Magiging malungkot ang mga bata kapag 
naghiwalay ang mag-asawa. Makakaramdam din sila ng takot dahil sa paghihiwalay 
ng kanilang magulang. Mas malaki ang gastusang pampamilya kapag 
nakipagdiborsyo ang mag-asawa kumpara sa gastusang pampamilya kapag 
magkasama ang mag-asawa. Higit na bababa ang standard of living dahil sa 
diborsyo. 
 
Hindi nakakatulong ang diborsyo sa dalawang partido, sapagkat hindi ito 
nakakapagbigay ng tunay na kalayaan. Hindi rin ito nakakatulong sa mga bata, 
sapagkat lungkot at takot ang mararamdaman nila kapag naghiwalay ang kanilang 
magulang. Maraming kailangang pagastusan kapag humantong sa diborsyo ang 
relasyon. 

You might also like