Professional Documents
Culture Documents
Araling Panlipunan Module 8 - Paglakas NG Simbahang Katoliko at Mga Krusada
Araling Panlipunan Module 8 - Paglakas NG Simbahang Katoliko at Mga Krusada
Araling Panlipunan Module 8 - Paglakas NG Simbahang Katoliko at Mga Krusada
II. Subukin
Panuto: Suriing mabuti ang bawat pahayag. Bilugan ang titik ng tamang sagot.
1. Isang banal na digmaan na inilunsad ng Simbahang Kristiyano laban sa mga
Turkong Muslim na sumakop sa Jerusalem.
A. Kabalyerismo B. Krusada C. Piyudalismo D. Manoryalismo.
2. Ang kinikilalang pinakamataas na pinuno ng Simbahang Katoliko ay ang:
A. Obispo B. Hari C. Papa D. Arsobispo.
3. Si Jesus ay kinikilala ng mga kristiyano na:
A. Propeta B. Hari ng Hudyo C. Messiah D. Apostol
4. Ang Papa na naghimok sa mga kabalyero na maging krusador ay si:
A. Papa Leo I B. Papa Urban II C. Papa Innocent I D. Papa Gregory VII
5. Ang Krusada ay masasabing bigo ngunit ang magandang naidulot nito sa kristiyanismo ay:
A. ang paglakas ng kapangyarihan ng Simbahan B. ang pag-unlad ng kultura ng Simbahan
C. ang pagsama ng mga Hari sa Europa sa krusada D. ang pagkilala sa Kristiyanismo sa buong mundo
6. Ang Kristiyanismo ay nagmula sa relihiyong:
A. Hudaismo B. Zoroastrianismo C. Hinduismo D. Budahismo
7. Ang Kristiyanismo at Islam ay may parehong paniniwala tungkol sa:
A. Pagka Diyos ni Jesus B. Pagkapropeta ni Jesus
C. Pinagmulang lahi ni Abraham D. Bagong testamento.
8. Ang estadong pinamamahalaan ng Papa ay:
A. Roma B. Vatican C. Venice D. Florence
9. Ang lupaing sinakop ng mga Turkong Muslim ay:
A. Roma B. Byzatine C. Jerusalem D. Egypt
10. Kung Roma ang naging sentro ng kristiyanismo sa kanlurang Europa, ano naman ang sentro ng
kristiyanismo sa silangan?
A. Roma B. Jerusalem C. Egypt D. Byzantine
III. Balikan
Department of Education ● Division of Iloilo City
1
Larawan-Suri
Suriin ang larawan at sagutin ang mga sumusunod na tanong.
IV. Tuklasin
Larawan-Suri
Suriing mabuti ang tagpong nasa larawan at sagutin
ang mga sumusunod na katanungan.
V. Suriin
Ang Krusada
Ang Krusada ay isang ekspedisyong militar na inilunsad ng Kristiyanong Europeo dahil sa panawagan
ni Pope Urban II noong 1095. Ito ay isang banal na labanan ng mga relihiyosong Europeo laban sa mga
Turkong Muslim na sumakop sa banal na pook sa Jerusalem. Mula Jerusalem balak salakayin ng mga
Turkong Muslim ang Imperyong Byzantine kaya humingi ng tulong ang Emperador ng Byzantine sa Papa sa
Rome lalo pa at sa pagsalakay na ito ay mapalaganap ang relihiyong Islam. Sa panawagan ni Papa Urban,
hinimok niya ang mga kabalyero (knights) na maging krusador at pinangakuan niya ang mga ito na
papatawarin sila sa kanilang mga kasalanan; kalayaan sa mga pagkautang; at kalayaang pumili ng “fief” mula
sa lupa na kanilang masakop.
Unang Krusada
Ang unang Krusada ay binuo ng mga 3,000 kabalyero at 12,000 na mandirigma sa pamumuno ng
Prinsipe at mga Pranses na nabibilang sa “nobility”. Matagumpay na nabawi ng grupong ito ang Jerusalem
noong 1099 at nagtatag sila ng Estadong Krusador malapit sa Mediterranean. Sa pagsalakay nila sa
Jerusalem, maraming Muslim ang napatay, pati na ang mga Hudyo at Kristyano. Nanatili sila ng mga
limampung taon sa Jerusalem ngunit sinalakay din sila ng mga Muslim.
Ikalawang Krusada
Sa paghihikayat ni St. Bernard ng Clairvaux, sinamahan siya nina Haring Luis VII ng France at
Emperor Conrad III ng Germany. Maraming balakid na naranasan anggrupong ito sa pagpunta sa Silangan at
ang pinakatagumpay nila ay ang pagsakop ng Damascus. Hindi pa man sila nakalayo sa pinanggalingang
Europe ay nalunod na si Frederick at si Philip naman ay bumalik sa France dahil nag-away sila ni Richard.
Nagpatuloy si Richard hanggang sa nagkasagupaan sila ni Saladin, ang pinuno ng mga Turko. Sa
kahulihulihan nagkasundo silang itigil ang labanan. Sa loob ng tatlong taon ang mga Kristiyano ay malayang
nakapaglakbay sa Jerusalem. Binigyan pa sila ng maliit na lupain malapit sa baybayin.
Ikatlong Krusada
Ito na marahil ang pinakamahalagang Krusada dahil; tatlong Hari ng Europa ang nanguna ditto:
Frederick Barbossa ng Germany; Richard I ng England and Philip Augustus ng France. Hindi pa man sila
nakalayo sa pinanggalingang Europa ay nalunod nsi Ferderick at si Philip naman ay bumalik sa France dahil
nag-away sila ni Richard. Nagpatuloy si Richard hanggang sa nagkasagupaan sila ni Saladin, ang pinuno ng
mga Turko. Sa kahulihulihan nagkasundo silang tumigil ng labanan sa loob ng tatlong taon ang mga
Kristiyano ay malayang nakapaglakbay sa Jerusalem. Binigyan pa sila ng maliit na lupain malapit sa
baybayin.
Department of Education ● Division of Iloilo City
4
Krusada ng mga Bata
Noong 1212 isang labin dalawang taong French na ang pangalan ay Stephenay naniwala na siya ay
tinawag ni Kristo na mamuno ng Krusada. Libong mga bata angsumunod sa kaniya ngunit karamihan sa kanila
ay nagkasakit, nasawi sa karagatan at ang iba ay ipinagbili bilang alipin sa Alexandria.
Ikaapat na Krusada
Ang ikaapat na Krusada na inulunsad noong 1202 ay naging isang iskandalo. Ang mga krusador ay
ibinuyo ng mga mangangalakal ng Venetra na Kristiyanong bayan ng Zara. Nagalit ang Papa sa ginawa nilang
ito kaya sila ay idineklarang “excomunicado”. Nagpatuloy sa pagdarambong ang mga krusador hanggang sa
Constantinople kung saan nagtayo sila ng sariling pamahalaan. Noong 1261 sila ay napatalsik sa
Constantinople at naibalik ang Imperyong Byzantine. Ang huling kuta ng mga Kristiyano sa Arce ay
napasakamay ng mga Muslim at ito ay naging simula ng paghina ng Krusada.
Iba pang Krusada
Nagkaroon ng iba pang Krusada noong
1219, 1224, 1228 ngunit lahat ng mga ito ay naging
bigo sa pagbawi muli sa Holy Land. Sa kabuuan,
ang mga Krusada ay pawang bigo, maliban sa una
na nahawakan nila ang Jerusalem sa loob ng isang
daang taon at pagkatapos nito ay nanumbalik na
naman sa kamay ng mga Turkong Muslim ang
lupain.
Resulta ng Krusada
Kung mayroon mang magandang naidulot
ang Krusada, ito ay sa larangan ng kalakalan.
Napalaganap ang komersyo at ito ay nagsilbing salik
sa pag-unlad ng mga lungsod at malalaking daungan. Ruta ng ilan sa mga krusada Ang
kulturang Kristiyano ay napayaman din. Sa kabilang
panig, ang krusada ay naglantad ng tunay na mga Ang salitang “Crusade” ay nagmula sa salitang
layunin ng mga sumama sa gawaing ito. Hindi Latin na “crux” na nangangahulugang “cross”.
pagmamalasakit sasimbahan ang naging dahilan Ang mga Krusador ay taglay ang simbolo ng
sapagsama sa banal na laban na ito kundi ang Krus sa kanilang kasuotan.
pagkakataong makapaglakbay at mangalakal.
VI. Pagyamanin
Gawain I. Diyagram ng Aking Natutuhan
Panuto: Batay sa binasang teksto, suriing mabuti ang mga salik na nakatulong sa paglakas ng kapangyarihan ng Papa
sa Europe. Ipaliwanag ang iyong sagot.
Salik sa
Paglakas ng
Kapangyarihan
ng Papa
VII. Isaisip
Ang mga pangunahing salik na nagbigay-daan sa paglakas ng kapangyarihan ng Papa sa Rome ay, Ang
Pagbagsak ng Imperyong Romano, Matatag at Mabisang Organisasyon ng Simbahan, ang Uri ng Pamumuno sa
Simbahan, at ang Pamumuno ng mga Monghe,
Marami ang mga naging pinuno ng Simbahan ang nakatulong sa pagpapalakas ng pundasyon ng
Simbahang Katoliko Romano at Kapapahan gaya nina Constantine the Great, Papa Leo the Great, Papa Gregory
I, Papa Gregory VII.
Ang Krusada ay isang ekspedisyong militar na inilunsad ng Kristiyanong Europeo dahil sa panawagan ni
Pope Urban II noong 1095. Ito ay isang banal na labanan ng mga relihiyosong Europeo laban sa mga Turkong
Muslim na sumakop sa banal na pook sa Jerusalem.
Ang salitang “Crusade” ay nagmula sa salitang Latin na “crux” na nangangahulugang “cross”. Ang mga
Krusador ay taglay ang simbolo ng Krus sa kanilang kasuotan.
VIII. Isagawa
Gawain. Suriin at punan ang talahanayan ng mga kontribusyon ng mga nabanggit na pangyayaring
nagbigay daan sa pag-usbong ng Europe sa panahong Medieval.
Kontribusyon Kontribusyon
IX. Tayahin
I. Panuto: Suriing mabuti ang bawat pahayag. Isulat ang letra ng tamang sagot sa inilaang patlang.
_____1. Mahalagang pangyayari sa Panahong Medieval ang paglakas ng Simbahang Katoliko. Isang bahagi nito
ang paglakas ng kapangyarihan ng Kapapahan (Papacy). Alin sa sumusunod ang higit na naglalarawan sa
Kapapahan o sa Papacy?
A. Ito ay tumutukoy sa tungkulin, panahon ng panunungkulan at kapangyarihang panrelihiyon ng Papa bilang
pinuno ng Simbahang Katoliko.___________
B. Tumutukoy din ito sa kapangyarihang politikal ng Papa bilang pinuno ng estado ng Vatican.
C. Itinuturing ang Papa bilang Ama ng mga Kristiyano na siya pa ring tawag hanggang sa kasalukuyan.
D. Simbolo ang Kapapahan ng malawak na kapangyarihan ng Simbahang Katoliko noong Panahong Medieval
_____2. Ang Krusada ay isang ekspedisyong militar na inilunsad ng Kristiyanong
European dahil sa panawagan ni Pope Urban II. Ano ang pangunahing layunin ng Krusada?
A. mapalawak ang teritoryo ng mga Kristiyano
B. mabawi ang Jerusalem sa kamay ng mga Turkong Muslim
C. mapalawak ang kalakalan ng mga bansang Europeo
D. mapalawak pa ang kapangyarihan ng simbahang Katoliko
_____3. Pagkatapos ng ____________ ang mga Europeo ay nagpasya na makipaglaban sa mga Musim.
A. Ika 10-siglo B. Ika 14-siglo C. Ika 11-siglo D. Ika 12-siglo
_____4. Ang unang papa na nanawagan ng krusada noong 1095.
A. Papa Eugenius III B. Papa Urban I C. Papa John Paul II D. Papa Urban II
_____5. Ang mga sumusunod ay mga salik na nakatulong sa paglakas ng kapangyarihan ng simbahang Katoliko
maliban sa ___________.
A. Pagbagsak ng Imperyong Roman B. Matatag at Mabisang Organisasyon ng Simbahan
C. Uri ng Pamumuno ng Simbahan D. Pamumuno ng mg dayuhan
II. Panuto: Isulat ang Tama kapag sang-ayon ka sa ipinahihiwatig ng pangungusap at Mali kung hindi.
Department of Education ● Division of Iloilo City
7
_____1. Ang salitang crusade ay nagmula sa salitang latin na crux.
_____2. Isang pangkat ng monghe ang mga paring tumalikod sa makamundong pamumumuhay at
nanirahan sa mga monastery upang mamuhay sa panalangin at sariling disiplina.
_____3. Binigyan-diin ni Papa Leo the Great ang Truman Doctrine, na nagsasabi ang Obispo ng Rome, ang
tagapagmana ni San Pedro - ang tunay na pinuno ng Kristiyanismo.
_____4. Ang Unang Krusada ay binuo ng 100 na kabalyero at 5,000 mandirigma.
_____5. Ang mga knights ay nangangahulugang kabalyero na naging krusador.
_____6. Ang kapapahan (Papacy) ay panahong panunungkulan at kapangyarihang panrelihiyon ng Papa bilang
pinuno ng estadong Vatican.
_____7. Krusada ang tawag sa ekpidisyong pangkalakan na inilunsad ng Kristyanong Europeo laban sa mga
Turkong Muslim upang mabawi ang Jerusalem sa mga kamay nito.
_____8. Ang Ikaapat na Krusada na inilunsad noong 1202 ay naging kahangahangang pangyayari.
_____9. Noong 1212 isang labindalawang taong French na ang pangalan ay Stephen ang naniwala na siya ay
tinawag ni Kristo na mamuno ng Krusada.
_____10. Isa sa mga naging dahilan ng Paglakas ng kapangyarihan ng kapapahan ay ang pagbagsak ng
Imperyong Roman dahil sa paglusob ng mga Tsino.
X. Karagdagang Gawain
Gumawa ng maikling talambuhay ni Papa Francis, ang kasalukuyang Papa. Batay sa iyong nabasa tungkol
sa kanya, ano ang katangian niya na hinahangaan mo?
Mga Sanggunian
Modyul ng Mag-aaral, Araling Panlipunan - Kasaysayan ng Daigdig 8 p.229-246
Project EASE - Modyul 8, Ang Simbahang Katoliko: Isang Makapangyarihang Institusyon sa Gitnang
Panahon
https://images.app.goo.gl/bw8PQF2Zdx2gb8FE6
Gregory I
http://upload.wikimedia.org/wikipedia/commons/9/97/Francisco_de_Zurbar%C3%A1n_040.jpg
Gregory VII
http://hist2615.wikispaces.com/file/view/Gregory_VII-1.jpg/251843136/174x220
Leo the Great
http://upload.wikimedia.org/wikipedia/commons/5/5b/Pope_St._Leo_IV.jpg
Gabay sa Pagwawasto