Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Mga Kaugnay na Literatura

2012

Mahilig sa musika ang mga Pilipino ayon sa Diwa Scholastic Press (2006). Mayroong kaakibat na awitin
anuman ang ating gawin. Tayo ay umaawit upang maaliw ang ating sarili at para rin ang hirap natin sa
maghapong gawain ay mapawi. Nagpapasalin-salin ang mga awitin habang inaawit o hinihimig tuwing
naririnig hanggang sa lumaganap ito sa buong kapuluan. Hindi tayo tiyak sa lumikha ng mga awitin. Ang
tangi nating masasabi ay mahusay silang mag-ugnay ng mga magagandang salita sapagkat sila’y
nakakagawa ng himig habang ang paligid ay kanilang minamasid.

2019

Ayon sa pananaliksik, makakatulong ang musika sa komprehensyon ng mga mag-aaral upang magkaroon
ng hilig sa pagbabasa. Sa maikling panahon, nagkakaroon ng kaunlaran mula sa mahihirap na salita ang
mga mambabasa at mabibigyan ng kahulugan ang mga salita hanggang maunawaan ng mabilis ang
kaisipan ng buong tekso. Ang sinabi ni Dr. Gray na nakatutulong ang musika sa pagkokondisyon ng isipan
upang matuto ay binanggit ni Teo sa kanyang artikulo. Ang holistikong kasanayang panlinggwistika ay
malilinang sa pakikinig ng musika, tulad ng pagsusulat, pakikinig, pagbabasa at pagsasalita upang maging
kompetitib ang mga mag-aaral sa iba’t ibang larangan at maging handa sa mas mataas na lebel ng
edukasyon. Sinasabi na mayroong napapansin na pagbabago ng mga mag-aaral sa daloy ng dugo,
temperatura ng katawan, paghinga at pulso at ang musika ay nakatutulong upang sila ay maging
panatag at masunurin. Mayroong partikular na kombinasyon at “frequency” ang tunog at may epektong
positibo sa isang bahagi ng utak, ito rin ay naghahatid sa mga mag-aaral ng kalmadong epekto. Kapansin-
pansin ang pagbabago ng temperatura ng katawan, presyur ng dugo, bilang ng paghinga at bilang ng
pulso ng mga mag-aaral tuwing tinutugtog ang musika sa loob ng silid aralan at nakakatulong ang musika
na maging kalmado ang mga mag-aaral. Sa isinagawang pananaliksik ni Drowns, mayroong nakitang pag-
unlad sa naging resulta ng pag-aaral ang klasikal bakgrawnd na musika sa tahimik na pagbasang may
pag-unawa subalit ang mananaliksik ay may agam-agam na ang pag-unlad ay nakamit dahil sa
pamamagitan ng sole music o iba pang paktor na kabilang.

http://www.apjmr.com/wp-content/uploads/2020/01/APJMR-2019-7.1.08.pdf

2017

Sa pananaliksik, ang pakikinig ng musika habang nag-aaral ay may pakinabang dahil nahahasa ang
atensiyon, memorya, at mental na abilidad kabilang na sa math. Ito rin ay nakakakalma ng depresyon at
anxiety. Sa pag-aaral ng University of Whales, nakakatulong upang maalala ng mga mag-aaral ang mga
bagay na pinag-aralan mula sa ispesipikong pagkasunod sunod para sa pagsusulit ang bakgrawnd na
musika. Ngunit depende parin sa kaayusan ng apartment o bahay sa pakikinig ng musika ng bata.
Mainam na minsan ay earphones ang gamitin na sakto lang ang lakas tuwing nakikinig ito ng musika
habang nag-aaral.

https://www.philstar.com/pang-masa/para-malibang/2017/07/05/1716887/background-music-habang-
nag-aaral

You might also like