Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 1

DONATO, ERHON JUSTINE S.

BSCE 2-B 19-050282

Sa unang slide, ito ay nagpapakita ng simpleng komunikasyon ng sender na


nagsisimula ng pag uusap at ang receiver na nakatatanggap ng mensahe mula sa
sender. Ang modelong ito ay ginagamit sa pag uudyok, paghimok, pagtaguyod ng mga
aksyon. Kapag alam mo kung paano gumagana ang simpleng pakikipagkomunikasyon,
mas madali nating maintindihan ang mga sinasabi ng iyong kausap. Ngunit meron itong
pagkukulang, kailangan nating ilugar ang ating mga sinasabi upang maging maayos at
walang masaktan sa mga salita na inyong binibitawan.
Sa pangalawang slide, ang komunikasyon ay walang feedback, ito ay
pakikipagkomunikasyon na kung saan ay ang sender lamang ang nagsasalita at
tumatangap lamang ng mensahe ang receiver. Ito ay ginagamit upang pag aralan kung
paano ipinadala at natanggap ang mensahe. Madalas itong ginagamit sa paaralan kung
saan ay ang guro ang nagsasalita at ang mga estudyante ang nakikinig. Subalit, may
mga hadlang ang modelong ito sa pakikipagkomunikasyon. Halimbawa ay ang maingay
na kapaligiran kung saan ay hindi na maintindihan ng receiver ang sinasabi ng sender at
ang paggamit ng sender ng mga mahihirap na salita o jargon.
Sa huling slide, pinapakita ng modelo ang pakikipagusap ng sender sa mga
receiver o audience na mayroong feedback. halimbawa nito ay ang pagbibigkas ng
talumpati sa harap ng madaming tao o pagsasalita sa harap ng madla. Ginagamit ito
upang manghikayat sa ibang tao tungkol sa kanilang sinasabi. Ngunit ito rin ay maraming
depekto tulad ng pagkukunwari ng mga receiver, ang pagiging emosyonal, hindi tugma
ang pinagsasasabi at ang mga ingay habang nagsaslita ang sender.

You might also like