Reflection Uwang Ahadas

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

UWANG AHADAS, of the Yakan tribe, is a National Living Treasure Awardee for Traditional Music from

Lamitan, Basilan. He is the last National Living Treasure alive in Mindanao region. Despite his near-
blindness eyesight, he is known for his sharp skills for playing gabbang, a bamboo xylophone,
kwintangan, kayu and tuntungan. He is also a GAMABA (Gawad ng Manlilikha ng Bayan) in 2000. He is
more than that gold medal he is wearing. He is a teacher and a precious gem of Basilan province.
Si Úwang Ahádas ng Lamitan, Basilan ay pinagkalooban ng Gawad Manlililkha ng Bayan noong
2000 para sa kaniyang kahusayan sa pagtugtog ng mga instrumentong Yakan at malalim na
kaalaman sa masining na posibilidad at panlipunang konteksto ng mga ito.
Malaki ang papel ng musikang instrumental sa buhay panlipunan at pang- agrikultura ng mga
Yakan. Sa kabila nitó, hindi lahat ng pamilya ay may kakayahang magkaroon nitó. Malaking salapi
rin ang kailangan upang mapanatili ang magandang kondisyon ng mga instrumento.
Bahagi ng tradisyon ng pamilya ni Uwang Ahadas ang musika. Katunayan, maaga silang hinikayat
ng mga magulang na pag-aralan ang mga instrumentong Yakan. Natutuhan ni Uwang na tumugtog
ng“gabbáng” (siloponong kahoy), sinundan ito ng“águng,” ang “kwintángan kayu,” at iba pang mga
instrumento. Pagsapit niya ng edad 20, naging dalubhasa na siya sa pagtugtog ng mga
instrumentong Yakan pati na rin ang kwintangan na batay sa tradisyon ay tinutugtog lámang ng mga
babae.
Sa kabila ng kaniyang pagkadalubhasa, hindi pa rin sapat para kay Uwang ang naabot. Pinarangap
niya ring magturo. Ninais niyang ibahagi sa mga kasáma sa komunidad, lalo na sa mga batà, ang
kaniyang natutuhan. At hindi naging hadlang sa kaniya ang paglabo ng kaniyang paningin.
Mula sa pagtuturo sa kaniyang anak, nakarating na rin si Uwang lampas sa hanggahan ng bayan ng
Lamitan upang maituro ang pagtugtog ng mga instrumentong musikal ng kaniyang mga ninuno.
Naniniwala siyang kailangang turuan nang maaga ang mga batà hábang buo pa ang interes niláng
matuto at madali pang sanayin ang kanilang mga kamay para sa paghawak ng mga instrumento.
Nagsisimula nang magbunga ang kaniyang pagsisikap dahil ang mga naging estudyante niya ay
nagiging mga guro na ngayon sa pagtugtog ng mga instrumentong musikal. (GB)

Cite this article as: Uwang Ahadas. (2015). In V. Almario (Ed.), Sagisag


Kultura (Vol 1). Manila: National Commission for Culture and the Arts.
Retrieved from https://philippineculturaleducation.com.ph/uwang-ahadas/

You might also like