Professional Documents
Culture Documents
Sa Bagong Paraiso
Sa Bagong Paraiso
VIII. REPLEKSYON: Lubhang napakahirap labanan ang tukso lalo na’t sila ang naging
dahilan ng ating pagtawa at ang rason kung bakit may saysay ang mundo. Minsan ang
pakiramdam na ito ay hindi naiintindihan ng ibang tao kung kaya’t madali lang sa
kanilang sabihin ang salitang “Lumayo ka sa tukso!” Minsan tayo ay nadadala sa saya
kung kaya’t nakakalimutan natin ang pangarap sa atin ng iba. Ngunit sa kwentong ito,
ito’y nagpapahiwatig na kahit ano man ang maging dahilan mo dapat parin tayong
magising sa ating munting pagiisip tungkol sa larangan ng pag-ibig. Aral muna ang
dapat asikasuhin upang mas maabot natin ang ating mga pangarap sa buhay at
makatulong sa ating mga magulang dahil ang totoong pag-ibig ay nakapaghihintay.