Professional Documents
Culture Documents
Konseptong Papel
Konseptong Papel
Angela Mikhaela
11 STEM -2
Kada taon, tatlo hanggang apat na milyong mga hayop ang sumasailalim sa euthanasia.
Kabilang sa mga hayop na ito ay ang mga domestikadong hayop katulad ng pusa, aso, kabayo,
baka at iba pa. Ang mga dahilan kung bakit ‘pinapatulog’ ag mga hayop na ito ay magkakaiba sa
bawat kaso. Iniisip ng karamihan na ang paglalagay ng kanilang hayop sa pagtulog ay dahil sa
sakit na walang lunas, katandaan o problema sa pag-uugali. Kahit na ito ay totoo, kailngan rin
nating isipin ang mga hayop nan a-euthanized dahil hindi sapat ang tahanan o kanlungan upang
sila’y maalagaan. Dahil sa napakaraming hayop ang nahuhuli at dinadala bawat araw, hindi na
sapat ang lugar upang mapanitili sila. Taun-taon parami nang parami ang mga aso’t pusa na
isinisilang at ipanapadala sa kanlungan ngunit sa bwat aso (o pusa) na isinusuko sa rescue center,
isang aso ( o pusa) ang kailangang umalis at kapag umalis ang hayop na iyon ay malamang na
mai-euthanized ito. Karamihan sa mga aso’t pusa na hindi pa nahuhuli ay gumagala lamang sa
lansangan, nagdudulot ng aksidente at nang-aatake ng tao. Ang nahuhuli naman ay ipinapatapon
sa mga kanlungan at doon mananatili sa loob ng 60 araw hanggang sa mapag-desisyonan na
sila’y mai-euthanized. Kaya etikal nga ba ang pag-euthanize sa mga hayop na ito dahil panggulo
lamang sila sa lipunan? Tama nga ban a kunin ang papel ng Panginoon at pillin na tapusin ang
buhay ng mga hayop na ito? Bago natin sagutin ang mga tanong na ito, atin munang alamin kung
ano nga ba ang animal euthanasia at ang mga prosesong nakapaloob dito.
Ayon kina Antonio Pacheco at Matilde Coello sa kanilang aklat na “The Good Death:
Controversy in Humans and Animals” (2010), ang euthanasia ay isang stratehiya upang
makontrol ang pagdami ng mga hayop at paggamit nito ay nagdududlot ng kontrobersiya at
misinterpretasyon. Kaya’t marami sa lipunan ang tutol sa euthanasia at kinokondena ang mga
taong nagsasagawa nito. Ayon pa sa kanila, ang euthanasia ay pansamantalang solusyon lamang
upang malunasan ang problema ngunit hindi ang dahilan nito. Walang makaka-resolba sa
malaking populasyon ng hayop kundi ang kapasidad ng tao na maunawaan ang sitwasyon at
gumawa ng karampatang aksyon.
Ipinasa kay: