Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

The Gettysburg Address By Abraham Lincoln (Ang Gettysburg Address)

Walumpo’t pitong taon na ang nakaraan, ang ating mga ninuno ay nagtatag ng isang bansa, binuo ng may kalayaan
at inuukol na ang lahat ng tao ay pantay pantay.

Ngayon, tayo ay nakikibahagi sa digmaang sibil, sinusubok ang dedikasyon at ang inuukol ng isang bansa o kahit
anong bansa na binuo dito ay kung kayang magtiis. Nakatagpo tayo ng dakilang pinaglalaban sa digmaang ito. Tayo ay
nandio para ilaan ang ilang bahagi ng ating pinaglalabab upang maging hantungan ng mga taong nag-alay ng kanilang
buhay para ang bansang ito ay mabuhay. Nararapat lamang at tam ana ito ay ating gawin.

Pero, sa isang malawak na paningin, hindi natin maiuukol, hindi natin pwedeng gawing banal, ang lupang ito. Ang
mga matatapang na kalalakihan, buhay man at patay na lumaban, ay ginawang dakila at sagrado ito ng mas higit pa sa
ating kakayahan dagdagan ito o bawasan. Babahagya lamang ang mapapansin o maaalala ang mga sasabihin natin dito,
ngunit hindi nito malilimutan kung ano ang ginawa dito. Para ito sa atin na nabubuhay, na sa halip maglaan sa mga bagay
na hindi pa natatapos na gawaing buong giting nilang itinaguyod. Ito ay para sa atin, upang manapa tayo na maging
dedikado sa mga naiwang dakilang gawaing ating kakaharapin; nagmula sa pinagpipitagang namatay na tao, huhugot tayo
ng mas malalim na pagpapahalaga, na ang kanilang pagkamatay ay hindi mawawalan ng kabuluhan, na ang bansang ito sa
ilalim ng Panginoon, ay dapat magkaroon ng panibagong kasarinlan, at ang pamahalaang iyon ng mga tao, ng mga tao,
para sa mga tao, ay hindi mawala sa mundong ito.

You might also like