Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 10

ii

DAHON NG PAGPAPATIBAY

Ang tesis na ito na pinamagatang “Kaalaman sa Wastong

Gamit ng Ortograpiyang Filipino ng mga Nagpapakadalubhasa sa

Asignaturang Filipino” na inihanda at iniharap nina Azel D.

Jepsani, Geraldine Mae B. Dapyawin, Christian G. Garrido,

Princess Nicollete A. Lareza, Xena G. Bongon, Ara Mae M.

Balanoyos at Bea D. Lagamayo ay pinagtibay bilang isang bahagi sa

pagtupad sa mga kailangan para sa asignaturang Istruktura ng

Wikang Filipino.

JUCELYN BORDEOS-OMBAO
Tagapayo
iii

DAHON NG PASASALAMAT

Ang mga mananaliksik ay nagpapasalamat sa mga sumusunod

na tao na tumulong upang maging matagumpay ang pag-aaral na ito:

Sa butihing guro na si Gng. Jucelyn Bordeos-Ombao na

nagsilbing tagapayo at patuloy na nagbibigay ng suhestyon para

maging makabuluhan ang pananaliksik na ito;

Sa mga kalahok na naging sandigan upang masagot ang mga

katanungan sa suliranin ng pag-aaral na ito;

Sa mga magulang ng mananaliksik na nagsilbing inspirasyon

para mas lalong magpursigi ang mga mananaliksik. At para sa

binigay na tulong pinansyal upang maisakatuparan ang

pananaliksik;

At higit sa lahat sa Poong Maykapal na gumabay at nagbigay

ng kakayahan, talino at pasensya sa mga mananaliksik upang maging

maayos at matagumpay ang pag-aaral na ito.

Mga Mananaliksik

ABSTRAK
iv

Ang pananaliksik na ito ay naglalayong matiyak at

masuri ang kaalaman sa wastong paggamit ng Ortograpiyang Filipino

ng mga nagpapakadalubhasa sa asignaturang Filipino.

Kwalitatibong sarbey ang ginamit ng mga mananaliksik sa

pagkalap ng mga datos na kakailanganin sa pag-aaral. Sa pagpili

ng mga kalahok, random sampling ang napiling gamitin ng mga

mananaliksik. Gumamit ang mga mananaliksik ng tseklist upang

makalikom ng mga datos na kailangan sa pag-aaral na ito. Ang mga

nalikom na datos ay komprehensibong sinuri at binigyan ng wastong

interpretasyon sa pamamagitan ng paggamit ng angkop na

istatistika.

Sa pagsusuri ng mga datos, nahinuha ng mga mananaliksik

na 82.47% ng mga mag-aaral na nagpapakadalubhasa sa asignaturang

Filipino ang may sapat ng kaalaman sa wastong paggamit ng salita.

Iilan na lamang sa kanila ang nahihirapan pang tukuyin ang

tuntunin sa paggamit ng ibang salita. Nahinuha rin sa pag-aaral

ang mga dahilan ng kadalasang pagkakamali sa wastong paggamit ng

salita, ito ay ang mga sumusunod: (1) walang sapat na kaalaman sa

pagbuo ng pangungusap ang iilan kung kaya’t nahihirapang pumili

ng angkop na salitang gagamitin (2) kawalan ng sapat na kaalaman

sa istrukturang panggramatika ang isa rin (3) pagsulpotan ng

iba’t-ibang lenggwahe kagaya ng mga balbal na salita na kung saan

nagdadala ito ng kaguluhan sa wastong paggamit ng mga salita (4)


v

Sa kagustuhan ng iba na mapaganda ang kanilang mga akda ay mas

binibigyang pansin nila ang paggamit ng mga mabubulaklak na

salita nang hindi isinasaalang-alang ang kahalagahan ng tamang

pagpili at paggamit ng mga salita sa pagpapahayag (5) kakulangan

sa mga alam na bokabularyong salita. Ang imunungkahing awtput ng

mga mananaliksik batay sa resulta ng pag-aaral ay isang modyul na

magiging instrumento sa paghasa ng isipan sa tamang paggamit ng

ortograpiyang Filipino.

Batay sa natuklasan, ang mga mananaliksik ay nakabuo ng

mga konklusyon: Hindi maiiwasan ang pagkalito ng mga mag aaral sa

kung ano nga ba ang tamang gamit ng mga salita. Bunga ng mga

pangungusap na minsan ay komplikado at mga salitang akala nila ay

magkakapareho lamang ng gamit. Nawaglit sa kanilang isipan na

bawat salita ay may kanya-kanyang tuntunin na ginagampanan. Hindi

lahat ng nagpapakadalubhasa sa Filipino ay mayroong sapat na

kaalaman sa wastong paggamit ng mga salita. Ang napipiling sagot

na morpema at wastong salita ng mga mag-aaral sa sarbey na

ibinigay ay basi lamang sa kung ano ang madalas nilang marinig

ngunit hindi sa kung saan ito angkop gamitin. Ang modyul na

imunungkahi ng mga mananaliksik ay isa sa mga epektibong

instrumento para mahasa ang isipan at kakayahan ng mga mag-aaral

sa tamang pagpili at paggamit ng salita.


vi

Sa mga natuklasan nakabuo ang mga mananaliksik ng iba’t

ibang rekomendasyon na may kaugnayan sa konklusyong nabuo:

Pagyamanin at tangkilikin ang mga salita na kung saan maaaring

itong magamit sa pakikipagtalastasan. Dahil ang mga kalahok ay

mga mag-aaral nagpapakadalubhasa sa asignaturang Filipino

mahalagang pagyamanin at sanayin nila ang kaalaman sa wastong

paggamit ng salita lalo pa’t nakatuon ang kanilang pag-aaral sa

wika. At bilang mga susunod na tagapagturo ng wika sa hinaharap

mahalagang magkaroon sila ng kasanayan dito. Kailangang magkaroon

ng serye ng mga pagsasanay ang mga mag-aaral upang mas mahasa ang

talas ng isip at makapagbigay ng mga karagdagang impormasyon sa

ibang tao. Lawakan ang sakop ng semestro na pag-aaralan ang

morpema at wastong gamit ng salita para sa mga nagpapakadalubhasa

sa Filipino nang sa gayon matiyak na masanay nila ang sarili sa

wastong paggamit ng mga ito. Hikayatin ang mga guro sa paggawa ng

malikhain at epektibong mga kagamitang panturo para mga mag-

aaral. Magsagawa ng iba pang mga pag-aaral na may kaugnayan sa

kasalukuyang pananaliksik upang maging batayan at gabay ng mga

susunod na mananaliksik.
vii

TALAAN NG NILALAMAN

DAHON NG PAMAGAT . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . i

DAHON NG PAGPAPATIBAY . . . . . . . . . . . . . . . . . . . ii

DAHON NG PASASALAMAT . . . . . . . . . . . . . . . . . . . iii

ABSTRAK . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . iv

TALAAN NG NILALAMAN . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . vii

TALAAN NG TALAHANAYAN . . . . . . . . . . . . . . . . . . x

TALAAN NG PIGURA . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . xi

KABANATA

I. Ang Suliranin

Kaligiran ng Pag-aaral . . . . . . . . . . . . . . . . 1

Paglalahad ng Suliranin . . . . . . . . . . . . . . . 6

Kahalagahan ng Pag-aaral . . . . . . . . . . . . . . . 7

Iskop at Delimitasyon . . . . . . . . . . . . . . . .

Depenisyon ng mga Salita . . . . . . . . . . . . . . .

II. Teoritikal, Konseptual, Operasypnal na Batayan ng Pag-aaral

Kaugnay na Literatura . . . . . . . . . . . . . . . .

Kaugnay na Pag-aaral . . . . . . . . . . . . . . . .
viii

Sintesis ng Pag-aaral . . . . . . . . . . . . . . . .

Gap . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . .

III. DISENYO AT PAMAMARAAN NG PANANALIKSIK

Disenyo ng Pananaliksik . . . . . . . . . . . . . . .

Mga Kalahok . . . . . . . . . . . . . . . . . . . .

Instrumento . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . .

Paraan ng Pagsusuri ng mga Datos . . . . . . . . . .

IV. KAALAMAN SA WASTONG GAMIT NG ORTOGRAPIYANG FILIPINO


NG MGA NAGPAPAKADALUBHASA SA ASIGNATURANG FILIPINO

Antas ng Kaalaman sa Wastong Paggamit ng Salita


ng mga Nagpapakadalubhasa sa Filipino . . . . . . . .

Dahilan ng Pagkakamali sa Wastong Paggamit ng Salita


Batay sa Pasulat at Pasalitang Pamamaraan . . . . . .

Modyul sa Wastong Paggamit ng Salita . . . . . . . .

V. PAGLALAGOM, KONKLUSYON, REKOMENDASYON

Paglalagom . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . .

Konklusyon . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . .

Rekomendasyon . . . . . . . . . . . . . . . . . . . .

SANGGUNIAN . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . .

APENDIKS . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . .
ix

DATOS PANTALAMBUHAY . . . . . . . . . . . . . . . . . . .
x

TALAAN NG TALAHANAYAN

Talahanayan Pahina

1 Mga Kalahok . . . . . . . . . . . . . . . .

2 Antas ng Kaalaman sa Wastong Paggamit ng


Salita ng mga Nagpapakadalubhasa sa
Filipino . . . . . . . . . . . . . . . . . .

3 Dahilan ng Pagkakamali sa Wastong Paggamit ng


Salita Batay sa Pasulat at Pasalitang
Pamamaraan . . . . . . . . . . . . . . . . .
xi

TALAAN NG PIGURA

Pigura Pahina

1 Batayang Konseptwal . . . . . . . . . . . .

You might also like