Professional Documents
Culture Documents
Epekto NG Berbal at Hindi Berbal Na Komunikasyon Sa Paglalaro NG Mga Manlalaro NG Ultimate Frisbee Sa Rabago Park, Villa Verde, Iligan City
Epekto NG Berbal at Hindi Berbal Na Komunikasyon Sa Paglalaro NG Mga Manlalaro NG Ultimate Frisbee Sa Rabago Park, Villa Verde, Iligan City
La Salle Academy
Abstract
Layunin ng mga mananaliksik na malaman ang epekto ng berbal na
komunikasyon sa paglalaro ng mga manlalaro ng Ultimate Frisbee sa Rabago Park,
Villa Verde, Iligan City. Nilalayon din nito na alamin kung paano
nakikipagkomunikasyon ang mga manlalaro ng frisbee sa isa’t isa habang naglalaro,
paano naaapektuhan ang paglalaro ng mga manlalaro sa ginagamit na
pangkomunikasyon at paano rin nagiging daan ang pangkomunikasyon upang
makamit ang pagkapanalo ng mga manlalaro ng frisbee. Sa pamamagitan nito,
malalaman ng mga mananaliksik kung gaano kaepektibo ang pangkomunikasyon sa
mga manlalaro.
Ang mga mananaliksik ay nagsagawa ng isang panayam na binubuo ng
sampung katanungan upang malaman ang saloobin o opinion ng mga manlalaro
patungkol sa kung papaano nakikipagkomunikasyon ang isang koponan. Dagdag
dito, gumamit ng panayam ang mga mananaliksik at nagtanong sa tatlumpung (30)
manlalaro sa Rabago. Base sa datos na aming natipon mula sa panayam, ang berbal
at hindi berbal na pakikipagkomunikasyon ay epektibong paraan upang maging
madiskarte sila sa paglalaro at mas lalaki ang pag-asa na manalo ang isang koponan.
Kung susuriin ang kanilang mga sagot, masasabi na maganda ang naidudulot ng
pangkomunikasyon ng mga manlalaro. May mga salita na sila lang ang nakakaunawa
at may mga aksyon din na ang kanilang kamiyembro ang may kaalaman kung ano
ang nais ipahiwatig nito. Ito ay magandang daan upang sila ay magkaisa.
Nakakatulong ito dahil nagiging susi ang berbal at hindi berbal na
pangkomunikasyon upang sila ay magkaintindihan at maipanalo ang laro. Sa
pananaliksik na ito, inaasahang marami sa mga manlalaro ng frisbee ang
magsasbing nakakatulong ang berbal at hindi berbal na pang-komunikasyon sa
kanilang paglalaro at ito ay epektibo.
Mga Susing Salita: ultimate frisbee, gestures, body language
PAMAMARAAN