Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 7

RESTITUTO, EVE JEREMY Q.

BSA III – B106


PANITIKANG FILIPINO 09-07-2020

Panahon ng Kastila

1. Sumulat ng isang lagom o pagbubuod hinggil sa pangyayari na naganap sa


Pilipinas sa panahon ng mga Kastila.

Noong kararating pa lamang ng mga Kastila sa Pilipinas, mayaman na sa panitikan ang


ating bansa kaya naman lalo itong nadagdagan pa ng iba’t-ibang uri na galing sa
kanilang bansang pinagmulan at pati na rin ang kanilang kultura ay dinala sa Pilipinas.
Ang mga Kastila anng nagpasimula ng Katolisismo sa Pilipinas, dinala nila ang mga
santo, misa, at iba pang relihiyong kagamitan at kaugalian upang ipamalas ito sa mga
unang Pilipino.

Maraming uri ng panitikan ang mga Kastila, halimbawa nito ay ang pasyon, komedya,
dalit, dung-aw, karagatan, duplo, karilyo, senakulo, tibag, sarsuwela, kurido, awit,
parabula, kantahing-bayan, at sayenete. Ang mga ito ay nakatulong sa pag-usbong ng
wikang Filipino sa sibilisasyon ng mga unang Pilipino, natulungan ng mga panitikang ito
na himukin ang mga Pilipino na sumulat tungkol sa kanilang sari-sariling karanasan.
Ang kanilang mga panitikan ay ginamit ng mga Pilipinong manunulat upang ipahayag
ang kanilang mga ideya, layunin at mga inaasam-asam.

Sa pagdating ng mga Kastila sa Pilipinas, ang mga akdang nakasulat sa wikang Kastila
ay isinalin sa wikang Tagalog at iba pang dayalekto upang ito ay maintindihan ng mga
Pilipino. Nagkaroon din ng hilig sa panrelihiyong musika ang mga Pilipino, dahil sa
relihiyong dinala at ipinakilala ng mga Kastila sa mga sinaunang mga mamamayan,
kaya naman ang mga awit na isinusulat ng mga Pilipino ay kadalsang may
makarelihiyong himig.

Nagdala rin sila ng mga pagdiriwang at mga dula na nagpapakita ng mga nangyari
noong unang panahon sa relihiyon nilang Katoliko, at ang mga ito ay isinasadula o
tinatanghal bilang selebrasyon para sa mga relihiyosong pigura o pangyayari noon, at
hanggang ngayon ang mga selebrasyong ito ay dala-dala parin ng mga Pilipino at
itinatanghal sa araw ng mga kapistahan. Ang mga Pilipino ay nasakop ng mga Kastila
nang 333 taon, paghihimagsik, pag-aaklas at pagtaliwas sa mga mapang-aping kamay
ng mga Kastila ang palagiang tinatalakay sa mga estudyante, subalit ang kanilang
pagdating sa ating bansa ay may maganda rin namang naidulot para sa atin. Tulad na
lamang ng ating kultura na binubuo ng iba’t-ibang kultura ng mga dayuhan at ng sariling
atin, kaya naman napakaraming pagdiriwang ang idinaraos ng mga Pilipino sa kani-
kanilang lugar dahil sa mga nakaraan, pero ang panahon ng Kastila ang may
pinakamalaking implewensya sa pamumuhay ng mga Pilipino dahil sa ilang taong
pagsakop nito sa ating bansa.

2. Sino-sino ang mga manunulat na Pilipino na nagsulat ng mga akdang


pampanitikan na naglalayong maghimagsik laban sa kalupitan ng mga dayuhang
Kastila. Ipakilala ang bawat isa, gayundin ang kanilang mga akda.

Jose P. Rizal
Si Rizal ay isang tubong Laguna. Marami siyang natutunan na lenguahe habang siya ay
naglalakbay sa iba’t-ibang bansa. Siya ay nagpursiging maging doktor para sa kanyang inang
may sakit. Karamihan ng kanyang mga
naisulat ay nasa wikang Kastila, siya ay
sumusulat gamit ang mga alyas na
LAONG-LAAN at DIMASALANG.

Mga akda
Mga akda ni
ni
Rizal…
Rizal…
Marcelo H. del Pilar
Si Marcelo del Pilar ay isa sa mga lider ng Kilusang
Propaganda, siya rin ang nagtatag ng Diariong
Tagalog at naging editor din ng La Solidaridad. Ang
husay niya sa pagtula at pagtatalumpati ay ginamit
niya upang batikusin ang gobyernong kolonyal at mga
prayle sa pamamagitan ng duplo at pagsasalita sa
sabungan at pistahan. Siya ay may alyas na
PLARIDEL. 
Akda
Akda ni
ni del
del Pilar…
Pilar…

Andres Bonifacio
Si Andres Bonifacio ang tagapagtatag ng Katipunan at
siya ang binansagang “Ama ng Himagsikang Filipino”,
dahil sa kanyang katapangang loob at pamumuno ng
mga manghihimagsik. Isa siyang mahusay na makata
at manunulat, isinalinwika niya ang akda ni Rizal na
El Amor Patrio at Mi Ultimo Adios sa Tagalog. Ang kanyang mga sinulat ay tungkol sa
pagiging makabayan at maka-Pilipino. Siya ay binansagang SUPREMO sa Katipunan.

Padre Jose Burgos


Si Padre Burgos ay lider ng Kilusang
Sekularisasyon at isa sya sa tatlong paring
martir na binitay ng mga Kastila. Dahil sa
kanyang angking talino at galing siya ay
madaling naging miyembro ng simbahang
Katoliko, kaya nama’t nakita niya ang
pagmamalupit ng mga pari at
pagsasawalangbahala nito sa kalupitan ng
mga Kastila. Ang kanyang mga akda ay
tungkol sa pambabatikos sa mga prayle at sa
pagiging mapang-api nila sa mga Pilipino dahil
nakikita niya mismo ito sa loob ng simbahanag
kabilang siya.

Mga akda
Mga akda ni
ni Padre
Padre
Burgos…
Burgos…
Pedro Paterno

Si Pedro Paterno ay isang manunula, manunulat, at tagapayapa. Siya ay nagtapos ng


abogasya. Ang isa sa pinakamahalagang kontribusyon na kanyang naiambag ay ang
pagiging tagapagayos ng Kasunduang Biak-na-Bato. Siya rin ay nahalal bilang
president ng Malolos Congress at naging tagapayo ng pagbuo ng Konstitusyong
Malolos. Ang kanyang tanyag na akdang “Ninay” ay ang kanyang sariling paraan ng
pagsagot hinggil sa akusasyong walang naturang kultura ang mga Pilipino. Siya ay
nagsusulat gamit ang alyas na JOMAPA o Justo Desiderio Magalang. Ang kanyang
mga akda ay kadalasanag patungkol sa pagmamahal sa kanyang sariling bayan at
kanyang ipinagmamalaki ito.

Emilio Jacinto
Si Emilio Jacinto ay tinaguriang “Utak ng Katipunan”
dahil sa kanyang mga sulating “Aral ng Katipunan”
at “Kartilya ng Katipunan”. Ang kanyang koleksyon na
Liwanag at Dilim ay naglalaman ng mga sanaysay na gumagamit ng matatalinhagang
pananalita upang talakayin ang diwang demokratiko, kontra kolonyalista at nagpapakita
ng moral na sandigan ng kanilang kapisanan. Siya ay naging editor ng Kalayaan na
diyaryon ng Katipunan, at ang unang labas ng kanilang diyaryo sa masa, marami na
ang nakisapi sa Katipunan matapos nila itong mabasa. Siya ay sumusulat sa alyas na
DIMASALAW at PINGKIAN.

Apolinario Mabini
Si Apolinario Mabini ay binansagang “Utak ng
Himagsikang Pilipino” at “Dakilang
Lumpo”.

Siya ay isang maralita at nangailangang


mamasukan muna upang makapag-aral
lamang sa San Juan de Letran. Sumapi siya sa
La Liga Filipina at Kilusang Propanda, ngunit
ang Katipunan ay tinanggihan niya.
Napagkamalan siyang Katipunero ngunit hindi siya ipinadakip dahil sa kanyang
pagkalumpo. Kinalaunan, natutunan niyang ang layhunin ng Katipunan ay ang
pabagsakin ang pamahalaang Kastila. Dahil sa kaniyang kagalingan sa batas, hinirang
siyang punong ministro ng Konstitusyong Malolos, ni Heneral Emilio Aguinaldo. Siyá
ang sumulat ng mga dekreto, manipesto, at iba pang kasulatan para kay Aguinaldo
kayâ naituring na “Utak ng Himagsikang Filipino.”

REFERENCES:
https://www.slideshare.net/sjbians/panitikan-sa-panahon-ng-propaganda-78084643
https://philippineculturaleducation.com.ph/bonifacio-andres/
https://philippineculturaleducation.com.ph/burgos-jose/
https://www.scribd.com/document/347571085/padre-burgos-handout
https://philippineculturaleducation.com.ph/mabini-apolinario/
https://philippineculturaleducation.com.ph/jacinto-emilio/
https://www.gintongaral.com/mga-bayani/pedro-paterno/

You might also like