Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 4

Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino

ARALIN 3
Mga Barayti ng Wika

“Mga barayti ng wika sa paligid ating igalang


Makatutulong ito sa mabisang pagkakaunawaan.”

Magandang Araw, sa iyo! Kumusta ka? Naging makabuluhan ba para sa iyo


ang nakuha mong aral matapos talakayin ang aralin 2? Sa bagong araling ito’y
maiuugnay mo ang mga konseptong pangwika sa mga napakinggang
sitwasyong pang-komunikasyon sa telebisyon at radyo.

Heterogenous at Homogenous na Wika


Walang buhay na wika ang maituturing na homogenous dahil ang bawat
wika ay binubuo nang mahigit sa isang barayti. Masasabi lang kasing
“homogenous” ang wika kung pare-parehong magsalita ang lahat ng gumagamit
ng isang wika (Paz, et, al. 2003). Subalit hindi ganito ang wika sapagkat
nagkakaroon ito ng pagkakaiba-iba sanhi ng iba’t ibang salik panlipunan tulad ng edad, hanapbuhay o trabaho,
antas ng pinag-aralan, kassarian, kalagayang panlipunan,rehiyon, o lugar, pangkat- etniko o tinatawag ding
etnolingguwistikong komunidad kung saan tayo’y nabibilang, at iba pa. Ipinapakita ng iba’t ibang salik
panllipunang ito ang pagiging heterogenous ng wika. Ang iba’t ibang salik na ito ay nagreresulta sa pagkakaroon
ng iba’t ibang barayti ng wika.

Barayti ng Wika
Hindi maiiwasan ang pagkakaroon ng barayti ng wika dahil sa pakikipag-
ugnayan ng tao mula sa ibang lugar na may naiibang kaugalian at wika. Mula sa
pag-uugnayang ito ay may nalilinang na wikang may pagkakaiba sa orihinal o
istandard na pinagmulan nito.
Mula pa noon hanggang sa kasalukuyan ay sinisikap pag-aralan ang pagkakaroon ng iba’t ibang barayti
ng wika. Mababanggit dito ang tungkol sa Tore ng Babel mula sa biblia sa Genesis 11:1-9.

Sa kasalukuyang panahon ay pinag-aaralan ang isang wika sa loob ng kapaligiran at karanasan ng mga
nagsasalita nito. Ito ang nagbubunga ng sitwasyon at mga pangyayaring nagreresulta sa tinatawag na divergence,
ang dahilan kung bakit nagkaroon ng iba’t ibang uri o barayti nng wika (Paz, et. al. 2003).

DAYALEK
Ito ang barayti ng wikang ginagamit ng partikular na pangkat ng mga tao mula sa
isang partikular na lugar tulad ng lalawigan, rehiyon, o bayan. Maaaring gumagamit ang
mga tao ng isang wikang katulad ng sa iba pang lugar subalit gumagamit ang mga tao sa
isang wikang katulad ng sa iba pang lugar subalit naiiba ang punto o tono, may
magkaibang katawagan para sa iisang kahulugan, iba ang gamit na salita para sa isang
bagay, o magkakaiba ang pagbuo ng mga pangungusap na siyang (Paalala:
nagpapaiba
Angsa dayalek
guro ng lugar sangiba
ang magwawasto pang
sagot)
lugar. Halimbawa, dayalek ng wikang Tagalog ang barayti ng Tagalog sa Morong, Tagalog sa Maynila, at Tagalog
sa Bisaya. Ang isanng Bisayang nangsasalita ng Tagalog o Filipino, halimbawa, ay may tonong hawig sa Bisaya
at gumagamit ng mga leksikon o ilang bokabularyong may pinagsamang Tagalog ng Cebuano, Ilongo/Hiligaynon,
Kinaray-a, Waray, Samarnon, Aklanon, at iba pa.
Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino

Makikita rin sa barayting ito ang magkaibang kahulugan ng ilang bokabularyo ng mga taong pare-parehong
nagsasalita ng iisang wika tulad ng nasa ibaba:

Tagalog Rizal Tagalog sa Teresa, Morong, Cardona, at Baras

palitaw diladila

mongo balatong

makikipagkasalan magkakangay

timba sintang

hikaw panahinga

ate kaka

tatay tata

lolo amba

biik kulig

lola inda, pupu, nanang

sitaw gulay, pinugo

latek kalamay hati


Mula sa:
Paz, et. al. 2003 Ang pag-aaral ng Wika. University of the Philippines Press. Diliman, Quezon City.

IDYOLEK
Kahit iisang dayalek ang sinasalita ng pangkat ng mga tao ay mayroon pa ring pansariling
paraan ng pagsasalita ang bawat isa. Ito ang tinatawag na idyolek. Sa barayting ito,
lumulutang ang katangian at kakanyahang natatangi ng taong nagsasalita.
Madalas na nakikilala o napababantog ang isang tao nang dahil sa kanyang natatanging
paraan ng pagsasalita o idyolek. Kilala ang idyolek ni Marc Logan kung saan mahilig
siyang gumamit ng mga salitang magkakatugma sa mga nakakatawang pahayag.
Nagiging viral din sa Youtube ang pabebe Girls na nakilala at ginaya pa ng marami sa nausong dub smash dahil
sa kanilang “pabebeng” idyolek. Kilala rin ang idyolek ng mga bantog na mga komentarista sa radio at telebisyon
tulad nina “Kabayan” Noli De Castro, “Magandang Gabi, Bayan”; Mike Enriquez, “Hindi namin kayo
tatantanan!”; Mareng Winnie, “Bawal ang pasaway kay Mareng Winnie!” Nariyan din ang idyolek ng iba pang
kilalang personalidad na madalas nagagaya o nai-impersonate tulad nina Kris Aquino, “Aha, ha, ha! Nakakaloka!
Okey! Darla!”; Ruffa Mae Quinto, “To the highest level na talaga itoh!”; Donya Ina (Michael V), “Anak, paki-
explain. Labyu”; at marami pang iba.

SOSYOLEK
Ito ang barayti ng wikang nakabaatay sa katayuan o antas panlipunan o dimensiyong sosyal ng mga taong
gumagamit ng wika. Kapansin-pansin ang mga taong nagpapangkat-pangkat batay sa ilang katangian tulad ng
kalagayang panlipunan, paniniwala, oportunidad, kasarian, edad, at iba pa. May pagkakaiba ang barayti ng
nakapag-aral sa hindi nakapag-aral; ng matanda sa mga kabataan; ng mga maykaya sa mahihirap; ng babae sa
lalaki, o sa bakla; gayundi ang wika ng preso; wika ng tinder sa palengke; at ng iba pang pangkat. Ayon kay
Rubrico (2009), ang sosyolek ay isang mahusay na palatandaan ng istratipikasyon ng isang lipunan, na siyang
nagsasaad sa pagkakaiba ng paggamit ng wika ng mga tao na nakapaloob ditto batay sa kanilang katayuan sa
Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino

lipunan at sa mga grupo na kanilang kinabibilangan. Para matanggap ang isang tao sa isang grupong sosyal,
kailangan niyang matutuhan ang sosyolek nito.
Kabilang sa sosyolek ang “wika ng mga beki” o tinatawag ding gay lingo. Ito’y isanng halimbawa ng
grupong nais mapanatili ang kanilang pagkakakilanlan kaya naman binabago nila ang tunog o kahulugan ng salita.
Halimbawa ang mga salitang Churchill para sa sosyal, Indian Jones o nang-indyan o hindi sumipot, bigalou o
malaki (big), Givenchy o pahingi (give), Juli Andrews o mahuli, at iba pa. ang unang intensiyon sa paggamit ng
wikang ito ay para magkaroon sila ng sekretong lengguwaheng hindi maintindihan ng mga taong hindi kabilang
sa kanila, subalit sa kasalukuyan, nagagamit narin ito ng nakararami. Isanng patunay na ang wika ay buhay at
mabilis yumabong. Patunay rin ito na malakas ang impluwensiya ng “gay lingo” dahil hindi nalang sa mga beauty
parlor naririnig ang mga ito kundi sa iba’t ibanng lugar at pagkakataon na rin. Halimbawa, sa palitan ng
patutsadahan ng mga tagapagsalita ng kampo ng Pangulong Aquino at ni VP Binay na nag-uugat sa “True State
of the Nation Address” o TSONA ng pangalawang pangulo. Tinawag ni Lacierda na ‘charot’o isang biro ang
TSONA ni VP Binay. Sumagot naman si Joey Salgado, tagapagsalita ng Office of the Vice President ng “Imbey
ang fez ni Secretarush dahil trulalu anng spluk ni VP. Pero ang SONA ng pangulo, chaka ever sa madling pipol
dahil hindi trulalu.
Maraming magkakaibang komento ang inani ng patutsadang ito. May mga hindi sumang-ayon at agad
pinuna ang sahutan ng dalawang kampo at ang wikang ginamit. May mga naaliw rin tulad ni dating Commissioner
Ruffy Biazon na nagpost sa kanyang Twitter account ng ganito, “binggacious ang tarayan, naloka aqui.”
Nabibilang din sa barayting sosyolek ang wika ng mga “coño” na tinatawag ding coñotic o conyospeak
isang baryant ng Taglish. Sa Taglish ay may ilang salitang Ingles na inihahalo sa Filipino kaya’t masasabing may
code switching na nangyayari. Halimbawa, sa pangungusap na “Billisan mo at late na tayo” kung saan ang salitang
Ingles na late ay naihalo sa iba pang salita sa Filipino. Sa “coñotic” o “conyospeak” ay mas Malala ang paghahalo
ng Tagalog at Ingles na karaniwang ginagamitan ng pandiwang Ingles na make na ikinakabit sa mga pawatas na
Filipino tulad ng ‘make basa, make kain, make lakad”, at madalas ding kinakabitan ng mga ingklitik sa Filipino
tulad ng pa, an , lang, at iba pa. ito ay karaniwang maririnig sa mga kabataang may kaya at nag-aaral sa mga
ekslusibong paaralan. Ang ganitong uri ng pagsasalita ay karaniwang ipinagtataas ng kilay ng nakararami.
Makikita sa ibaba ang usapan ng magkaibigang gumagamit ng “conyospeak.”
Kaibigan 1: Let’s make kain na.
Kaibigan 2: Wait lang. I’m calling Anna pa.

Kaibigan 1: Come on na. We’ll gonna make pila pa. It’s so haba na naman for sure.
Kaibigan 2: I know, right. Sige, go ahead na
Kung ang coño ay sosyolek ng mga “sosyal” o “pasoyal” na mga kabataan, may isa pang
batayti ng sosyolek para naman sa mga kabataang jologs, ang “jejemon” o “jejespeak”. Sinasabing ang salitang
jejemon ay nagmula sa pinaghalong jejeje na isang paraan ng pagbaybay ng hehehe at ng salitang mula sa Hapon
na pokemon. Ang jejemon o jejespeak ay nakabatay rin sa wikang Ingls at Filipino subalit isinusulat nang may
pinaghalo-halong numero, mga simbolo, at may magkasamang malalaki at maliliit na titik kata’t mahirap basahin
o intindihin lalo ng hindi pamilyar sa tinatawag na jejetyping. Noong una’y nagsimula lang ito sa kagustuhang
mapaikli ang salitangn itinatype sa cell phone upang mapagkasya ang ipinapadalang SMS o text message na may
limitadong 160 puwang kada mensahe para sa mga titik, numero, at simbolo lang kaya sa halip na “Nandito na
ako” pinapaiikli at nagiging “d2 na me.” Subalit kalaunan, sa halip na mapaikli ay napahahaba pa ng mga jejemon
ang salita o mensaheng ginagamitan ng mga titik, numero, at mga simbolo. Madalas na nagagamit ang mga titik
H at Z sa mga salita ngn jejemon. Makikita ang ilang halimbawa sa ibaba:
• 3ow phow, mUZtAh nA phow kaOW? “Hello po, kumusta na po kayo?”

• aQcKuHh iT2h “Ako ito.”


• iMiszqcKyuH “I miss you.”
• MuZtaH “Kumusta?”
Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino

Maliban sa mga nabanggit, ang sosyolek ay maaari ring tumukoy sa pangkat ng isang propesyon, partikular na
ttrabaho, o gawain ng tao. Ang jargon o mga natatanging bokabularyo ng particular na pangkat ay
makapagpapakilala sa kanilang trabaho o Gawain. Hallimbawa, ang mga abogado ay makikilala sa mga jargon
na tulad ng exhibit, appeal, complaint, at iba pa.

ETNOLEK
Ito ay barayti ng wika mula sa mga etnolingguwistikong grupo. Ang salitang etnolek ay nagmula sa ppinagsamang
etniko at dialek. Taglay nito ang mga salitang nagiging bahagi na ng pagkakakilanlan ng isang panngkat-etniko.
Halimbawa’y ang sumusunod:
• Ang vakkul na tumutukoy sa gamit ng mga Ivatan na pantakip sa ulo sa init man o sa ulan

• Ang bulanon na ang ibig sabihin ay full moon


• Ang kalipay na ibig sabihin ay tuwa o ligaya
• Ang palangga na ang ibig sabihin ay mahal o minamahal

• Ang paggamit ng mga Ibaloy ng SH sa simula, gitna, at dulo ng salita tulad ng shuwa (dalawa), sadshak
(kaligayahan), peshen (hawak)

REGISTER
Ito ay barayti ng wika kung saan naiaangkop ng isang nagsasalita ang uri ng wikang ginagamit nita sa
sitwasyon at sa kausap. Nagagamit ng nagsasalita ang pormal na tono ng pananalita kung ang kausap niya ay
isang taong may mas mataas na katungkulan o kapangyarihan, nakatatanda, o hindi niya masyadong kakilala.
Parmal na wika ri anng nagagamit sa mga pormal na pagdiriwang o pangyayari tulad ng pagsimba o pagsamba,
sa mga seminar o pagpupulong, sa talumpati, sa korte, sa paaralan, at iba pa.kapag sumusulat ng panitikan, ulat
at iba pang uri ng pormal na sanaysay ay pormal na wika rin ang ginagamit.
Ang di pormal na paraan ng pagsasalita ay nagagamit naman kapag ang kausap ay mga kaibigan, malalapit
na kapamilya, mga kaklase, o mga kasing-edad, at ang matatagal na kakilala. Nagagamit ito sa mga pamilyar na
okasyon tulad ng kasayahang pampamilya o magbabarkada gayundin sa pagsulat ng lihampangkaibigan, komiks,
sarililng talaarawan, at iba pa.
Isang halimbawa nito’y ang pagsasabing “Hindi ako makakasama, wala akong datung” kapag kaibigan
ang kausap pero nagiging “Hindi ako makakasama dahil wala po akong per” kapag sa guro na sinasabi ang
sitwasyon.
PIDGIN AT CREOLE
Ang pidgin ay umusbong na bagong wika o tinatawag sa Ingles na ‘nobody’s native language’ o
katutubong wikanng di pag-aari ninuman. Nagyayari ito kapag may dalawang taong nagtatangkang mag-usap
subalit pareho slang may magkaibang unang wika kaya’t di magkaintindihan dahil hindi nila alam ang wika ng
isa’t isa. Halimbawa’y ang nagyari ng dumayo ang mga Espanyol sa Zamboanga at makipag-usap sila sa mga
katutubo roon. Dahil pareho silang walng nalalaman sa wika ng bawat isa kaya nagkaroon sila ng tinatawag na
makeshift language. Wala itong pormal na istruktura kaya’t ang dalawanng nag-uusap ang lumilinang ng sarili
nilang tuntuning pangwika. Sa kaso ng mga Espanyol at katutubo nng Zamboanga, nakalikha sila ng wikang may
pinaghalong Espanyol at wikang katutubo. Pidgin ang tawag sa nabuo nilang wika.
Kalaunan, ang wikang ito na nagsimula bilang pidgin ay naging likas na wika o unang wika ng batang
isinilang sa komunidad nngn pidgin. Nagamit ito sa mahabang panahon, kaya’y nabuo ito hanggang sa magkaroon
ng pattern o mga tuntuning sinunod na ng karamihan. Ito ngayon ay tinatawag nang creole, anng wikang nagmula
sa isang pidgin at naging unang wika sa isang lugar. Halimbawa, ang sinisimulang wika ng mga Espanyol at
wikang katutubo sa Zamboanga ay pidgin subalit nang maginng unang wika na ito ng mga batang isinilang sa
lugar, nagkaroon ng sarilling tuntuning panggramatika at tinawag na Chavacano (kung saan ang wikang katutubo
ay nahaluan na ng impluwensiya at bokabularyo ng wikang Espanyol o Kastila) at ito ngayon ay nagging creole
na.
Batid kong lubos mo nang naunawaan ang aralin na ating tinalakay tungkol sa Mga
Konseptong Pangwika.
Sa puntong ito, ay mayroong mga Gawain na iyong dapat masagutan. Dito ko matitiyak kung
may nakuha kang aral mula sa ating aralin na tinalakay. Ito’y makikita sa susunod na pahina.

You might also like