Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 7

PAMANTASAN NG LUNGSOD PASIG

Alkalde Jose St., Kapasigan, Pasig City

Pangalan: Delna P. Garin

Course/Section: BSED 1 FIL

“Kung ang Tao ay walang Wika”

Ang wika ay ating pagkilanlan sa mga dayo na dumadayo sa ating bansa

sapagkat ito’y ating ginagamit para magkaroon ng pagkakaunawaan sa mga

usapin ng pakikipagkalakalan ng ating mga produkto. Ayon sa sinabi ni Karl Marx

“Ang wika ay kasintanda ng kamalayan, ang wika ay praktikal na kamalayan na

umiira din para sa ibang tao, ang wika gaya ng kamalayan ay lumilitaw lamang

dahil kailanagan, dahilan sa pangangailangan sa pakikisalamuha sa ibang tao”.

Paano kong wala tayong kinagisnan na wika sa ating bansa magkakaroon pa

kaya ng kaunlaran at pagkakaunawaan sa mga salita.

Kapag kinagisnan ng mga tao na walang wika sa kanilang bansa hindi nila

maiintindihan ang bawat salita na kanilang binibigkas sa kanilang mga bibig dahil

madaming rehiyon na gumagamit ng mga iba’t-ibang dayalekto kaya dito mag-

sisimula ang mga kaguluhan sa mga rehiyon dahil hindi sila nagkakaroon ng

pagkakaintindihan sa kanilang mga usapan o kasunduan. Walang magtatalaga


ng pinuno sa isang bansa upang pamunuan ang ang buong bansa sapagkat

walang pagkakaunawaan sa pag boto ng isang pinuno. Walang batas na

itatalaga sa bansa para sundin ng mga indibidwal dahil walang pinuno na

magtatalaga ng batas para mapasunod ang bawat indibidwal sa bansa. Walang

edukasyon na maitatalaga sa bawat rehiyon dahil walang wika na umiikot sa

bansa mamumulat ang mga kabataan na walang wika na magtuturo ng tama at

mali dahil susundin nila ang kanilang kinagisnan bilang indibidwal na kabataan

sa bansa. Magkakaroon ng mga kaguluhan o digmaan sa pagitan ng bawat

rehiyon sa bansa dahil walang pagkakaunawaan sa bawat panig ng mga

indibidwal. Madami tayong binibigkas na mga salita sa ating mga bibig ngunit

walang pagkakaintindihan at pagkakaunawaan sa bawat isa dahil walang wika

na gumagabay at tumatama ng ating mga direksyon kaya tayo’y nagkakasakitan

at nagkakagulo.

Sa pagtatapos nito, ang wika ay mahalaga at makapangyarihan sa bawat

indibidwal na namumuhay o naninirahan sa isang bansa dahil ang wika ay

nagbubuklod sa atin para magkaroon tayo ng kaunlaran, paguunawaan at

pakikisalamuha sa ibang indibidwal. Nagkakaroon tayo ng pagkakaintindihan at

unawa kahit ano pang dayalektong ginagamit sa usapan dahil merong wika na

umiikot sa atin. Kung mawawala ang wika walang indibidwal na mamumuhay sa

isang bansa para umunlad dahil ang wika ay puso ng isang indibidwal para

maging matagumpay sa kanyang sarili at sa bansa.


PAMANTASAN NG LUNGSOD PASIG

Alkalde Jose St., Kapasigan, Pasig City

Pangalan: Delna P. Garin

Course/Section: BSED 1 FIL

TEORYA NG PINAGMULAN NG WIKA

TEORYA

Tawag sa siyentipikong pag-aaral sa iba’t-ibang paniniwala ng mga bagay-bagay

na may mga batayin subalit hindi pa lubusang napapatunayan.

TORE NG BABEL

Kilala rin sa taguting “teorya ng kalituhan” ay matatagpuan sa aklat ng Genesis,

bersikulo 1-8.

Nakasaad dito na dati- rati ay iisa lamang ang wikang sinasalita ng mga tao sa

buong daigdig kung kaya madaling nagkakaunawaan ang mga tao. Naipasya ng

mga taong naninitahan sa silangan sa isang katapatan ng Sinai(senai) na

magtayo ng isang lungsod na may “tore” na aabot sa langit upang sila’y

mapatanyag at huwag ng magwatak-watak.


BOW-WOW

Ang teoryang ito ay nagmula kay Max Muller na isang Aleman. Ayon sa kanya,

ang wika ay nagsimula buhat sa paggaya ng tao sa mga tunog ng kalikasan

tulad ng langitngit ng kawayan, lagasgasng tubig at ihip ng hangin.

Halimbawa:

Wikang Filipino- Tiktilaok o kaya ay kok-korokokok

DING-DONG

Nakasaad sa teoryang ito na bawat bagay ay may sariling tunog na

kumakatawan dito. Halos katulad ito ng Bow-wow subalit may bahagyang

kaibahan sapagkat hindi lamang tunog mula sa kalikasan ang sinasakalaw ng

Ding-dong kundi maging ang tunog ng mga bagay na likha ng tao tulad ng

“tiktak” ng orasan, huni ng tuko, uwak, palaka, ibon at tunog ng kamapana.

TA-TA

Ayon dito ang wikaay nagsimula sa paggaya sa mga galaw ng katawan na

humahantong ng bibig at dila.

Ang tata ay nagmula sa salaitang Pranses na nangangahulugang paalam.,

tinatawag din itong muestra.

Halimbawa:

Pagkumpas ng kamay nang pataas at pababa tuwing magpapaalam at sa pag-

iling upang mapahayag ng hinding pasang-ayon.


YO-HE-YO

Nagsimulang makabuo ng mga salita ang tao sanhi ng mga tunog na kaniyang

nauusal tuwing siya ay gagamitbng matinding puwersa sa pagbuhat ng

mabibigat nga bagay.

POOH-POOH

Ang tunog na naibubulaslas ng tao dala ng matinding takot, galak,sakit at iba

pang emosyon ang siyang paniniwalang pinagmulan ng wika. Kung minsan ay

sadyang hindi natin maiwasang umusal ng mga tunog tuwing tayo ay nasa ilalim

ng matinding emosyon.

LA-LA

Ito ay nagmula sa isang linggwistang taga- Denmark na si Otto Jespersen (1860-

1943) kung saan sinabi niya na ang salik na nagtutulak sa tao upang magsalita

ay ang mga pwersang may kinalaman sa romansa tulad ng pag-ibig na makikita

sa lenggwahe ng mga tula at awitin.

YUM-YUM

Nilikha ang tao na sadyang may mga bayolohikal na pangangailangan tulad ng

hangin, tubig at pagkain. Dito’y nagiging pangunahing layunin ng kanyang

pagkilos ang matugunan ang mga ito. Ang teoryang ito ay iniluwal ng pagkalam

ng sikmura ng tao dala ng nararamdamang gutom.

SING-SONG

Iminungkahi ng linggwistang na si Jesperson naang wika ay nagmula sa

paglalaro,pagtawa,pagbulong sa sarili,panliligaw at iba pang mga bulalas ng


emosyunal. Ang unang mga salita ay sadyang mahahaba at musical at hindi

maiikling bulalas na pinaniniwalaan ng marami.

HEY-YOU

Hawig ito ng teoryang pooh-pooh. Iminungkahi ng linggwistang naisi Revesz na

bunga ng intrapersonal na kontak ng tao sa kanyang kapwa tao ang wika. Ayon

kay Revesz, nagmula ang wika sa mga tunog ng nagbabadya ng

pagkakakilanlan (ako!) at pagkakabilang (tayo!).

Tinatawag din itong teoryang kontak..

COO-COO

Nagmula sa mga tunog na nililikha ng mga sanggol. Ang mga tunog daw na ito

ang ginaya ng mga matatanda bilang pagpapangalan sa mga bagay-bagay sa

paligid, taliwas sa paniniwala ng marami na ang mga bata ang nanggagaya ng

tunog ng mga matatanda.

TARARA-BOOM-DE-AY

Tungkol ito sa mga seremonya o ritwal na isinasagawa ng mga taotulad ng

pagsasayaw, pagsigaw at pag-ungol bilang isang porma ng pagpapahayag. Ang

mga salitang kanilang naibubulaslas mula sa ganitong mga gawain ay nagiging

bahagi ng kanilang pang-araw-araw na pamumuhay at kultura.

SANGGUNIAN:

My Filipino Subject, (2015). Teorya ng Pinagmulan ng Wika. Kinuha sa

https://www.myfilipinosubject.com/2015/06/teorya-ng-pinagmulan-ng-wika.html

You might also like