Download as doc, pdf, or txt
Download as doc, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Kaalaman, Hindi Kamalian

Bumaba ang kalidad ng edukasyon sa paglitaw ng mga nailimbag na aklat na may mali maling nilalaman
na natuklasan ni Academic Supervisor Antonio Calipjo Go.

Ang nasabing pangyayari ay natuklasan lamang pagkatapos makita ang kamalian ng librong Asya: Noon,
Ngayon at sa Hinaharap. Nakitaan ni Go ang nasabing history book ng mahigit 1,110 factual mistakes.

Ayon kay Go, marami pa palang maling libro at hindi lamang sa public school kundi pati sa private man.

Nakagigimbal ding malaman na sa pagsasaliksik ni Go, 24 na libro na ginagamit sa private school ang
maraming mali. Ang mga libro ay ginagamit sa English at Science.

At ang mas nakagigimbal pa, ang mga librong 53 Science ay sinulat ng mga teachers sa Ateneo de Manila
University samantalang ang English textbooks ay sinulat naman ng mga teachers sa St. Theresa's College
of Quezon.

Idinagdag pa niya na ang unang libro na nakitaan niya ng mali ay ilang taon nang ginagamit bago
natuklasan ang mga mali. lbig sabihin, marami nang naisilid sa utak ng mga estudyante bago pa nabuking
ang mga mali.

Ang nakagugulat pa, ang history book ay nakasulat sa Filipino kaya hindi na nakapagtataka kung ang
Science at English textbooks ay marami ring mali.

Ang mga maling impormasyon sa libro ang maaaring nagiging dahilan kung bakit maraming estudyante
ngayon ang bumabagsak sa pagsusulit at ito din ang dahilan kung bakit maraming gumagraduate ng high
school na nahihirapang magbasa ng English.

Sinabi ng Departamento ng Edukasyon na maghihigpit sa pag-aapruba ng mga libro para sa mga


pampublikong school kaya dadaan sa masusing pagsusuri ang mga libro bago maipamahagi sa mga
estudyante.

Nararapat lamang na ganyan ang gawin ng DepEd at baka may makalusot na naman. Imonitor ang mga
libro bago maipamahagi at baka makulta na naman ang utak ng mga estudyante sa mga maling
impormasyon.

Ang pangyayaring ito ay hindi katanggap tangap sapagkat ang mga maling katuruan sa mga mag-aaral ay
hindi na mababawi pa.

Nakakasigurong marami pang libro ang marami pang mali at dapat itong makita sa lalong madaling
panahon.

You might also like