Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 5

Paraan ng Pag-aaral at Pagsusuri ng Dula

• Dula- Isa sa pinakamatatandang anyo ng sining. Isang uri ng panitikan nahahati ito sa ilang yugto na
maramimg tagpo.
• Ayon kay Sauco-ang dula ay isang akda na naglalarawan ng buhay o ugali sa pamamagitan ng mga
tauhan sa tanghalan.

Layunin:
• 1. Itanghal ang mga tagpo sa isang tanghalan o entablado.
• 2. Mauunawaan at matutuhan ng isang manunuri ng panitikan ang ukol sa isang dula sa
pamamagitan ng panonood.
Uri ng Dula
 1. Pag-aaral sa dula bilang panitikan
 2. Pag-aaral sa dula bilang pagtatanghal.

Mga Sangkap ng Dula


• 1. Balangkas- sunod-sunod na pangyayaring inilalarawan ng mga tauhan.
• 2.Paglalahad- mga pangyayaring naganap bago nagsimula bago ang dula,dito naipakilala ang mga
tauhan at ang pagkakaugnay-ugnay ng mga pangyayari.
• 3. Pagtutunggali- pagsasalungat ng mga tauhan o kaya'y suliranin ng tauhan na sarili niyang likha gawa.
• 4. Pagpapahiwatig- makatwirang paglalahad ng mga pangyayari na dapat na
maging kasiya-siya.
• 5. Kasukdulan- makapipigil-hiningang bahagi ng dula.
• 6. Paglalarawan ng tauhan- kilos, pagsasalita at reaksyon ng tauhan a mga pangyayari at lalong
nakikilala ng mga manonood ang mga tauhan.
• 7. Tagpuan- ang mga lugar o pook na pinangyarihan.
• 8. Kilos- galaw ng mga tauhan.

Mga Dapat Isaalang-alang sa Pagsusuri ng Dula


1. Tema- pangkalahatang kaisipan.
2. Paksa- mula sa pangkalahatang paksa
3. Tauhan- pagkilos at pananalita
4. Banghay- pinakamahalagang bahagi ng dula (Simula, Gitna at Wakas)
Simula - mamamalas dito ang tagpuan, tauhan, at sulyap sa suliranin. Gitna - matatagpuan ang
saglit na kasiglahan, ang tunggalian, at ang kasukdulan. Wakas - matatagpuan naman dito ang
kakalasan at ang kalutasan.

Sulyap sa suliranin – bawat dula ay may suliranin, walang dulang walang suliranin; mawawalan ng
saysay ang dula kung wala itong suliranin; maaaring mabatid ito sa simula o kalagitnaan ng dula na
nagsasadya sa mga pangyayari; maaaring magkaroon ng higit na isang suliranin ang isang dula
Saglit na kasiglahan – saglit na paglayo o pagtakas ng mga tauhan sa suliraning nararanasan
Tunggalian – ang tunggalian ay maaaring sa pagitan ng mga tauhan, tauhan laban sa kanyang paligid, at
tauhan laban sa kanyang sarili; maaaring magkaroon ng higit sa isa o patung-patong na tunggalian ang
isang dula
Kasukdulan – climax sa Ingles; dito nasusubok ang katatagan ng tauhan; sa sangkap na ito ng dula
tunay na pinakamatindi o pinakamabugso ang damdamin o kaya’y sa pinakakasukdulan ang tunggalian
Kakalasan – ang unti-unting pagtukoy sa kalutasan sa mga suliranin at pag-ayos sa mga tunggalian
Kalutasan – sa sangkap na ito nalulutas, nawawaksi at natatapos ang mga suliranin at tunggalian sa
dula; ngunit maaari ring magpakilala ng panibagong mga suliranin at tunggalian sa panig ng mga
manonood
5. Tunggalian:
a. Tao laban sa sarili
b. Tao laban sa kapwa
c. Tao laban sa lipunan
d. Tao laban sa kalikasan
Tao laban sa Sarili - Ito ay isang uri ng tunggalian na panloob dahil nangyayari ito sa loob ng tauhan. Sa
tunggalian na ito ay kalaban ng pangunahing tauhan ang kaniyang sarili. Nakikita o napapansin ito
kapag ang pangunahing tauhan ay nahihirapan sa pagdedesisyon, sa tama ba o mali.
Panlabas na Tunggalian
Tao laban sa Tao - Ito ang pinakaunang halimbawa ng panlabas na tunggalian. Sa tunggalian na ito, ang
kalaban ng pangunahing tauhan ay isa pang tauhan. Ito ang klasikong bida laban sa kontrabida na
eksena.
Tao laban sa Kalikasan - Sa tunggalian naman na ito, ang pangunahing tauhan ay naapektuhan ng mga
pwersa ng kalikasan. Halimbawa, ang biglaang pagputok ng bulkan na maaaring maglagay sa
pangunahing tauhan sa panganib.
Tao laban sa Lipunan - Ang pangunahing tauhan sa tunggalian na ito ay nakikipagbanggaan sa lipunan.
Halimbawa nito ang pagsuway sa mga alituntunin ng lipunan o di kaya ay ang pagtakwil sa kultura ng
lipunan.
Ano ang Tunggalian?
Ang tunggalian ay isang elemento ng maikling kwento Tumutukoy ito sa problemang kinakaharap ng
pangunahing tauhan. Ito ang humuhubog sa katauhan ng pangunahing tauhan.

6. Kaisipan o Pilsopiya mula sa Diyalogo

Pagkilala sa May Akda


Francisco “Soc” Rodrigo
-Si Francisco “Soc” Rodrigo ay ipinanganak sa Bulacan noong Enero 29, 1914. Nag-aral sa Pamantasang
Ateneo de Manila at namatay noong Enero 4,1998 dahil sa kanser. Siya ay isa rin ay nanalong senador
ng dalawang termino sa magkaibang administrasyon. Isa ring kolumnista sa pahayagang ng Malaya at
Philippine Star. Naging mamahayag sa telebisyon sa ABS-CBN para sa “Mga Kuro-kuro ni Soc
Rodrigo” .Kilala din na isang kritiko ng politika at isyu ng sosyo-ekonomikal.

Sa Pula, Sa Puti
Buod:
Nagsimula ang pagsasalaysay ng iisahing yugtong dula sa paglalarawan ng karaniwang tanawin sa
lalawigan. Sa pamamahay Nina Kulas at Celing malapit sa sabungan sa panahong kasalukuyan. ( o sa
panahong binabasa binibigyang buhay sa isip, puso ng isang mambabasa o taga-tanghal.) Matatambad
na nagsusulsi si Celing habang tulad ng nakagawian na'y nagpapausok mula sigarilyo si Kulas ng tinaling
manok. Bagay na gustong pagselosan ng asawa.
Kinamusta man din ni Kulas ang asawa bagay na manghihingi na naman siya ng perang
pangsabong. Pinagtalunan nila ang mga grasya o disgrasya ng mga pinaniniwalaang palaatandaang
panginip ni Kulas.
Na nang una'y ahas na numero 8, kaya't pintakasi nitong sa ika-8 ng Pebrero magsasabong ngunit
natalo man din. At ngayon na naman ay hinabol siya ng puting kalabaw na pinagpipilitang pera ang ibig
sabihin. Maririnig na naman ang ingay ng sabungan, tiningnan ni Celing ang balisang asawa at naisip na
walang saysay ang makipagtalo kaya't binigyan na lamang niya ito.
Nagmamadaling tumungo si Kulas sa sabungan na nasalubong ang kaibigan ng asawang si
Sioning papunta sa kanila. Kagya't namang inutusan ni Celing ang utusang medyo mahina ang ulong si
Teban na pumusta sa sabungan sa katalo ng manok ng asawa. Ipinaliwanag niya sa nagtatakang si
Sioning na pumupusta siya sa kalabang manok ng asawa para siguradong Hindi sila magugutom o
mawalan ng pera sa kakasabong nito.
Natapos ang sultada, tumatakbong umuwi at ibinigay ni Teban ang nanalong pusta kay Celing. Lalabas
na lamang sila ni Sioning upang bumili ng rasyong sabon nang masalubong ang talunang si Kulas. Lumo
namang nitong sinusumpa na Hindi na magsasabong pang muli. Bagay na Hindi isinusulat na lamang ni
Celing sa tubig.
Nagkataong dumating din ang kaibigan ni Kulas na si Castor na naghimok na magsabong muli.
Tinuruan din siya ng pandaraya sa pamamagitan ng paglagay ng karayom sa sariling tinali upang matalo
ito't lihim na pagpusta sa kalabang manok.
Sa pagbalik ng kanyang asawa ay hiningan niya ito ng dalawampung pisong (malaking halaga na ito
noon) pangpusta upang makabawi sa marami nilang pagkatalo. Nangako pang, ito'y ang kahuli-
hulihang pagsabong niya at ipinatestigo kay Sioning na pakakatay niyang lahat ang kanyang mga tinali.
Tulad ng dati'y nagpapusta si Celing kay Teban ng parehong halaga sa kalabang manok. Pinayuhan siya
ng kaibigan na huwag masyadong magtiwala sa kahit sino basta't patungkol sa pera. Ngunit Hindi siya
nag-alala sa pera sapagkat matalo man siya dehadong panalo pa rin ang asawa kundi sa patuloy na
pagsasabong nito at masamang ibubunga nito.Nagtatakang sinalubong niya ang nanlulumong si Kulas
na sinisisi na naniwala pa siya kay Castor. Itinanong niya agad kung nasaan ang pinalanunan nito.
Dito na sila nagkabukingan ,nagtaka si Kulas na pagpilitang nanalo siya na Hindi naman.
Pinagdudahan nila si Teban na kumuha ng pera na umaming pinataya ni Celing ang pera sa kalabang
manok ni Kulas at natalo. Nagalit man si Kulas na kinakalaban siya ng asawa datapwat umamin din
siyang nandaya siya't pumusta din sa kalaban, na siya nitong ikinatalo.
Natalo man sila ng apatnapung piso, laking tuwa at pasasalamat pa rin ni Celing na Hindi na muling
magsasabong si Kulas at kakatayin nilang lahat ang tinali bilang pangako na rin ng asawa.
Ipinaimbitahan niya kay Sioning ang mga kaibigan at ipinahanda kay Teban ang gagamitin sa pagluluto.
Nakitawa na lang din si Kulas.
Maririnig na naman ang sigawan sa sabungan. Ngunit makikita sa kilos ni Kulas na Hindi na
muling magsasabong pa kailanman.

Pagsusuri sa Akda

• Tema- Isang magandang pagpapakita ng mga isyu ng lipunan partikular sa ugali ng pag-asa ng
karamihan sa swerte. Napapanahon din ito dahil marami pa rin hanggang ngaun ang lulong sa sugal
ngunit hindi nakikita ang msamang epekto nito.
• Paksa- Ang hindi maawat na pagkalulong ng karamihan sa mga Pilipino sa pagsusugal at paniniwala sa
kakayahan ng swerte na siyang magbabago ng takbo ng kanilang buhay

Tauhan:
• KULAS - Mapaniwalain sa mga pamahiin sa kabuhayan man o sa larangan ng buhay. Bilang tipikal na
asawang Pilipino, siya ang tipong mapagmahal bagama't may kakitiran ang isip pagdating sa usaping
personal sa pagpapasya. Ang paghumaling nito sa sugal ang humimok sa kanyang mangdaya (na biro
ng tadhana'y palpak din naman sa huli) na katibayan ng isang negatibong pag-uugali datapwat naituwid
man din ng may-akda sa pagkakaroon ng pangunahing kaisipan na hindi madadaig ng kasamaan ang
katotohanan at kabutihan.
• CELING - Maybahay ni Kulas na larawan din ng karaniwang Pilipino sa lalawigan. Mapagmahal na selosa
sa karakter nito bilang tipikal na isang Pilipinang maybahay, bagamat may malawak na pag-unawa at
mahabang pasensya. Tuso ito sa akto napagiging wais nito sa usaping pera o pagtitipid ng kita.
Naipalutang nito ang karakter ng isang Piipinang maybahay na karaniwang taga-ingat-yaman o
tagapamahala ng kita ng asawa. Bilang indibidwal sa lipunan, masasabing palakaibigan, may malinis na
reputassyon at ginagalang din naman.
• TEBAN - Kasambahay Nina Celing na masunurin sa kabila ng kahinaan ng ulo. Isang simbolo siya ng
isang Juang may mababang pinag-aralan ngunit tapat sa pinaglilingkuran. Dito naipahatid ng may-akda
na sa kabila ng di sapat na kaalaman ay kumikilos pa rin ang isang Juan upang mabuhay. Inilakip sa
karakter niya ang konting kutya sa mga Pilipinong nanatiling tamad. Tunguhing magpukaw man lang ng
damdamin na may magagawa ang sinuman para sa kaniyang sarili upang mabuhay at may ikabubuhay.
Katapatan, sipag at determinasyon ang kailangan ng bawat Pilipinong may adhikaing mapaunlad ang
buhay.
• CASTOR - Kaibigan ni Kulas na naghimok sa kanya sa gawang pandadaya. Tukso ang karakter nito.
Ipinalilitaw ng may-akda ang ugaling mabuting maitama sa panig ng mga Pilipinong palaging
pinapangarap ay manlamang sa iba at di marunong makontento sa buhay. Waring napasaysay sa
karakter niya ang pagkalugmok ng iba pang tauhan. Ipinupunto nito na ang pandaraya ay kapatid ng
magnanakaw na kailan ma'y makasasama man ay makakapapukaw din ng reyalisasyon sa buhay.
Instrumento ng pagtama sa maling gawa ang slbi ng kaniyang karakter.
• SIONING - Kaibigan ni Celing na tipikal na palakaibigan at tatak lalawigan. Sa kanya masasalamin ang
tapat, maalalahanin at maunawaing kaibigan. Ibinukod sa karakter niya ang minsang pagbalik-tanaw sa
eskandalong nangyari. Minura niya ang kanyang asawa matapos niyang nakita ito sa klub kaya't limang
araw ding nagkulong sa bahay dahil sa natamong bubog ng asawa. Palaban at mahabang pansensya,
mga katangiang dapat taglayin ng asawang Pilipina.

Banghay-
Pagpapakita ng kulturang Pilipino ay naisulat sa nakakaaliw na paraan. Sa simula pa lamang ng akda ay
makikita mo ang gusting iparating ng manunulat.Isa rito ang paniniwala ni Kulas sa swerte dahil mahilig
siyang tumaya sa sabong. Maganda rin ang daloy at pagkakarugtong ng pangayayari sa akda. Hindi mo
rin agad-agad malalaman ang mga mangyayari na magdudulot ng aliw sa pagbabasa nito. Lalo na ang
wakas nito ng natalo silang dalawang mag-asawa sa sabong na simple nagpapaliwanag na walang
magandang naiidulot ang pagsusugal

Tunggalian :
Tao Laban sa Tao-

 Matutunghayan rito ang pakikipagtunggali ng mg apangunahing tauhan kagaya ni Kulas laban


kay Celing sapagkat mayroong pagtatalo sa kanilang pagitan lalong lalo na kung pera ang pag-
uusapan.

Tao Laban sa sarili-

 Sa karakter ni Kulas matutunghayan ang kanyang hirap sa pagpipigil ng kanyang sarili na


pumunta sa sabungan kung kaya’t naglalaban ang kanyang isip at laban sa kanyang mga
paniniwala tungkol sa paniniwala niya sa kanyang mga panaginip.
 Isa pa ay ang karakter ni Celing na nakikipaglaban sa sarili sapagkat ang isip niya’y naguguluhan
sa pagitan ng kapalarang maaaring maging swerte ni kulas at sa posibleng reyalidad na
magiging resulta ng sabong.

Tao Laban sa Lipunan-

 Ang pandarayang ginawa ni Castor at Kulas ay lumalabag sa moral na panuntunan ng lipunan sapagkat
ang kanilang ginawa ay isa sa halimbawa ng mga hindi dapat tularang uri ng pag-uugaling Pilipino.

Kaisipan o Pilsopiya mula sa Diyalogo

 “Kung hindi mo sila matalo, subukan mong sa kanila’y makihalo”


-Tulad sa akda na ang sugal ay puno ng kasinungalingan at pandaraya. Dahil dito ay masasabing wala talagang
nanalo sa sugal. Si Ceiling naman ay nagpatotoo sa kasabihan na “Kung hindi mo sila matalo, subukan mong sa
kanila’y makihalo”, sapagkat tumaya rin siya sa sabong upang maibalik ang kinuha ni Kulas sa kanya. Ngunit
tumaya naman siya sa kalaban ni Kulas. Isang magandang paghahatid ng mensahe na walang nanalong totoo
kung nakuha mo lang ito sa daya.

You might also like