Nagsimula Ang Nobela Sa Pagmamartsa NG Magtatapos Sa Kinder

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Nagsimula ang nobela sa pagmamartsa ng magtatapos sa kinder, isa si Maya, ang anak ni Lea kay

Ding ay gragradwayt ng oras ng iyon. Bago simulan ang pagbibigay ng honors ay may inilatag na
isang programa ang paaralan, yung ay ang Ms. Kinder ’83, kasali si Maya sa mga kalahok. Hindi
hinayaan ni Lea na lagyan ng kahit na anong panretoke sa mukha o kahit lipstick man lang si Maya
dahil naniniwala si Lea na ang ganda ng isang bata ay wala sa mayk-up o kung anong kolorete sa
mukha. Tumulo ang luha ni Lea nang tanghaling Ms. Kinder ang anak, dali-dali niya itong pinicturan
ngunit ubos na ang kaniyang film. Ginawaran din si Maya bilang third honors. Nagkaroon ng konting
salo-salo sa bahay ni Lea na kung saan ang karamihan sa kanilang bisita ay mga bata, dumating
naman si Pilar sa kanilang bahay at inalok si Lea na isali si Maya sa contest ng Johnsons Johnsons at
iisponsoran nito ang bata ngunit ayaw na itong isali ni Lea sa kahit na anong contest. Nasa trabaho si
Lea nang mga oras na iyon nang tumawag si Raffy sa kaniya upang sila’y muling magkita at magka-
usap. Humingi si Raffy ng pabor kung maaaring makasama niya si Ojie, pumayag naman si Lea at
agad na sinabi ito kay Ojie, ngunit hindi sang-ayon dito si Ding, nagpumilit namang sumama si Maya,
at mahigpit na binilinan ito ni Ding na alamin ang bawat kilos ni Lea at Raffy. Nang magkitang muli
ang mag-amang Ojie at Raffy ay masayang-masaya ang dalawa, pumunta sila sa isang karnibal at
doon nagkaroon ng pagkakataon na magka-usap muli ng masinsinan sina Raffy at Lea, dito na umiyak
nang umiyak si Lea sa paglalabas ng sama ng loob nito kay Raffy, nalaman ni Lea na mayroon na
palang bagong asawa si Raffy at tatlong buwang buntis na ito. Tumira si Ojie sa kaniyang ama sa loob
ng isang buwan at pinayagan naman ito ni Lea ngunit ayaw itong paalisin ni Ding dahil wala raw
makakasama si Maya sa bahay pero wala nang magagawa pa si Ding. Nang makabalik na si Ojie sa
bahay ni Lea ay nagpatuli naman na ito, bagamang onse ayos pa lang ay gusto na nitong magpatuli.
Nagka-usap muli sina Lea at Raffy at sinabi ni Raffy na gusto niyang isama si Ojie sa Amerika. Araw na
nang pasukan at sinamahan na ni Lea si Maya sa silid nito, nalito pa ang guro sapagkat akala nito ay
De lara din ang apelyido ni Maya. Nagkaroon ng isang miting ang lahat ng magulang sa eskuwelahan
at nagpakilala ang bawat magulang. Nainis si Lea at nung siya na ang magsasalita ay sinabi nito na
huwag nang sayangin pa ang kanilang oras. Nagbotohan naman sila ng officers at may isang lalaki
doon na laging isinasali ang pangalan ni Lea sa mga kandidato, muli ay nainis siya at saka nagsalita
nang nagsalita. Nang mabasa ni Lea ang balita ay dali-dali itong pumunta ng kaniyang opisina upang
malaman ang nangyaring pagkamatay ni Ninoy Aquino, laman ito ng balita at libo-libong tao ang
nagprotesta dahil sa nangyari.Natapos na ang unang kuwarter ng pasukan at ibinigay na sa mga bata
ang kanilang report card at dahil sa malalim na pag-iisip ni Lea ay nagkapalit nang pirma ito sa report
card ng mga bata, kaya naman nagbigay siya ng sulat sa guro nito na kung maaari ay baguhin na lang
at magbabayad na lamang siya, pero ang sabi ng mga guro ng mga bata ay kanilan siyang kausapin
ng principal. Nang magka-usap ang principal at si Lea ay nalaman ng principal ang trabaho ni Lea at
humanga ito sakaniya dahil kaya niyang ipaglaban ang karapatan ng tao. Naging magkaibigan si Lea si
Mrs. Zalamea. Nasa trabaho si Lea nang tumawag ang kaniyang kapitbahay at ibinalita rito na
naospital ang kaniyang mga anak. Pagdating niya sa ospital ay bukol sa ulo ang natamo ni Ojie at
gasgas naman ang kay Maya, galit na galit na dumating sina Ding at Raffy, nanermon nang nanermon
ang dalawa na para bang siya lahat ang ay kasalanan sa nangyari, dahil din sa galit ni Lea ay iniwan
niya ang mga bata sa kani-kanilang ama. Dahil sa inis ay tinawagan ni Lea si Johnny ay niyayang
manood ng sine, pagkatapos nito ay inalok ni Lea si Johnny na makipag-anohan sa kaniya, nung una
ay ayaw nito pero kalaunan ay pumayag na rin. Nang makalabas na ng ospital ang kaniyang mga
anak ay naghanda siya ng kaunti upang makabawi sa mga ito dahil sa hindi niya pagdalaw. Pagkaraan
naman ng gabi ay tumawag ang asawa ni Johnny kay Lea at ibinalita rito ang pagkakakulong ni
Johnny sa salang PDA. Sumapit ang pasko at bagong taon, walang Ding na umuwi sa bahay ni Lea
ngunit nang umuwi ito ay sinabi ni Ding na may asawa na siya at nagpakasal sila noong pasko, at
gusto nitong isama si Maya. Natapos ang nobela sa pagpili ng kaniyang mga anak na sumama na
lamang sa kaniya kaysa sa kanilang mga ama at ang paggradwayt ni Ojie ng elementarya.

You might also like