Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

MODULE 5

1. ANO ANG PINAKAMAHALAGANG KAISIPAN NAKINTAL SA IYONG ISIPAN?


 Para sa akin ang pinakamahalagang kaisipan nakintal sa aking isipan batay sa
pinanuod ko patungkol sa mga krikitong naiambag nila mapa lokal man o banyagang
kritiko ay ang kanilang mga-akdang panitikan ay nakatulong sa akin upang umulat ako
kung ano-anong mga kaalaman na nakuha ko sakanila na kung saan ang mga aral na
sakanila galing ay nakapagbigay ng kaalaman kung paano mapapaunlad ang mga
konsepto na kung saan makakatulong upang mabigyan linaw ang paggawa at paglikha
ng mga panitikan. Gayunpaman, hindi mapagkakaila na ang kanilang mga likha ang
nagbukas sa karamihan upang mahalin ang mga panitikan sa ating bansa. Sa huli,
karamihan sa kanilang mga likha noon ay nakabatay sa mga pagpapahalaga sa wika at
kulturang kinabibilahan natin ngayon na kung saan hanggang sa kasalukuyan ay
pinagyayaman parin ng kasalukuyang panahon.

2. BILANG KABATAANG FILIPINO PAANO MO MAIPAPAKITA ANG IYONG


PAGPAPAHALAGA SA MGA KRITIKO SA ATING BANSA?
 Bilang isa sa mga kabataang kinikilalang “Ang Pag-asa ng Bayan” ayon kay Dr. Jose P.
Rizal, mapapakita ko ang pagpapahalaga sa mga likha ng mga kritiko sa ating bansa sa
paraan ng pagtangkilik sa mga akda na kanilang nilimbag at gawa rin ng sa
kasalukuyan na kung saan magsisilbi itong tulay upang maging salin-salin ang
kaalaman ng kabataan ngayon kung ano bang uring kritiko meron tayo noon at paano
sila nakatulong sa kasalukuyang panahon. Gayun rin, kung paano nila naumulat at
napagyaman ang mga panitikan noong sinaunang panahon kahit limitado palang noon
ang kanilang mga resources.
TUKLASIN

1. ANO-ANO ASPETO NG BUHAY NG TAO ANG INILARAWAN SA AWIT?


 Ang aspetong nilalarawan sa awiting may pamagat na “Bahay” ni Gary Granada ay nagpapakita
kung anong uri ng estado ng buhay meron sa ating bansa at politikal na meron sa ating bayan.
Na kung saan, pinapakita niya ang kalagayan na dinadanas ng ating mga kababayan na hindi
man lang binibigyan ng importansya ng mga nakakataas na pamahalaan ang ganitong uri ng
buhay na meron sa ating bansa. Ayon pa sakanya, “Maghapo't magdamag silang kakayod,
kakahig Pagdaka'y tutukang nakaupo lang sa sahig” pinapakita niya dito na kahit gaano ka pa
kasipag kung ganun na buhay na kinagisnan mo ay wala narin magbabago. Para sa akin, wala
talagang patutunguang pagbabago sa ating bansa kung ang sistemang ginagalawan natin ay
kinakalawang o sa madaling salita ay bulok. Dahil sa ganitong mga sitwasyon lubos na
kaylangan ang pagmamalasakit ng isang pulitika sa kanyang mamamayahan upang makamtan
ang pagbabago sa ating lugar.

2. PAANO INILARAWAN NI GARY GRANADA ANG KAHIRAPAN SA KANYANG AWIT?


 Ayon sa linyang binitawan niya sa kanyang kanta na may pamagat na “Bahay”, inilalarawan
niya na “Labinglimang mag-anak ang duo'y nagsiksikan Nagtitiis sa munting barung-barong na
sira-sira” at “Sa init ng tabla't karton sila doo'y nakakulong Sa lilim ng yerong kalawang at mga
sirang gulong Pinagtagpi-tagping basurang pinatungan ng bato” dito pa lamang masasabi muna
ang lubhang kahirapan na dinadanas ng ating mga kababahayan sa ating bansa, dahil tila ba
sila’y mga daga na nagsisiksikan sa maliit na espasyo na yari lamang sa sira-sirang mga bagay.
Lubos na masakit isipin ang realidad na mayroon sa ating bayan na halos isang kahid at isang
tuka lamang sila. Kung saan, ang mga namamahala sa kanilang nasasakupan tila bang
pagkatapos pakinabangan sa eleksyon at naluklok sa pwesto na gusto nila, hindi na nila naalala
ang mga taong nagluklok sakanila at tila bang sila ay pikit bulag sa sitwasyon na dinadanas ng
kanilang nasasakupan. At ang kanilang pinangakong kagandahan na buhay bago ang eleksyon
tila bang hanggang pangako na lamang.

3. ANO ANG NAGGING TUGON O REAKSIYON NG MANUNULAT SA SITWASYONG


KANYANG NASAKSUHAN?
 Ayon sa kanyang kanta na may linyang “At sinangguni ko sa mga taong marami ang alam Isang
bantog na senador ang unang nilapitan ko At dalubhasang propesor ng malaking kolehiyo Ang
pinagpala sa mundo, ang dyaryo at ang pulpito Lahat sila'y nagkasundo na ang tawag sa ganito
Ay bahay” masasabi mo kung gaano siya kauhaw kung paano masosolusyunan ang sitwasyong
dinadanas na kahirapan sa ating bayan ngunit nabigo siyang makuha ang suporta ng mga
pulitika kung kaya’t masasabi mo nalang na ang kantang ito ay nagpapakita ng kung gaano
kalawak ang hindi pag ka pantay ang nararanasan ng mga mahihirap at mayayaman sa ating
bansa at kung paanong ang gobyerno ay nakapabor lamang sa mga mayayaman at
isinasawalang bahala ang mga mahihirap na higit na mas nangangailangan ng aksyon ng
nakakataas patungkol sa kanilang sitwasyon. Sa huli, naniniwala parin si Gary Granada na
“Baka naman isang araw kayo doon ay maligaw Mahipo n'yo at marinig at maamoy at
matanaw” ang sitwasyon na kanilang dinadanas at mabigyan na tamang opportunidad na
nararapat sa kanila dahil sila ang mas higit na may kaylangan nito hindi ang mga mayayaman
na mamamayan.

You might also like