Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Umiinog ang katha sa pambungad na pagtatapos ng kaniyang anak na

babaeng si Maya mula sa kindergarten. Nagkaroon ng palatuntunan at


pagdiriwang. Sa simula, maayos ang takbo ng buhay ni Lea – ang
buhay niya na may kaugnayan sa kaniyang mga anak, sa mga kaibigan
niyang mga lalaki, at sa kaniyang pakikipagtulungan sa isang samahan
na pangkarapatang-pantao. Subalit lumalaki na ang mga anak niya – at
nakikita niya ang mga pagbabago sa mga ito. Naroon na ang mga
hakbang sa pagbabago ng mga pag-uugali ng mga ito: si Maya sa
pagiging paslit na may kuryosidad, samantlang si Ojie sa pagtawid nito
patungo sa pagiging isang ganap na lalaki.
Dumating ang tagpuan kung kailan nagbalik ang dating asawa ni Lea
upang kunin at dalhin sana si Ojie sa Estados Unidos. Naroon ang takot
niyang baka kapwa kuhanin ng kani-kanilang ama ang kanyang
dalawang anak. Kailangan niya ring gumugol ng panahon para sa
trabaho at sa samahang tinutulungan niya.
Sa bandang huli, nagpasya ang mga anak niyang piliin siya – isang
pagpapasyang hindi niya iginiit sa mga ito. Isa ring pagtatapos ng mga
mag-aaral ang laman ng huling kabanata, kung saan panauhing
pandangal si Lea. Nagbigay siya ng talumpati na ang paksa ay kung
paano umiiral ang buhay, at kung paano sadyang kay bilis ng panahon,
na kasingbilis ng paglaki, pagbabago, at pagunlad ng mga tao. Nag-
iwan siya ng mensahe na hindi wakas ang pagtatapos mula sa paaralan
sapagkat iyon ay simula pa lamang ng mga darating pang mga bagay
sa buhay ng isang tao.

You might also like