First Aid o Pangunang Lunas

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 7

First Aid o Pangunang Lunas

Ang paunang lunas o first aid ay ang pagbibigay ng pangunahing magagawang tulong, kalinga, at
pangangalaga sa mga taong napinsala ng sakuna o karamdaman. Isinasagawa ito ng isang taong
pangkaraniwan hanggang sa panahong maaari nang ibigay ang mas dalubhasang tulong pansagip buhay
ng mga manggagamot. Kinasasangkapan ang kasanayang ito ng mga payak, ngunit nakapagliligtas, na
kasanayang may kaugnayan sa panggagamot. Maaaring makatamo ng pagsasanay ang isang
pangkaraniwang tao upang maisagawa ang pagbibigay ng tulong na ito, kahit man hindi ginagamitan ng
mga natatanging aparatong panggagamot.

3 Pangunahing Layunin

1. Pagpapanatili ng buhay
2. Pag-iwas mula sa pagkakaroon ng mga dagdag na pinsala o pag-iwas sa paglala ng kapinsalaan o
karamdaman
3. Pagtataguyod sa paggaling

May mga kasanayan na itinuturing na pinakapusod ng pagbibigay ng paunang tulong-lunas, kahit saan pa
man o paano man naituro ang mga ito. Tinuturuan ang mga tagapagbigay ng pangunahing tulong
panlunas na laging tatandaan ang ABC ng mga hakbang sa pagbibigay ng mga paunang tulong-pansagip
ng buhay bago magpatuloy sa pagbibigay ng iba pang mga kalunasan:

 Airway – Ang daanan ng hangin / Ang daanang panghininga / Ang daanang-hingahan


 Breathing – Buga ng paghinga / Bantayan ang katangian ng paghinga
 Circulation – Sirkulasyon o pagdaloy ng dugo sa katawan
 Duguan ba ang pasyente? o Dinudugo ba ang biktima?

Ang ibig sabihin nito ay dapat lamang na unahin munang suriin at subuking lutasin ang mga suliraning
may kaugnayan sa daanan ng hangin (bibig at ilong) ng pasyente. Kung walang balakid sa daanan ng
hininga at paghinga, dapat na isunod na suriin at subuking sugpuin ng tagapaglunas ang anumang
suliranin at pinsala na may kaugnayan sa sirkulasyon (pagdaloy at pagikot ng dugo sa katawan). May
ibang mga tagapagsanay o tagapagturo na nagdaragdag ng pang-apat na hakbang: ang D para sa Duguan
ba ang pasyente? o Dinudugo ba ang biktima?, o kaya ay ang pagbibigay ng Depibrilasyon. Nakasalalay
sa antas ng kasanayan ng tagapagbigay-lunas ang mga pagkakaiba sa mga pamamaraan ng pasisipat at
pagsusuri at pagpapanatili ng mga mahahalagang ABC ng taong manlulunas. Kapag naiayos at napainam
na ang mga ito, maaari nang magbigay ng mas masulong na mga gawaing-panlutas ang mga taong
tagapanagip, kung kinakailangan.
 NABALING BUTO
 PASO
 NABULUNAN
 MATINDING PAGDURUGO
 CPR – Cardiopulmonary Resuscitation

 STROKE

You might also like