Kabanata 1

You might also like

Download as doc, pdf, or txt
Download as doc, pdf, or txt
You are on page 1of 9

1

KABANATA I

ANG SULIRANIN

Sa kabanatang ito inilalahad ang kaligiran ng pag-aaral,

ang suliranin at ang kahalagahan nito. Inilalahad din ang iskop

at delimitasyon ng pag-aaral pati na rin ang depinisyon ng mga

salita na ginamit sa pag-aaral.

Kaligiran ng Pag-aaral

Marami ang nagkakamali sa wastong gamit ng salita,

nahihirapan ang iilan na pumili ng salitang naaangkop sa

pangungusap na kanilang nais buuin. Kung kaya’t layunin ng pag-

aaral na ito na mabigyang kasagutan ang nasabing suliranin.

Layunin din ng mga mananaliksik na malaman ang mga salitang

kadalasang nagkakamali ang karamihan nang sa gayon mabigyan ito

ng pansin at kalutasan.

Bawat isa ay may sariling antas ng kaalaman sa wastong

paggamit ng salita, may mga taong bihasa at may iilan namang

nahihirapan sa paggamit ng salita. Mahalagang may sapat na

kaalaman sa pagpili ng tamang salita na gagamitin maging pasulat

man o pasalita upang mas maayos at mabisang maipahayag ang

saloobin. Bukod pa rito ang kaalaman sa wastong paggamit ng


2

salita ay mainam upang maiwasan ang hindi pagkakaintindihan. Isa

sa mga dahilan kung bakit nahihirapan ang iilan sa pagpili ng

tamang salitang gagamitin ay wala silang sapat na kaalaman sa

kaligiran ng mga salita at maging sa talasalitaan. Napakahalagang

magkaroon ng malawak na talasalitaan nang sa gayon mas madaling

makapili ng mga salitang naaangkop sa diwang nais buuin. Sa

madaling salita kapag mayroon kang malawak na bokabularyo ng mga

salita maiiwasan ang kamalian sa paggamit ng mga salita at

magiging malinaw ang mensaheng nais ipakahulugan.

Ang sayusay o retorika ay isang uri ng sining na

naipapakita sa pamamagitan ng paggamit ng wika sa paraang pasulat

o pasalita. Ito rin ay maihahambing sa linggwistikal na pananaw

kung saan ito ay maaaring maipakahulugan bilang isang pag-aaral

patungkol sa kaalaman ng tao sa mga salita, o sa mas malawak na

pagtukoy, lenggwahe. Ginagamit ng isang indibidwal ang retorika

upang maayos at mabisa nitong maipahayag ang kanyang saloobin

patungo sa kanyang tagapakinig na siyang nakatakdang tumanggap ng

mensaheng ipinababatid. Bukod pa rito, ang retorikal na paggamit

ng wika ay mainam upang maipakita ng isang tao ang kanyang

kagila-gilalas na kasanayan sa pakikipagtalastasan. Ayon sa mga

impormasyon na nakalap mula sa iba't-ibang aklat, isang

mahalagang kasanayan sa pagpapahayag ang retorika sapagkat

tinutukoy nito ang angking abilidad na tumutugaygay sa pagsusulat


3

o pagsasalita ng isang tao, bagay na humuhulma sa mga pangunahing

kasanayan sa larangan ng komunikasyon. Maaaring rin itong

maisambit bilang isang punla ng kahusayan ng isang nilalang sa

pagpili ng mga salitang nais niyang iparating. (Wikipedia,2015)

Ayon naman kay Federico B. Sebastian, ang balarila ay

isang agham na tumatalakay sa mga salita at sa kanilang

pagkakaugnay-ugnay. Ang kawastuhang pambalarila ay kaalaman sa

wastong gamit ng mga salita gaya ng mga katha, pasulat man o

pasalita. Upang maging malinaw at tama ang isang pagpapahayag ito

ay ginagamitan ng wastong gamit ng mga salita. Sa

pakikipagtalastasan, hindi mapasusubalian na madalas nagkakamali

ang maraming tao sa paggamit ng mga salita. (Bagumbaran, 2016)

Malaki ang kahalagahan ng pagkakaroon ng sapat na kaalaman

sa retorika o sa mga salita dahil malaki ang nagagawa nito sa

paraang pasulat o pasalita. Malinaw na naipapahayag ang nais

iparating sa kausap o sa mambabasa kapag malinaw at wasto ang mga

salitang ginagamit. Isang napakahalagang instrumento ang mga

salita para sa mas epektibong komunikasyon, gamit ito naiiwasan

ang kahit anong hindi pagkakaintindihan. Ang taong may kasanayan

sa pakikipagtalastasan ay ang mga taong marunong gumamit ng mga

salitang magiging sandata niya sa pagkuha ng atensyon ng kanyang

mga tagapakinig. Ang kahulugan ng salita ay hindi lamang

natatapos sa simpleng kahulugan nito ito ay mayaman sa gamit,


4

kahalagahan at gampanin sa kahit anumang larangan. Nagiging

epektibo ang isang manunulat kapag mahusay niyang napapaibig ang

kanyang mga mambabasa gamit ang mga salitang nakapagbibigay kulay

sa kanyang akda. Pero higit na magiging maganda ang isang akda

kung wasto at naaayon ang mga salitang ginamit. Sa kabuuan

napakahalaga ng bahaging ginagampanan ng retorika at balarila sa

buhay ng tao kung kaya’t ang pagkakaroon ng sapat na kaalaman at

kahusayan sa tamang paggamit nito ang magdadala sa tao sa tugatog

ng tagumpay.

Hindi maiiwasang may mga taong nagkakamali sa tamang

paggamit ng salita kahit ang mga taong may propesyon na sa buhay

ay nakukuha pa ring magkamali, isa itong indikasyon na kahit

sinuman ay dapat huwag humintong pag-aralan ang tamang gamit ng

mga salita dahil kahit saan man magpunta ay kailangang may sapat

na kaalaman sa balarila.

Ang Philippine Military Academy na siyang gumawa ng

naunang pananaliksik sa kanilang akademya ay nagbigay ng sariling

opinyon tungkol sa kanilang mga nakalap at natuklasan na resulta

sa pag-aaral sa wastong paggamit ng wika. Sila ay hindi man mga

nagpapakadalubhasa sa Filipino ngunit pinag-aaralan din nila ang

tamang gamit ng mga salita dahil bilang sundalo, kailangan

marunong silang gumamit ng wika. Isang patunay ito na bawat isa

ay responsibilidad na pag-aralan ang tamang paggamit ng salita,


5

anuman ang propesyon o katayuan sa buhay ay mahalagang magkaroon

ng sapat na kaalaman at kasanayan sa tamang paggamit ng salita.

Isa sa pangunahing layunin ng pananaliksik na ito na

matukoy ang antas ng kaalaman sa wastong paggamit ng salita ng

mga nagpapakadaluhasa sa asignaturang Filipino. Bilang mga

nagpapakadalubhasa sa wika mahalagang malaman kung gaano nila

pinapahalagahan ang pag-aaral sa wika at gaano kaepektibo ang

pagtuturo ng ortograpiya sa mga mag-aaral na katulad nila.

Magandang pag-usapan ang mga ganitong usapin lalo pa’t

madalas din itong naisasawalang bahala. Marami ng mga tao ang

patuloy na nag-aaral sa kaligiran ng mga salita at patuloy na

gumagawa ng mga mungkahi na maaaring gamitin ng kahit sinuman

para sa pagpapaunlad na kasanayan sa wika. Ang nararapat gawin ng

karamihan ay tulungan mismo ang kanilang sarili upang sanayin ang

kanilang kaalaman sa wastong paggamit ng ortograpiya hindi lamang

sa paraang pasulat kundi pati na rin sa pagsasalita. Ang

kasanayan sa mga bagay na ito ay maipagmamalaki dahil hindi biro

ang magkaroon ng mataas na antas ng kaalaman sa wastong paggamit

ng salita.

Paglalahad ng Suliranin

Ang pag-aaral na ito ay naglalayong masagutan ang

suliraning mayroong kinalaman sa wastong paggamit ng salita. Sa


6

pag-aaral na ito umaasa ang mga mananaliksik na mabibigyan ng

kasagutan ang mga sumusunod na katanungan;

1. Ano ang antas ng kaalaman sa wastong paggamit ng salita

ng mga nagpapakadalubhasa sa asignaturang Filipino?

2. Ano ang mga dahilan ng pagkakamali sa wastong paggamit ng

salita batay sa:

a. Pagsulat

b. Pasalita

3. Ano ang maimumungkahi batay sa resulta ng pag-aaral?

Kahalagahan ng Pag-aaral

Mahalagang pag-aralan ang wastong gamit ng salita dahil

ang salita ay bahagi ng buhay ng tao na kailangang linangin at

pag-ibayuhin. Ang pag-aaral na ito ay inaasahang makatutulong

upang mas mapalalim ang pag-unawa sa wastong gamit ng salita at

ito’y inaasahang magiging kapaki-pakinabang sa mga sumusunod:

Mag-aaral. Layunin ng pananaliksik na ito na magabayan

ang mga mag-aaral sa wastong pagpili at paggamit ng salita maging

pasulat o pasalita man.


7

Guro. Makakatulong ang pag-aaral na ito sa mga guro dahil

maaring magsilbing gabay ang pananaliksik na ito para sa mas

epektibong pagtuturo. Sa pamamagitan pa rin ng pag-aaral na ito,

malalaman ng mga guro kung anong salita ang kadalasang

nagkakamali ang mga mag-aaral at sa gayon madali nilang matutukoy

kung anong estratehiya ang pwede nilang gamitin sa kanilang

pagtuturo.

Mananaliksik. Ang resulta ng pag-aaral na ito ay maaaring

makatulong sa mga susunod na mananaliksik. Maaari itong maging

batayan o magbigay ng karagdagang impormasyon tungkol sa wastong

paggamit ng salita.

Iskop at Delimitasyon

Layunin ng pag-aaral na ito na masuri ang antas ng

kaalaman sa wastong paggamit ng ortograpiyang Filipino ng mga

nagpapakadalubhasa sa asignaturang Filipino. Sakop ng pag-aaral

na ito ang iba’t-ibang paraan sa wastong pagpili ng salitang

gagamitin at ang mga suliraning kinakaharap sa wastong paggamit

ng mga salita.

Saklaw lamang ng pag-aaral na ito ang tatlumpung mag-

aaral mula sa ikalawa, ikatlo at ikaapat na taon sa kolehiyo.


8

Ang pag-aaral na ito ay nakatuon lamang sa mga

nagpapakadalubhasa sa asignaturang Filipino na mag-aaral ng

Sorsogon State College. Hindi kasama rito ang mga gurong patuloy

na nagpapakadalubhasa sa asignaturang Filipino.

Depinisyon ng mga Talakay

Para mas lalong maintindihan ang pag-aaral na ito narito

ang mga sumusunod na mga terminolohiya na binigyang kahulugan sa

konseptwal at operesyunal na pamamaraan.

Morpema. Ang pinakamaliit na yunit ng salita na

nagtataglay ng kahulugan.(www.wikiwand.com) Sa pag-aaral, ito ang

nagsilbing paksa na kung saan tinukoy kung ano ang mga konsepto

na bumubuo dito.

Kaalaman. Ito ay ang kakayahang nakukuha ng isang tao sa

pamamagitan ng karanasan o pag-aaral, ito rin ang pagkaintindi sa

isang paksa, sa gawa man o sa kaisipan. (http://wikipedia.org) Sa

pag-aaral, ginamit ito upang matukoy kung anong lebel ng

kasanayan mayroon ang mga kalahok sa paggamit ng salita.

Salita. Ang yunit ng wika na nagdadala ng kahulugan at

binubuo ng isa o higit pang morpema, tipikal na binubuo ang

salita ng isang ugat at mayroong panlapi o walang panlapi.

(www.tagalog-dictionary.com) Sa ginawang pag-aaral ito ang


9

nagsilbing baryabol upang matukoy ang antas ng kaalaman ng mga

mag-aaral sa wastong paggamit nito.

You might also like