Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 2

Ano ang Pagbasa?

Þ Ang pagbasa ay ang pag-iintindi ng mga salitang sinulat ng akda. Ito din ay
pagbibigay interpretasyon o kung paano mo naintindihan ang mga simbolong
nakasulat base sa iyong kaalam.

Teorya ng Pagbasa

a. Teoryang Ibaba-Pataas (Bottom-Up)


¨ Ang pagtuto ng pagbasa ay galing o nagmumula sa teksto (bottom)
patungo sa mambabasa (sa utak).
¨ Tinatawag din itong ‘data-drive model’ o ‘part to whole model’, o ang
mambabasa ay umaasa sa mga impormasyong nakalagay sa teksto.
(Smith, 1994)
¨ Ang pagbasa ay pagkakilala sa hanay nang simbolo na nakasulat bilang
‘stimulus’ upang mai-handog ang kasing tunog bilang tugon o ‘response’.

b. Teoryang Itaas-Pababa (Top-Down)


¨ Ang pag-intindi sa binasa ay nagmumula sa isip ng mambabasa (top)
patungo sa ibaba.
¨ Ang impormasyong ay nanggaling na sa dating nang kaalaman ng
mambabasa. (Smith, 1994)
¨ Ang dating kaalaman ng mambabasa ay ang ginagamit upang mas
maintindihan pa husto ang nakalimbag na teksto.
¨ ‘Inside out’ o ‘conceptually driven’ ang iba pang tawag sa Teoryang Top-
Down. (Goodman, 1985 at Smith, 1994)

c. Teoryang Interaktibo
¨ Ang teoryang ito ay ang pagkasama sama ng Teoryang Top-Down at
Teoryang Bottom-Up dahil ang proseso ng pag-intindi ay may ginagamitan
ng dalawang direksyon. (McCormick, 1998)
¨ Sa pag gamit nang dalawang teorya, nagkakaroon ng interaksyon sa
pagitan ng mambabasa at teksto.

d. Teoryang Iskema
¨ Lahat ng ating natututunan at nararanasan ay nakaimbak sa ating isipan.
Ito ay nagiging dating kaalaman o prior knowledge. Richard Anderson at
David Pearson (1984)
¨ Ang dating kaalam ang kinakailangan upang maintindihan ng mambabasa
ang teksto.

Hakbang sa Pagbasa

a. Persepsyon
- Pagkikilala sa nakasulat na simbolo at maging sa pagbigkas ng
maayos sa mga simbolong nakalimbag.
b. Komprehensyon
- Pagpoproseso ng mga kaisipang nakalagay sa binasa.
- Ito ay nagaganap sa isipan.

c. Reaksyon
- Ito ay nakasang-ayon sa bisang hatid ng teksto na binasa ng
mambabasa.

d. Integrasyon o Asimilasyon
- Pinagsasama at inuugnay ang impormasyong nabasa sa mga dati
nang kaalaman o karanasan.

You might also like