Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Rentoza, Mary Angela C.

ESP Reflection Paper


XI- Bohr First Quarter

Mga Tanong:
A. Ano ang mahahalagang konsepto ang natutunan mo mula sa 3 videos?
Ipaliwanag ang iyong mga sagot.

- Sa pang-unang video, pinag-usapan dito ang Tao, Lipunan, at Kabutihang


Panlahat. Idiniin sa modyul na ito na ang tao ay isang social being o panlipunang
nilalang kaya’t hindi mabubuhay ang tao ng mag-isa. “No man is an island” ika
nga ni Richard Donne. Likas ang tao na mamuhay at makibahagi sa lipunan. Ang
Lipunan naman, sa isang bahagi, ay mula sa salitang lipon na
nangangahulugang pangkat. Nagkakaroon ng kolektibong lipunan dahil sa iisang
layunin o tunguhin. Ang layunin ng lipunan ay matamasa ang kabutihang
panlahat. Sa simpleng salita, ito ay ang kabutihan na natatangap ng bawat
indibidwal sa isang lipunan. Minsan ay mahirap makamit ang kabutihang
panlahat kaya’t mas pinipili na lamang ang kabutihan ng nakakarami at
kabutihang pansarili. Sa kabutihang panlahat, mayroon itong tatlong element na
nagdudulot ng kapayapaan sa isang lipunan. Ito ay ang (1) Ang paggalang sa
indibidwal na tao (2) Ang tawag ng katarungan o kapakanang panlipunan ng
pangkat (3) Ang kapayapaan

- Sa pangalawang video, pinag-usapan naman ditto ang obligasyon at hadlang ng


mga tao sa pag kamit ng kabutihang panlahat. Ang bawat tao sa isang lipunan
ay may tungkulin at obligasyon upang matamasa ang kabutihang panlahat.
Dalawang halimbawa ay ang pakikibahagi sa pasanin o burden sharing at pag-
aambag ng yaman o resource pooling. Ang burden sharing ay nangyayari kapag
nagkakaroon ng sakuna, banta o anumang pasanin ang lipunan, ang mga tao ay
dapat hati-hati sa pagtulong at pag-agap sa anumang problemang kinakaharap.
Habang ang resource pooling naman ay pagbibigay ng ambag ng yaman upang
makatulong sa pang kabuuan. Sa pagkamit ng kabutihang panlipunan, hindi
maiiwasan ang pagkakaroon ng mga hadlang. Mayroong tatlong hadlang, Ang
una ay ang pakikinabang ng tao sa benepisyo ngunit hindi ginagampanan ang
tungkulin o obligasyon sa lipunan. Pangalawang hadlang ay ang pagkamit ng
sariling interes o personal na naisin. Pangatlo ay pakiramdam na siya’y
nalalamangan o mas malaki ang naiaambag niya kaysa sa iba.

- Sa pangatlong video, pinag usapan naman dito ang kabutihan ng lahat para sa
maayos matatag na lipunan, sinabi rito na hindi kayang mabuhay ng tao mag isa
dahil maari itong magresulta sa depresyon, pag gamit ng illegal na droga,
kalungkutan, at pakiramdam ng pag-iisa. Ang bumubuo sa tao ay ang lipunan
at ang bumubuo sa lipunan ay ang mga tao. Ang maayos na lipunan ay
magkakaroon ng metatag at maayos na indibidwal. Kapag naman ay maayos
ang indibidwal ay maayos rin ang lipunan. Sa madaling salita, Ang lipunan na
may pagsasaalang-alang sa kabutihang panlahat ay magiging maayos
at matatag na lipunan. Ang maayos at matatag na lipunan ay may kabutihang
bumabalik sa mga indibidwal na kasapi dito.

B. Ano ang reyalisasyon mo mula sa mga natutuhan mo? Ipaliwanag.

- Na upang magkaroon ng matatag na lipunan, ang mga indibidwal ay dapat


magtulungan at mag koopera. Ang tao ay hindi nabubuhay sa sarili lamang dahil
magreresulta ito sa kalungkutan, depresyon, at pakiramdam ng pag-iisa. Hindi rin
masama maghangad ng kabutihang pansarili basta’t ito’y tugma para sa
kabutihang lahat. Sa madaling salita, upang magkaroon ng functioning society ay
magtulungan at iwasan ang masasama at pansariling interes.

You might also like