Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 9

Araling Panlipunan 8

Ikalawang Markahan - Aralin 2


Grade 8 V.3 Q2

I. Alamin

Sa Panahong Medieval, unti-unting namayagpag ang Simbahang Katoliko. Nagsimulang maging


Kristiyano ang mga tao sa Europa, subalit nang bumagsak ang “Holy Roman Empire”, nawalan ng malakas
na pinuno ang imperyo. Sa kabilang dako ay nagpapalawak din ng imperyo ang mga Muslim. Nakuha ng
mga Muslim ang Jerusalem. Sa modyul na ito ay malalaman natin ang paglakas ng Simbahang Katoliko
bilang isang makapangyarihang institusyon at ang paglunsad ng mga Krusada noong Panahong Medieval
at ang mga naging resulta ng mga Krusada.

Paksa: Paglakas ng Simbahang Katoliko at ang Paglunsad ng Krusada sa


Europe

II. Subukin
Panuto: Suriing mabuti ang bawat pahayag. Bilugan ang titik ng tamang sagot.
1. Isang banal na digmaan na inilunsad ng Simbahang Kristiyano laban sa mga
Turkong Muslim na sumakop sa Jerusalem.
A. Kabalyerismo B. Krusada C. Piyudalismo D. Manoryalismo.
2. Ang kinikilalang pinakamataas na pinuno ng Simbahang Katoliko ay ang:
A. Obispo B. Hari C. Papa D. Arsobispo.
3. Si Jesus ay kinikilala ng mga kristiyano na:
A. Propeta B. Hari ng Hudyo C. Messiah D. Apostol
4. Ang Papa na naghimok sa mga kabalyero na maging krusador ay si:
A. Papa Leo I B. Papa Urban II C. Papa Innocent I D. Papa Gregory VII
5. Ang Krusada ay masasabing bigo ngunit ang magandang naidulot nito sa kristiyanismo ay:
A. ang paglakas ng kapangyarihan ng Simbahan B. ang pag-unlad ng kultura ng Simbahan
C. ang pagsama ng mga Hari sa Europa sa krusada D. ang pagkilala sa Kristiyanismo sa buong mundo
6. Ang Kristiyanismo ay nagmula sa relihiyong:
A. Hudaismo B. Zoroastrianismo C. Hinduismo D. Budahismo
7. Ang Kristiyanismo at Islam ay may parehong paniniwala tungkol sa:
A. Pagka Diyos ni Jesus B. Pagkapropeta ni Jesus
C. Pinagmulang lahi ni Abraham D. Bagong testamento.
8. Ang estadong pinamamahalaan ng Papa ay:
A. Roma B. Vatican C. Venice D. Florence
9. Ang lupaing sinakop ng mga Turkong Muslim ay:
A. Roma B. Byzatine C. Jerusalem D. Egypt
10. Kung Roma ang naging sentro ng kristiyanismo sa kanlurang Europa, ano naman ang sentro ng
kristiyanismo sa silangan?
A. Roma B. Jerusalem C. Egypt D. Byzantine

Department of Education ● Division of Iloilo City


1
III. Balikan
Larawan-Suri
Suriin ang larawan at sagutin ang mga sumusunod na tanong.

1. Ano ang ipinahihiwatig ng larawan?_________


_______________________________________

2. Nasa anong panahong sa kasaysayan makikita ang


tagpong nasa larawan?
_______________________________________
_______________________________________

3. Sa kasalukuyan, mayroon pa kayang mga tagpong tulad ng iyong nakita


sa larawan? Patunay
_________________________________________
_________________________________________

IV. Tuklasin

Larawan-Suri
Suriing mabuti ang tagpong nasa larawan at sagutin
ang mga sumusunod na katanungan.

1. Nasa anong panahon sa kasaysayan makikita ang


tagpong nasa larawan?___________________________
______________________________________________
2. Mayroon pa kayang ganitong tagpo na nagaganap sa
kasalukuyan? Patunayan._________________________
______________________________________________

V. Suriin

Mga Salik na Nakatulong sa Paglawak ng Kapangyarihan ng Kapapahan


Apat ang pangunahing salik na nagbigay-daan sa paglakas ng kapangyarihan ng Papa sa
Rome. Pangunahin na rito ang pagbagsak ng Imperyong Romano na siyang nagbunsod sa
kapangyarihan ng kapapahan.

1. Pagbagsak ng Imperyong Roman


Marami ang dahilan ng paglakas ng kapangyarihan ng Simbahang Katoliko at ng kapapahan. Isa na
rito ang pagbagsak ng imperyong Romano noong 476 C.E., na naghari sa kanluran at silangang Europe sa
Gitnang Silangan at sa hilagang Africa sa loob ng halos 600 taon. Tinukoy ni Silvian, isang pari, na
kalooban ng mga Roman ang bunga ng kanilang mga kasamaan. Ang mga kayamanang umagos papasok
sa Rome ang naging sanhi ng palasak na kabulukan sa pamahalaan ng imperyo. Sa walang tigil na
pagsasamantala sa tungkulin ng mga umuugit ng pamahalaan, nahati ang lipunan sa dalawang panig- ang
pinakamaliit na bahagi ng lipunan na binubuo ng mayayaman at malalakas na pinuno sa pamahalaan at
mga nakararaming maliliit na mamamayan. Lubhang nakapagpahina ang kabulukan sa pamahalaan at ang
kahabag-habag na kalagayan ng pamumuhay ng mga pangkaraniwang tao sa katayuan ng Imperyong
Rome. Noong 476 C.E., tuluyan itong bumagsak sa kamay ng mga barbaro na dati ng nakatira sa loob ng
imperyo mula pa noong ikatlong siglo ng Kristiyanismo. Sa kabutihang-palad, ang simbahang Kristiyano,
Department of Education ● Division of Iloilo City
2
na tanging institusyong hindi pinakialaman ng mga barbaro, ang nangalaga sa mga pangangailangan ng
mga tao.

2. Matatag at Mabisang Organisasyon ng Simbahan


Nasa ilalim ng Obispo ang maraming pari sa iba’t ibang parokya sa lungsod. Nang lumaganap ang
Kristiyanismo mula sa lungsod patungo sa mga lalawigan, sumangguni sa mga Obispo ang mga pari sa
kanilang pamumuno. Sa ilalim ng pamumuno at pamamahala ng Obispo, hindi lamang mga gawaing
espiritwal ang pinangalagaan ng mga pari, kundi pinangasiwaan din nila ang gawaing pangkabuhayan,
pang-edukasyon at pagkawanggawa ng Simbahan. Bukod dito, ang Obispo rin ang namamahala sa
pagpapanatili ng kaayusan at katarungan sa lungsod at sa iba pang mga nasasakupan. Tinawag na mga
Arsobispo ang mga Obispo na nakatira sa malalaking lungsod na naging unang sentro ng Kristiyanismo.
Bukod sa panrelihiyong pamamahala ng kanilang sariling lungsod, may kapangyarihan ang isang
Arsobispo sa mga Obispo ng ilang karatig na maliit na lungsod. Ang Obispo ng Rome, na tinawag bilang
Papa, ang kinikilalang katas-taasang pinuno ng Simbahang Katoliko sa kanlurang Europe. Kabilang siya
sa mga Arsobispo, Obispo at mga Pari ng mga parokya. Mula noong kalagitnaan ng ika-11 siglo, pinipili
ang mga Papa ng Kolehiyo ng mga Kardinal sa pamamagitan ng palakpakan lamang, depende kung sino
ang gusto ng matatandang kardinal. Sa Konseho ng Lateran noong 1719, pinagpasyahan ng mayorya ang
paghalal ng Papa. Ang kapapahan (Papa) ay tumutukoy sa tungkulin, panahon, ng panunungkulan at
kapangyarihang panrelihiyon ng Papa bilang pinuno ng Simbahang Katoliko, gayundin ang kapangyarihang
pampulitika bilang pinuno ng estado ng Vatican. Ang salitang “Pope” ay nagangangahulugang AMA na
nagmula sa salitang Latin na “Papa”. Noong unang panahon itinuturing ng mga kristyano ang “Papa” bilang
ama ng mga Kristiyano.

3. Uri ng Pamumuno sa Simbahan


Maraming mga naging pinuno ng Simbahan ang nakatulong sa pagpapalakas ng
pundasyon ng Simbahang Katoliko Romano at Kapapahan. Ilan lamang sa mahahalagang
tao ng Simbahan at ang kanilang mga nagawa ang makikita sa talahanayan.
Pinuno Paraan ng Pamumuno
Consatantine the  Pinagbuklod-buklod niya ang lahat ng mga Kristiyano sa
Great buong imperyo ng Rome at ang Konseho ng Nicea na
kaniyang tinawag.
 Pinalakas ni Constantine ang kapapahan sa pamamagitan
ng Konseho ng Constantinople. Sa kapulungang ito,
pinaguri-uri ng mga Obispo ang iba’t ibang malalaking
lungsodsa buong imperyo. Gayundin, pinili ang Rome
bilang pangunahing diyosesis at dahil dito, kinilala ang
Obispo ng Rome bilang pinakamataas na pinuno ng
Simbahang Katoliko Romano.
Papa Leo the Great Binigyang-diin niya ang Petrine Doctrine, ang doktrinang
(440-461) nagsasabing ang Obispo ng Rome, bilang tagapagmana ni San
Pedro, ang tunay na pinuno ng Kristiyanismo. Sa kaniyang
mungkahi, ang emperador sa kanlurang Europe ang nag-utos na
kilalanin ang kapangyarihan ng Obispo ng Rome bilang
pinakamataas na pinuno ng Simbahan. Makalipas ang ilang daang
taon, ibinigay ang pangalang Papa sa Obispo ng Rome. Tumanggi
naman ang Simbahang Katoliko sa silangang Europe na kilalanin
ang Papa bilang pinakamataas na pinuno ng Kristiyanismo

Papa Gregory I Natamo ni Papa Gregory I ang sukdulan ng tagumpay nang


magawa niyang sumampalataya ang iba’t ibang mga barbarong
tribo at lumaganap ang Kristiyanismo sa malalayong lugar sa
kanlurang Europe. Dahil dito, nagpadala siya ng mga misyonero
sa iba’t ibang bansa na hindi pa sumasampalatay sa Simbahang
Katoliko. Buong tagumpay na nagpalaganap ng kapangyarihan ng
Papa ang mga misyonerong ito nang sumampalataya sa
Kristiyanismo ang England, Ireland, Scotland, at Germany.
Papa Gregory VII Sa kaniyang pamumuno naganap ang labanan ng
kapangyarihang sekular at eklesyastikal ukol sa power of
investiture o sa karapatang magkaloob ng tungkulin sa mga
Department of Education ● Division of Iloilo City
3
tauhan ng Simbahan noong kapanahunan ni Haring Henry IV ng
Germany. Itiniwalag kaagad niya sa simbahan si Haring Henry IV
na gumanti naman nang ipag-utos niya ang pagpapatalsik kay
Papa Gregory VII. Ngunit nang maramdaman ni Henry IV na
kaanib ni Papa Gregory VII ang mga Maharlika sa Germany,
sumuko siya sa Papa at humingi ng kapatawaran. Binawi ng Papa
ang kaparusahang pagtitiwalag sa Simbahan pagkatapos ng
lubhang paghihirap sa pagtawid sa Alps at napahamak pagkaraan
nang malaon at masidhing pag-aaregluhan.

4. Pamumuno ng mga Monghe


Binubuo ang mga monghe ng isang pangkat ng mga pari na tumalikod sa makamundong
pamumuhay at nanirahan sa mga monasteryo upang mamuhay sa panalangin at sariling disiplina. Sila ang
mga regular na kasapi ng mga pari at itinuturing na higit na matapat kaysa mga paring sekular. Tuwirang
nasa ilalim lamang ng kontrol at pangangasiwa ng Abbot at Papa ang mga monghe.
Namumuhay ang mga monghe sa ilalim ng mahigpit na mga alituntunin ng monasteryo. Dahil dito, malaki
ang kanilangimpluwensya sa pamumuhay ng tao noong Panahong Medieval. Dahil sa kanilang
paniniwalang “Ang pagtatrabaho at pagdarasal,” nagsikap sila sa paglinang at pagtanim sa mga lupain na
nakapaligid sa kanilang mga monasteryo. Dahil dito, hindi lamang kapaki-pakinabang ang kanilang
pagsisikap sa mga monasteryo, kundi higit pang nakaimpluwensya ito sa pag-unlad ng agrikultura sa
buong Europe noong Panahong Medieval.

Ang Krusada
Ang Krusada ay isang ekspedisyong militar na inilunsad ng Kristiyanong Europeo dahil sa panawagan
ni Pope Urban II noong 1095. Ito ay isang banal na labanan ng mga relihiyosong Europeo laban sa mga
Turkong Muslim na sumakop sa banal na pook sa Jerusalem. Mula Jerusalem balak salakayin ng mga
Turkong Muslim ang Imperyong Byzantine kaya humingi ng tulong ang Emperador ng Byzantine sa Papa sa
Rome lalo pa at sa pagsalakay na ito ay mapalaganap ang relihiyong Islam. Sa panawagan ni Papa Urban,
hinimok niya ang mga kabalyero (knights) na maging krusador at pinangakuan niya ang mga ito na
papatawarin sila sa kanilang mga kasalanan; kalayaan sa mga pagkautang; at kalayaang pumili ng “fief” mula
sa lupa na kanilang masakop.

Unang Krusada
Ang unang Krusada ay binuo ng mga 3,000 kabalyero at 12,000 na mandirigma sa pamumuno ng
Prinsipe at mga Pranses na nabibilang sa “nobility”. Matagumpay na nabawi ng grupong ito ang Jerusalem
noong 1099 at nagtatag sila ng Estadong Krusador malapit sa Mediterranean. Sa pagsalakay nila sa
Jerusalem, maraming Muslim ang napatay, pati na ang mga Hudyo at Kristyano. Nanatili sila ng mga
limampung taon sa Jerusalem ngunit sinalakay din sila ng mga Muslim.

Ikalawang Krusada
Sa paghihikayat ni St. Bernard ng Clairvaux, sinamahan siya nina Haring Luis VII ng France at
Emperor Conrad III ng Germany. Maraming balakid na naranasan anggrupong ito sa pagpunta sa Silangan at
ang pinakatagumpay nila ay ang pagsakop ng Damascus. Hindi pa man sila nakalayo sa pinanggalingang
Europe ay nalunod na si Frederick at si Philip naman ay bumalik sa France dahil nag-away sila ni Richard.
Nagpatuloy si Richard hanggang sa nagkasagupaan sila ni Saladin, ang pinuno ng mga Turko. Sa
kahulihulihan nagkasundo silang itigil ang labanan. Sa loob ng tatlong taon ang mga Kristiyano ay malayang
nakapaglakbay sa Jerusalem. Binigyan pa sila ng maliit na lupain malapit sa baybayin.

Krusada ng mga Bata


Noong 1212 isang labin dalawang taong French na ang pangalan ay Stephenay naniwala na siya ay
tinawag ni Kristo na mamuno ng Krusada. Libong mga bata angsumunod sa kaniya ngunit karamihan sa kanila
ay nagkasakit, nasawi sa karagatan at ang iba ay ipinagbili bilang alipin sa Alexandria.
Ikaapat na Krusada
Ang ikaapat na Krusada na inulunsad noong 1202 ay naging isang iskandalo. Ang mga krusador ay
ibinuyo ng mga mangangalakal ng Venetra na Kristiyanong bayan ng Zara. Nagalit ang Papa sa ginawa nilang
Department of Education ● Division of Iloilo City
4
ito kaya sila ay idineklarang “excomunicado”. Nagpatuloy sa pagdarambong ang mga krusador hanggang sa
Constantinople kung saan nagtayo sila ng sariling pamahalaan. Noong 1261 sila ay napatalsik sa
Constantinople at naibalik ang Imperyong Byzantine. Ang huling kuta ng mga Kristiyano sa Arce ay
napasakamay ng mga Muslim at ito ay naging simula ng paghina ng Krusada.
Iba pang Krusada
Nagkaroon ng iba pang Krusada noong
1219, 1224, 1228 ngunit lahat ng mga ito ay naging
bigo sa pagbawi muli sa Holy Land. Sa kabuuan,
ang mga Krusada ay pawang bigo, maliban sa una
na nahawakan nila ang Jerusalem sa loob ng isang
daang taon at pagkatapos nito ay nanumbalik na
naman sa kamay ng mga Turkong Muslim ang
lupain.

Resulta ng Krusada
Kung mayroon mang magandang naidulot
ang Krusada, ito ay sa larangan ng kalakalan.
Napalaganap ang komersyo at ito ay nagsilbing salik sa Ruta ng ilan sa mga krusada pag-
unlad ng mga lungsod at malalaking daungan. Ang
kulturang Kristiyano ay napayaman din. Sa kabilang Ang salitang “Crusade” ay nagmula sa salitang
panig, ang krusada ay naglantad ng tunay na mga Latin na “crux” na nangangahulugang “cross”.
layunin ng mga sumama sa gawaing ito. Hindi Ang mga Krusador ay taglay ang simbolo ng Krus
pagmamalasakit sasimbahan ang naging dahilan sa kanilang kasuotan.
sapagsama sa banal na laban na ito kundi ang
pagkakataong makapaglakbay at mangalakal.

VI. Pagyamanin
Gawain I. Diyagram ng Aking Natutuhan
Panuto: Batay sa binasang teksto, suriing mabuti ang mga salik na nakatulong sa paglakas ng kapangyarihan ng
Papa sa Europe. Ipaliwanag ang iyong sagot.

Salik sa
Paglakas ng
Kapangyariha
n ng Papa

Department of Education ● Division of Iloilo City


5
Gawain II. Pagpapalalim ng Kaalaman
Panuto: Gumawa ng “retrieval chart” kung saan itatala mo ang mga sumusunod.

KRUSADA PINUNO KATANGIAN RESULTA

VII. Isaisip
Ang mga pangunahing salik na nagbigay-daan sa paglakas ng kapangyarihan ng Papa sa Rome ay, Ang
Pagbagsak ng Imperyong Romano, Matatag at Mabisang Organisasyon ng Simbahan, ang Uri ng Pamumuno sa
Simbahan, at ang Pamumuno ng mga Monghe,
Marami ang mga naging pinuno ng Simbahan ang nakatulong sa pagpapalakas ng pundasyon ng
Simbahang Katoliko Romano at Kapapahan gaya nina Constantine the Great, Papa Leo the Great, Papa Gregory
I, Papa Gregory VII.
Ang Krusada ay isang ekspedisyong militar na inilunsad ng Kristiyanong Europeo dahil sa panawagan ni
Pope Urban II noong 1095. Ito ay isang banal na labanan ng mga relihiyosong Europeo laban sa mga Turkong
Muslim na sumakop sa banal na pook sa Jerusalem.
Ang salitang “Crusade” ay nagmula sa salitang Latin na “crux” na nangangahulugang “cross”. Ang mga
Krusador ay taglay ang simbolo ng Krus sa kanilang kasuotan.

VIII. Isagawa
Gawain. Suriin at punan ang talahanayan ng mga kontribusyon ng mga nabanggit na pangyayaring
nagbigay daan sa pag-usbong ng Europe sa panahong Medieval.

Mga Pangyayaring Nagbigay-daan sa


Pag-usbong ng Europe sa Panahong
Medieval

Ang Paglakas ng SimbahangPaglulunsad ng mga Krusada


Katoliko Bilang Isang sa pagusbong ng Europe sa
Institusyon sa Gitnang Panahong Medieval
Panahon

Kontribusyon Kontribusyon

Department of Education ● Division of Iloilo City


6
Patunay Patunay

IX. Tayahin
I. Panuto: Suriing mabuti ang bawat pahayag. Isulat ang letra ng tamang sagot sa inilaang patlang.
_____1. Mahalagang pangyayari sa Panahong Medieval ang paglakas ng Simbahang Katoliko. Isang bahagi nito
ang paglakas ng kapangyarihan ng Kapapahan (Papacy). Alin sa sumusunod ang higit na naglalarawan sa
Kapapahan o sa Papacy?
A. Ito ay tumutukoy sa tungkulin, panahon ng panunungkulan at kapangyarihang panrelihiyon ng Papa bilang
pinuno ng Simbahang Katoliko.___________
B. Tumutukoy din ito sa kapangyarihang politikal ng Papa bilang pinuno ng estado ng Vatican.
C. Itinuturing ang Papa bilang Ama ng mga Kristiyano na siya pa ring tawag hanggang sa kasalukuyan.
D. Simbolo ang Kapapahan ng malawak na kapangyarihan ng Simbahang Katoliko noong Panahong Medieval
_____2. Ang Krusada ay isang ekspedisyong militar na inilunsad ng Kristiyanong
European dahil sa panawagan ni Pope Urban II. Ano ang pangunahing layunin ng Krusada?
A. mapalawak ang teritoryo ng mga Kristiyano
B. mabawi ang Jerusalem sa kamay ng mga Turkong Muslim
C. mapalawak ang kalakalan ng mga bansang Europeo
D. mapalawak pa ang kapangyarihan ng simbahang Katoliko
_____3. Pagkatapos ng ____________ ang mga Europeo ay nagpasya na makipaglaban sa mga Musim.
A. Ika 10-siglo B. Ika 14-siglo C. Ika 11-siglo D. Ika 12-siglo
_____4. Ang unang papa na nanawagan ng krusada noong 1095.
A. Papa Eugenius III B. Papa Urban I C. Papa John Paul II D. Papa Urban II
_____5. Ang mga sumusunod ay mga salik na nakatulong sa paglakas ng kapangyarihan ng simbahang Katoliko
maliban sa ___________.
A. Pagbagsak ng Imperyong Roman B. Matatag at Mabisang Organisasyon ng Simbahan
C. Uri ng Pamumuno ng Simbahan D. Pamumuno ng mg dayuhan

II. Panuto: Isulat ang Tama kapag sang-ayon ka sa ipinahihiwatig ng pangungusap at Mali kung hindi.
_____1. Ang salitang crusade ay nagmula sa salitang latin na crux.
_____2. Isang pangkat ng monghe ang mga paring tumalikod sa makamundong pamumumuhay at
nanirahan sa mga monastery upang mamuhay sa panalangin at sariling disiplina.
_____3. Binigyan-diin ni Papa Leo the Great ang Truman Doctrine, na nagsasabi ang Obispo ng Rome, ang
tagapagmana ni San Pedro - ang tunay na pinuno ng Kristiyanismo.
_____4. Ang Unang Krusada ay binuo ng 100 na kabalyero at 5,000 mandirigma.
Department of Education ● Division of Iloilo City
7
_____5. Ang mga knights ay nangangahulugang kabalyero na naging krusador.
_____6. Ang kapapahan (Papacy) ay panahong panunungkulan at kapangyarihang panrelihiyon ng Papa bilang
pinuno ng estadong Vatican.
_____7. Krusada ang tawag sa ekpidisyong pangkalakan na inilunsad ng Kristyanong Europeo laban sa mga
Turkong Muslim upang mabawi ang Jerusalem sa mga kamay nito.
_____8. Ang Ikaapat na Krusada na inilunsad noong 1202 ay naging kahangahangang pangyayari.
_____9. Noong 1212 isang labindalawang taong French na ang pangalan ay Stephen ang naniwala na siya ay
tinawag ni Kristo na mamuno ng Krusada.
_____10. Isa sa mga naging dahilan ng Paglakas ng kapangyarihan ng kapapahan ay ang pagbagsak ng
Imperyong Roman dahil sa paglusob ng mga Tsino.

X. Karagdagang Gawain
Gumawa ng maikling talambuhay ni Papa Francis, ang kasalukuyang Papa. Batay sa iyong nabasa tungkol
sa kanya, ano ang katangian niya na hinahangaan mo?

Mga Sanggunian
Modyul ng Mag-aaral, Araling Panlipunan - Kasaysayan ng Daigdig 8 p.229-246
Project EASE - Modyul 8, Ang Simbahang Katoliko: Isang Makapangyarihang Institusyon sa Gitnang
Panahon
https://images.app.goo.gl/bw8PQF2Zdx2gb8FE6
Gregory I
http://upload.wikimedia.org/wikipedia/commons/9/97/Francisco_de_Zurbar%C3%A1n_040.jpg
Gregory VII
http://hist2615.wikispaces.com/file/view/Gregory_VII-1.jpg/251843136/174x220
Leo the Great
http://upload.wikimedia.org/wikipedia/commons/5/5b/Pope_St._Leo_IV.jpg

Gabay sa Pagwawasto

II. Subukin IX. Tayahin


1. B I. II.
Department of Education ● Division of Iloilo City
2. C 8 1. A 1. Tama
Department of Education ● Division of Iloilo City
9

You might also like