Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 5

Pagsusuri ng Datos

Isinailalim sa iba’t ibang istatestika ang mga nakalap na datos at kasagutan ng mga
respondent upang masuri, maanalisa at mabigyan ng interpretasyon. Sa pagtiyak ng mga kursong
kasangkot sa pag-aaral na ito, ginamit ang random sampling, frequency count, bahagdan at
mean.
Frequency Count. Ito ay ginamit upang malaman ang bilang ng mga mag-aaral na nakakuha ng
mataas na kaalaman.
Bahagdan. Sa pamamagitan nito, nabatid ang relasyon ng bahagi ng tumugon sa kabuuang
respondent. Ang formula ay:
x
P= × 100 %
N
na ang P – bahagdan
x – bilang ng respondent na
sumagot
N – kabuuang bilang ng
respondent
Mean. Ginamit ang mean (x́) upang malaman ang antas ng kaalaman sa binagong ortograpiya.
Σx
Mean x́=
N
na ang x́ – arithmetic mean
Σx– kabuuang iskor ng bawat
kurso
N – halaga o bigat ng aytem
Sa pamamagitan ng sumusunod na iskala, binigyan ng interpretasyon ang bawat antas ng
kaalaman sa binagong ortograpiya.
Iskala Interpretasyon ng Antas
20 Mataas na kaalaman
15 – 19 May kaalaman
10-14 Mababa ang Kaalaman
9-pababa Walang Kaalaman
KABANATA IV
LEVEL NG KAALAMAN SA BINAGONG ORTOGRAPIYA NG MGA MAG-AARAL
SA KOLEHIYO NG SORSOGON STATE COLLEGE

Ang kabanatang ito ay naglalahad ng interpretasyon sa mga nakalap na datos buhat sa


mga respondent ng pag-aaral na ito.
Nagsilbing kasagutan sa mga suliraning inilahad ang mga nakuhang sagot batay sa mga
sumusunod: 1. Level ng kaalaman sa binagong ortograpiya ng mga mag-aaral sa kolehiyo ng
Sorsogon State College. 2. Suliraning kinakaharap ng mga mag-aaral sa binagong ortograpiya. 3.
Mabubuong awtput batay sa kinalabasan ng pag-aaral.

1. Level ng kaalaman sa binagong ortograpiya ng mga mag-aaral sa kolehiyo ng Sorsogon


State College.

Sa Talahanayan 2, ipinapakita ang level ng kaalaman sa binagong ortograpiya ng mga


mag-aaral sa kolehiyo ng Sorsogon State College. Ayon sa resulta, mapapansin na ang
karamihan sa kurso ay parehong may mataas na kaalaman sa binagong ortograpiya at ang mean (
x́) nito ay batay sa nakuhang iskor sa pinasagutang talatanungan. Ang nakuha ng mga kursong
BS Entrepreneurship, Bachelor in Elementary Education at BS Accountancy ay may mean na
15.2, 16.35 at 15.65 ayon sa pagkakasunod-sunod na pumapasok sa iskala ng may kaalaman.
Samantalang, ang kursong BS Engineering at BS Hospitality Management ay may mababang
kaalaman at may mean na 14.75 at 13.55.

TALAHANAYAN 2
LEVEL NG KAALAMAN SA BINAGONG ORTOGRAPIYA

Kurso x́ Level ng Kaalaman


BS Entrepreneurship 15.2 May kaalaman
BS Engineering 14.75 Mababa ang kaalaman
BS Hospitality Management 13.55 Mababa ang kaalaman
Bachelor in Elementary Education 16.35 May kaalaman
BS Accountancy 15.65 May kaalaman
Ang mga resultang ito ay nagpapatunay na ang level ng kaalaman sa binagong
ortograpiya ng mga mag-aaral sa kolehiyo ng Sorsogon State College ay nahahati sa may
kaalaman at mababa ang kaalaman. Nangangahulugan ito na ang mga mag-aaral ay may
kaalaman subalit nangangailangan pa rin ng paglilinang sa binagong ortograpiya.
Ang implikasyon ng pag-aaral na ito ay maaring ipagpatuloy ang pag-aaral sa binagong
ortograpiya sa antas ng kolehiyo. Ang pagbibigay ng interbensyon sa pagtuturo ng wika ay
higit na makatutulong sa pagtukoy ng kahalagahan ng binagong ortograpiya sa pagiging
estandardisado ng wika.

2. Suliraning kinakaharap ng mga mag-aaral sa binagong ortograpiya.

Sa talahanayan 3, inilalahad ang mga suliranin ng mag-aaral ng kolehiyo sa binagong


ortograpiya. Ipinapakita ang kakulangan ng kaalaman hinggil sa binagong ortograpiya kung
kaya’t karamihan sa mga mag-aaral ang nahihirapan na isalin ang mga salitang banyaga
patungo sa wikang Filipino. Marahil hindi ito nabibigyang diin sa pagtuturo at pansin sa pag-
aaral.
Ang kalituhan sa binagong alintuntunin ng binagong ortograpiya ang pangalawa sa mga
suliraning kinakaharap. Ipinapahiwatig lamang na sa mga pagbabagong isinasagawa sa
ortograpiya ay hindi binibigyang pansin ang maaaring maging epekto nito sa mga mag-aaral
at maging sa mga guro na nagtuturo nito.

TALAHANAYAN 3
MGA SULIRANIN NG MAG-AARAL SA BINAGONG ORTOGRAPIYA

Mga Suliranin Rango

Kakulangan ng kaalaman sa binagong ortograpiya. 1

Kalituhan sa binagong alituntunin ng binagong ortograpiya. 2

Kawalan ng interes para matuto. 3

Kakulangan sa kagamitang pagkatuto. 5

Walang panahon sa pagbabasa. 5

Hindi ako medyor sa Filipino. 5

Iba pa; 7
Mas gusto gumamit ng wikang Ingles.
Nalilito sa pabago-bagong bersyon ng ortograpiya.
Kawalan ng pagpapahalaga sa binagong ortograpiya.
Modernisasyon.

Pangatlo sa mga nabanggit na suliranin ay ang kawalan ng interes ng mga mag-aaral para
matuto ng mga alintuntuning kailangan sundin sa pagsulat at pagbaybay. Ang ortograpiya ay
kadalasang itinuturo sa kolehiyo, layunin nito na palawakin ang kaalaman ng mga mag-aaral
sa estandardisasyon ng wika na siyang magpapatatag sa pundasyong nabuo noong sila ay
nasa sekundarya pa lamang. Subalit dahil nakatuon ang mga mag-aaral sa mga piniling kurso
at medyor, ang mga aralin katulad ng Filipino ay naipagsasawalang bahala sa kadahilanang
hindi naman ito makatutulong sa pagunlad ng kanilang mga kakayahan. Maliban na lamang
sa mga mag-aaral na nagpapakadalubhasa sa wika na kailangang pag-aralan at maging bihasa
rito.

Ang kakulangan sa kagamitang pagkatuto katulad ng mga libro, modyul sa mga-aaral at


maging sa mga guro ay ang pang-apat na suliraning kinakaharap ng mga mag-aaral sa
binagong ortograpiya. Karamihan sa mga aklat na nailimbag na mayroong kopya sa mga
silid-aklatan ay nasa taong 2001 pa kung saan nang nagkaroon ng rebisyon ng alfabeto mula
sa baybayin at abecedario ng mananakop. Sa madaling salita, ang kakulangan ng kaalaman sa
binagong ortograpiya ay dahil sa mga kagamitang pagkatuto na nangangailangan ng pag-
unlad.

Sumunod na suliraning kinakaharap ay kawalan ng panahon sa pagbabasa. Maraming


mag-aaral sa kolehiyo ang mas nanaising gugulin ang kanilang oras sa mga bagay kaugnay sa
kursong kanilang pinili. Ang hindi pagiging medyor sa Filipino ay dahilan kung kaya’t hindi
mahalaga ang pagkakaroon ng kaalaman sa binagong ortograpiya na siyang magtuturo ng
tamang pagsulat at pagbaybay sa wikang Filipino.

Ang mga suliraning binanggit ng mga iilang respondent ay ang paggamit ng wikang
Ingles. Sa pagbabago ng panahon at ng henerasyon, karamihan sa mga mag-aaral ay mas
nagiging bihasa sa mga wikang banyaga katulad ng Ingles. Marahil, dahil naging bukas ang
mga Pilipino sa pagtangkilik ng mga banyagang kultura at sa teknolohiyang labis na
nakaimpluwensiya sa mga mag-aaral. Naglabas ang Komisyon sa Wikang Filipino (KWF) ng
iba’t ibang edisyon ng binagong ortograpiya na nagresulta sa kalituhan ng mga mag-aaral sa
mga alintuntunin hinggil sa wika. Hindi rin nabibigyang diin ang ortograpiya sa pagtuturo
kung kaya’t hindi nakikita ng mga mag-aaral ang halaga nito sa pagsulat at komunikasyon.

3. Mabubuong awtput batay sa kinalabasan ng pag-aaral.

Isang panukalang gawain na magpapataas sa level ng kaalaman ng mga mag-aaral sa


kolehiyo ng Sorsogon State College ay ang Modyul sa Binagong Ortograpiya.
Konklusyon
Batay sa natuklasan, inilalahad ang sumusunod na konklusyon:
1. Nahahati sa may kaalaman at mababa ang kaalaman ng mga mag-aaral sa kolehiyo ng
Sorsogon State College sa binagong ortograpiya.
2. May ilang kursong nangangailangan ng paglinang sa asignatura partikular sa
binagong ortograpiya.
3. Kakulangan ng kaalaman hinggil sa binagong ortograpiya kung kaya’t karamihan sa
mga mag-aaral ang nahihirapan na isalin ang mga salitang banyaga patungo sa
wikang Filipino.
4. Isang modyul tungkol sa binagong ortograpiya ang nabuo ng risertser upang magamit
sa pagpapalawak ng kaalaman sa binagong ortograpiya.

Rekomendasyon
Batay sa mga natuklasan at nabuong konklusyon sa isinagawang pag-aaral, ang mga
sumusunod ay inererekomenda:
1. Magkaroon ng karagdagang kagamitang pagkatuto, mga aklat at modyul para sa mga
mag-aaral. Patibayin ang pagpapalawak ng kaalaman na may kaugnayan sa binagong
ortograpiya.
2. Gumawa ng isang pansangay na seminar ukol sa binagong ortograpiya at ang lahat ng
mga mag-aaral sa kolehiyo ang magiging kalahok. Ito ay mabisang paraan sa
pagpalaganap ng kaalaman sa mga mag-aaral.
3. Hikayatin ang mga mag-aaral na gamitin ang wikang Filipino kung maaari sa pagsulat at
pakikipag-komunikasyon. Sa paraang ito, mabubuksan ang kanilang kaisipan sa tamang
baybay at gamit ng mga salita.
4. Ang pagbibigay diin sa kahalagahan ng binagong ortograpiya sa pagtuturo ng araling
Filipino.
5. Magkaroon pa ng karagdagang pag-aaral at pananaliksik na may kaugnayan sa binagong
ortograpiya at level ng kaalaman ng mag-aaral hinggil dito na susukat sa pagunlad ng
kasanayan ng mga mag-aaral.

You might also like