Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 9

YUNIT 2

Ang Ekokritisismo at mga Anyong Pampanitikan ( CMO 2 s. 2019)


_______________________________________________________________________________
Aralin 5

ROQUE, ROGEL JAY N. BS ECON 1B

PANIMULA
Ang pag-unlad ng panitikan sa ating bansa ay nakasanayan nang sipatin sa pamamagitan
ng pagtatapat ng iba’t ibang genre ng panitikan sa kalagayang panghistorikal. Ngunit, nang dahil
sa pagbabago ng takbo ng panahon at paglikha ng mga iba’t ibang makabagong teknolohiya,
naging hamon para sa mga manunulat ang kanilang pagsisikap na maipamalas ang ugnayan ng
panitikan sa bayan,kultura, sa mamamayan, at sa kalikasan.

Sa kabilang banda, ang panitikan ay isang likhang-isip, isang bunga ng pagsasanib ng


imahinasyon ng manunulat at ng maraming bagay (Tolentino at Reyes, 1984). Sa konseptong
ito, ipinakikita rito na ang mga manunulat ay may mahalagang papel sa pagbibigay-anyo ng
panitikan dahil sila ang aktibong nakikisangkot sa paggawa ng kanilang likhang-isip. Tungkulin
nilang mabigyan ng kaayusan ang kasalimuotan ng buhay at tinutulungan nito ang mga taong
madalumat ang mahirap na reyalisasyon ng buhay. Bukod sa nabanggit, ang bawat sangay nito
ay may tungkuling pinanghahawakan hindi lamang bilang akdang pampanitikan at
dokumentasyon ng kasaysayan ng lipunan, kundi maipakita ang kakulangan sa pagpapahalaga
ng mga tao sa kalikasan. Ang ipinahihiwatig ng ganitong konsepto ay ang pagtugon ng
ekokritisismo sa mga akdang pampanitikan o bahagi ng ekokritisismo.

MGA LAYUNIN
Pagkatapos ng pagtatalakay, ang mga mag-aaral ay inaasahang ;
1. Natukoy ang iba’t ibang uri ng ekokritisismo.
2. Naipaliliwanag ang kaugnayan ng ekokritisismo at panitikan.
3. Naipaliliwanag ang mahalagang tungkulin ng panitikan sa ekokritisismo.
4. Napahahalagahan ang tungkuling ginagampanan ng panitikan sa ekokritisismo.
5. Nakapagsusulat ng sariling kathang pampanitikang may kaugnayan sa ekokritisismo.
_____________________________________________________

BALANGKAS NG PAKSA

YUNIT 2 - Ang Ekokritisismo at mga Anyong Pampanitikan


Aralin 1 – Uri ng Ekokritisismo
1.1 . Pagtatanong sa Representasyon at Pagsulat ng Kalikasan
1.2 . Ang Ekokritikal na mga Isyu at Tanong
SUBUKIN NATIN !
I- PANUTO : Bumuo ng mga salita sa salitang EKOKRITISISMO .

KRITISISMO

EKO KRITIKO

EKOKRITISISMO

MITO KRITOS

II- PANUTO : Bilugan ang mga iba’t ibang anyong pampanitikan na kabilang sa
ekokritisismo.

K U W E N T O S R

B Q J I M D F A V

L X Y V Z T L L K

A W I T H U D A P

L D E G K L O M N

U T G I S A X A F

B M L H V K P T S

A E Y C F N R I K

P S A N A Y S A Y
PAG-ISIPAN MO !
A. PANUTO : Mag-isip at magtala ng mga patunay hinggil sa mahalagang tungkuling
ginagampanan ng panitikan sa ekokritisismo.

1. Mahalaga ang papel na ginagampanan ng ekokritisismo sa panitikan


dahil ginagamit ang panitikan sa pagtamo ng maayos na buhay sa
pamamagitan ng pamumuna upang humamon at magbago sa uri ng
ugnayan ng tao at kalikasan.

Panitikan ang ginamit sa pagtatanghal sa isyung


2. pangkapaligiran.Ipinapahayag ng mga akda ang mga problema sa
kalikasan dulot ng mga masasamang gawain ng tao.

Nakapaloob sa mga panitikan ang ugnayan ng tao at kalikasan. Sinasa ng


may akda ang ugnyan ng dalawa upang ihayag sa mga nakakarami kung
mabuti ba o masama ang ugnayan ng tao at kalikasan.
3.

Ginagamit ang panitikan bilang midyum para malaman ng nakakarami ang


pagkawasak ng kalikasan dulot ng hindi mabuting ugnayan ng tao at
kalikasan at mga masasamang epekto ng mga gawain ng tao na
4. nagdudulot ng pagkasira sa kapaligiran.

Panitikan ang ginagamit upang itampok ang kalikasan bilang bida o


protagonista sa mga akdang pampanitikan.

5.
RUBRIKS
Pamantayan sa pagbibigay ng puntos sa pagsulat ng komposisyon, talata at sanaysay .

Pamantayan Kaukulang Puntos Marka

1.Sistematiko at malinaw na pagkalahad 5


ng detalye

2.Kaangkupan sa nilalaman ng paksa 4

3. Pagsunod sa tuntuning panggramatika 4

4.Kalinisan at kaayusan sa pagsulat 2

KABUUAN 15

Pamantayan sa pagbibigay ng puntos sa pagsagot ng mga pagsasanay .

Pamantayan Kaukulang Puntos Marka

1.Malinaw ang pagkalahad ng detalye. 5

3. Nasunod nang wasto ang panuto 3

4.Kalinisan at kaayusan sa pagsulat 2

KABUUAN 10
MAGBASA AT MAGNILAY-NILAY
Sinasabing, analogo sa paghahanap ng representasyon ng kapaligiran ang pagturing
sa panitikan bilang wika ng ekokritisismo. Inilalahad sa mga aklat ang tuon ng
ekokritisismo gaya ng ; eko-kuwentong-bayan, eko-tula, eko-awit, at eko-pelikula. Ang
URI NGngEKOKRITISISMO
ekokritisismo ay bagong sangay panunuring pampanitikan. Ang paggamit nito ay
nangangailangan ng kaalaman sa pamamaraang batayan sa pagbasa ng tekstong
pampanitikan upang mabigyang linaw ang pag-unawa sa nilalaman ng teksto kung saan
isinagawa ang pagbasang ekokritikal.

1.1. PAGTATANONG SA REPRESENTASYON AT PAGSULAT


NG KALIKASAN

Ang pagbasa at pagsuri ng anumang tekstong hinggil sa kapaligiran at kalikasan


na gamit ang wika at tekstong pampanitikan ay naghahatid sa pagiging ekolinggwista at
ekokritiko ng isang indibidwal. Nangangahulugan lamang, na ang representasyon ng
kalikasan sa pagbibigay-halaga sa panitikan o sa wika sa lapit na nakapokus sa mundo ay
sa pamamagitan ng ginagampanang tungkulin ng kalikasan sa akdang pampanitikan
(Dobie, 2012). Datapuwat, ang paglilinaw sa kaibahan ng kalikasan at kapaligiran ay ang
unang hakbang sa pagbasa at pagsusuri ng mga akdang pampanitikan sa pananaw-
ekokritisismo.

Aralin 1.2. ANG EKOKRITIKAL NA MGA ISYU AT TANONG

Sinasabing, sa pagsasagawa ng pagsisiyasat ay may tinatawag na kritikal na gawain.


Ang pagiging kritikal ng isang kritiko ay nakasalalay sa masusi at malalim na pagbasa sa
isang akdang pampanitikan ayon sa larang ng ekokritisismo. Magsisimula ito sa
pamamagitan ng pag-alam at pagkilala hinggil sa mga natatanging isyu na may kinalaman
sa kalikasan at kaligiran. Ipinahayag ni Glotfelty (1996), ang iilang mga gabay na tanong
na nakapokus sa aspektong patungkol sa genre, ekolohiya, gender, institusyunal na gawi
(may kinalaman sa kalikasan) at iba pa.

Kung ikaw ay bibigyan ng


pagkakataon, paano mo
hikayatin ang mga kabataan na
pahalagahan ang kanilang
kapaligiran?
GAWIN NATIN !
GAWAIN 1

PANUTO : Sagutin ang mga sumusunod na tanong at isulat ang iyong tugon sa nakalaang
espasyo.

Ang mahalagang tungkulin ng panitikan sa


ekokritisismo ay inilalapat sa panitikan ang
ekokritisismo sa pamamagitan ng pagsulat na
Ano ang mahalagang tungkulin may kaugnayan sa kalikasan at isinisiwalat ng
ng panitikan sa ekokritisimo?
panitikan ang waring nabayaang kalikasan.

Nakakatulong ang mga akdang pampanitikan sa


pagpapahalaga sa kalikasan at kapaligiran dahil
Paano nakatutulong ang isisiwalat ng mga akdang pampanitikan ang mga
mga akdang pampanitikan masamang epekto na dulot ng mga tao ng dahil dito
sa pagpapahalaga ng ay mas na focus ang atensyon ng mga mambabasa at
kalikasan at kapaligiran? naging aware sa mga nangyayari sa kapaligiran dahil
sa mga akdang pampanitikan.

May kinalaman ba ang pag-


aaral ng panitikan sa
pagkakaroon ng kamalayan ng Oo may kinalaman ito sapagkat nang dahil sa pag
tao sa kahalagahan ng aaral ng panitikan ay nababasa ng tao ang
kalikasan? Bakit? kahalagahan ng kalikasan at malalaman nila kung
ano ang masamang epekto sa kalikasan ng mga
gawain ng tao na hindi naaayon sa kalikasan.

Kung ikaw ay inatasang mamuno


sa inyong lugar, anong proyekto
ang iyong ilulunsad upang Ang proyektong aking ilulunsad ay papangalanan kung
mapanatili ang kaayusan at "CLEAN AND GREEN" ang proyektong ito ay may
kalinisan nito? layunin na panatilihing malinis ang kapaligiran at ihiwalay
ang mga basura katulad ng basura na nabubulok at hindi
nabubulok at may lugar kung saan itatapon ang mga
basura ng bawat barangay nang sa ganun ay mapanatili
ang kalinisan sa ating paligid at kung sinong lumabag ay
may karampatang parusa.

Gagamitin kung platform ang social media para


hikayatin ang mga kabataan na pahalagahan ang
kapaligiran. Gagawa ako ng isang video na
GAWAIN 2 magpapaliwanag ng kahalagahan ng kalikasan at mga
masasamang dulot ng ng tao sa kalikasan nang sa
ganun ay matauhan at malaman nila ang epekto nito.
PANUTO : Kumatha ng sariling akdang pampanitikan gaya ng eko-kuwento , eko-sanaysay,
eko-tula o eko-pabula na may kinalaman sa katiwasayan at kaayusan ng
kapaligiran at kalikasan. (Pumili lamang ng isa)

Si Maria ay Bumalik Na
Inaamin ko ako’y lubos na nagkamali,
Imbes na mahalin dala ko’y pighati,
Ang maitim na tubig at kalbong kagubatan,
Lahat ng iyan ako ang may kagagawan,
Makapal na ang mukha, pero yan ang katotohanan.

Gumagamit din ako ng dinamita tuwing nangingisda,


Walang pakialam na pinapatay ko na any iyong mga likha,
Tinatapon ko rin ang mga basura sa ilog,
Dahil diyan, ika’y umiiyak habang ako’y mahimbing na natutulog,
Pagiging makasarili ang lumamon sa akin.

Oo! Sinagad kita sa abot nang iyong makakaya,


Walang pakialam basta’t ako’y kuntento’t masaya,
Ngunit ngayon itatama ko na aking mga pagkakamali,
Sapagkat nakita ko sa iyong luntiang mga mata ang iyong piping paghikbi,
Kaya’t Mariang Kalikasan, tunay na pagmamahal sa iyo ilalaan.

Basura’y hindi ko na itatapon kung saan-saan,


At ika’y buong pusong pagsisilbihan,
Magtatanim at aalagaan ko na rin ang kapaligiran,
Mga kapamilya’t kaibigan ay aking hihimukin,
Na ang iyong kapakanan ay gawing numero unong adhikain,

Ngayon ako’y lubos na nagagalak,


Sapagkat bumabalik na ang iyong mayuming halakhak,
Ang luntian mong mga mata ngayon ay puno na ng galak,
At ang maitim mong luha nuon ay naging purong asul na,
Salamat sa Diyos, si Maria ay bumalik na!

-Ang tula na ito ay aking sariling katha na ang aking inspiration ay ang kalikasan. Inihahayag
ko sa tulang ito ang mga nangyayari sa ating kapaligiran at ginamitan ko ng aking imahinasyon
at pagkamalikhain.
RUBRIKS
Pamantayan sa pagbibigay ng puntos sa pagsulat ng komposisyon, talata at sanaysay .

Pamantayan Kaukulang Puntos Marka

1.Sistematiko at malinaw na pagkalahad 5


ng detalye

2.Kaangkupan sa nilalaman ng paksa 4

3. Pagsunod sa tuntuning panggramatika 4

4.Kalinisan at kaayusan sa pagsulat 2


KABUUAN 15

Pamantayan sa pagbibigay ng puntos sa pagsagot ng mga pagsasanay .

Pamantayan Kaukulang Puntos Marka

1.Malinaw ang pagkalahad ng detalye. 5

3. Nasunod nang wasto ang panuto 3

4.Kalinisan at kaayusan sa pagsulat 2

KABUUAN 10

You might also like