Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 5

MGA BARAYTI NG WIKA

“Wikang Filipino at iba pang Wika sa Rehiyon: Wika ng Bayan Para sa


Kapayapaan” –Panitikang Bayan-

ANG HETEROGENEOUS AT HOMOGENEOUS NA WIKA


Ang pagiging homogenous o heterogenous ng isang wika ay tumutukoy sa pagkakaroon
ng iisang porma o estandard na anyo nito o kaya tumutukoy sa pagkakaroon ng iisang porma o
kaya ay pagkakaroon ng iba't ibang porma o barayti

Heterogeneous Na Wika
Ang heterogeneous ay isang pang-uri na salita. Mula sa salitang heterous (magkaiba) at
genos (uri/lahi) nabuo ang heterogeneous.Dahil sa pagkakaiba ng mga indibidwal at grupo ng
tao, ayon sa lipunan na kanyang ginagalawan, antas ng pamumuhay, edad, lebel ng edukasyon na
natamasa at interes sa buhay, nagkaroon ng ibat-ibang barayti ang ating wika. Una ay ang
permanenteng barayti kung saan ay nakasama dito ang mga idyolek at dayalektong uri ng wika.

Halimbawa: Tagalog ang pangunahing wika ng Timog katagalugan ngunit bawat lugar
dito ay may ibat-ibang katangian ng wika mayroong Tagalog Batangas, Tagalog Laguna,
Tagalog Quezon.

Ang Homogeneos na Wika


Ang Homogeneous ay pagkakatulad ng mga salita, ngunit dahil sa paraan ng
pagbabaybay at intonasyon o aksent sa pagbibigkas ito ay nagkakaroon ng ibang kahulugan.
Halimbawa: Ang panghihiram natin ng mga salitang dayuhan at pagbibigay ng sariling
kahulugan dito. Halimbawa nito ay kung paanong ang salitang "gimmick" na nasa wikang Ingles
ay may kahulugang "pakulo o paraan ng pagpukaw ng atensyon." Habang ngayon nagkaroon ito
ng kahulugan na "pamamasyal kasama ng

Barayti ng Wika
Ang wika ay midyum ng pakikipagtalastasan. Ginagamit ito upang epektibong
makapagpahayag ng damdamin at kaisipan. Kakambal ng wika ang kulturang pinagmulan nito,
kung kaya mahalaga rin ang papel na ginagampanan ng wika sa pagpapalaganap at
pagpapayabong ng kulturang pinanggalingan nito.
Ito ang barayti ng wikang ginagamit ng partikular na pangkat ng mga tao mula sa isang
partikular na lugar tulad ng lalawigan, rehiyon, o bayan..Gumagamit ang mga tao ng isang
wikang katulad ng sa iba pang lugar subalit naiiba ang punto o tono, may magkaibang katawagan
para sa iisang kahulugan, iba ang gamit na salita para sa isang bagay, o magkakaiba ang pagbuo
ng pangungusap na siyang nagpapaiba sa dayalek ng lugar.Kahit na iisa ang wika ay may
natatanging paraan ng pagsasalita ang bawat isa.Lumulutang ang mga katangian at kakanyahang
natatangi ng taong nagsasalita. Ang sumusunod ay halimbawa ng barayti ng wika.

IDYOLEK
Walang dalawang taong nagsasalita ng isang wika ang bumibigkas nito nang
magkaparehong- magkapareho. Itinuturing din itong inbidibwal na dayalek ng isang tao na
makikita sa punto at paraan ng kanyang pagsasalita, vokabulari at iba pang aspektong pangwika.
Hal: Magandang gabi, bayan" ni Kabayan Noli de Castro

SOSYOLEK
Nakabatay sa katayuan o antas panlipunan o dimensyong sosyal ng mga taong
gumagamit ng wika. Kapansin-pansin kung paano makikitang nagkakapangkat-pangkat ang mga
tao batay sa ilang katangian. Ayon kay Rubrico(2009), ang sosyolek ang pinakamahusay na
palatandaan ng istratipikasyon ng isang lipunan, na siyang nagsasaad sa pagkakaiba ng paggamit
ng wika ng mga tao na nakapaloob dito batay sa kanilang katayuan sa lipunan at sa mga grupo na
kanilang kinabibilangan. Para matanggap ang isang tao sa isang grupong sosyal, kailangan
niyang matutunan ang sosyolek na ito.Hal: Gay Linggo - "Hay naku ka gurl, nakakajines ka"

ETNOLEK
Barayti ng wika mula sa mga etnolongguwistikong grupo .Ang salitang etnolek ay
nagmula sa mga salitang etniko at dialek.Taglay nito ang mga salitang nagiging bahagi na ng
pagkakakilanlan ng isang pangkat-etniko.Halimbawa: Vakuul = tumutukoy sa gamit ng mga
Ivatan na pantakip sa ulo sa init man o saulan Bulanon= full moon Ang paggamit ng mga Ibaloy
ng SH sa simula, gitna at dulo ng salita tulad ng shuwa(dalawa) sadshak (kaligayahan), pershen
(hawak). Hal: Panghihiram ng salita - Ang paghiram natin ng salitang credit card mula sa mga
banyaga

PIDGIN
Ang pidgin ay umusbong na bagong wika o tinatawag sa Ingles na ‘nobody’s native
language’ o katutubong wikang di pag-aari ninuman.Nangyayari ito kapag may dalawang taong
nagtatangkang mag-usap subalit pareho silang may magkaibang unang wika kaya’t di
magkaintindihan dahil hindi nila alam ang wika ng isa’t isa.
Hal: Chinese Filipino “Suki ikaw bili akin ako bigay diskawnt”. (Suki, bumili ka na ng paninda
ko. Bibigyan kita ng diskawnt.)

CREOLE
Ang wikang nagmula sa pidgin ay nagiging likas na wika o unang wika na ng batang
isinilang sa komunidad ng pidgin. Nagamit na ito ng mahabang panahon, kaya’t nabuo ito
hangggang sa magkaroon ng pattern o mga tuntuning sinusunod na ng karamihan. Ito ngayon
ang creole, ang wikang nagmula sa isang pidgin at naging unang wika sa isang lugar. Hal:
Buenas dias. (Chavacano) (magandang umaga.)
Mahalaga ang pag-aaral ng barayti ng wika sa atin, dahil dito nagkakaroon ng
pagkakaunawaan at pagkakaisa ang lahat ng tao. Kung wala ito mawawalan ng saysay ang lahat
ng ating sinasabi. Mahalagang pag-aralan ang iba't ibang barayti ng wika upang:

1. Maintindihan natin ang ating kapwa. Balik- tanaw sa ating kasaysayan at mga pamumuhay ng
mga tao noong unang panahon.
2. Ito ang sumisimbolo ng pakakakilanlan ng isang indibidwal.
3. Mas naipapahayag ng isang tao ang kanyang emosyon at damdamin kapag mayroon siyang
gustong sabihin
MGA BARAYTI NG WIKA
Gawain 1
Unawain ang pahayag. Linggo ng umaga habang ika’y papunta ng simbahan,
maraming tao kang nakasalubong at nakausap. Paano mo sila kakausapin at babatiin?
Isulat sa patlang ang sasabihin.

1. Ano ang sasabihin mo sa isa sa mga guro mo?


2. Ano ang sasabihin mo sa kaibigan mong bakla? 
3. Ano ang sasabihin mo sa kaibigan mong probinsyano?  

 a. Ano ang napansin ninyo sa inyong naging kasagutan? Naging pareho ba ang paraan ng
iyong pagbati para sa tatlong taong iyong nakasalubong?
 

b. Bakit kahit magkakapareho ang sitwasyon ay magkakaiba ang naging paraan mo ng


pagbati o  pakikipag-usap sa mga taong nabanggit?
_

Gawain 2
  Gumawa ng facebook wall. Magpaskil ng pagkakaiba ng homogenous o
heterogenous na wika sa iyong facebook wall. Lagyan rin ng sariling halimbawa.
 

 Gawain 3.
Basahing mabuti ang diyalogo. Matapos basahin ay sagutin ang kasunod na mga
katanungan.
   

 1.Tungkol saan ang ilustrasyon?

 2. Paano ginagamit ang mga salita sa ilustrasyon? May panghihiram ba ng mga salita                        
o wala?

  3. Ano-ano ang barayti ng wikang ginagamit? 

  

You might also like