2.-PAGSUSULIT-AT-AKTIBIDAD With Answer

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

FILIPINO – 3 RETORIKA : MASINING NA PAGPAPAHAYAG

PANGALAN: _Niezy S. Cadusales____________ PETSA: _09/13/2020_____


MODYUL : _2____________________________ ISKOR: ______________

Ikalawang Aktibidad

1. Sa dalawang anyo ng pagpapahayag, sa tingin mo, Alin ang pinakamabisa?


Bakit at Ipaliwanag?
-Ang dalawang anyo ng pagpapahayag ay ang pasalita at pasulat, sa pasalita
merong kumbersasyon at pampublikong pagsasalita kung saan may tagapagsalit
at tagapakinig. Sa pasulat naman ay may mga anyo ng pagsusulat, malikhaing
pagsulat at panunuring pampanitikan. Pinakamabisa ang pasalita, dahil mas
nagkakaintindihan ang mga taong nasasali sa kumbersasyon. Mas
naipaparamdam ng tao ang kanyang nais ipahiwatig kung ito ay pasalita.

2. Isalaysay ang relasyon ng Balarila at Retorika, Ipaliwanag Ito?


-Ang retorika ay ang kagandahan ng pagpapahayag o pagsusulat samantalang ang
balarila ay ang kawastuhan sa pagpapahayag. Ang isang pahayag uang maging
mabisa ay dapat na maganda, kaakit-akit at tama. Ang kasanayan sa wasto at
mabisang pagpapahayag bunga ng magkasamang pagsasaalang-alang sa retorika
at balarila ay isa sa mga palatandaan ng mataas na antas ng edukasyon

3. Ilahad ng maayos ang Balarila sayong pagkakaintindi, Ipaliwanag Ito?


-Ang balarila ay isang aghan upang magkaroon ng isang mainam at maayos na
pahayag. Ito ang kawastuhan sa pagsasalita ng isang tagapagpahayag. Mas
naiintindihan kasi ng mga nakikinig ang tagapagsalita kung ginagamitan ito ng
retorika lalo na ang balarila.

4. Magbigay ng tig dadalawang (2) halimbawa gamit ang iyong Imahenasyon


ng mga sumusunod:

A. Pagpapalit ng Ponema- ma + dami = marami lakad + an= lakaran


B. Pagkawala ng Ponema- tira + han= tirahan = tirhan
pa+bula+an= pabulahan = pabulaanan
C. Paglilipat diin- sira + in = sirain tago + an = taguan
D. Inuulit- bahay-bahayan Bali-balita
E. Tambalan- bahay + kubo = bahay-kubo hanap + buhay = hanap-buhay
F. Metatesis- yaya + -in = yinaya = niyaya
Lipad + -in = linipad = nilipad
5. Sumulat ng isang Malikhaing sanaysay, Gamit ang iyong Imahenasyon, kahit
anong topiko? ( Hindi Baba sa isang daang (100) na salita.

KAHIRAPAN: GOBYERNO AT KATAMARAN

Masasabi nating ang kahirapan ang isa sa mga marami at mabigat na


problema ng ating bansa. Kalahati sa bilyong katao ang nakakaranas ng kahirapan
at ang minsa pa nating sinisisi ay ang pamalakad ng ating gobyerno sa ating
bansa. Ngunit hindi ba natin napapansin na ang katamaran ng mga pilipinno ay isa
rin sa rason kung bakit tayo ay naghihirap?

Gobyerno at katamaran nating mga Pilipino ang tanging rason kung bakit
naghihirap ang ating ansa. Ang maling pamamalakad ng gobyerno ay isa sa
dahilan kung bakit hindi parin umuunlad ang ating bansa. Dahil na imbes ang
pundo ay para matulungan ang mga mahihirap ay kanilang ibinubulsa at
ipinapambili ng mga hindi makabuluhang kagamitan ayon sa kanilang personal na
interes. Maraming tao ang naghihirap sa kadahilanang wala silang mapasukan na
tamang trabaho, ngunit ang totoo ay marami naming nakalatag, at sadyang hindi
ito pinapansin dahil mas pinipili nila ang trabaho kung saan hindi sila
napapawisan. At sa kadahilanang ito ay mas pinapakita lang nating mga Pilipino
na tayo ay tamad.

Tulungan nating ang ating bansa upang makabangon tayo sa kahirapan.


Baguhin natin an gating ugaling magnakaw at maging tamad at sa pamamagitang
ito ay baka maging maganda na ang pamumuhay nating mga Pilipino.

6. Iguhit ang iyong malikhaing sanaysay sa paraang Caricature (Karikatura)?

INIHANDA NI: RONNIE W. SIBUNGA, RN,LPT


FILIPINO – 3 RETORIKA : MASINING NA PAGPAPAHAYAG

PANGALAN: _Niezy S. Cadusales____________ PETSA: _9/13/2020_____


MODYUL : _2___________________________ ISKOR: ______________

Ikalawang Pagsusulit

I. Tukuyin ang mga sumusunod na bahagi ng pananalita. Itapat ang Hanay A, nakung saan ito
ay ang depenasyon ng salita, sa Hanay B na wastong salita, Isulat lamang ang titik bago sa
numero.

Hanay A Hanay B
1. Ito ay salitang ugat o palaugatan ng mga salita A. Pares Minimal
2. Maituturing na pinaka-ina ng mga salita B. Tambalan
3. Ito ay ang pagpapalit posisyon ng mga tunog sa isang C. Pagpapalit ng Ponema
sulat kapag nilapian
4. Ito ay ang pagsasaayos ng mga salita upang makapagbuo D. Semantika
ng makabuluhang pangungusap
5. Ito ay ang dalawang salita na may kani-kaniyang E. Metatesis
kahulugan at pinagsasama at nanatili ang kahulugan.
6. Ito ay napapalitan ng ponema sa loob ng salita F. Etimolohiya
7. Ito ay ang wastong pagbigkas G. Morpemang salitang
ugat
8. Ito ay ang kahulugan ng mga salita at parirala H. Morpolohiya
9. Ito ay ang pares na salita na magkatulad I. Ponolohiya
10. Ito ay ang pagsusuri sa pagkakabalangkas ng mga salita J. Sintaks
K. Panlaping Mukauri

MGA SAGOT
1. F.
2. G.
3. E.
4. J.
5. B.
6. C.
7. I.
8. D.
9. A.
10. H.

II. Sagutan ang sumusunod na Katanungan:

1. Ibigay ang apat na uri na pokus ng pandiwa?


-Pokus sa actor o tagaganap -Pokus sa ganapan o lakatib
-Pokus sa layon o gol -Pokus sa tagatanggap o benepaktibo

2. Magbigay ng apat na bahagi ng pananalitai?


-Pangalan -Pandiwa
-Panghalip -Pangatnig

3. Ibigay ang dalawang anyo ng pagpapahayag?


-Pasalita
-Pasulat
4. Ibigay ang walong letra na nadagdag sa lumang ABAKADA:
-c,f,j,q,v,x,z,ñ

5. Sa pagbabagong morpomeniko, particular na bahagi ng pagkawala ng ponema, Ano-


anung letra ang nawala?
-Bukas + an > bukasan > buksan
-ang letrang ‘a’ sa gitna ng bukasan ay ang ponemang nawala.

III. Basahin ang pangungusap at ibigay ang kahulugan ng salitang may salungguhit.
1. May sakit sa baga ang kanyang ama.
2. Patayin mo ang baga sa kalan matapos mag-ihaw.
3. Makalawang na ang ating tubo kaya kulay-putik ang dumadaloy na tubig sa ating
mga grupo.
4. Malaki ang ating tubo mula sa pagtitinda kahapon.
5. Sa tubo nanggaling ang asukal.
6. Malaki ang butas ng ating bubong kaya tumutulo.
7. Butas pala ang bag mo kaya nahuhulog ang iyong mga damit.

Mga sagot:
1. Ang baga ay isang mahalagang kasangkapang panghininga sa mga humihingang
bertebrado.
2. Ang mga baga ay mga nagliliwanag, mapula, mainit at buhay na mga ningas ng
sinindihang uling o kahoy.
3. Ang daanang ng tubig o ibang pluwidong katulad ng langis o petrolyo, na maaaring
yari sa bakal o plastik at iba pang materyal.
4. Kita, kinita
5. Uri ng malalaking damo na napagkukunan ng asukal.
6. Bitak o siwang
7. Sira

INIHANDA NI: RONNIE W. SIBUNGA, RN,LPT

You might also like